A Knight in Jersey Uniform

Da demoisellewerrerier

333 19 0

super slow update. Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 4

23 1 0
Da demoisellewerrerier

Pangalawang klase na namin para sa araw na ito at lahat kami ay tahimik na nakikinig sa terror na prof sa statistic.

Kahit konting galaw at ingay lang ay hindi namin magawa dahil ang mata niya ay umiikot sa apat na sulok ng silid.

"Do you understand what Im talking about?"

"Yes sir!"

"Let me see. Stand up Corpuz!"

"Y-yes sir?"

"What is statistical mechanics?"

"Statistical mechanics is. Is.. I dont know sir." Sagot ni Corpuz at napapahiyang yumuko.

"You don't know? E pano mo malalaman natutulog ka! Sasagot sagot ka pang naintindihan mo engot ka naman. Sitdown!"

"Anyone?!" Sigaw niya sa amin at napayuko naman kaming lahat.

"Walang sasagot? Sige singko na kayong lahat wag na kayong pumasok dito sa klase ko. Mga walang utak!"

"Sir sasagot po ako." Napalingon sa akin ang lahat habang unti-unti akong tumatayo.

"Ang lakas ng loob mong panget ka, o sagot ! I will not repeat the question."

"Statistical mechanics is a branch of mechanics dealing with the application of principles of the statistics to the mechanics of a system" 

"Sinong may sabing umupo ka na? May follow-up question pa! It is consist of what?"

"A-again sir?"

"Statistical mechanics consist of what? Panget ka na nga bingi ka pa. Aba naman!."

"Statistical Mechanics consist of a large number of parts having motions that differ by small steps over a large range. "

"Good. May alam ka naman palang panget ka."

"Sapat lang po ang nalalaman ko para masagot ang tanong niyo "

"Mayabang ka! Sitdown!"

Pagkatapos idismiss ng klase ay pumunta na ko sa cafeteria dahil ang sabi ni Kendra ay hihintayin nila ako dun. Pagdating ko dun ay natanaw ko na agad sila Kendra at Kendrick na nakaupo sa pinakadulong table. Kinawayan pa ako ni Kendra ng makita ako.

"Kanina pa ba kayo nandito?"

"Hindi naman kakadating lang din namin. Umorder na si Kendrick ng pagkain natin. Treat niya."

"Talaga? Salamat."

"Bat nga pala hindi ka nanonood ng practice game namin kahapon Zandra?". Tanong sakin ni Kendrick na gwapong gwapo sa kanyang pagkakangiti.

"May biglaang lakad kasi ako kahapon dapat talaga manonood ako."

"Ganun ba? Mahalaga siguro yang lakad mo kaya di ka nakanood . Nakakatampo naman dahil wala ka dun."Naginit ang muka ko at pakiramdam ko ay pulang pula nako ang muka ko.

"At kelan ka pa natutong magtampo Kendrick? Ikaw ha." Manunukso ni Kendra sa kanyang kambal kaya mas lalo akong namula.

"Tumigil ka nga dyan Kendra. Syempre kaibigan ko na rin si Zandra. Diba sa Zandra friends na rin tayo ? Haha"

"Oo."Pilit ang ngiti ang binigay ko sa kanya. Napahiya ako sa sarili ko dahil nagbigay ako ng malisya dun sa sinabi niyang nagtatampo siya. Oo nga pala , sa itsura kong ito. Wala ng magkakagusto sakin.

Pagkatapos nun ay kumain na kami pero hindi parin tumitigil sa kwentuhan.

"Alam mo ba Zandra tuwang tuwa si mom and dad kase may friend na ko dito. Gusto ka nga nilang makilala e. Pag may time ka isasama kita samin ha okay lang ba?"

"Nakakahiya naman."

"Ano ka ba? Wag ka ng mahiya basta isasama kita ha para ipakilala kita sa kanila."

" sige na nga. Makakatanggi pa ba naman ako sayo." At nagtawanan kami.

"Kendra, Kendrick . Hm, pwedeng magtanong?"

"Ano yun?" Sabay nilang tanong.

"Bakit ganyan kayo sakin? Mayaman kayo at sikat pero bakit ako yung kinaibigan niyo, alam niyo namang g- ganto lang ako."

