VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

476K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 2: A Villain or Not

11.6K 414 58
By MajorSin


E
pisode 2: A Villain or Not 



EditedOct2018




***************



[ Virgel's PoV ]



Last subject ko na ngayon, ang P.E. Nakakatuwa lang kasi ang lalaruin namin ngayon ay ang pinakagusto ko panoorin, ang Basketball. Hindi ako marunong nun pero hilig ko talaga ang manood ng Basketball.

Gusto kong maka experience na maglaro ng Basketball kahit sandali lang hehe.

"Okay class, tulad ng nasabi ko kahapon, Basketball ang lalaruin natin ngayon. For boys lang muna tayo sa ngayon ha. Bukas Girls naman. Now Boys, kayo na ang bahalang pumili kung sinu-sino ang gusto niyong maka grupo. Basta hindi lang kayo lalagpas ng anim, Okay? Now choose your teammates!"


Pagkasabi ni Teacher nun ay dali-dali na agad ang mga classmates ko sa pamimili ng magiging teammates. Pati ako ay naghahanap na rin. Ewan pero naeexcite ako.


"Ah Jake, Pasali naman ako sa team niyo" Sabi ko nung makita ko siyang parang naghahanap pa ng pwedeng maka teammates niya.


Nung tignan naman niya ako ay ngumiti ito ng pilit "Nako pasensya na, 6 na kami eh" Sagot niya pero ba't parang naghahanap parin siya?


"Aw sige, okay lang hehe." Ngiting sagot ko nalang at pumunta nalang sa iba kong classmate--kay Marco. Pero bago paman ako makapunta sakanila ay nakita ko pang lumapit si Charles kay Jake "Jake, kumpleto na ba kayo? "

"Hindi pa nga eh. Gusto mong sumali?"

"Sige."


Bahagya nalang akong napatingin sa sahig. Di naman ako ganun ka tanga para di malamang ayaw lang nila ako maka teammate e.

Lumapit nalang ako kay Marco at nagbakasakaling makasali. "Ah Marco, anim na ba kayo? pasali naman ako sa team niyo." Tanong ko pero bigla niya lang akong sinamaan ng tingin.

"Sasali ka sa team ko? Nagpapatawa ka ba? Di bagay ang Lampa dito sa Team ko kaya hindi pwede!" Bulyaw niya sabay tulak pa sa balikat ko. 

Napahinga nalang ako ng malalim.


Ayaw talaga nilang lahat sa'kin.


Humanap nalang ako ng ibang team na hindi pa kumpleto, at mabuti nakita ko si Kael na nakikipag usap sa mga ka teammates niya ata.


"Ahh Kael, kumpleto na ba kayo?"


"Naku tamang tama Boss! Kulang kami ng isa, Ikaw nalang pang anim namin." Sabi niya kaya unti unting kumorba ang ngiti sa labi ko.


" Talaga? Salama--"


Sasagot palang sana ako pero natigil ako kasi bigla nalang hinigit si Kael ni Greg--isa sa mga ka teammates niya.


"Ano kaba naman Kael? Wag mong pasalihin yan sa team! Ang lampa niyan masyado! Baka matalo pa tayo ng dahil jan eh!"


Hindi ko alam kung bumubulong ba siya o sinadya niya talagang marinig ko ang sinasabi niya kay Kael.


" Buhay niyo ba ang nakataya para matakot ng ganyan na matalo tayo? At isa pa hindi lampa si Boss"


"Tignan mo nga yang patpatin na katawang yan! Humanap nalang tayo ng iba, Kael!"


Sasabihin ko nalang sana na hindi nalang ako sasali sakanila kasi baka ikatalo pa nga nila pag sumali ako pero..


"Sasali si Boss sa ayaw at sa gusto niyo."


Rinig kong kontra ni Kael sa kanila tapos lumapit na siyang muli sa'kin at tsaka ngumiti.


"Oh, mauna na tayo Boss! Magpapractice pa tayoo!" Masayang aya nya sa'kin, habang sila Greg at yung iba naman naming ka teammates ay ang sama sama ng tingin sa'kin. 


"Ah S-sige " Sagot ko nalang kaya mabilis niya akong inakbayan at sabay na kaming umunang naglakad papuntang covered court kung saan kami maglalaro.


*****


Kasalukuyan ng nag uumpisa ang laro namin, at dahil anim kami sa team, bangko na muna ako. Isa-sub nalang daw nila ako mamaya.


