VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

475K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 5: You're a Mafia Boss

9.9K 337 13
By MajorSin

Episode 5: You're A Mafia Boss


EditedOct2018


********


[ Virgel's PoV ]


Andito kaming lahat ngayon sa sala nakaupo. Ilang minuto na ang nakakalipas pero tanging titigan lang ang ginagawa namin sa isa't isa. Pano ba naman kasi ako magsasalita? Si Kael lang ang kilala ko sa mga narito.


"Boss, ayos ka lang ba? Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya mo kagabi." Sa tinanong ni Kael ay tila nag umpisa na namang sumikip ang dibdib ko dahil naalala ko na naman ang sinapit nila mama. 


"Ano bang klaseng tanong yan?! Hindi ka ba marunong makiramdam?" Sigaw nung lalaking mga nasa mid 30s na ata kay Kael.


"Hindi, okay lang" Agad ko nalang pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. "Nahuli na ba yung mga taong pumatay kila mama at papa?" Pagtuturo ko dun sa apat na taong nakita ko nung gabing yun bago ako mawalan ng malay. Sigurado akong sila ang may gawa nun. 

Napakuyom nalang ako ng wala sa oras nung maalala ko ang mga mukha nilang nakangisi pa sa harap ko.


Kainis!


"Patay na silang lahat, Boss." Sagot nung naka eyeglass na lalaki. Patay? Sino ang nakapatay sakanila?

"Kayo ba ang pumatay sakanila?" Tanong ko dahilan para mapatingin ang mga ito sa isa't isa.

"Hinde. Wala ka bang naalala sa mga nangyari kagabi, Boss?" 

"Wala. Ang huli ko lang natatandaan ay may apat na lalaking pumasok sa pinto ng bahay namin. Tapos nun.." 

Bigla akong natigilan sa huli ko pang naaalala. 

Yung naramdaman ko nung gabing yun bago ako mawalan ng malay.,

Yung kusang pag ngisi ng mga labi ko..

Guni guni ko lang ba yun?

"Tapos?"

"Tapos hindi ko na alam. Bigla nalang akong nawalan ng malay." 

"Kung ganun sino ang may gawa nun?" Tanong nung mid 30s na lalaki.

"Teka, nung kanina. May naalala ka bang nagwala ka kanina lang, Boss?" Tanong nung naka eyeglass. Nagwala?

"H-ha? Anong nagwala?"

"Baka nga ganun." Napahawak yung naka eyeglass sa baba niya. "Posibleng ikaw ang pumatay sa apat na yun kagabi. Nung sinabi mong nawalan ka ng malay, hindi ka talaga nawalan ng malay nun kundi nagwala ka lang sa sarili mo na ikinawala ng katinuan mo, Boss." 

Pumatay? Ako ang pumatay? H-hindi ko kayang pumatay ng tao. "Hindi ko kayo maintindihan. Tsaka baket ba Boss ang tawag niyong lahat sa'kin? Si Kael lang naman ang tumatawag sa'kin niyan ah. Magkaibigan ba kayong anim? " Kanina ko pa kasi sila napapansin. Boss sila ng Boss eh hindi naman Boss ang pangalan ko 


"Kasi ikaw ang bagong Boss namin. At siya nga pala, hindi namin magiging kaibigan yang taong yan " Sabi ulit nung mature na lalaki habang nakatingin ng masama kay Kael. Bakit parang kanina ko pa nahahalata na sobrang inis na inis siya sa presensya ni Kael? 


"Huh? Bagong Boss?" Nasan ba ako ngayon at kung anu ano nalang ang pinagsasabi ng mga tao dito? 

"Ipapakilala muna namin ang mga sarili namin sainyo. Ako nga pala si Hugo Arsenal, nasa pinaka unang ranggo ng Virgo Mafia." Usal nung mature na lalaki tapos ay nag bow. Hugo pala ang pangalan niya. Ganyan din yung ginawa nung babae sakin kanina sa kwarto.

"Ako naman si Ish Valderama, Boss. pang apat sa ranggo ng Virgo Mafia." Sabi naman nung naka eyeglass at nag bow din.