"Don't say that Zandra. Wag mong sabihing ganyan ka lang. For me you're special. Saka hindi naman magaganda, sikat at makakapal ang wallet ang hinahanap kong kaibigan e. Yung simple lang at mabait." Nakangiting sabi sakin ni Kendra at tinanguan naman ako ni Kendrick .

"Salamat sa inyo. Di ko talaga ineexpect na magkakaroon pa ko ng kaibigan sa i-itsura kong ganto."

"Wag mo na ngang isipin yan. Kumain na tayo dahil malapit ng matapos ang break."

Pagtapos naming kumain ay dumiretso na kami para sa susunod na klase. Matapos ang dalawa pang klase ay nagsitayuan na ang mga estudyante dahil nagring na ang bell. Huli na akong nakalabas dahil inayos ko pa ang mga gamit ko.

Nang pababa na ko sa hagdan ay bigla akong naout of balance kaya nahulog ako. Mula sa taas ay napunta ako sa ikalimang na baitang ng hagdan. Nang tatayo na ako ay hindi ko maigalaw ang paa ko kaya nanatili lang akong nakaupo dun.

"Hey miss are you okay?" Tinignan ko yung lalaking nagtanong nun . Gwapo, maputi, matangos ang ilong at mukang may lahi.

"A-ayos lang. Kaya lang hindi ako makatayo."

"Jeyroz. What are you doing?" May dumating pa na isang lalaki na kaibigan ata nung lumapit sakin.

"Nakita ko kaseng nahulog siya sa hagdan kaya nilapitan ko. Ano miss? Are you okay? Makakatayo ka ba?" Nagaalalang tanong niya sakin at umiling ako habang napapapikit ang mata dahil sa sobrang sakit

"Tss." Tinignan ko kung sino yung suminghal at nakita ko ang isang lalaki na di ko inaasahang may ganung itsura pala. Kung ihahambing sa lumapit sakin ay mas gwapo ang isang to na nakatayo lang sa taas ng hagdan. May magandang mata, pilikmata na parang sa babae , mas matangos na ilong, manipis at mapula-pulang labi at may maputi at makinis na balat. Natigilan ako sa pagdedescribe sa muka niya ng maramdaman kong unti-unti akong umaangat at doon ko napagtanto na binubuhat ako nung lalaking unang lumapit sakin.

"Jeyroz, what the hell are you doing?"

Tanong nung lalaking huling dumating habang masamang nakatingin sa akin.

"I'm just helping her. Dadalin ko lang sa clinic."

"Youre not thinking again. Di mo ba naisip na baka nagpalaglag yan sa stairs dahil nakitang papadating tayo?Baka gustong magpapansin at dahil alam niyang tutulungan mo siya."

"Hahaha alam mo naman yang si Jeyroz may lahing superhero." Sabat naman nung lalaking pangalawang dumating kanina. Tinignan ko naman yung lalaki na kanina pang masama ang tingin sa akin.

"Excuse me. Hindi ko sinasadyang magpahulog ako sa hagdan, hindi ako tanga para magpahulog sa hagdan magisip ka nga! " sigaw ko sa kanya at mas lalong sumama ang tingin niya sakin. " at anong sinasabi mong nagpapapansin? Hoy kuyang may pagka mayabang hinding hindi ako magpapapansin sa inyo dahil hindi ko naman kayo kilala , sino ka ba ha? Masyado ka ng mayabang nagpi-feeling ka pa!."

"You don't know what are you saying bitch."

"J-jeyroz ihatid mo na sa clinic yan. Hihintayin ka nalang namin sa parking lot. T-tara na Van, wag mo ng patulan." Singit nung isang lalaki na kanina pa ngingisi ngisi pero sumeryoso ang muka ng nagkakasagutan na kami ng kaibigan niya.

"Sige , sandali lang ako. Just wait me there. "

"I don't get it kung bat kelangan mo pang tulungan yang panget na yan." Huling sinabi nung masungit na lalaki at sabay talikod.

"Mas panget ka. Ang panget ng ugali mo." Sinabi ko sa kanya at nilakasan ko talaga para marinig niya.

Naglakad na yung lalaking may buhat buhat sakin papunta sa clinic.

"Miss pasensya ka na kay Van ha, ganun lang talaga yun."

