VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

476K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 6: The Fuego Mafia

11.2K 323 22
By MajorSin


Episode 6: The Fuego Mafia


EditedOct2018



********


[ Virgel's PoV ]


Pagka uwi ni Kael, pumunta na muna ako sa garden nitong tinatawag nilang Virgo's Mansion para makapag isip isip. Tinatry ko pa ring i sink in lahat sa utak ko yung mga narinig ko kanina.


Isa akong Boss? At hindi lang ordinaryong Boss kundi Mafia Boss? Sa mga napapanuod ko na palabas, pumapatay ang mga Mafia pag kinakailangan, diba? Kumikitil sila ng mga buhay ng mga taong tingin nila ay sagabal sa mga negosyo at plano nila. Kaya sobrang kinatatakutan ang mga organisasyon na yan dahil kahit mismo Gobyerno walang takot na kinakalaban niyan. Magiging ganun ba ako? Eh sobrang bata ko pa para dun. 

Ano ba ang nakain nila?

Naigulo ko nalang ang buhok ko dahil sa mga naiisip ko. 

"May problema ba, Boss?" Natigil ako sa pag iisip nung may lumapit sa'kin.

"Ah ikaw pala...Elsa? tama, Elsa. Hehe " Natawa naman siya ng konti.

"Akala ko tatawagin mo na naman akong Eda eh. Pwede po bang tumabi?" Tanong niya kaya umisod ako para may maupuan siya. "Oo naman." Sagot ko kaya tumabi siya ng upo sakin. Ang bango bango niya grabe. Nakakahiya. Wala pa akong ligo. Amoy mandirigma na ata ako ngayon.  

"So, ano ba yang gumugulo sayo ngayon, Boss? Pwede mo akong tanungin. Baka makatulong ako." Sabi niya kaya napaisip ako. Ano nga ba ang pwede ko pang itanong para malinawan ako?


Ah eto. "Ahm..n-nakapatay na ba kayo ng tao?" Kinakabahan na tanong ko. Sa ganda niyang 'to? Imposible namang kaya niyang puma--


"Oo. Maraming beses na. " Bigla akong nasamid sa sarili kong laway sa sinagot niya kaya napaubo ako. "Ayos lang kayo, Boss?"

"O-oo."

"Pero ang mga nililigpit lang namin ay yung mga taong sa tingin namin ay sagabal sa Organisasyon." Dagdag niya ng nakangiti. Ganun na ganun nga yung pagkakaintindi ko sa mga tulad nila. Totoo nga sila! 

Nakita niya sigurong namutla ako sa sinabi niya kaya natawa na naman siya. " Wag kang matakot sa'min, Boss. Hindi naman kami ganun kasama gaya ng iniisip mo. Hindi naman kami pumapatay ng mga inosente. Isa yun sa mga rules na ginawa ng Ama mo sa pamilyang 'to." Paliwanag niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pinapatay nila kahit sino e


"Ahm may tanong pa ako Elsa. Okay lang?" Tanong ko. Tumango lang siya habang nakangiti. Sa totoo lang, ang ganda ganda ng kausap ko ngayon. Lalo na pag ngumingiti siya. Ang puti puti ng mga Ipin niya, tapos ang bango niya pa. Tapos ang kinig pa ng...


"Ano yung tanong mo, Boss?" Bigla akong nabalik sa wisyo nung nagsalita ulit siya. Natulala na pala ako sa ganda niya.


"A-ah ano..Baket Virgo Mafia ang tawag sa inyo?" Napakamot nalang ako sa ulo. May sense ba yung mga tinatanong ko?


"Ah 'yun ba. Ang sabi nung mga naunang myembro ng pamilyang 'to, kinuha daw ni Boss Vlad ang pangalan ng grupong 'to sa Zodiac sign niya. Virgo kasi siya e. Nang dahil daw kasi sa Zodiac Sign niya kaya siya naging matagumpay sa buhay. Sinusunod lang daw niya lahat ng sinasabi ng Horoscope niya araw-araw mula sa lucky number, sa lucky color, lahat na kaya siya nakarating sa ganitong estado ngayon." 


"Ah kaya pala."


"Pero may nagsasabi din na kumbinasyon daw ng dalawang pangalan ang salitang VIRGO. Hindi ko lang alam kung totoo ba'yun o haka-haka lang " dagdag niya. Tumango tango lang ako.

"Ahm may tanong pa ulit ako hehe."

"Sige lang, Boss. Handa kong sagutin ang lahat ng tanong mo maliwanagan ka lang." Sabi niya kaya napangiti ako ng bahagya. Ang ganda na nga niya, sobrang bait pa.