" ~Alriiight! I'm Benjamin Delgado A.K.A Gwapong Samurai. 3rd rank sa Growpu. Pinaka gwapong nilalang ng Virgo Family! Nice to meet yah Bossing! You can call me Benz by the way. " Sabi nung energetic na lalaki na moreno ang balat na may kulay puting buhok at pagkatapos ay bow din.

"Hell! magpakilala ka!" Sabi nung babae. Sa pagkakatanda ko kanina, Eda Mosque ang buong pangalan niya. Tama ako diba?

"Manigas kayo." Usal lang nung naka shades na lalaki at agad tumayo at umalis. Siya lang ata ang mukhang ayaw ng presensya ko dito. Pero sa pagkakarinig ko, Hell pala ang pangalan niya. 

"Hell! Respetuhin mo nga si Boss!"

"Okay lang, Eda" sabi ko sakanya at ngumiti ng bahagya. 

"Sinong Eda, Boss? " Kunot noong tanong niya. Eh?

" Ikaw. Diba sabi mo kanina ikaw si Eda Mosque?--aw.. Eda ba yun?.. E-ema? Eva? " Sabi ko sabay tingin sa taas at napaisip. Parang Eda talaga yun eh.

Nakita ko namang nagpipigil ng tawa yung sina Ish at Benz ba'yun? May nasabi ba akong mali?

"Hindi po ako si Eda Mosque, Boss. Elsa..Elsa Monte ang pangalan ko at hindi Eda Mosque " Elsa! Tama nga ako, Elsa talaga yung unang naisip ko kaso baka mali ako e.

"P-pasensya na, Elsa." 

" Okay lang po, Boss " Sabi niya tapos nag bow ulit. Ano bang problema nila?


"Ang gulo ng mga nangyayari ngayon. Di ko kayang isink in sa utak ko lahat ng mga sinasabi niyo." Napahawak nalang ulit ako sa ulo ko kasi kumikirot na naman. 

"Gusto niyo ba munang magpahinga, Boss? Di naman namin kayo minamadali." Tanong ni Hugo kaya umiling ako. Gusto ko ng malinawan ngayon mismo kung ano bang nangyayari. 

"Ano ba ang Virgo Mafia na kanina ko pa naririnig? Sa pagkaka alam ko ng Mafia isa yang illegal na organisasyon, diba? Kaya pano ako magiging Boss sa ganyan eh isa lang naman akong 4th year high school na studyante? Classmate ko nga si Kael oh. Diba Kael?" Tanong ko sakanila. Ang gulo kasi talaga eh. Isipin mo nga na magigising ka nalang na ganito na ang mga maririnig mo. Sino bang hindi maguguluhan, diba?

"Ang Virgo Mafia ay itinayo ng ama mo, ang dati naming boss labingpitong taon na ang nakakaraan. Kaya ibig sabihin, isang Mafia Boss ang ama mo. At dahil dinukot siya ng mga Fuego dalawang taon na ang nakakaraan, ang anak niya ang ipapalit namin bilang bagong Boss ng grupong 'to. At ikaw 'yun, Boss Virgel." Paliwanag sa'kin ni Hugo. Mejo nakukuha ko na ang punto niya. Anak ako ng Boss nila dati kaya gusto nila akong pumalit sakanya dahil nadukot siya.

Pero ang hindi ko maintindihan, "Si Papa? Mafia Boss? Eh isa lang namang siyang--"

"Hindi yung namatay mong papa ang tinutukoy namin. Hindi siya ang tunay mong ama. Hindi sila ang tunay mong mga magulang, Boss." Putol ni Hugo. Bigla tuloy akong natawa ng konti.

"Nagbibiro naman kayo eh. Paanong naman naging hindi?"Natatawa kong tanong. Imposible naman kasi 'yun.

