17.
LEAKED
“Phia! Bilisan mo na! Ma-lelate na tayo!” Sigaw ni Venice kay Phia habang hinihila ang kumot nito.
“Deja vu na naman ba to, Venice?! Umuwi ka na nga muna! An aga-aga mo magdistorbo!” Sagot naman ni Phia at hinila pabalik ang kumot tsaka natulog ulit.
“Hoy! May kasalanan ka pa sa akin! Hindi mo sinabi na may outing pala kayo mamaya! Ano yun, hindi mo ako isasama?”
“Sama ka diyan? Venice, outing naming magkakagrupo yun. Hindi ka kasali!”
“Eeee! Gusto kong sumama, Phia! Iiwan mo na lang ba ang beautiful, gorgeous, sexy and pretty best friend mo dito?”
“Dami ko palang best friend. Bakit wala ka dun?” Biro naman ni Phia.
“Phia naman eh! Sige na, please? Sama na ako. Sawang-sawa na talaga ako dito. Gusto ko rin mag-outing. Kilala ko naman yan sina Cindy, Zoe, Kevin, Sam at mas lalo na yang si Zach nuh! Tsaka, nagpaalam na ako kay Cindy. And, pumayag na siya! Hihi!” Tuwang-tuwa na sabi ni Venice.
Bumangon si Phia at umupo sa kama. “Wow ah? Close kayo?”
“FYI, classmates kami sa ibang subject nuh! Kaya friends kami!”
Tiningnan naman ni Phia ang oras. “Baliw ka talaga, Venice! 6am pa lang, nandito ka na!”
“Malay ko ba kung anong oras ang alis niyo!”
Nalaman ni Venice ang tungkol sa outing dahil inaya niya rin ang sarili niyang group. Biniro siya ng isa niyang ka-member at sinabing, “Gaya-gaya lang sa grupo nina Cindy? Haha!” Tapos tatawagan niya sana si Phia para i-confirm pero hindi naman ito sumasagot. Kaya si Zach na lang ang kanyang tinawagan at nalaman niya na meron nga talaga.
“Teka, anong oras ba kayo aalis, Phia?”
“8 am.”
Lumaki ang mga mata ni Venice. “What?! 8 am?! Sana natulog pa ako! Bakit pa kasi hindi ako nagtanong ng time? Ang—“
“Tanga mo talaga? Alam ko na yun, Venice.” Natatawang sabi ni Phia.
“Kaderder ka talaga! Lagi mo akong inaaway. Hay nako, matutulog na nga lang ako ulit dito.”
Papunta na sana si Phia sa banyo nang mapansin niya ang kanyang bagahe. Naalala niya naman na ang sinabi ni Zach. “Sasama si Kath bukas sa outing ng barkada.”
Unti-unti siyang lumingon sa nakahigang si Venice. “Um Nice, hindi na ata ako sasama sa outing.”
Agad na napabangon si Venice. “Ano? Bakit naman biglaan yan? Ok ka lang ba?”
“Kasi, sasama si Kath eh.” Mahinang sagot ni Phia.
Natahimik rin si Venice. Oo nga pala, Mahal na ni Phia si Zach. “Phia, kailangan huwag kang magpaapekto sa kanila. Gusto mo siya makalimutan diba?”
Tumango ang dalaga.
“Well, hindi magwowork yang pag-iiwas mo sa kanya.”
“A-alam mo? Ganoon na ba ako ka-obvious?”
“Phia, best friend kita kaya madali para sa akin ang basahin ka. Pag-iniwasan mo ang taong gusto mong makalimutan, mas lalo mo lang siya maaalala at mamimiss.”
Napaisip si Phia sa sinabi ng kaibigan dahil may point nga ito.
“Yun ang irony doon, Phia. Ngayon ka magdecide. Basta gusto ko lang malaman mo, kung ano man yang decision mo, doon na din ako.” Nakangiting sabi ni Venice.
“Hi guys!” Bati ni Venice sa mga kagrupo ni Phia pagdating nila sa kanilang meeting place.
“Oh, bakit may kasama tayong witch?” Pang-aasar ni Sam.
“Hoy! Huwag ka nga mangialam! Butiki ka! Butiki!”
“Eh ikaw? Witch ka! Akala mo kung sinong maganda! Mangkukulam! Pangit ka kaya huwag kang umasa!”
“Maganda talaga ako, Lizard. Sa gusto at sa gusto mo.” Napa-smirk naman si Venice.
“Anong sinasabi mo na gusto ko? Manigas ka, mangkukulam.”