"Anong itsura ng tunay kong papa? Ano ang ugali niya? Masama ba siya? Pumapatay rin ba siya?" Tanong ko. Bigla naman niya akong tinitigan sa mata na ikinatigil ko sa pag galaw. 

Pakiramdam ko ano mang oras ay malulusaw na ako sa mga titig niya. 

"Magkaparehas kayo ng mga mata. Isa yan sa dahilan kung baket nahanap ka agad ng mga researchers namin. Yung kulay itim mong mga mata ay tugmang tugma sa mga mata niya. Ang inosente tignan pero nakakatakot pag tinitigan mo. At sa ugali niya naman, mabait si Boss sa mga nasasakupan niya. Mabait siya pero nakakatakot kung magalit. Parang ikaw lang. Kaya nga siya ang Pinakamalakas at kinatatakutang Mafia Boss noong namumuno pa siya sa Virgo eh. Kaya niyang gawing impyerno ang buhay mo kung gugustuhin niya. Pero kung maayos ka naman sakanya, wala siyang problema sayo."Sagot niya at kitang kita mo sa expresyon ng mukha niya ang paghanga. Sobra siguro niyang hinahangaan yung sinasabing totoo kong papa. Pati siguro sila Hugo ay ganun din.

"Kung siya ang pinakamalakas, ba't siya nadukot? " Out of curiosity kong tanong. Ewan, bigla nalang lumabas sa bibig ko e. Agad namang nawala yung ngiti niya nung tanungin ko yun.


"Dahil sa katangahan naming lima. Hindi namin siya nabantayan. Kaming lima ang pinagkakatiwalaan ni Boss para sa seguridad ng buhay niya pero di namin siya naprotektahan." Biglang lumungkot ang boses niya. Ibang iba kanina na sobrang sigla. Ganun din ba nila kamahal ang tunay kong papa?


"Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari nung araw na'yun? "Nagbuntong hininga naman siya bago nag umpisang magsalita.


"Araw yun ng Agusto. Habang natutulog kami dito sa mansyon, mga alas tres yun ng umaga nung biglang may sumabog na parte sa mansyon na'to. Pumunta agad kami sa kwarto ni Boss para sana icheck siya pero pagpunta namin dun. Butas na ang kwarto niya at wala na siya dun. Sinubukan naming hanapin ang mga kalaban pero di na namin ito naabutan. Patay lahat ng mga gwardya namin sa labas. " Napayuko nalang siya at kitang kita mo talaga sa mukha niya yung panghihinayang at pagsisisi. " Di namin 'yun inaasahan. Ang akala namin takot na lahat ng Organisasyon sa'min dahil sa titulong pinakamalakas na Mafia group noon mga panahong 'yun. Pero hindi pala. Masyado kaming naging kampante kaya nadukot ng mga Fuego ang Boss namin. Ang bilis lang talaga ng pangyayari." Paliwanag niya.


"Paano niyo naman nalaman na Fuego yung dumukot sa Boss niyo? kay Papa? " Kahit medyo hindi ako makarelate sa mga sinasabi niya. Tanong parin ako ng tanong. Ewan ko ba pero nacucurios lang talaga ako.


"Bukod sa sila talaga ang main suspect kasi nga matagal ng mortal na magkalaban yung panig namin, may iniwan silang card sa kama ni Boss na ang nakasulat ay 'Checkmate Virgos' Tapos may sulat din na 'fuego clan'sa baba nito. So ibig sabihin, Sila ang kumuha kay Boss."


Checkmate? So ibig sabihin, talo na? Wala ng takas ang Hari? Ganun?

"P-pero baka naman set up lang yun? Na baka iba yung may gawa at sinulat lang nila na Fuego para ang Fuego yung pagdudahan?" 

"Naisip na rin namin yan. Pero makalipas ang ilang araw nung mangyari yun, inanunsyo mismo ni Jin del Fuego na hawak nga niya ang Boss ng Virgo. Simula nun ay napunta na sakanya at sa grupo niya ang atensyon ng lahat. Tila sila na ang pumalit na pinaka nakakatakot banggain sa mundo ng Mafia dahil sa balitang yun." 

"Ang lakas pala talaga ng Fuego." Nasabi ko nalang. Di nila madudukot ng ganun ang papa ko kung mahihina sila.


"Kaya nga kailangan namin ang tulong mo Boss eh." Bigla niyang sabi kaya nasamid ulit ako sa laway ko.


Tama ba yung pagkakarinig ko?


"A-ako? Tulong? Anong Tulong?"


"Tulungan mo kaming mabawi ang ama mo laban sa mga Fuego, Boss"


H-ha? 