"Ibinigay ka ng tunay mong ina sa mag asawang 'yun para malayo ka sa mundo ng Mafia at para hindi manganib ang buhay mo. Nagkataong hindi magkaanak ang mag asawang 'yun kaya ka nila tinanggap." Paliwanag niya kaya mejo natigilan ako. Kaya ba di nila masagot kung bakit ako lang ang anak nila dahil di sila magkaanak at ampon lang ako?


" K-kung ganun...Ibig sabihin.." Napatingin nalang ako sa sahig at tulala sa mga impormasyong naririnig ko ngayon. Pilitin ko mang hindi maniwala sakanila pero may nag uudyok na mga alaala na tumutugma na baka nga hindi nila ako tunay na anak. Kaya ba wala akong kamukha sakanila dalawa, kaya ba sa tuwing binibiro ko sila na gusto ko magkaron ng bunso tinatawanan lang nila..

Dahil...


"Hindi ka isang Martinez, Boss. Isa kang Acosta. At ang tunay mong mga magulang ay sina Mr. Vlademir Acosta at Mrs. Almira Martin. Divorced ang mga magulang mo kaya magkaiba sila ng apilyedo ngayon. Ang ama mo ang Boss ng Virgo. At ang ina mo naman ay ang asawa ng Boss ng mga Martin--ang Mafia Queen ng Martin Family" Sabat pa ni Ish kaya mas lalong kumirot ang ulo ko. Di ko na alam. Masyado na akong nilalamon ng mga nalalaman ko ngayon. 

"P-pero paano? paano niyo nalaman na ako ang anak ng dating Boss niyo? Baka naman nagkamali lang kayo."

"Ang mga magagaling na researchers namin ang nakatuklas tungkol sa balitang may anak si Boss. Isa sa pinakaunang myembro at pinagkakatiwalaan ni Boss noon ang nahanap nila at Ininterview. At ang sabi daw nito, may anak si Boss Vlad na itinakas mismo ng sarili niyang asawa noon na si Mrs. Martin. Kaya naman nung nalaman namin 'yun, pinaresearch na agad namin ang sinasabing nawawalang anak ni Boss. At isang araw, isa ulit sa mga magaling na researchers namin ang nakahanap sayo." Paliwanag ni Hugo. Kahit medyo mataas, parang unti unti ko ng naiintindihan ang mga paliwanag nila. pero..

"Eh gaano kayo kasigurado na ako nga talaga ang nawawalang anak ng Boss niyo? Eh hindi niyo pa naman ako napa DNA test diba? "Tanong ko.

"Actually nung una hindi pa kami ganun kasigurado kung anak ka nga ba talaga ni Boss, pero base sa nakita namin kanina sa kwarto mo, sigurado na kami na mag ama nga kayo ni Boss Vlad. " Sagot naman ni Elsa.


" ~Alriight! hindi makikita sa patpatin mong katawan kung gaano ka kalakas Bossing! " Singit naman ni Benz kaya napaisip ako.


"Yan ba yung sinasabi niyong nagwala ako kanina?"


"Oo."

"Wala akong natatandaan na nagwala ako. Ang natatandaan ko lang naman eh nagtatanong ako kay Elsa nun tungkol sa mga magulang ko. Tapos..ano..nakaramdam ako ng parang ewan..tapos.. wala na, nagising nalang ulit ako sa kama tapos bumaba na ako dito sa sala at dun ko na kayo nakita na tinututukan ng baril si Kael-- Teka.. ba't niyo nga pala tinutukan ng baril si Kael kanina? " Takhang tanong ko. Muntik ko ng makalimutan yung naabutan ko kanina.


Nakita ko na namang sumama na naman ang tingin ni Hugo kay Kael.


"Kasapi yan sa Fuego Mafia--ang mortal nating kalaban. Ang grupo niya ang dumukot sa ama mo at pumatay dun sa mga kinilala mong mga magulang." Usal ni Hugo kay Kael na ang sama sama padin ng tingin. Si Kael naman ay nakangiti lang.

"T-totoo ba yun Kael? Kasamahan mo yung pumatay kila mama?" Nakakunot noo kong tanong ko kay Kael. Imposible naman ata 'yun. Napakabait ni Kael para maging kasapi ng isang ilegal na organisasyon.