"Oh Pasa pasa!"


"Dito dito!"


"Bantayan niyo si Kael!"


Nag umpisa ang laro na magkadikit ang score. Laging umiiscore si Kael sa team namin habang si Marco naman ang umiiscore sa kabilang team. Laging nagpapalitan ng Tira. Shoot dito, shoot doon. Lay up dito, Lay up doon. Ewan pero habang nanunood ako parang mas lalo akong naeexcite na maglaro. 


Natapos ang first quarter sa score na 18-22. Lamang ang kalaban.


"Oh ikaw naman ang pumalit sa'kin Boss." Sabi ni Kael sa'kin kaya napangiti ako. 


Sa wakas, makakapaglaro narin ak--


"Mamaya na Kael. Lamang pa ang kalaban! Mamaya ka nalang magpa sub pag lumamang tayo." Kontra na naman ni Greg kaya nawala bigla yung excitement ko.


"Pero, Hindi pa naglalaro si Boss."


Ngumiti nalang ako ng bahagya sakanila. "Hindi, okay lang. Baka lalo pang lumamang yung score ng kalaban pag naglaro pa ako."


"Pero Boss.."


Pumito na ang referee kaya tinapik ko na ang balikat ni Kael. "Sige na, galingan niyo para lumamang tayo." nakangiti kong sabi sakanya.


"Lalamangan namin sila Boss para makapaglaro kana ha. " Sabi ni Kael kaya tumango lang ako.


Nag umpisa na ang 2nd quarter. Kagaya kanina, Palitan padin ang dalawang team ng tira. Walang  gustong magpatalo.


Natapos ang 2nd half sa score na 35-40. Lamang parin ang kalaban, at ibig sabihin nun, hindi parin ako pwedeng maglaro.



**********



--Fuego's Mansion---


[ 3rd Person's PoV ]


Sa isang magarbong ubuan nakaupo ang isang may katandaang lalaki habang naka de kwatro ng upo. Kaharap nito ngayon ang iilang tauhan ng mga Fuego para sa isang misyon. "Dukutin niyo ang batang yan ngayong gabi at wag na wag kayong papalpak." Utos nito sabay abot ng litrato ng isang binatilyo sa apat nitong tauhan.


"Masusunod po"


"Wag niyo siyang papatayin, maliwanag? "


"Opo."


" Makakaalis na kayo "


******


[ Virgel's PoV ]


Patapos na ang fourth quarter pero di padin ako nakakapaglaro. Di kasi lumalamang yung team namin eh. Kahit anung gawin nila Kael na paghabol, nakakabawi palagi ang team ni Marco. Ang galing ni Marco maglaro.


70-76 na ang score, anim pa ang lamang nila Marco at 5 minutes nalang ang natitira. Sana makahabol kami. Hindi na dahil para makalaro ako, kundi para manalo kami. 


Ayos lang kahit hindi na ako makalaro basta manalo lang ka---


"KAEL!"Napasigaw nalang ako kasi biglang nahiga si Kael sa gitna ng court. Agad naming pinuntahan si Kael at pinalibutan.


"Kael ayos ka lang?"


"Anong nangyari?"


"Napilayan kaba?"


Sunod sunod naming tanong sakanya, at mejo nakahinga ako ng maluwag nung makita ko siyang bumangon ng dahan dahan.


"He-hehe wala to, nag cramp lang yung kanang binti ko." Sabi niya kaya Inalalayan namin siya papunta sa bench para makaupo siya ng maayos. Tapos ay minamasahe ng teacher namin yung binti niya para mawala yung pamumulikat. 


"Paano na tayo makakahabol nito? Bwesit naman yan oh!" sabi nung isa kong kateam.


"Anjan naman si Boss oh. Boss, Ikaw na ang bahala sa laro ah. Galingan mo ha " Sabi ni Kael sa'kin habang naka thumbs up pa.


Teka..


Ba't parang kinabahan ako bigla? Kanina lang excited na akong maglaro ah. B-ba't ngayon parang ayaw ko na? Ngayon pa nga lang ako maglalaro tas sobrang intense pa na nung laban.

Jusko..


Muling pumito ang referee senyales na itutuloy na ang naudlot na habulan ng puntos--dahilan para manlamig ako lalo.


