Roleplay (One shot)

By ZhaNeeKa

699 24 19

[ONE SHOT] Bakit ba siya pa ang nakapartner ko sa roleplay na ito? Ayaw ko naman sa kanya at ayaw niya naman... More

Roleplay (One shot)

699 24 19
By ZhaNeeKa

Juliet's POV

"Ok class. Dahil nga mawawala ako ng tatlong linggo, hindi naman pwede na pabayaan ko nalang kayo....so ang gusto ko'ng gawin niyo ay isang roleplay ng kahit anong romance." sabi ni ma'am habang nakatingin sa class record niya.

"Ma'am naman eh"

"Ma'am wag naman kayong ganyan!" 

"Please ma'am! Maawa kayo sa amin. Sobra na yata to' eh"

Sinirado ni ma'am ang class record niya at tumayo "Aba! Ano'ng gusto niyong gawin ko? Wala ako dito...Kaya dapat lang pagbalik ko may ma-irecord naman ako sa class record ko" 

"Per----"

"Ssh! Walang sasabat sa akin. Tignan niyo nga. Tatlong linggo akong wala dito. T-a-t-l-o. Marami na kayong magawa diyan." tinignan kami ni ma'am isa isa. "Isa pa, by group 'to. Kaya niyo 'yan. May tiwala ako sa iny-----"

Let it go, let it go

Can’t hold it back anymore

Let it go, let it go

Turn away and slam the door

Frozen?? Lahat kami ay napatingin kay ma'am na may kinuha sa bulsa niya. Nilabas niya 'yun at napatingin kami sa bawat isa na nakataas ang mga kilay. "Hi Hon! I Miss you" sobrang lapad ang ngiti niya pero napansin niya yatang nakatingin kaming lahat sa kanya. Lumabas siya sa room at naiwan kaming lahat na sawi!

"Gosh! Guys! Anong gagawin natin?" tanong sa amin ni Lena, ang group leader namin.

"Sus. Nandito naman si Juliet eh" sabi ng ka-groupmate ko sabay tingin sa akin. "Ako talaga?" tanong ko sa kanila. "Duh!' sabay sabay nilang sabi. =_=

"Of course, si Juliet talaga" sabay tingin sa akin. =__= grabe talaga "Pero ang problema lang  natin ay romance to' eh. Kailangan ng partner ni Juliet." at timing na timing naman na pumasok siya sa classroom, sabay sabay silang ngumisi. Aish! No..no..no....

"SI ROMEO AT JULIET nalang!"  napahampas ako sa noo ko. Sabi ko na nga ba'

_______________________________________________

 "Guys. Pasalamat tayo at nasa atin si Juliet at Romeo. Ang pinakamagaling umarte sa room natin, kaya lang kahit Romeo at Juliet ang pangalan nila. Hindi pwedeng Romeo at Juliet ang i-ro-role play natin. Sabi ni  ma'am dapat tayong mag-improvise" sabi ni Lena sabay wave ng kamay.

"Huh? Paano 'yun? Si ma'am naman eh. Doble nanaman ang gagawin natin" sabi ng isa kong groupmate.

"Don't worry. Dahil mayroon na akong nagawang lovestory kagabi. I'm so excited!" at binigyan niya kami ng isa isang copy. Pagkatapos niya kaming bigyan. "Well, that's all for today. umalis na kayo at basahin niyo 'yan sa mga bahay niyo. Shooo!" 

Umuwi na ako at nagsimulang naglakad lakad. Huminga ako nang malalim at napatingin sa mga bituin habang kumakain nang cheese ball. *___* Wow! Tignan mo nga naman, may natutunan din pala ako sa pag-aaral ko no? Ang ganda talaga ng mga constellations.

*bogsh* Hindi ko namalayang may nakabungo na pala ako. Nalaglag ang mga gamit ko at sa kanya, kaya dali dali ko yung inabot. Kasalan ko naman din. 

"Sorry" Nakatingin lang ako sa baba at abala sa pag aabot  nang mga libro at notebook sa kanya.

Nakuha ko na din yung mga gamit ko, kaya napatingin ako sa kanya. O__O "Romeo?!" "Juliet?!" sabay naming sabi. Bigla siyang napatingin sa baba. "Ang laki laki mo na Juliet, mag diet ka  na' Hindi ka babagay sa akin niyan." nag smirk siya. Hindi ako nakapag react agad. Aba! A-k-o, malaki? 

