VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

476K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 4: The 6th Diablo

10.6K 377 28
By MajorSin


E
pisode 4: The 6th Diablo


Edited: Oct2018


*********


[ Virgel's PoV ]


" Hoy! Boy Lampa! Nagugutom na kami! " Naku ayan na naman sila

" Ah pa-pasensya na kayo Alfe, wala na akong pera eh. Bukas nalang ha? H-hehe "

Agad na naman nya akong kwinelyuhan "Anong wala?! Nakakailan kana jan sa palusot mo na yan ha!"

"Tanga kaba? Sabi ng wala akong pera eh." Mabilis akong napatakip ng bibig matapos kung sabihin yun. A-anong..

Ano ba yung sinabi ko? 

"Ah-hehe hindi ano..a-ang ibig kong sabi--" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil isang suntok ni Alfe bigla ang sumalubong sa mukha ko. 

"SUMASAGOT KANA HA! SINONG TANGA?!" Sigaw niya sa'kin habang mahigpit parin akong kinikwelyuhan na parang masasakal na ako. Sasabihin ko pa sana na biro lang yun pero..

"Ikaw." Bigla na namang nagsalita yung bibig ko ng mag isa. Ano bang nangyayari sa'kin? Ba't di ko makontrol yung bibig ko sa pagsasalita?

"GAGO KA PALA EH!!" Susuntukin na naman sana niya ako ulit pero..

May bigla akong narinig na putok ng isang baril, at bago pa ako makareak, Nakahandusay na sa sahig ang katawan ni Alfe na kanina lang ay  naka kwelyo pa sakin.

"A-alfe.."  Halos mangatal ang bibig ko nung makita ko ang duguang katawan niya. Sinong may..

"BA'T MO SIYA BINARIL?!"

" PINATAY MO SIYA!! "

" MAMAMATAY TAO KA!! "

Sigaw bigla nung tatlo niyang kasama habang nakatingin....sa'kin?


Teka..bakit? Bakit sila nakatingin sa'kin? wala naman akong ginawa ah. Wala naman akong hawak na ba---


Teka..ba't may hawak akong baril?


At bago pa ulit ako makapag isip, sunod-sunod na putok ng baril na naman ang narinig ko, at yung tunog na 'yun ay galing mismo sa baril na hawak-hawak ko.


Pagtingin ko sa tatlong kasama ni Alfe..


Duguan na rin silang tatlo na nakahandusay sa sahig..


A-anong nangyayari?


A-ako ba ang may gawa nito? Ako ba ang b-bumaril sa kanila? Imposible yun. Hindi ko magagawa yun. Hindi ko kaya ang pumatay.. Hinde..

Hindee..


"HINDEEEEEEEEE!!! 



********


"AAAAAAAAHHHHH-Aray!"

Isang pitik sa noo ang biglang naramdaman ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

 "Gising kana pala Boss"

Boss? Andito ba si Kael? Pero ba't boses babae?

Kinusot ko muna yung mga mata ko para matignan ko ng malinaw kung sino yung nagsalita, at pagtingin ko..

"Teka..sino ka?" Tanong ko dito sa napakagandang babae sa tabi ng hinihigaan ko.

Ngumiti naman agad siya tsaka tumayo sa pagkakaupo tapos ay bigla nalang yumuko.

"Ako nga pala si Elsa Monte. Myembro ng Virgo Mafia. Pang limang ranggo sa Grupo. Ikinararangal ko po ang pagsilbihan kayo, Boss Virgel " Biglang sabi niya kaya napangiwi nalang ako. Ano ba 'tong pinagsasabi niya?


Virgo Mafia? Pang limang ranggo? Boss Virgel?


Di ko tuloy mapigilang matawa. "Ano ba yang pinagsasabi mo miss? Tsaka ba't andito ka sa..kwarto...ko." Agad napalibot ang tingin ko sa paligid habang sinasabi yun. Teka..hindi ko to kwarto ah." Nasaan ako? Kaninong kwarto to? " Naguguluhan ko ng tanong

"Andito kayo ngayon sa kwarto niyo dito sa Mansyon ng Virgo, Boss." Sabi nitong weirdong magandang babae na'to.