"Mukhang wala na tayong magagawa. Virgel! Ayusin mo ang paglalaro mo ha?! Wag kang papalpak! " Dagdag pang sigaw ni Greg kaya mas lalo akong nakaramdam ng pressure.



"O-okay..He-hehe" 


AYOKO NAA!


"Kilos na Virgel!" Sigaw ni Greg. Di ko alam na nag umpisa na pala yung laro.


Kaya ayun tumakbo narin ak--"anak ng!" Di ko ata naayos ng maayos yung sintas ko kaya aksidente ko tong naapakan at mabilis na gumulong gulong. 


A-arayy..


"Tanga! Anong kaabnormalan ba yang ginagawa mo?!" Sigaw na naman ni Greg kaya agad agad rin akong tumayo at inayos ang sintas bago tumakbo ulit. Sorry naman.


Grabe, ganito pala pag nasa loob kana ng court. Kahit mga classmates ko lang ang nanunuod nakakakaba  pa di--


"Virgel!"


"Ha?--" Bago pa man ako makalingon sa tumawag sakin, mabilis na tumama yung bola sa ulo ko dahilan para matumba ulit ako.



"HAHAHHAHAHAHAHAHA GAGOOO!!" Rinig ko pang nagtawanan yung mga nanunood. 


A-arayy..


"Out of bounds, Team Marco's Ball" Usal ng referee.


"Taragis ka talaga kahit kailan!" Gigil na gigil na ang boses ni Greg. 


Kahit saan mo talaga ako ilagay sobrang lampa ko talaga.


Sana di nalang ako sumali..  


"Ano ba 'yan Virgel! Nasa harap mo na yung bola hindi mo pa nasalo?!" Sigaw nung nagpasa sana sakin.


"Pa-pasensya na " Sabi ko nalang sakanila bago dahan dahang tumayo ng mag isa. 


Sa pagkakaalam ko sa ulo ako tinamaan ng bola, pero ba't yung puso ko yung kumikirot ngayon..


Napaka walang kwenta ko talaga.


"Balik na sa pwesto! Bwesit!"




*****



"GAME OVER! FINAL SCORE 90-79. TEAM MARCO WIN " -Ref.


Sa huli ay di na nga kami nakahabol kila Marco. At dahil yun lahat sakin.


Pagkarating namin lahat sa classroom, agad sinipa ni Greg ang isang bangko sa sobrang inis. "Bwesit!! Talo tayo!"


"Hahaha okay lang yan, Greg. Laro lang naman yun eh" Natatawa namang sabi ni Kael. Sinamaan naman siya agad ng tingin ni Greg tapos ay tumingin rin sa gawi ko--at agad lumapit sakin at kinwelyuhan ako.

"Kasalanan mo lahat ng 'to e! Kung di ka lang sana sumali samin! Baka nanalo pa kami!" Pilit niya akong kwinelyuhan pataas hanggang sa nakita ko ng umawat si Kael 


"Ano ba, tama na yan, Greg." Hinawakan niya ito sa balikat pero mabilis itong tinabig ni Greg.


At ewan ko ba...

Nakaramdam nalang ako ng kakaiba nung makita kong muntik ng matumba si Kael


"Isa ka pa eh! Kung di mo lang sinali sali tong lampa na 'to.. edi sana!" Binitawan ako ni Greg at si Kael na naman ang hinarap niya at akmang susuntukin pa sana.


At sa mga sumunod na nangyari, nagulat nalang ang lahat..


pati ako.


Pati ako na ngayon ay nakatingin sa kamay kong hawak hawak ang braso ni Greg--dahilan para di matuloy ang pag suntok niya.


Di ko alam kung pano ko napigilan ang lakas niya..


Di ko alam pero kusa nalang gumalaw ang katawan ko nung makita kong susuntukin niya si Kael.


Di ko alam pero pahigpit ng pahigpit ang pagkapit ko braso ni Greg.."Arghh! Aray!" 


Di ko alam pero..



pero..


"Anong kaguluhan yan?" Nabalik ako bigla sa ulirat at mabilis na binitawan ang braso ni Greg nung marinig ko ang boses ni Teacher. 


Tumingin akong muli kay Greg na hawak hawak na ang brasong hinawakan ko tapos sobrang sama ng tingin sakin


"Kaasar!" Usal nalang niya bago lumabas sa room. Uwian na kasi namin.


"Boss ayos ka lang? Pasensya kana dun, mainitin lang kasi talaga ulo nun eh. Hehe"


Ngumiti ako ng pilit. "Okay lang. Tama naman siya eh. Ako yung dahilan kung bakit tayo natalo." 