"Wow! Kayabangan din, Romeo. Mahiya ka naman!" napangisi lang siya. Hindi ako nakapag react agad. Ang gwapo talaga niya. 1.......2.......3

Wait! Anong sabi ko? No way! 'Yan gwapo? Aish! Agad agad akong umalis. Pero nang hindi pa talaga ako nakalayo "Sorry" mahinhin niyang sambit at lumakad na sa kabilang daan.

Napataas ang isang kilay ko. Mahinhin?  Si Romeo? May problema ba siya? Umiling ako, Tsk. Tignan mo nga yung lalaking yun, walang hiya talaga. Kainis! >_<

______________________________________________

"Ok, i-su-summarize ko na muna sa inyo ang story para mas makuha niyo kung ano talaga ang gusto kong ipahiwatig. OK?" tanong ni Lena sa amin. nakaupo kaming lahat sa parang bench dito sa may covered court.

"Magsisimula ang storyang 'to na, may  isang babaeng na-hate ang super duper crush niyang isang lalaking hindi niya makuha kuha kungbaga "Out of reach" niya yung lalaking 'yun, Kuha niyo?" tinignan niya kami isa isa, kaya tumango silang lahat.

"Cliche ang kwento, pero sure ako na bagay siya sa mga edad natin at mas maiintindihan ng mga estudyante ngayon" tumango naman silang lahat ulit at nagsimulang tumayo. Bakit ba' parang alam na nilang lahat?

Tinaas ko yung kamay ko, nakita naman ito agad ni Lena "O, Anong gusto mo Juliet?" seryoso ang mukha niya. "Kasi ano eh, Hindi ba pwedeng pahabain naman kunti ang summarization mo?" Umiba ang reaksyon ni Lena "Hindi mo ba binasa ang ginawa kong script Juliet?" sabi niya habang nakataas ang kilay. 

"Eh, Isang page lang ang akin eh." lahat ng groupmates ko ay napatingin sa akin. "Hmm, Kung ganoon, sumabay ka nalang sa daloy ng kwento" nakita niya siguro ang pag-aalinlangan ko "Pero alam kung kaya mo naman yun" sabay smile, kaya napatingin nalang ako sa baba. Flatter much..

Umuwi ako sa bahay na na-practise na namin ang unang eksena. Hindi ko  maiwasang isipin ang climax ng story? Kinuha ko ulit yung copy. tsk. pero bakit ba isang kopya lang to' ? 

(Lovers dance when they're feeling in love

Spotlight's shining. It's all about us

It's oh, oh, all

Every heart in the room will melt

This is a feeling I've never felt

But it's all about us)

 (All about us by He is we >>>>>>>>>>>>>)

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko, binasa ko yung text message na nakasulat.

From: Classmate(Mylene)

OMG! Our story is so awesome! ...Shemay, kinikilig ako. :)

#Romantic play

?__? Teka muna, play namin? Nabasa na niya? 

Reply: Anong play? May copy ka? Pabasahin mo naman ako.... Yun lang at sinend ko na. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala paring nag-reply sa akin. Napabuntong hininga nalang ako. Wala sigurong load.

Pumwesto ako sa computer namin. Bukas sa facebook, tingin sa notifications.

Mylene Sanchez and 32 people commented in a status that you are tagged in.

Ronica Gonzales

Grabe!  Ang ganda pala ng kwento noh?

# Still reading :)

Like. Comment. 5 minutes ago

Mylene Sanchez

Sabi ko nga. Kakatapos ko lang. Super Nice! Atsaka, Text tayo guys, Unli! ako ngayon :)

Napataas ang kilay ko. May load pala siya eh. Bakit ba ayaw niya akong replyan? >__<

Nagcomment din ako.

Guys! Pabasahin niyo naman ako bukas oh! :)

15 minutes ago na ang nakasulat sa comment na sinulat ko, pero wala pa ring nag-reply sa akin. >__< Pero kanina maka-chat unlimited. Psh.

Pumunta ako sa youtube, music dito, music diyan. *Tongsh* Ano toh? Ay! facebook. Clinick ko yun.