"N-naku, w-wala na akong alam jan. Tsaka hindi ako marunong bumaril. Masyado pa akong bata para sa mga ganyan. Tapos ang lampa ko din kung di niyo pa alam. Wala akong maitutulong sa inyo. Nakita mo naman kanina diba? Nabasag ko yung vase. Ang lampa ko masyado no? Kaya hindi talaga ako ang makakatulong sa inyo he-hehe." Ano bang balak nila? Ito na ba yung plano nila kaya nila ako kinuha? Para tumulong sakanilang makipag laban sa mga Fuego na yun? 

Nahihibang na nga sila. Anong maitutulong ng isang lampang tulad ko?? 


"Hindi yan problema, Boss. Ittrain ka naming lima. Palalakasin ka namin. Gagawin ka naming isang tunay na Boss. Anak ka ni Vlademir Acosta, isang rason na yan para magtiwala kami sainyo. Mailalabas mo din ang pagiging dugong Mafia mo pag natrain ka na namin." Nakangiti niyang sabi kaya mas kinabahan ako lalo. Seryoso ba talaga sila? May tiwala sila sa katawang 'to? Ni Hindi nga ako marunong sumali ng basketball!


"P-pero ang bata ko pa. Baka mauwi lang kayo sa wala sa pagttrain niyo sa'kin. Kaya wag nalang pakiusap." Pagmamakaawa ko na. Natatakot na nga ako dun kila alfe na kapwa ko lang studyante eh. Sa mga Fuego pa kaya? Sa isang Mafia group pa kaya?? Tsaka yung sinasabi niyang training, sigurado akong hindi rin ako makakatagal jan dahil sobrang hina ng resistensya ng katawan ko. 


"Kami na ang bahala dun, Boss. Hinanap ka namin dahil may dahilan kami. At yun ay ang tulungan kaming makuha ang dating Boss namin laban sa Fuego Clan. Ama mo din siya diba? Ayaw mo ba siyang iligtas?" Natigil ako sa pag iisip sa huling tinanong niya. 

Ayaw ko ba siyang maligtas?


"P-pero malalakas sila. Baka mamatay lang tayo ng maaga niyan."


"Minsan ng naging pinakamalakas ang Virgo Mafia dati, Boss. Kaya wag mong mamaliitin ang Grupo natin. Ngayon mo pa mamaliitin na nahanap na namin ang Batang Boss ng Virgo? " Nature na ata talaga ng mga babae na ayaw magpatalo sa isang argumento. Gusto kong maiyak dahil kahit anong pakiusap ko e mukhang buo na talaga ang pasya nila. 

Nakasaad na sa plano nila na gagawin 'to. "P-pero.."


Tumawa naman siya ng mahina. "Wala ng pero-pero, Boss. Maiwan na kita ha. Irelax mo nalang muna yang sarili mo ngayon dahil bukas na magsisimula ang training mo."

At ayun, naiwan ako dito na tulala lang. Kailangan ko na bang magbilang ng araw para sa nalalapit kong katapusan? 



Sayang. Plano ko pa namang maging chef paglaki ko. 



*******


[ Someone's PoV ]


"Palpak ang mga tauhan natin sa pagkuha sa batang 'yun." Bungad ni Jin sa'kin pagkarating niya sa secret office ko.

"Inaasahan ko ng mangyayari ang bagay na'yan."

 "Anung ibig mong sabihin, B-boss?"

"Sinubukan ko lang naman ang kakayahan niya. At di nga ako nagkamali. Sagot ko tapos sinindihan ko ang hawak kong sigarilyo tsaka ito hinithit. 

Ang batang yun. 

"Magpatawag ka ng meeting sa Walong Diablo. May itutumba kayong Grupo mamayang gabi." dagdag ko.


"Alin? Ang Virgo ba?"


"Hindi. May grupo akong namataan dito sa Pilipinas na itinayo ni Mr. Frederick Lincoln. Isang Singaporean Billionaire. Matagal na itong naitayo pero sa tingin ko umuusbong na ang grupo nila ngayon. At mas lalo silang lalakas kung hahayaan lang natin sila. Tinatawag silang 'Hirvana Group' Dapat na natin silang dispatsahin agad bago pa sila maging isang malaking hadlang sa'tin sa mga susunod na panahon."

"May transaction na magaganap mamayang alas otso ng gabi sa Elfame Corporation sa pagitan ng grupo nila at ng Elfame Mafia. Kaya naman pagplanuhan niyo na agad ang pagkitil kay Mr. Lincoln at sa mga kasapi nito." Dagdag ko.