"Di mo kelangang magsorry. At kung di lang talaga masakit yung paa ko hindi ako magpapabuhat sayo."

"Ha? Bakit naman?"

"Dahil ayokong magkaroon ng utang na loob sa tulad niyong mga mayayabang."

"Hey watch your words."

"bakit naaapakan ba ego mo? Truth hurts."

Natahimik kami pareho. Alam kong nakakainis ang sinabi ko pero nagsasabi lang talaga ako ng totoo. Nang malapit na kami sa clinic ay may mga estudyante ng nakakakita samin kaya nagsimula na naman ang mga bulungan.

"Oh my. Look! Jeyroz carrying the ugly girl. What the hell is happening!."

"She' s a flirt. I knew this. Papanget panget pero may tinatago ring kalandian."

"Ugh! I want to  slap her. Si Jeyroz pa talaga ang nilalandi niya. Bitch."

Pagpasok namin sa clinic ay agad akong pinahiga sa kama ng nurse ay inelevate ang paa ko.

"What happen Mr.Marasigan?" Tanong ng nurse dun sa lalaking nagdala sakin.

"I don't know. Nakita ko lang siya nung nahulog siya sa hagdan. Hindi siya makatayo kaya dinala ko dito. By the way, i have to go. Kayo na bahala sa kanya."

"Okay. Thankyou." Sabi ng nurse sa kanya na para bang nagpapacute pa.

Tumingin sakin lalaki at pilit akong nginitian.

"Salamat." Tipid na sabi ko sa kanya at tinanguan nya lang ako bago lumabas sa clinic.

"Miss, may susundo ba sayo dito?"

"Wala po."

"E pano ka makakauwi nyan kung di ka makakalakad? May friends ka ba dito, baka pwede nating ipatawag para maihatid ka sa inyo?"

"Yes nurse. Si Kendra Dominguez po. "

"Really? Ms. Dominguez is your friend? " gulat na gulat na tanong niya na parang hindi makapaniwala.

Matapos ang 30 minuto ay dumating na si Kendra sa clinic at alalang-alala.

"What happen ? What happen Zandra? Are you okay?"

"Hm. Ayos lang. Hindi lang makapaglakad."

"Gusto mo dalin na kita sa hospital? "

" salamat nalang pero gagaling din to, ielevate lang daw mamayang gabi at aayos din."

"Sige. Tinawagan ko na yung driver ko para tulungan ka sa paglabas. Ihahatid ka nalang nami sa inyo."

"Ganun ba? Salamat. Pasensya na rin kung nakaistorbo ako."

"Nako hindi naman. Saka ang tagal ko nga bago nakapunta pano kase di pa tapos yung last subject namin."

Pagdating ng driver nila ay inakay nila ako papunta sa parking lot at sinakay sa mamahalin nilang sasakyan na para ngang bago pa.

Habang nasa sasakyan kami ay hinihilot ni Kendra ang paa ko, nung una ay ayaw kong pumayag dahil nakakahiya sa kanya pero masyado siyang mapilit at magtatampo daw pag hindi ako pumayag.

Matapos ang 10 minuto ay nakarating na kami sa tapat ng apartment ko. Inalalayan naman ako ni Kendra na papasok sa loob.

"Ikaw lang mag-isa dito diba? Kaya mo ba? "

"Oo. Nakakaya ko na namang tumayo kahit papano."

"Are you sure?" Nagaalalang tanong niya at tinanguan ko lang.

"I'll get your cellphone number and ibibigay ko rin ang cellphone number ko , incase na sumakit yan lalo at di mo na talaga kaya tawagan mo na lang ako."

"S-sige. Salamat talaga Kendra."

"Nako wala yun. Osige na I have to go, babalikan pa namin si Kendrick sa university for sure tapos na yung practice game nila."

" sige ingat ka.pasensya sa abala."

Pagkaalis nila ay pinilit kong tumayo para makapagpalit ng damit. Inayos ko rin ang mga binili ni Kendra na pagkain sa dinaanan naming fastfood kanina, binili niya na ako ng pangdinner ko  para daw hindi na ko magluto. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at inelevate ko ang paa ko katulad ng ginawa ng nurse bukas. Kelangang gumaling ito agad dahil ayokong lumililiban ako sa klase.

Continua a leggere