Chapter 45 Music
# April
“GOOD MORNING PEOPLE!” as expected walang pumansin saken, lagi naman at sanay na ako dun, tinulak ako ni Dave, kasabay ko sya pumasok
“alis! Nakahara ka sa pintuan” sungit talaga nito kahit kelan pero katulad na lang ng pang dededma saken ng mga kaklase ko kapag bumabati ako sa umaga, sanay na ako haha
Dumiretso ako sa aking upuan hay! Balik na naman kami sa regular classes, ano kayang magawa ngayon? Napatingin ako kay Dave, nagbabasa sya ng libro, horror naman ngayon lagi syang ganito, may narinig kaming naggigitara at pumasok sa room namin si Jake pala simula nung maging sila ni Prez. Mary lagi na syang nangunguna sa pansin ng klase nagpapasikat kay Mary, si Prez. Mary naman aba madalang na manapak kay Jake nagbaliktad na nga silang dalawa eh, sya na ang under ni Jake, galing ni Jake huh
“call her for the first time yesterday” nagsimula na nga po kumanta si Jake at humarap kay Prez. Mary, si Mary naman di sya tinitingnan suplada lang ang peg?
“I finally found the missing part of me, not so close but not so far away, leave me without anything to say” saka pa lang sya tiningnan ni Mary
“now im speechless over the edge im just breathless I never thought that I’ll catch this love bug again…” sumasabay na ang ibang nakakaalam ng kanta, napatigil na din sa pagbabasa si Dave
“hopeless head over heels on the moment, I never thought that I’ll get hit by this love bug again” ang galing ni Jake mangharana ah, napapatuktok na yung iba sa desk nila na parang nagbi-beatbox at nakikikanta, wow lang ha soundtrip kami ngayon, napatigil lahat ng tumuktok sa lamesa si Mam Adunay hahaha andun na pala sya sa unahan wala man lang nakapansin
“ehem class! I’m already here…”
“mam adunay welcome back po namiss namin kayo” ang ever sipsip na si Pinky
“I know….namiss ko din kayo”
“ayie…….”napatawa lahat
“since January ngayon at balik na tayo sa regular classes, you should all know that we need your ¼ sheet of paper ang write down your new years resolution” napa angal lahat sa sinabi ni mam
“aga aga Monday na Monday makapagbuntong hininga kayo jan parang di kayo nagbakasyon, ok sige as I call your name you go infront and tell us your new years resolution” lalo umangal ang klase
“ok ganun na lang first call syempre ang bida ng last year at baka bida pa rin ngayong year…April Renas” nagsipalakpakan lahat ako pa talaga inuna ni mam ha! tumayo ako at humarap sa unahan
“ok class makinig magsasalita na ang ating celebrity”
“ahm….actually wala akong balak magkaron ng resolution, pero dahil inspired ako…..” nagtinginan sila lahat kay Dave
“siguro may isa akong babaguhin sa sarili ko ahm…yung pagbubutihan ko na pag aaral ko at hindi na ako magiging pasaway”
“booooooo! Imposible yan…hahahaha” nangaasar mga kaklase ko
“oi asa kayo kaya kong gawin yun no!”
“ok…..who will be next to you Ms. Renas?”
“si Dave po”
“well that was expected” nagtawanan lahat kami tumayo si Dave at sya naman ang nagsalita
“new years resolution ko? Ahm…. Hindi na ako sasabay umuwi kay April para iwas gulo” naghagalpakan ng tawa ang buong klase
“ang sama mo Dave!” tinawanan lang nya ko, ganun din ginawa ng iba pa naming kaklase puro kalokohan walang matinong sagot ang makukuha sa buong klase
After ng klase sa umaga recess na dating gawi sama sama kaming nagrecess ah! nakita ko yung babae na nagbigay ng letter kay Dave, ikwinento ko sya sa mga girls dapat pala di ko na ginawa kasi inasar lang nila ako ng inasar eh, nakikita ko yung Janine na yun na nginingitian si Dave tapos titingin din saken, ngingiti din, hindi ko feel yung ngiti nya saken naiinis lang ako, di naman kami magkagalit ewan ko ba kung bakit ako ganito basta asar ako dun sa babaeng yun
“April tara na!” siniko ako ni Mori ay! Tapos na agad ang recess PE na ang sunod naming klase, bitin ang recess….hmmft!
# Dave
Kaasar naman eto ang ayoko kapag PE eh lagi akong hila hila sa court at maglalaro hassle kaya tinatamad kasi ako eh itong si Mori naging sila lang ni Pinky kung makapagyabang parang si Jury narin akalain mo bang pati basketball sinalihan na din nya dahil sinabi lang ni Pinky na cool daw panuorin ang mga naglalaro ng basketball, hindi ko talaga magets ang mga babae
“Dave bakit di ka maglaro papanuorin ka ni April oh” katabi ko si Jake and we lousily sit on the bleachers
“tinatamad ako tsaka walang interes si April sa basketball ni hindi nga sya nacurious jan eh, lahat na ata ng sports sinalihan na ni April maliban sa basketball ni minsan hindi ko nakita maglaro nyan si April kahit pa dun sa court sa barangay namin”
“ayaw mo mag laro kasi di ka papanuorin ni April?”