Romeo

Siya lang ang walang alam :P

>___< Nakakainis talaga siya! Arggg! Bakit ba kasi ang gwapo niya eh? ?__? Teka, anong gwapo? Bakit ba kasi ang ganda ng mata niya dito sa profile picture niya, >3> (-_-) Haynaku, itong kamay ko talaga, bakit ka nagscro-scroll down? =__=

Wait lang.....O__O Ano toh?

______________________________________________________________

 "Happy Valentine's Day!" pagpasok ko sa classroom. "Wow! First time in forever na-alala ni Juliet na Valentine's day ngayon." chismis ng mga kaklase ko. Dinilaan ko sila "Che! Kasalan ko ba? Busy ako eh." at umupo ako sa upuan ko. "Oh! Eto na ang pinangako kong Ferrero chocolate sayo" sabi ni Coleen. Napangisi ako nang napakalapad. "Yes!" mabuti naman at napagawi ako dun sa profile nang gunggung na yun, kung hindi wala sa akin to' T__T Niyakap ko yung lalagyan ni Ferro. *__*

"Mabuti naman at may nagpaalala sayo kagabi. Haha. Makakabili ka talaga ng libro sa akin ngayon." at ngumisi siya sa akin. Niyakap ko siya. "I labyu prend!" mabuti nga, naku, mahal pa man ang hilig  na libro nitong babaeng 'to, sisimulan ko na sanang buksan ang ferro ko nang..

"Excuse me mga ate, asan po yung upuan ni kuya Romeo?" O__O Hindi ako nakapagsalita. "Ay sorry miss. Nandoon oh, sa may front." rinig kong sabi ni Coleen sa babae. T__T Ferro ko! Dali daling gumulong si Ferro sa isang paa. 

Tumayo ako patungo sa may paa pero "Ahhhhh!" tinapakan niya ang kamay ko kasabay si Ferro! "Aray! Bwiset!" tinignan ko yung sino yun "ROMEO! Ang Ferro ko!" tumingin niya sa paa niya at dali daling inangat yun. "Ay! Sorr---Teka lang, hindi ko kasalan no', bakit ka kasi na'diyan?" kunot noo niyang tanong. Pinakita ko ang kamay ko sa kanya, tinignan niya rin ito "Ferro, as in Ferrero Chocolate?" Tinaasan ko siya ng kilay. Lumukad siya patungo sa may upuan niya at may kinuha. 

Nilingon niya ako na may dalang mga tatlong box ng Ferrero  "Oh, sayo na" sabay offer sa akin. *___* Kahit nakaka-akit, alam ko namang bigay yan ng fans niya eh, atsaka may pride ako no', kaya no choice, tinalikuran ko siya. T__T Sayang...

Natapos ang klase namin na walang practice dahil maraming may date ngayon.=_= Kumakain  kang anko ng ferro ngayon hanggang sa may narinig akong usapan sa likuran ng puno. Sa kadahilanang bored ako, nagtago ako sa kabila. "Romeo, may  ginawa akong tsokolate para sayo" rinig kong sabi nang isang babae.

"Sorry, pero hindi ko tinatanggap ang mga chocolateng ganyan eh." Huh? Wait lang. Ang rami kayang nasa mesa niya kanina.@__@

"Pero kita ko kanina, marami sa mesa mo, hindi mo ba' tinanggap yun?" Tama! I-tanong mo yan! Hindi niya ba alam na pinaghirapan yun ng mga fans niya.>__<

"Haha! No! Ang lahat nang yun ay binalik ko rin sa kanila. Tatanggapin ko lang ang tsokolateng ibibigay ng gusto ko." sabi ni Romeo. Ano ba'ng nakain nang lalaking to'? Ang sayang ng mga chocolateng 'yun. "Pero pinaghirapan ko 'to" parang iiyak na yata ang babae. Napakagat ako sa labi ko, hindi dapat ako magsalita baka akalain niyang stalker niya ako, Yuck! No way!

"Pasensya ka na talaga, pero sana makita mo ang isang taong tatanggapin ang tsokolate mo" naramamdaman kong parang may yapak ng papaalis, baka si Romeo? Hala! Ano bang gagawin ko. may nakita akong dahonan, naku naman eh, 'yan pa talaga?  maraming langgam ang mga dahon diyan. O__O Mas lalong lumakas ang mga yapak ng sapatos. Arggg! Bahala na nga. Nang palayo na siya, nakahinga na ako ng maluwag at dali daling lumabas.