"Mansyon? Anong mansyon? At tsaka kwarto ko? hindi ko naman to kwarto eh. Hindi naman ganito kalaki yung kwarto ko." Sabi ko sakanya. Sa kwarto ko naman ata ako natulog kagabi ah. Ba't napunta ako di--


Teka..


Ano nga bang nangyari kagabi? Ang huli ko lang natatandaan eh bumaba ako galing sa kwarto para maghapunan na sana. At pagbaba ko..


Pagbaba ko..nakita ko si...


si mama..



sila mama...



*********


[ Elsa's PoV ]


"Andito kayo ngayon sa kwarto niyo dito sa Mansyon ng Virgo, Boss." Sagot ko sakanya. Bigla namang nangunot yung noo niya. Wala ba siyang natatandaan kahit konti sa nangyari kagabi?


" Mansyon? Anong mansyon? At tsaka kwarto ko? hindi ko naman to kwarto eh. Hindi naman ganito kalaki yung kwarto ko . " Sabi niya naman sa'kin tapos napatingin siya sa kisame. Mukhang sinusubukan niyang alalahanin yung nangyari kagabi.


Maya maya pa, kitang kita kong bigla nalang nanlaki ang mga mata niya. Biglang nanginig ang katawan niya at bumibili ang paghinga niya, Tapos bigla niya akong tinignan tsaka sinigawan.


"SI MAMA?! SI PAPA?! NASAAN SILA?!" Galit niyang tanong sa'kin kaya nagulat ako.

Ang layo ng awra niya kanina kumpara ngayon. Nakakatakot yung tingin niya, ang talim. At ang kulay ng mga mata niya...dalawang beses palang ako nakakita ng ganitong klaseng mga mata. Una ay dun kaya Boss Vlad, tapos ngayon.


Mag ama nga sila.


"A-ah Boss, ikinalulungkot ko pero patay ng ang mga magu--Arrrkk! "

Ang bilis ng kilos niya. Di ko namalayang nakahawak na pala siya sa leeg ko. Ang bilis at sobrang higpit!

"NASAAN SILA?!"

"H-hindi ako m-maka--hi-arrk!" Sobrang lakas niya. Hindi ko kayang alisin ang mga kamay niya. Sobrang bigat. Halos tumirik na ang mga mata ko dahil di ko magawang makasagap ng hangin. 



K-katapusan ko na ata...


"BOSS!!"

"ELSA!!"

Nakita ko sina Hell at Hugo na sinunggaban si Boss dahilan para mabitawan niya ako mula sa pagkakasakal. Muntikan na akong matuluyan. Buti dumating sila. Tuloy tuloy lang ako sa pag ubo habang pilit kumuha ng hangin. 

"Anong nangyari Elsa?" Tanong ni Ish sa'kin habang inaalayan akong tumayo.

"E-ewan, bigla nalang siyang nagwala e." Sabi ko habang hinihimas yung leeg ko. Ramdam ko parin yung kapit niya sa leeg ko.

"TANG INA! KONTING TULONG NAMAN JAN!" Nabaling yung tingin ko nila Hell na kasalukuyang pinipigilan si Boss. Kahit dalawa silang nagpipigil ay tila hirap parin sila.

"AARRRGHHH HAHAHAHAHA!!" Parang bigla nalang itong nasisiraan ng bait habang tumatawa ng malakas sa harap namin habang sobrang pula ng mga mata niya. Buti malakas sina Hugo at Hell kundi patay kami ngayon dito.

"Turukan niyo muna siya ng pampakalma dali! " Sigaw ni Ish kaya dali dali ko ring kinuha yung injection ng pang pampakalma.