Nakita ko naman siyang huminga ng malalim at tsaka pumikit. Tapos ay ngumiti ito ulit. " Oo, Boss. Ka grupo ko nga ang pumatay sakanila pero sa maniwala ka man o hindi, hindi ko yun ginusto. Gusto ko man silang pigilan pero wala akong magagawa. Ang Boss na namin ang may utos nun. Kaya nga binalaan na kita nung gabing yun diba? " Sagot niya. Kaya pala nagtxt siya kagabi na mag iingat ako. Yun pala ang gusto niyang ipahiwatig sa mensaheng yun. 


"Ganun ba. So ibig sabihin ba 'nun hindi kalaban ang turing mo sa'kin? " Ngumiti lang si Kael at tumango. Nakahinga naman ako ng maluwag nung tumango siya. Salamat naman. Kahit wala pa akong masyadong naiintindihan, alam ko yung pagkakaiba sa kalaban at hindi. At buti hindi niya ako tinuturing na ganun kahit sabi nila Hugo mortal daw na magkalaban yung Virgo at Fuego. Siya na nga lang yung kaibigan ko tapos magiging kaaway ko pa. Parang ayoko nalang mabuhay pag nangyari yun.


" Pero teka..kung kalaban ka namin, ba't andito ka? Ang ibig kong sabihin eh..diba, hindi ka dapat nag iisang pumunta dito kasi baka mapahamak ka? "


Ngumiti lang ulit ito. "Hindi na maitatago pa na matagal na ngang magkalaban ang Virgo na kilalagyan mo at Fuego na kinabibilangan ko. Pero kagaya nga ng sinabi ko kanina, pumunta ako dito bilang isang kaibigan mo Boss at hindi bilang isang kaaway niyo. " 


"Gusto ko lang namang kumustahin ang Boss ko e " dagdag pa niya habang natatawa." Grabe, hindi ko talaga akalain na ang bestfriend ko na tinatawag tawag kong Boss ay magiging isa pala talagang totoong Boss. Nakakamangha lang"


Napakamot nalang ako sa buhok ko dahil hindi ko na rin alam ang tumatakbo ngayon e. "Maski ako nga rin eh. Parang hindi kasi totoo yung mga naririnig ko." Nasabi ko nalang. Parang ang hirap pang i sink in sa utak ko lahat ng mga naririnig ko ngayon.


"Sige na, andito lang naman ako para kumustahin si Boss. At sa tingin ko okay naman siya kaya aalis na ako. Baka hinahanap na nila ako eh hehe" Agad tumayo si Kael para magpaalam na. Lahat naman kami ay nakatingin lang sakanya.


"Una na ako, Boss."


"Mag iingat ka, Kael." Nag ok sign naman siya tapos tumalikod na at naglakad. Lalabas na sana siya sa pinto nang tinawag siya ni Hugo.


"Hoy! Anong balak mo?!" Tanong niya. Lumingon naman si Kael sa'min tsaka nagsalita.


"Wag kayong mag alala. Wala akong sasabihin na kahit ano sa grupo ko. Hinding hindi ko kailanman ipapahamak yung kaibigan ko..ang Boss niyo. " Sabi niya tapos ay ngumiti. "Chao" Di ko rin tuloy mapigilan ang ngumiti sa sinabi niya. 

Pero mula sa pag ngiti, nakaramdam ako bigla ng pag aalinlangan.


Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o matutuwa.


Malulungkot ba dahil kalaban namin ang grupo niya?


O matutuwa kasi kahit kalaban siya, kaibigan padin yung turing niya sa'kin?



Haaay..



-To Be Continued...



-MajorSin


Continue Reading

You'll Also Like

128K 12.2K 63
| COMPLETED | CLARK AIRBASE, PAMPANGA YEAR 2085 Kaya mo bang balikan ang nakaraan? Kaya mo bang balikan ang lugar na iyong nakamulatan? Kaya mo bang...
14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
146K 5.3K 48
Seventeen Scenarios and more!
1.7M 53.8K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...