T__T Huhuhu, bakit ba ang kati? Nakaupo ako sa may bench ngayon. Huhuhu. Patuloy pa rin ako sa pagkalmot ng paa ko nang naramdaman kong may tubig na tumutulo. =__= Wow! Ang swerte ko naman, Ulan? Kinuha ko ang bag ko at  Dali daling  tumakbo  sa pinakamalapit na waiting shed. Hindi ko akalaing nandito pala siya.

"Juliet?" "Romeo?" shock ko daw na sabi, hindi dapat niya malaman na alam kong nandito siya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Pwe! Best actress award! "May nagbigay ng tsokolate sa akin" Wow! Hindi niya i-de-deny? "Kinuha mo?" Hindi ko daw alam eh, Umiling lang siya at ngumisi "Bakit? Selos ka?" sabay tingin sa akin. "Aba! Hindi no'! Feeler mo naman!" pagkatapos ng sinabi ko hindi kami nag-imikan.

Awkward? Kami lang dalawa sa isang waiting shed at hindi ko alam kong ano'ng gawin. =__= Duh! Hate ko siya diba?

Kumuha ako ng Ferro sa bag ko, kakain na sana ako. Nakalimutan kong nandyan pala siya, kumuha ako ng isa at inabot sa kanya "Gusto mo?" naka extend lang ang kamay ko patungo sa kanya, pero mga isang minuto nang ibabalik ko na sana sa bag ko, kinuha niya agad ito sabay smile sa akin, O_O Gwapo yata siya ngayon, >3>Este ang gwapo ng shirt niya. branded... Mga mayayaman nga naman.

Silence na naman.....

Ang naririnig ko lang ay ang wrapper ng binubuksan kung ferrero  at ang pagpatak ng ulan. Teka lang, sa pagkakalam ko malaki ang bunganga ng lalaking to' diba? Bakit hindi siya nagsasalita? "Uhm, stress?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya, sabagay sabi pa nga niya binalik niya daw lahat ang mga tsokolateng natanggap niya, eh ang rami nun. Pero infairness, may serious side din pala ang lalaking to'. Hindi ko napigilang mapangiti. Teka, para saan ba tong ngiti? Psh >___>

"Hintayin nalang siguro nating tumila ang ulan, hindi ako nakadala nang payong ngayon eh." Pagkasabi niya nun, napatingin ako sa ulan. Grabe, ang lakas pala. Hindi ko naman gustong isabay siya sa payong ko, isang ihip lang nun ay bumabaliktad na, lakas pa naman ng hangin ngayon. "Uh, oo nga" at napakamot ako sa ulo ko. Sabihin nyo nga bakit ba ang awkward ngayon? Dapat nga nag-aaway na kami ngayon eh, hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. 

  

Ngumiti siya at umupo ng maayos sa upuan dito sa waiting shed. "Laro tayo" napakunot ang kilay ko. Ang weird naman kasi, kaninang kanina lang  para siyang binagsakan ng langit at lupa, ngayon, bigla bigla nalang gusto niyang maglaro. Kung sabagay, ang boring paman din. "Anong laro?"

"Hmmmm, siguro.. Zigzag" at ngumiti na naman siya ulit. Hindi ko maiwasang umiwas ng tingin. >///< "Uhm, so paano 'to sisimulan?"hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. Hindi ako nahihiya no', feel ko lang tumingin tingin sa paligid. >_>

"Ang rules ng larong ito ay simple lang, May ibibigay akong category at mag-isip ka nang fit na thing or ano, para sa category na 'yun atsaka may limited na 3 counts lang, kapag hindi ka makasagot putol na ang isang kamay mo. ok?" sabi niya at tumango ako.

"Ok akin na ang kamay mo." O_O Huh? pero kahit hindi pa ako nakasagot kinuha na niya ang dalawa kong kamay at pinatong ang isang kamay ko sa isang kamay niya na naka  nakafacefront at sa isang banda naman nasa itaas naman 'yung sa kanya at pinatongan niya 'din ang isang kamay ko. *dug* dug*  Napalunok ako kaya hindi ko maiwasang hindi tumingin sa mga mata niya.

