Way Back Into Love (GirlxGirl...

By FrivolousWriter

656K 18.5K 1.8K

[GirlxGirl] Live, Love, Life Series | COMPLETE College professor si Ariella sa Colegio de San Luis. Kilala si... More

Way Back Into Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 23

16.9K 463 21
By FrivolousWriter

Ariella's POV:

"Okay ka lang?"

Bigla akong napatingin kay Alex nang magsalita siya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi man lang ginagalaw ang pagkain niya. Nangunot naman ang noo ko.

"Oo naman. Bakit?" tanong ko naman saka muling binalingan ang pagkain ko. Nandito kasi kami sa food court ng SM para sa tanghalian. Ngayon na kasi ako bibili ng cellphone kapalit ng naiwala ko sa bus. Hindi ko tuloy maiwasan ang manghinayang. Maayos pa naman kasi iyon gamitin at halos dalawang taon na iyon sa akin.

"I don't know. Kanina ka pa kasi tahimik habang nasa biyahe tayo," sagot niya. "Dahil ba iyon sa babaeng nakita natin kanina sa tapat ng bahay mo?"

Natigil ako sa tangkang pagsubo ng kanin dahil doon. Bigla ay nawalan ako ng gana. Bakit ba kasi kailangan pa niyang ipaalala iyon?

"Kalimutan mo na iyon," malamig na sabi ko sabay tayo. "Magsi-CR lang ako."

"Elle..."

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya at dire-diretso lang na naglakad. Nang makarating ako sa pinakamalapit na CR ay sakto naman na kakaunti lang ang mga tao sa loob at maraming bakante na cubicle. Mabilis na pumasok ako sa isa at ikinulong ang sarili doon.

Bakit mo ba kasi kailangang bumalik?! Bakit ka pa nagpakita?! Gusto kong isigaw. Pero kahit yata magwala pa ako dito ay hindi maiibsan ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko sumisikip ang mundo ko. Nag-decide na akong huwag nang ituloy ang pinaplano ko. Na hayaan na lang ang karma na dumating sa buhay nila. Pero buwisit lang. Kung kailan nag-decide na akong tumigil ay saka pa sila nagpakita sa akin. Kung kailan handa na akong kalimutan sila at magpatuloy sa buhay ko ay saka pa sila manggugulo. Nakakagago na ewan lang, eh.

Naalala ko na naman ang nangyari si resort noon. Na sa gitna ng kasiyahan ko ay siya namang pagsulpot nila. They completely ruined everything just by their mere presence.

"Pagkakataon lang ang hinihingi namin, anak. Ang makausap ka. Iyon lang. Pagkatapos nito hindi na uli kami magpapakita sa'yo."

Chance, my ass! Anim na taon lang ako noong inabandona nila ako at ipinamigay kung kani-kanino. Tapos kung makahingi ng pagkakataon ang mga ito parang ganoon lang kadali. Sino ba sila sa akala nila? Na porke nagkabalikan na sila ay magiging ayos na ang lahat? Na basta ko na lang kalilimutan ang mga nangyari para mabuo uli kaming pamilya? Balewala lang ako sa kanila noon. Tapos ngayon kung kailan maganda na ang posisyon ko sa buhay saka naman sila babalik para ano? Para mabuo uli ang pamilya namin? Putangina lang! Sino ang pinaglololoko nila?

I've always despise my parents from the moment I figured out that they didn't want me in their lives. Kasi kung gusto nila na mabuo ang pamilya namin, sana hindi na nila ako ipinamigay sa kung kanino noon. Hindi dapat nila ako pinabayaan. At sa murang edad, hindi ko dapat naranasan ang mga pasakit at pagpapahirap na natamo ko sa mga taong pinagkatiwalaan nilang mag-aalaga sa akin. I was just so small back then and helpless. Walang alam sa takbo ng buhay. Hindi pa alam kung ano ang mga kalakalan sa paligid. But still, I was thankful that Lola Amelia saved me from those people who almost killed me. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko mararating kung ano ako ngayon.

"Elle? Nandito ka ba?"

Mabilis kong pinunsan ang luhang malapit nang matuyo sa pisngi ko gamit ang panyo. Ayokong ma-involve si Alex sa problema ko sa pamilya ko kahit na alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para tulungan ako. Tama nang ako na ang umayos ng gusot sa pagitan namin ng mga magulang ko.

Nang masigurado ko nang ayos na ang hitsura ko ay saka lang ako lumabas ng cubicle na inookupa ko. Nakita ko si Alex na nakasandal sa pinto pero mabilis akong nag-iwas ng tingin. Lumapit ako sa lababo para maghugas ng kamay.

"Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin saka nilapitan ako.

"Okay lang ako," sagot ko pagkatapos kong maghugas ng kamay at pinunasan iyon gamit ang dala kong panyo. "Umuwi na tayo. Wala na ako sa mood para tumingin ng cellphone."