"BILISAN MO ELSA! MALAPIT NA AKONG BUMIGAY!" Sigaw ni Hugo. Agad namang tumulong sina Ish At Benz sa pagpigil.

"Heto na.." Mabilis akong lumapit sakanila at itinurok yung injection sa braso ni Boss.

Unti unti, bigla na siyang nanghina at kumalma. Yung apat naman ay pinagpapawisan ng husto dahil sa pagpigil.

"Ano ba kasing ginawa mo kay Boss at bigla nalang siyang nagwala?" Hinihingal na tanong ni Hugo. Grabe, parang galing sila sa pagpapakalma ng isang toro dahil sa hitsura nilang apat ngayon. Lahat ay parang mauubusan ng hininga.

"Sinagot ko lang naman ang tanong niya eh." 

"Ano ba yung tinanong niya?" -Ish.

"Tinanong niya kasi kung na'san ang mga magulang niya at sasagot pa sana ako na patay na--"

Napatigil nalang kaming lima nung may marinig kaming hikbi.

"Mama..Papa.."

Kung titignan mo siya ngayon, para lang siyang isang bata na umiiyak kasi nahulog yung candy niya. Ibang iba kumpara kanina na para bang anytime pwede na niya akong kainin sa sobrang galit. Ganito ba talaga magalit ang mga lahi nila? Ganito ba talaga ang mga Acosta? 


May isang katauhan?


"Hey Boss, It's Okay. It's..~Alriiight!" Sabi naman ni Benz habang tinatapik yung likod ni Boss. Abnormal talaga to. Si Boss naman patuloy parin sa pag iyak. Siguro mahal na mahal niya yung mga tumayong magulang niya.

"Uhuging bata." Usal ni Hell bago lumabas dito sa kwarto.

"Maiwan kana muna namin dito Boss. Hahayaan ka naming mag isip. Tawagin mo lang kami kung may kailangan ka." Sabi ni Hugo at isa isa na silang nagsialisan sa kwarto. Pinagmasdan ko muna siya saglit. Alam kong mga tumayong magulang lang yung dalawang napatay kagabi. Pero sa reaksyon ni Boss ngayon, halatang minahal siya ng mga yun ng husto na parang totoong anak nila. Kaya ganyan nalang siya kawasak nung maalala niya ang sinapit nung dalawa. 

"Patawad at wala kaming naitulong para mailigtas sila, Boss." Sabi ko nalang bago tumalikod at sumunod kila Hugo. Hahayaan na muna namin siyang malinawan ang isipan niya.



****


"Woah Grabe! Boss is so strong maan!" Manghang mangha na sabi ni Benz nung maka upo na kaming lima sa sala.

"Iyakin naman!" Sabat agad ni Hell na tila kanina pa iba ang timpla. Nasa tabi ko nga pala siya.

" Wag mo ngang pagsalitaan si Boss ng ganyan Hell. Baka nakakalimutan mong anak siya ng dati nating Boss? " Sabi ko naman sakanya.

"Dati? anong dati?! Boss parin natin si Boss Vlademir hanggang ngayon! At isa lang temporary Boss yung iyaking 'yun! "

"Hell! Ano ba?!"Awat ko.

"Ano?! kakampihan mo 'yun?! Muntik kanang mapatay nun kanina tapos kakampihan mo parin 'yun?! Tangina lang!" Ba't ba sobrang badtrip na naman to?

"Teka nga! ba't ba ang init ng ulo mo ha?! " Abnornal talaga to si Hell minsan eh. Bigla bigla nalang nagagalit sa mga mababaw lang na dahilan.

"Eh muntikan ka na nga niyang mapatay kanina diba?!" Sigaw niya. At take note magkatabi kami ha. Ang lapit lang namin sa isa't isa.

"Eh ano naman ngayon?! Jusko! Boss parin natin siya Hell! Dapat parin natin siyang respituhin! " Sigaw ko rin dahil pati ako ay nababadtrip na rin sa ugali ng isang 'to.