"Ok, ang category ay brand sa junkfoods" tumango lang ako at kumanta na siya sabay palipat lipat na papatong patong ang mga  mga kamya namin  "Zigzag, zigzag , tell me the name of your favorite brand of junkfoods" nasa kanya ang huling lipat kaya "Piattos" Bumalik sa akin ang lipat

"Ah, Nova"

"Moby" siya

"Uh! Roller coaster" ako

"Uhm, Funky!" siya

Hindi nag loading ang utak ko kaya "1........2.... " "Uh! Uh! Ano! Ano! Petchay! Haha!" Hindi ko maiwasang tumawa dahil kung tutuusin madali lang naman kasi siyang laro eh, pero kailangan lang talaga nang concentration, dahil matataranta ka kasi sa counting.

"Wala na yang isang kamay mo kaya gamitin no yang isang kamay mo kung matatalo ka nanaman, talo ka na talaga. at mag tu-truth or dare tayo" ngumiti ako sa kanya dahil kung tutuusin ang awkward kanina pero nawala dahil sa larong ito. :)

"Ok. Brand nang cellphones..Zigzag, zigzag , tell me the name of your favorite brand of cellphones" nasa akin ang lipat kaya "Samsung" 

"Nokia" Siya

"Cherry Mobile" ako 

"Alcatel" siya

"Uh! Aha! Black berry!" ako

"Uhmmm..." Hindi ko maiwasang kaya binilangan ko siya "1....." "UHHH! My-- My Phone!" at dahil na busy ako sa pag count sa kanya hindi na naman ako naka-isip agad , kaya nag loading ang utak ko.."Uhmmm, Psh...Ano bayun? "1....2..............."Aish! Ewan ko" 

"Hahaha! Ang dali naman manalo sa larong 'to."

"Asa! Gaganti ako no', warm up lang to'!" 

"Okay, Truth or dare?" dahil umuulan, hindi naman yata maganda kung mag-da-dare ako lalo pa't kami lang dalawa. 

"Truth" hindi niya yata inasahan na mag tu-truth ako kaya napalaki ang mata niya nang kunti."Eh, ano bang gusto mo eh, wala ka naman yatang mai-da-dare sa akin sa ulan na ito." sabay turo sa ulan. 

"Uhm, O..sige. If ever may isang lalaki na manliligaw sayo pero hindi mo siya gusto, Anong gagawin mo?" pagkatapos niyang sabihin 'yun nag-iwas siya nang tingin sa akin at nag--O___O nagblush siya, pero weh 'di nga? Guni guni ko lang siguro yun.

"Well, hindi ko naman yata dapat husgahan agad agad yung lalaking 'yun. Bibigyan ko siguro siya nang time para ipaglaban ang mga intension niya sa'kin. Don't judge the book by it's cover nga 'diba. I'm not that selfish naman lalong lalo't na kapag makikita ko talaga ang effort nang lalaking 'yun" Phew.. Nadala yata ako sa moment ko nun ah.

Silence.....

Eh, anyare, bakit siya nagkaganyan? 

Maya maya nagsalita siya ulit "Uhm, O sige... Next round...Wag mong sabihin matatalo nanaman kita dito." sabay taas ng isang kilay niya.

"Aba! Hindi no'! Warm up lang yun kanina. I'll get my revenge" at nag smile ako. 

Pagkatapos nang mga ilang palitan...

"Hahaha!..Paano ba yan"

_________________________________________________

"Halah! Anong nangyari sa dalawang yan?"

"Nakulam ba sila?"

"May sakit ba sila?" "Ang coincidence naman yata nang sakit na yan?"

"Ang gwapo gwapo talaga ni James Reid!" Hindi ko maiwasang tignan kung sino yun. Hindi lang yata ako, dahil lahat nang mga kaklase ko nakatingin din sa kanya sabay iling.

Nakaupo na ako sa upuan ko nang kinausap ako ni Coleen "Anong nangyari?" Tumingin ako sa taas at nag-reminsce.