"Huwag ka nga mag isip ng ganyan, Boss. Walang may kasalanan sa pagkatalo natin. Ginawa naman natin lahat eh, diba? Sadyang mas malakas lang talaga sila Marco Hahaha." Mabuti pa'to si Kael, magaling at hinahangaan ng iba. Pero gayunpaman, napakabait niya parin tapos lagi pang positibo sa kahit anong bagay. 


Nagpapasalamat ako at si Kael ang naging matalik na kabigan ko.


"Kael, maraming salamat ha." Mejo nahinto naman siya sa pagtawa nung nagsalita ako.


"Oh? Para san, Boss?"


"Kasi..hindi isang lampa ang tingin mo sa akin." Bigla naman siyang natawa ulit nung sinabi ko yun.


"Hahaha ano kaba. Syempre dahil Boss kita. Walang lampa na Boss, diba? At tsaka ako nga dapat ang magpasalamat sayo sa ginawa mo kanina. Akalain mong napigilan mo yung braso ni Greg?" Sabi niya kaya napatawa narin ako. Hindi na importante sakin kung bakit ko nga nga ba yun nagawa. Ang sakin lang ay hindi siya nasaktan. Hindi na mahalaga sakin kung ilan lang ang magiging kaibigan ko. Basta nanjan si Kael, kuntento na ako dun.


Pagkatapos naming mag dismissed, nagkanya kanya na rin kami ng uwi. Magkaiba kasi ng direksyon ang bahay namin.



At dahil wala akong pera kasi binili ko ng mga sorbetes kanina, heto na naman, maglalakad na naman ako pauwi.



********



--Virgo's Mansion--


[ Hugo's PoV ]


Time: 6:30pm


"Ihanda niyo na ang sarili niyo para mamaya. Inuulit ko, may tsansang makabangga natin ang mga Fuego sa pagkuha natin kay Virgel. Mukhang alam na rin nila ang tungkol sa nawawalang anak ni Boss Vlad. Hindi ko alam kung sino ang source nila pero sa tingin ko ay balak din nila itong hulihin tulad ng ginawa nila kay Boss o di kaya naman ay patayin. Kaya dapat mauna tayo sakanila."


"Nag aaksaya lang tayo ng panahon para sa walang kwentang bagay na' to." Pagmamaktol ni Hell na ngayon ay naglilinis na ng mga baril na pwede niyang gamitin mamaya.


"Kabaliktaran ata yang sinasabi mo sa ginagawa mo ngayon? Sa paglilinis mo palang ng baril halatang ikaw yung di na makapaghintay dito. Pa cool ka pa ah. Di bagay sayo, Hell." Sabat naman ni Elsa kaya nagtawanan na naman sila maliban kay Hell na kumunot na ang noo dahil sa pangbabara ni Elsa. "Gago."


Napailing nalang ako.


Kung ikukumpara kaming lima dun sa tinatawag nilang Walong Diablo ng Fuego Mafia, walang wala kami sakanila. Binubuo sila ng malalakas na myembro habang kami heto, puro ka abnormalan lang ang laman ng utak.


Minsan ko ng nakabangga ang isa sa Walong Diablo na yan dati at ayaw ko mang aminin, wala akong laban sakanya kahit isa lang siyang bata. Buti nga nakatakas pa ako nun eh. Kundi baka sumabog na ako sa puntong yun.


Sabi pa niya, nasa pang anim na ranggo lang daw siya sa grupo. Nasa pang anim lang pero napaka halimaw na ng kinikilos. Paano pa kaya yung mga nasa ranggo pababa?


Di ko makakalimutan yung pangyayaring yun. 


At mas lalong hinding hindi ko makakalimutan yung pangalan nung taong muntik ng tumapos sa buhay ko.



Kael Zacanta..



Humanda ka sa oras na magkita ulit tayo..




-To Be Continued..



MajorSin

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 27.1K 37
Lahat po ng author's note dito ay OUT DATED, Just ignore it.
197K 8.2K 16
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
596 106 4
The heroine is known as the favorite child of the Creator but that doesn't seem like it. When the villainess is given another chance with rebirth, ev...
630 181 15
Feliza Exel, a resident of Manila. A girl that every girl would envy and boys admire. She has the looks, brain, talents, wealth, and the things that...