"Hindi naman yan yung point ko tanga!"

"Eh ano bang gusto mong sabihin ko, ha?!"

Nakita ko naman siyang napapikit at umiling "Ang bobo mo." Ganti lang niya tapos tumayo na at tsaka nag walkout.

"Mas bobo ka! Abno!" Pahabol ko bago siya makalabas ng pintuan.

Argh! nakakabadtrip talaga ang ugali nun! Kainis! 

Napatingin naman ako sa tatlo na tahimik lang na nakatingin sa'kin.

"ANO?!" Sigaw ko sakanila. Nagreact naman agad si Ish.

"Ang slow mo talaga, Elsa. Halata namang nag alala lang yung tao sa nangyari sayo kanina kaya ganun nalang yung modo nun. " Sabi niya habang umiiling pa. Nag aalala? ganun ba dapat i aakto mo pag nag aalala ka sa isang tao? Ako pa talaga ang slow ha.

"Yeah! Tama si Pareng Ish. Ganun lang talaga pag nag aalala si Hell boy, kaya wag kana mabadtrip jan, Elsa Queen." Singit naman nitong Boy Alright na 'to na nakangisi lang. Kailan pa ako naging Elsa Queen? At anung sabi niya? ganun lang si Hell pag nag aalala? Adik ba siya?

"Magsama kayong tatlo!" Sigaw ko nalang sakanila. Sus! Alam kong pinagtatanggol lang nila yung ungas na'yun!

" Yieee! Elsa, kikiligin na yaaan! in 3,2-- "

Bago pa matapos ni Benz ang sasabihin niya, kinuha at kinasa ko na agad ang baril na nasa likuran ko at tsaka itinutok ito sakanya.

"Sige ituloy mo, Benz." Walang emosyon kong utos sakanya. Bigla niya namang itinaas ang dalawa niyang kamay habang natatawa.

"Oopsie! Chillax ka lang. Baka mawalan kayo ng gwapong samurai, sige ka." Aba't nagawa pang magyabang nitong ungas na'to ah. Tuluyan ko na kaya to?

"Tama na yan Elsa. Mahal na ang pang lamay at kabaong ngayon." Sabat rin ni Hugo na kalmado lang na nakaupo.

"Ako na ang bahala sa lamay." Sabi ko habang nakatutok padin ang baril kay Benz.

"At ako na din ang bahala sa kabaong. Ikaw nalang sa pang kape Hugo para di kana gano gumastos. Pft. " Natatawang suggest rin ni Ish.

"Pwede narin." Tipid na sagot ni Hugo kaya naman binigyan ko na ng mala demonyong ngisi si Benz.

"Any last words, Benjamin Delgado?" Seryosong tanong ni Ish pero halatang nagpipigil lang ito ng tawa.

" Al-alright. Na-nagbibiro lang kayo diba? d-diba? Ma-may pinagsamahan kaya tayo guys. W-wala namang ganyanan " Yung mukha ni Benz ngayon parang natatae na ewan. Pawis na pawis na ang letche! Hahahahahaha. Pati si Hugo napapatakip na rin sa hawak niyang libro dahil nagpipigil narin ito ng tawa. Binibiro lang naman namin siya eh.

"May gusto ka bang batiin bago ko kalabitin tong gatilyo, Mr Alright? Hmm?"

"Huwag naman kayong ganyan guys huhuhu." Mangiyak ngiyak na pakiusap niya. Hahahaha ang lakas talaga magpa goodvibes nito.


"Wala na? Okay, Bye2x na in 3, 2,--


"Hoy may naghahanap kay iyakin!"


Bigla kaming napatigil sa pagbibiro kay Benz nung biglang magsalita si Hell galing pintuan.


 "Kaanu-ano daw niya si Boss?" Tanong ni Hugo.


" Kaibigan daw "


"Anong pangalan?" -Ish


 "Ewan."


" Bakit daw siya nandito? " Tanong ko naman.