*Flashback*

"Hahaha!..Paano ba 'yan" sabi ni  Romeo

"Psh. Oo na nga. Ikaw na!" ako

"Sige, Truth or dare"

"Dare" sabi ko. Parang nagulat na naman siya dahil sabi ko nga kanina, na wala na siyang mai-da-dare sa kadahilanang umuulan. Hind ko nga alam bakit ako nag dare eh.

"Well, dahil nag dare ka naman. Ito nalang, dapat nasa gilid lang kita the whole day bukas. Ok?" pero kahit gusto ko pa sanang umayaw, tumakbo na siya palabas nang waiting shed sabay sabing "See you tomorrow!" . Hindi ko namalayan, tumila na pala ang ulan.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman yata akong choice eh. Be a sport na lang at take the consequences.  Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad. Walang hiya talaga yung lalaking' yun, iniwan pa talaga ako. Ang gentleman naman. =_=

Tinignan ko ulit ang  langit pero kahit wala na ang mga bituin, napangiti pa'rin ako. Dapat talaga na kilalanin muna ang isang tao bago husgahan agad. "Napakaganda naman nang gabing 'to" nagsimula na akong maglakad. Hindi ko alam bakit may patalon talon to'ng paglalakad na 'to. >__>

"Charotss naman yata yun.. Love in the rain"

"Hindi, ang pangit, ang cliche. Dapat Me and you together in the Rain"

"Mas pangit yan. Dapat, memories in the rai----"Aisshh! Shut up! Lahat nang groupmates ko, sumunod kayo sa akin!" sabi ni Lena, kaya lahat naman kami ay tumayo sabay sunod sa kanya.

"Guys, Bad news. Napadali yata ang honeymoon ni ma'am at ang tatlong linggo natin ay naging dalawa nalang. "

"WHAT!" bawat reaskyon ng mga groupmates ko. "Pero kulang naman yata 'yan eh." sabi ng isa.

"Alam ko. That's why, lahat tayo ngayon..Mag-do-double timing tayo. Walang mga extra extra kaya focus na muna tayo dito, ok?" tumango naman kaming lahat. Nag by group na ang lahat, ang mga props men ay nag meeting  na', about sa gagawin nila. Ang mga naka-assign sa extra, yung mga make-up, music at ano pa ay naka bilog na din sa may gilid. At lahat nang characters ay nasa isang pangkat na 'din.

"Guys, alam niyo naman na tayo ang main characters kaya tayo talaga ang makikita sa lahat nang tao kaya, dapat doble ang effort natin okay?" Tinaas ni Romeo ang mga kamay niya at nakipag-apir sa bawat isa sa amin. "OKAY! KAYA NATIN TO'!" sigaw ni Lena.

"AJA!" sigaw naming lahat. ^__^

_________________________________________________

Day of the Performance (1 week later)

*inhale* exhale* "Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Lena, tumango lang ako at nag thumbs up.

"Ok. In 1...............2....................3 ACTION!" sa bawat sulok ng theater, may dalawang labasan. Sa isang labasan, ako lang ang lumabas 'dun at sina Romeo, kasama ang tatlo ko pang groupmate ang lumabas sa isa. Umupo ako mag-isa sa isang bench dala dala itong sling bag ko, at sila naman apat sa tapat na bench 'din pero may nagpapahiwalay na puno.

*O* Grabe ang cool ng puno. Ang galing talaga ng mga props men namin. Ngayon para akong addict na spy na gagawin ang lahat para lang makasulyap sa pagmumukha nang isang lalaki. =_=

Narrator(Lena): Si Rina ay isang normal na fangirl lang sa crush nitong si Jino. Ginagawa niya ang lahat nang makakaya niya para lang mabigyan ng inspirasyon ang pang-araw araw na pamumuhay niya.

Pagkatapos ni Lena dali dali akong nagtago sa likod ng puno at dahan dahang sumilip "Hay! Ang gwapo niya talaga" sabi ko ng pabulong pero dahil may tig-iisang microphone ang bawat main character, narinig pa rin ito ng mga manonood.

Lena: Hindi inaakala ni Rina na agad agad pala silang aalis kaya nagmadali siyang bumalik sa upuan niya at kinuha ang isang libro niya at nagkunwaring nagbabasa nito. Pero hindi niya inaakalang.......