“hindi! Ayoko sadya! Nakakatamad eh”
“oi April maglalaro daw si Dave panuorin mo daw sya” sigaw ni Jake napalingon agad ako kay April na nasa kabilang side ng court tumawa lang sya at nag thumbs up
“loko ka Jake sinabi ng ayoko maglaro”
“papanuorin ka daw nya” sabay ngisi saken ni Jake at tulak papasok ng court ang bait ha! Pasalamat sya di ako nagdagasa sa pagkakatulak nya saken, napalingon ako kay April nakatingin sya saken nakangiti, bwisit! Tsk!
“Mori! Pasale nga!” manuod kang babae ka kung hindi sasapakin kita, sinenyasan ko sya na manuod saken gamit ang aming secret sign, turo sa dalwang mata sabay turo sa kanya astig di ba? Di din!
Masaya ang laro at ginanahan talaga ko kasi chinicheer ako ni April, ewan ko ha feeling ko lang naman na kapag sumigigaw sya ng “go Dave!” sa pinakamalakas nyang boses nadadagdagan energy ko, korni! Tsk!, kaso naman di ko napansin na nasa gitna na pala nina April at Pinky si Mori, ang kupal na lalaki yun pwede naman dun na lang tumabi sa shota nya tatabi din kay April, lakas ng loob ha umakbay pa kay April
“tangna ka Mori bumalik ka dito sa court!”
“pahinga muna ako kayo muna” tsk! Abat sinisiko siko si April lakas talaga ng sapak ng lalaking ito
“lumayo layo ka Mori sa girlfriend ko tatamaan ka na saken tamo!” nakakainis na ha, yung manyak na kumag na yun talaga ang mabilis makapuno saken, tumayo sya at lumipat ng pwesto sa tabi na ni Pinky, buti naman, tinawanan lang ako ni April, napakabait na girlfriend tss..
# Luigi
Music ang second class, ari gang si Jake lang ang pwede magpasikat syempre ako din lalo pa ngayon medyo na nanamlay relasyon namin ni Nella kelangan gawan ng paraan simula kasi nung sinabi ko sa kanya na sa TIME ako magco-college di na ako masyado iniimikan di naman daw sya galit ang hirap pa naman suyuin ni Nella minsan kaya idadaan ko na lang sa gitara hahaha PNE lang?
“I can’t wait another night to see you gonna satisfy my sweet tooth a little like reeses falling into pieces tell me there’s a way to do this, I just wanna kiss your hot lips girl you make me melt like chocolate, jaw breaker you got the kiss that I wanna savor ” kahit di ako masyadong magaling kumanta at lis naharana ko sya oh di ba points na din yun
“ oh oh oh oh life saver your my life saver, oh oh oh oh you got the love with a thousand flavors” yung mga kaklase ko nakikiindak na din sa tinutugtog ko
“oh oh oh oh and I really want mo oh oh ore I know your love is such a sugar rush and I can never get enough im like oh oh oh ho and I really want mo …re yeah honey you’re the sweetest thing ive never seen before im like a kid in the candy store”
# Mori
Uso ata talaga ngayon ang pasikatan papahuli ba naman ako syempre oo huli na nga ako sa boys eh, girls na ang sunod
“ehem…this song is for my one and only Pinky” parang PNE lang hahaha
“ayie……..” ahahaha nahiya bigla si Pinky, syempre habang nakanta ako nakatingin lang ako kay Pinky di ako masyado magaling sa ganito at first time ko lang to ginawa medyo kinabahan din ako pero salamat sa diyos nairaos ko hahahaha, pero may isa pa pala si Dave pa
“ok next! Dave!” sigaw ko umiling lang si Dave basta ganito talaga di mo mapilit ang taong to himala na lang na mapakanta mo to kaya nga nung sa talent portion nila nun ni April sa search nagsayaw lang sila, wala kahit anong pilit ayaw talaga!
“ako na lang!” ayan na po nagprisenta na ang prinsesang celebrity ng room namin ika nga ni mam Adunay siguro naman kilala nyo na, ok never ko pa narinig kumanta ang babaeng ito lets see na lang kung magaling sya
“ehem! This song is for mr. fontelion” ay gaya gaya si April, walang originality ahahaha inulit sila ng buong klase
“puro couples pala sa section na ito ano?” tanong ni sir Aguilar ang pinaka cool na subject teacher namin pinaka close na pati
“yes sir…..” sabay sabay naming sagot
“ok game!” Nagstrum na si April
“hindi nga pala ako marunong mag gitara” sarap batuhin nito ni April! Binigay nya ang gitara kay Jake at umubo ubo sa unahan
“ok seryoso na…..” naghihintay ang buong klase sa kanya, tahimik na ang lahat handa ng makinig sa kanyang kanta
“bahay kubo…..kahit…munti” naghagalpakan ng tawa ang buong klase
“umupo ka na April bwisit ka!” tatawa tawa si sir habang pinapagalitan si April basta talaga si April puro kalokohan! Hay! Asa pa naman ako na makanta nga talaga sya si Dave naman parang di na mauulian sa kakatawa sa shota nya grabe talaga!