"Hala ano 'to? The Buzz? Ang dami niyong tanong! Kayo nalang kaya lumabas?! " Sigaw na naman niya tapos pumunta na siya sa kusina. Bwesit talaga to! nagtatanong lang eh!

"Kung kaibigan lang siya ni Boss, ba't niya alam na nandito si Boss sa Mansyon?" Tanong ni Ish kaya bigla kaming natigilan. Tama siya. Baka kalaban to. Tae talaga to si Hell di nag iisip! Tumayo na agad kaming apat habang papunta sa labas ng mansyon. May hawak na kaming baril nina Hugo at Ish samantalang hawak nadin ni Benz ang dalawang samurai niya.

Paglabas namin. Isang lalaki lang ang nakita naming nakatalikod habang nakapamulsa pa. Parang namang hindi to kalaban. Casual lang kasi ang suot niya. Pero ba't alam niyang nandito si Boss?

"Sino ka?" Tanong ni Hugo kaya naman napaharap yung lalaki. At pagharap niya..


"Kumusta?"


Teka..diba isa to sa Walong Diablo ng Fuego? Ba't andito to?!


Nakita ko naman ang pagbabago ng expression sa mukha ni Hugo"Ang lakas ng loob mong magpakita dito sa teritoryo namin! " Sigaw niya habang tinutukan na si Kael ng Baril. Tama, siya nga si Kael Zacanta. Ang muntik ng pumatay kay Hugo noon. Wala si Hell nung mga oras na'yun kaya hindi niya alam na isang Fuego pala tong naghahanap kay Boss. Pahamak talaga.

"Pumunta ako dito bilang isang kaibigan Hugo at hindi isang kaaway. Kaya kung pwede sana payagan niyo akong makita si Virgel. Gusto ko lang siyang kumustahin." Mahinahon niyang sabi sa'min. Teka..magkaibigan sila ni Boss?

"At sa tingin mo papayag kami?! ha?! Ang tanga mo lang na pumunta dito nag mag isa! " Kinasa na ni Hugo ang hawak niyang baril pagkatapos niya yung sabihin.

Si Kael naman nakangiti lang at walang bahid ng takot ang makikita mo sa mukha niya. Pambihirang bata to.

" Ngayon mababawasan narin ng isa ang Walong Diablo ng Fuego!" Ipuputok na sana ni Hugo ang baril pero may bigla kaming narinig na sigaw.


" WAAG!! "

Paglingon namin, si Boss pala yung sumisigaw habang tumatakbo palapit sa'min. At sa sobrang pagmamadali niya, ayun nabangga niya yung vase na nakadisplay sa gilid.


"Hala..sorry." Huminto muna siya tapos isa isa niyang kinukuha yung mga bubog.


Lumingon naman ako sa side nila Kael at kita kong nilagay na ni Hugo ang baril niya sa likod niya. "Alang alang kay Boss. Pero sa oras na gumawa ka ng maling hakbang, di na ako magdadalawang isip na pasabugin yang ulo mo." Sabi ni Hugo kay Kael bago siya pumunta kay Boss para tulungan ito.


Tinignan ko naman si Kael. Nginitian niya lang kami. "Kalaban ako pero kaibigan ko ang Boss niyo. So ibig sabihin..." ngumiti lang ulit ito at pinutol niya yung sinabi niya tapos yumuko nalang siya samin bago niya kami iwan sa labas at pumunta sa direksyon nila Boss.




Anong ibig niyang sabihin?



-To Be Continued..



-MajorSin

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 27.1K 37
Lahat po ng author's note dito ay OUT DATED, Just ignore it.
199K 1.7K 47
One accident leads to another. Star captains of each section solved mystery cases in Hell Booth to prove that they are worthy of their position in th...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
393K 14.4K 62
✔COMPLETED | She's The Cursed Goddess (Demigod Trilogy Book 1 of 3) She was created by mistake and has been dealing with bad luck ever since she was...