"Ganyan ka ba talaga magbasa?" tanong ni Romeo este Jino pala sa akin. Kaya napatingin daw ako sa librong hinahawakan ko at dahil baliktad ito, napalaki daw ang mga mata ko. "Uh, uhmmm, ano kasi...Uhm, bliktad senses ko eh. Hehehe" at nag-peke ako nang tawa. Anyare dito? ang joke naman. =_=

Kinunot ni Romeo este Jino ang mga kilay niya sabay sabing "Ahhh, ok" napakamot siya sa ulo niya at dahan dahang umalis. Hindi ako nakaimik agad pero nung na-realize ko daw, nagpatalon talon ako sabay sabing "Wohoo! Kinausap niya ako! Ni Jino! This is Fate!" dahan dahan akong  pamunta sa sulok na nakangisi, dahil mag chi-change setting daw sila after nun. 

"Ang galing mo!" at nag-apir kami ni Coleen. "Uhm, Coleen Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na magiging maganda ang performance na 'to" sabi ko sa kanya. Nag wink siya sa akin at ngumisi lang. "Alam ko..Hehe" Eh? Ang weird naman. Pero nag-shrug lang ako at naghanda para sa susunod na eksena. I am so happy!

Natapos ang ilang eksena, nandito na naman ako sa likod.

 "Ok. next setting na tayo. Make sure, na magawa mo nang maayos ang parteng nasa ulan ka. O__O "Tek-----"Shhh! "Patapusin mo muna ako. In this part dapat nagmamadali kang tumakbo sa waiting shed na yun dahil sa ulan. OK?" "Teka mun------- hindi  nila ako pinatapos at tinulak na nila agad ako palabas sa stage.  

Napalunok ako at Gosh! Ano bang nangyayari? Hind naman to', parte sa scrip---Teka muna wala yata akong script...PakShete!!   No choice..Professional Alert! Kinuha ko ang bag ko at nilagay yun sa ulo ko. Nagmamadali akong pumunta sa waiting shed .   Pagdating ko dun, nakita ko si JIno na si Romeo. =__= na nakaupo sa upuan 'don. Sheeete! Ano bang gagawin ko? Sinulyapan ko sina Coleen, pero kahit alam nilang nagdudusa ako, kinindatan lang nila ako. >___<   

Lena: Kahit na, hindi sila magkasundo. Sa kalagitnaan nang katahimikan na yun, kumuha si Rina nang isang tsokolate  sa bag niya at nag-alinlangang bigyan si Jino.  

O__o So ganoon? Tinignan ko ang bag ko at may tsokolate nga.. Teka lang. bakit Ferrero Rocher? Hay! Ano daw yung susunod? Nag-alinlangan daw akong bigyan siya. Kinuha ko ang isa sa Ferrero at  naka extend lang ang kamay ko patungo sa kanya, pero mga isang minuto nang ibabalik ko na sana sa bag ko, kinuha niya agad ito sabay smile sa akin, Teka...Nangyari na yata to'?   

Lena: Kahit awkward sila sa isa't isa, napag-isipan pa rin ni Jino na sabihin ang mga katagang...   "Laro tayo?" sabi ni Jino. Napakunot ang mga kilay ko at sabay sabing "Ano namang laro?"  

"Hmmmm, siguro.. Zigzag" at ngumiti na naman siya ulit. Hindi ko maiwasang umiwas ng tingin. >///<  nagulat ako. Deja vu?   "Uhh, sige" nilapit niya ang mga kamay namin,  Nakaramdam ako nang *dug* *dug* Ano ba 'tong nararamdaman ko?  

Dahil wala akong choice, nakipag laro din ako sa kanya, Hindi ko alam pero talo  ako. =_=   

"Truth" sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya...  

Ngumiti muna siya "If ever may isang lalaki na manliligaw sayo pero hindi mo siya gusto, Anong gagawin mo?"    

"Well, hindi ko naman yata dapat husgahan agad agad yung lalaking 'yun. Bibigyan ko siguro siya nang time para ipaglaban ang mga intension niya sa'kin. Don't judge the book by it's cover nga 'diba. I'm not that selfish naman lalong lalo't na kapag makikita ko talaga ang effort nang lalaking 'yun" Kaparehas pa rin ang sinagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. ?__?

Lena: Pagkatapos nang ilang laro, nag-paalam na ang dalawa, dahil hindi nila namalayang kanina lang pala tumila ang ulan.   