"Masusunod. Aalis na ako." Sagot niya bago tumayo sa kinauupuan niya.

"Papuntahin mo nga pala si Argo dito. May pag uusapan lang kami." Pahabol ko bago siya umalis sa opisina ko.


*******


[ Kael's PoV ]


--Fuego's Mansion--


Pagkarating ko sa mansyon, pumunta na agad ako sa underground basement nito. Dun kasi nagtitipon ang Walong Diablo pag wala kaming misyon.


Maayos dun sa underground kasi may mapagkakaabalahan ka. May Billiard, Dart, Mini bar, T.V, Basketball court, at tsaka.. hehe dejoke lang. Walang basketball court dun. Ang laki na nun masyado hahaha.


Pagkapasok ko, tulad ng lagi kong nadadatnan, may kanya kanya parin silang ginagawa.


Muntik ko ng makalimutan. Hindi kami mukhang mga halimaw ah. Diablo lang talaga tawag sa'min kasi 'yun na ang nabansag sa'min. Yun lang yun. Walang kinalaman ang mukha namin dun hahaha.


"Laro tayo tong-its Nero." Aya ko agad kay Nero pagkapasok ko. Siya nga pala ang 4th Diablo sa grupo, si Nero Guzman. Mainitin ang ulo, Laging salubong ang kilay. Parang pasan niya lahat ng problema sa mundo eh. pero kahit ganyan yan, siya ang nagsisilbing Sharp Shooter sa grupo. Sniper Specialist kumbaga.


"Maglaro ka mag isa." Sigurado akong wala to sa tamang aruga ng mga magulang niya noon dahil sa ugali niya. 

Ibinaling ko nalang yung tingin ko kay Primo. "Ah Primo, Tong-Its tayo." Siya ang 3rd Diablo sa grupo. Si Primo Fuentes. May pinsan siya dito. Napaka seryoso niyan. wala kang makikitang emosyon sa mukha. Poker face palagi eh. Specialty niya ang martial arts. Papatayin ka lang gamit ang mga kamao at sipa niyan. Hindi yan gumagamit ng baril o ano pang armas jan. Para kasi sakanya, kamao at sipa niya lang daw sapat na para patayin ang mga kalaban niya. 

"Pass." Usal niya na naka poker face padin habang dutdot ng dutdot sa cellphone.

"Sino ba yang katext mo ha?" Susubukan ko pa sanang tignan ang cellphone niya pero sinamaan na agad niya ako ng tingin. Haay ba't ba ayaw nilang makipaglaro sa'kin? Dun nanga lang ako sa dalawa.


"Nica, Gusto niyo mag tong-its?" Tanong ko sa dalawang babae sa grupo na kasalukuyang naglalaro ng dart.


Sila si Veronica Arson at Helena Madrigal. Magbestfriends sila, best duo ng Grupo kumbaga. Gamit ni Helena sa pakikipaglaban ay mga nakakalasong Kutsilyo, Blade, Shuriken, Nailcutter, at kung anu-ano pang matatalim na bagay na pweding ihagis. Si Veronica naman ay isang Accurate Archer Shooter. At dahil hitech na tayo ngayon. Ibang pana na ang ginagamit niya sa pakikipaglaban. Sumasabog na.


Ang galing niyang dalawa na'yan sa pag asinta. Wala sa vocabulary nila ang salitang palya.


Magkasunod nga lang pala sila ng pwesto. Si Veronica ay ang 7th Diablo at si Helena naman ay ang 8th Diablo sa grupo.


"Buti pa sumali ka nalang samin dito. Mas masaya 'to kesa sa tong its na yan." Sabi ni Veronica na nag aasinta na ng tira.

"Sinasabi mo lang yan kasi sobrang galing niyo jan e."

"Well.." Lahat ng tatlong tira niya bullseye. Grabe.

"Sali ka, Kael?" Pang aasar pa ni Helena kaya napangisi rin ako.

"Sali kami ni Nero, okay lang?" Tanong ko kaya kita ko agad ang pamumula ng pisngi niya. "E-ewan ko sayo!" Pagdating talaga kay Nero nagiging ano 'to e hahaha

Hays, kanino ba ako pwedeng makipaglaro? Ayoko naman kay Elon kasi ang tahimik masyado. Mabobored ka lang kung kakausapin mo yan.