# April
Ang sama ng mga kaklase ko talaga kahit kelan makapanglait ah! pasalamat na lang sila napatawa ko sila eh sa hindi naman talaga ako nakanta eh, buti nga may alam pa akong kanta kahit sintunado nakanta ko pa rin ang hirap kayang harapin ang kahihiyan, naglabasan na sila ng room after ng music period namin, uwian na kasi kami at heto ako naglilinis ng room bakit? Kasi ako daw ang worst performer kanina takte! Kung alam ko lang di na sana ako nagpresinta
“tapos ka na?” pumasok si Dave sa room at binuksan yung cabinet kinuha yung itinagong gitara ni Jake duon
“tutugtugan kita para mainspired ka maglinis
“no thanks lumayas ka na lang baka maibato ko pa sayo tong walis”
“ahahaha seryoso? Ayaw mo pakinggan boses ko?”
“kanina ko pa naririnig boses mo actually nakakairita na nga eh”
“ganun?” tuloy tuloy lang ako sa pagwawalis kelangan na tapusin to kundi aabutin na namn ako dito ng ala sais mamumura na naman ako ni kuya dahil ginabi ako ng uwi tapos kung ano ano na namang iisipin kung san ako galing, sino kasama ko, bwisit lang kapag ganun
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ko ng maramdaman kong yumakap sa likuran ko si Dave nagulat ako dun ah!
“oi! Pawisan ako! Ang init! layo!”
“ayaw!” kinuha nya yung gitara at nagsimula tumugtog yakap pa rin nya ako dikit na dikit nga sya saken eh grabe nga, nakakailang ang baho ko na kaya amoy pawis na ako tapos sya ang bango pa rin
“what day is it? And in what month this clock never seem so alive” wah….ang sarap naman pakingan ng boses nya, nakakakanta pala sya akala ko niloloko lang nya ako kanina
“and I cant keep up and I cant back down ive been losing so much time” losing so much time? Bakit parang may pahiwatig yung kanta nya saken
“cause its you and me and all of the people nothing to do, nothing to lose and its you and me and all of the people and I don’t know why I cant keep my eyes off you”
“ayie……..sabi na eh” nanunuod na pala ang buong tropa samen napabitaw kami pareho ni Dave
“kaya pala naman…..”
“yun pala yun…”
“mga hindi naman daw”
“palusot pa si Dave ih”
“ayie….” Ayan nagigisa na naman po kami ni Dave ngayon
“oi tulungan nyo na lang ako maglinis”
“ya eh na! tara na Mary” sabi ni Jake nagsialisan na din yung apat, basta talaga magpatulong ako sa ganito tinatakbuhan nila ako
“ako na lang” eh?
“seryoso?”
“bakit malinis naman lagi apartment ko kapag pumupunta ka duon ah! meaning lang nun naglilinis ako”
“hindi kaya! Bakit dati nung binisita ka ni tita Diana ang kalat noon ha!”
“eh…..nuun lang yun kasi busy ako”
“sus palusot”
“tutulungan kita o iiwanan kita dito?”
“sabi ko nga tulungan mo ako” natawa naman ako sa sarili ko, tuloy kaming dalwa sa paglilinis ni Dave, grabe ! pinagpawisan na din si Dave maya maya natapos na kami buti wala pang ala sais
“tara na!”I just nod he grab my hand and pick my bag, sya na nagdala ng gamit k
“you look exhausted” nakangiti nyang sabi, Makita ko lang yung ngiti nyang yun nawawala ang pagod ko
Ang init ng kamay ni Dave pero ang sarap sa pakiramdam dagdag pa ang hangin ngayong hapon dagdag sa romantic na surrounding ang sunset kinikilig ako ng walang dahilan, bakit kaya ganun, wala syang sinasabi, hawak lang nya kamay ko at naglalakad na kami pauwi mamaya maghihiwalay na kami pero ang saya, ang sarap sa feeling na kasama ko sya ngayon at hawak nya ang kamay ko, ganito pala talaga kapag in love hay….!
“April”
“oh?”
“baka gusto mo na bumitaw andito na tayo sa inyo baka abutan tayo dito ng kuya mo sige ka” bumitaw na sya huhu ayaw ko pa eh
“bakit?” napatingala ako sa kanya
“ha? Anung bakit?”
“bakit ganyan mukha mo?”
“eh? Yang ano kasi eh anu….ayaw pa kitang umalis gusto pa kita kasama eh” tumawa sya
“ganun din ako” napatitig ako pareho pala kami ang galing naman, tumiad ako para halikan sya kaso dumating na si kuya tsk! Ganda ng timing! Nagpaalam na saken si Dave at umuwi na tinitingnan ko syang naglalakad papalayo saken, twing nakikita ko sya sa ganitong scene nalulungkot ako, bakit kaya?