Hindi ko alam pero parang familiar yata to' ah.

 (Continuation ni Lena)   

Hindi alam ni Rina, na may lihim na pagtingin pala ang binata  sa kanya, kaya sa gabing yun, nakakuha nang lakas ng loob ang binata para maipakita ang effort at nararamdaman niya.  

>__< Naiinis na ako. Kahit gusto kung  pumasok... ayaw, nila akong papasukin. Aba! May gana pa silang harangan ako ha! Hindi ko na nga alam kong anong ginagawa ko dito eh. At ang mga walang hiyang 'yun sinabihan lang ako nang "Pumunta ka 'dun sa may locker at pagkatapos nun, go with the flow ka nalang." Potchiii! >__<   

Hay! Dahil wala naman akong magagawa. Pumunta nalang ako sa nag-iisang locker sa stage at binuksan yun."Hala! May nahulog na papel" sabi ko, pasalamat sila proefessional ako.=__=

Tinignan ko ang laman ng locker at box? Binuksan ko yun at may nakita ako.

Tatlong Ferrero Chocolate. Bawat  tig-iisang tsokolate  may nakalagay na salitang I like you. O__O Huh! Part pa ba to' sa play? Kinuha ko yung papel at binuksan 'yun. 

 Huh? Walang laman? Tinignan ko ang likod ng letter pero wala pa rin. Anyare? Inalog alog ko ang letter pero wala pa ring lumalabas.    

"Yiiiieee!" rinig kong tili nang mga audience pero hindi ko na muna sila pinansin.


          

 "I like the way you get angry at me, sinasabi mo lang na you care for me." sabi ng isang boses.  Tinignan ko si Lena. O__O Tomboy siya?  Pero nag-shrug lang siya sabay ngiti. Hindi naman pwedeng ako yun. Napatingin ako sa isang sulok at nakita ko si Jino este si Romeo na si Jino pala na humakbang nang isa papunta sa akin.        

 "I like the way you shout at me, dahil sinasabi mo lang na hindi ka absent sa araw na 'yun" At humakbang na naman siya. Mga limang steps nalang siguro at makakalapit na siya sa akin. Totoo ba to'? Bakit ba' wala akong script! >__<    

 " I like the way you eat your chocolates because I know we have the same likes" at humakbang na naman siya. >///<

 "I like the way you get pissed because of a game, dahil alam kung ako yung kalaro mo" at humakbang na naman siya. Hindi ko naiwasan at napangiti ako, totoong ngiti.       

 " I like the way you get sad, dahil alam kung ako ang rason, at wala nang ibang makakagawa sayo niyan pagkatapos ng isang Love Rain, este Me and you together in the rain o Memories in the rain?" at ngumiti siya sa akin, napailing lang ako. walang hiya talaga yung mga kaklase kong 'yun. Humakbang na naman siya, nakaface to face na kami ngayon. Totoo nalang to!      

 "I like the way you smile right now. dahil alam kung napasaya kita. Nandito ako ngayon para ipakita ang effort ko" at hindi ko namalayang may tumulong luha na pala sa mata ko. humakbang siya ulit.      

Binigyan niya ako ng isang letter at may nakasulat na.....         

 "If ever may isang lalaki na manliligaw sayo pero hindi mo siya gusto, Anong gagawin mo?"           

Diretsu diretsu ang pag-iyak ko hindi ko alam kung anong isasagot. "Uhhhhh."lumuhod siya sa harapan ko sabay kuha nang isang box. Tinignan ko yung box at yun yung chocolate ko kanina. Binuksan niya yun at may kinuhang  Ferrero Rocher sa loob. @___@ Nakakalito naman ito eh. Play ba to' o hindi? Naiiyak na ako!

 Hinawakan niya ang Ferrero na at nilalagay sa kamay ko at sabay sabing "Will you be my girlfriend?" sabi ni Jino o Romeo. Teka lang! Sa play ba to'? Para yatang nakasunod pa rin to' sa play ah...      

  "Huh?" Mangiyak ngiyak kung sabi. Feeling ko si Romeo siya...

  Tumawa siya at napa-iling. Dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa may tenga ko...                    

 "........Juliet"

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
498K 18.9K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
869K 32.8K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...