Ang tinutukoy ko ay si Elon Fuentes, yung sinasabi kong pinsan ni Primo. Siya ang 2nd Diablo sa grupo. Silent But Dangerous ika nga. Hindi naman siya nangangain. Mabait naman yan pero wag mo lang talagang gagalitin. Hindi yan kumikilala ng kakampi pag nagwala yan sa galit. Pinatay nga niya yung isang tauhan ng Fuego dati e. Ang yabang kasi. Gamit niya pala sa pakikipaglaban ay ang kanyang Speed, Strength at Intellegence. Pang all around type yung kakayahan niya. Big asset siya sa Grupo kaya nasa pangalawa siyang pwesto.


At kung tinatanong niyo kung sino ang nasa unang pwesto sa Grupo namin, Hindi ako yun. Ang taong yun ay yung umiinom ng alak mag isa dun sa table. Si Argo Diamante. Pinaka Bayolente yan sa lahat. Pinakamalakas sa lahat. Pinaka weirdo sa lahat. Minsan nga tumatawa yan ng malademonyo ng mag isa eh. Matagal na ako dito sa grupo pero di ko pa yan nakakausap kahit isang beses. At maski nga yung iba, madalang lang yang kausapin eh. Hindi ko pa nga din alam kung ano ang kakayahan niya. Napakamisteryoso masyado.


At ang huli kong ipapakikalala sa inyo ay walang iba kundi ang sarili ko. Ako ang 6th Diablo at ang pinakabata sa Grupo. Kael Zacanta. At Isa akong Bomber. Kaya kong gumawa ng kahit anong klase ng bomba na abot sa kakayahan ko. 


"Guys may meeting daw ngayon sabi ni Boss Jin." Bungad ni Stephan pagkapasok niya. Muntik ko ng makalimutan, may last member pa pala akong hindi naipapakilala sa inyo.

Siya si Stephan Milvar. 5th Diablo sa grupo. Siya lang yung masasabi kong normal sa aming walo. Mahinahon kasi. Siya ang computer expert sa grupo. Big asset din siya dahil sa galing niyang mag operate at mang hack ng mga systems. Napapadali namin yung mga misyon dahil sa kanya.


"Para saan yun meeting, Steph?" Tanong ko.


"Sumunod nalang kayo." Sagot niya. "Ah Argo, pumunta ka daw muna sa opisina ng Head Boss. May pag uusapan lang daw kayo." Dagdag pa niya.


Sya nga pala. May dalawang Boss dito sa Fuego Clan. Si Boss Jin del Fuego ang Boss namin at yung PINAKA Boss ng Fuego Mafia na hindi pa namin nakikita ni kahit anino niya. Maliban nalang dun kay Boss Jin at Argo na laging pinapatawag.


Tawag sakanya ay Head Boss. Actually siya yung dahilan kung bakit nasa tuktok ang Fuego Mafia ngayon. Marami siyang nagagawang maganda sa grupong ito na para bang bihasang bihasa na siya sa pagpapalago. Marami narin siyang narerecruit na malalakas dito. Katulad nalang kay Argo. Oo, siya ang nagrecruit sa halimaw na'yun.


Nang dahil rin sakanya kaya nabuo kami. Ang Walong Diablo.


Pero ang nakapagtataka lang sakanya, ba't ayaw niyang magpakita sa'min? Ba't ang Ilap niya sa mga tao?


Nasa kalagitnaan lamang ako sa pag iisip nang bigla akong tinawag ni Stephan.


"Kael!" -Steph


"Oo anjan naaa." Sagot ko tapos sumunod na ako sakanila.


Baka patayan na naman to. Mabuti pa sila Boss dun sa Mansyon nila, nagpapakasaya lang. Mahirap talaga pag nasa pinakamataas ang grupong sinalihan mo. Laging may ginagawa. Pero okay lang, gusto ko naman tong trabaho ko eh.



-To Be Continued...


The 8 Diablo of Fuego Mafia

* Argo Diamante -1st Diablo

* Elon Fuentes -2nd Diablo

* Primo Fuentes -3rd Diablo

* Nero Guzman -4th Diablo

* Stephan Milvar -5th Diablo

* Kael Zacanta -6th Diablo

* Veronica Arson -7th Diablo

* Helena Madrigal -8th rank



-MajorSin

Continue Reading

You'll Also Like

199K 1.7K 47
One accident leads to another. Star captains of each section solved mystery cases in Hell Booth to prove that they are worthy of their position in th...
127K 4.8K 65
✔COMPLETED (New Version) | Axphain Academy: School for Divine Angels (Metanoia Series 3) Axphain is a nation of divine winged mythical creatures. Th...
49K 3.3K 52
Every human is sinful. We were born destroyers and killers. God gave us the resources we needed to survive but being a congenital ungrateful skunks...
151 76 38
The root of the hell tragedy is escape from jail but before Supernatural Agent name chen arrest the criminal he saw a person who really like him was...