“Hep! Stop it, okay?” Awat ni Cindy sa dalawa. Lumingon siya kay Sam. “Isinama ni Phia dito si Venice and there’s nothing wrong about it diba? Classmate din naman natin si Venice and best friend siya ni Phia!”
“Well, okay lang naman sa amin na sumama si Venice, Cindy eh. At least marami tayo!” Masayang sabi ni Zoe.
“Oo nga! The more, the merrier kaya! Except na lang kung may issue ka kay Venice, ha Sam?” Asar naman ni Kevin.
“Issue ka diyan?! Bahala na nga kayo!” Sabi ni Sam at tuluyan nang sumakay ng kotse.
“Bahala ka rin sa buhay mo!” Sigaw naman ni Venice pabalik. “Hay nako, ano ba kasing problema nun? Hindi ko naman siya inaano. Lizard talaga. Stupid.”
Natawa na lang rin ang lahat.
“Hay nako, the more you hate, the more you love lang ang magiging peg niyo, uy!” Biro ni Kevin.
“Ew? I’d rather die.”
At mas lalong tumawa ang lahat. Pagkatapos ay may napansin si Phia. “Teka, wala pa si Zach, guys?”
“Uyyyyy! Hinahanap si Zach! Ayieee!”
“Mga loko! Napansin ko lang naman eh!” Depensa ng dalaga.
“Hi guys!”
“Speaking of the devil.” Bulong ni Zoe.
“Zach Bro! Bakit ang tagal mo! Late ka na ng 30 minutes!” Sabi ni Kevin.
“Naks! Bilang na bilang, Kevs? Haha! Sorry guys, sinundo ko pa kasi si Kath.”
“Si Kath?” Tanong ni Venice. “Sasama siya?”
Lahat ay napatingin kay Cindy.
“Um, oo guys.” Alanganing sagot nito. Si Kath naman ay naglalakad papalapit sa kanila. Nagkatinginan ang magkakagrupo pati na rin si Venice. Pare-pareho kasi silang may ibang kutob kay Kath.
“Ayos ah! May dala si Zach, tapos may dala rin si Phia! Hahaha!” Asar ni Kevin.
“May dala si Phia?” Nagtatakang tanong ni Zach.
“Hello? Zach? Nandito ako, oh?” Sagot naman ni Venice.
“Ay? Okay. Hahahaha! Akala ako kasi—“
“Ano? Lalaki?” Sulpot ni Zoe. “Akala mo lalaki ang kasama ni Phia? Haha!”
“Ay sus! Nagseselos si Zach! Binata ka na—“
Hindi natuloy ni Kevin ang pang-aasar nang maalala niya ulit na kasama pala nila si Kath. Si Phia naman ay naka-death glare kay Kevin habang si Kath ay nakangiti pa rin.
“Ay! Um, ano,” Pangbawi ni Kevin habang nakahawak sa batok niya. “Best friend din kasi ni Phia si Zach, diba? Tapos, um, kasama ni Phia si Venice, kaya, um, ayun, baka n-nagseselos si Zach. Hehe!”
“Nako, okay lang yun.” Sabi naman ni Kath. “Joke lang naman yun diba? Tsaka alam ko naman na magbest friends talaga si Phia at Zach.”
Tumahimik ang lahat kaya nagsalita na lamang si Cindy. “Uh, tara guys? Nandyan na yung van eh. Let’s go!”
Nagpapasalamat si Phia at may dalang kotse si Zach kaya doon sila sumakay ni Kath at hindi na sumabay sa van. Pero pagpasok niya sa kanilang sasakyan, tahimik pa rin siya. Iniisip niya kung paano siya gagalaw kapag nasa harapan niya sina Kath at Zach.
Tama ba yung desisyon ko kahapon? Kaya ko ba yun?
Iniisip rin niya kung aaminin ba niya o hinde ang nararamdaman niya para sa binata. Bumalik na lamang siya sa reality nang hawakan ni Zoe ang kanyang kamay.
“Alam ko na, Phia.” Nakangiti ito ng malungkot habang nakatingin sa kanya.
“A-alam ? Alam ang ano?”
“Na may gusto ka kay Zach, duh? Obvious ba?” Sulpot naman ni Venice.
“Gagi. Si Zoe ang tinatanong ko. Huwag kang umepal. Hahaha! Tsaka huwag ka ngang maingay! Pag talaga narinig nila tayo--”
“Friend, alam na naming lahat.” Sabi naman ni Cindy. Tumingin na rink ay Phia sina Kevin at Sam saka sila tumango.
WHAT?!
*