"O-okay," nag-aalangang sagot naman ni Alex saka hinawakan ako sa kamay. "Next time na lang."

Tumango na lang ako kaya sabay na kaming lumabas ng CR. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero hindi na lang namin sila pinansin.

Napatingin ako sa kamay ko na hawak ni Alex. At least, I find a sense of comfort there. Kahit papaano nagpapasalamat ako kasi hindi na ako kinulit ni Alex tungkol sa nakita niya kanina. Hindi pa ako handang mag-open sa kanya. Mahirap pa rin kasi para sa akin lalo na't pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat. Masakit kapag naaalala ko ang nakaraan.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa parking lot ng mall kung saan nakaparada ang kotse ni Alex. Ang sakit sa mukha ng init ng katanghaliang-tapat kaya mabilis akong sumakay sa passenger's seat nang pagbuksan ako ni Alex ng pinto. Hindi naman nagtagal ay sumakay na siya sa driver's seat at mabilis na binuhay ang aircon para maibsan ang init sa loob ng kotse.

"Elle?"

Napalingon naman ako sa kanya. Nagulat na lang ako nang salubungin ng labi niya ang labi ko. Mabuti na lang at fully tinted ang mga bintana at windshield kaya hindi kita ng mga tao sa labas ang nangyayari sa loob ng kotse. Mababaw lang ang halik na iyon dahil mabilis din namang humiwalay sa akin si Alex. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay saka hinaplos ang pisngi ko. Napasandal naman ako doon dahil gumaan talaga ang pakiramdam ko dahil sa haplos niyang iyon.

"I'm ready to listen when you're ready," malambing na bulong niya na tinanguan ko naman.

Mabilis akong lumapit sa kanya saka yumakap sa bewang niya. Siya naman ay hinalikan ako sa noo. Maya-maya pa ay humiwalay na ako sa kanya para magsimula na siyang magmaneho. Hawak na naman niya ang kamay ko kahit nagmamaneho siya. Iba talaga kapag automatic ang sasakyan.

"Mag-takeout na lang tayo, gusto mo?" tanong niya nang malapit na kami sa Diversion. Kita na kasi mula sa puwesto namin ang Jollibee Drive-thru. Medyo ma-traffic lang kasi tanghali na.

"Sige," sagot ko na lang saka tumingin sa labas ng bintana habang hinahaplos ng hinlalaki ko ang kamao ni Alex. Ang lambot kasi ng kamay niya kaya ang sarap laruin.

Pagkatapos ang mahigit limang minuto na pakikipagsiksikan sa traffic ay natawid din namin ang diversion road hanggang sa makarating kami sa drive-thru ng Jollibee. Mabuti na lang at pangatlo kami sa mga nakapilang sasakyan kaya mabilis lang kaming nakausad.

"Miss, dalawang order nga po ng two piece Jolly Crispy Chickenjoy, isang order ng Jolly Crispy Fries jumbo, at dalawang Coke Float," mabilis na order ni Alex nang hindi man lang tumitingin sa menu board.

Amused na pinakatitigan ko naman si Alex. "Ngayon ko lang nalaman na sanay ka palang um-oder sa mga ganito," amused na sabi ko.

Kinindatan naman niya ako. "Mayaman ang pamilya ko pero hindi naman ibig sabihin nun hindi ako kumakain ng fast food," nakangising sabi naman niya saka binitawan ang kamay ko para kunin ang wallet niya. "Besides, there's still so much to know about me and we have plenty of time to know each other more. Lucky for you, ikaw pa lang ang nakakaalam na kumakain ako sa fast food."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Kahit sina Alice at Crimson hindi alam?"

Tumawa naman siya ng mahina pagkakuha niya sa sukli niya. Lalong napataas ang kilay ko nang mapansin ko ang malagkit na pagkakatingin ng clerk kay Alex, kahit ang bahagyang paghawak ng babae sa kamay ni Alex.

"Thank you," pasalamat ni Alex doon sa crew bago nagpatuloy sa pagmamaneho. "Sila ang nag-introduce sa akin ng mga ganitong kainan kaya exempted sila. Sina mommy, daddy, at Alexis, hindi nila alam." Nawala ang mgiti niya nang mapansin niyang nakasimangot ako. "Bakit? May problema ba?"

Nag-iwas naman ako ng tingin. "Wala," labas sa ilong na sagot ko.

Hindi na siya uli nakapagsalita dahil nakarating na kami sa booth kung saan kukunin na namin ang mga in-order namin. Inulit pa ng crew ang mga order namin para sigurado bago inabot ang mga pagkain. At gaya ng naunang crew kanina, binigyan din niya ng malagkit na tingin si Alex bago sinadyang haplusin ang kamay niya pagkaabot sa mga supot kung saan nakalagay ang mga pagkain. Mukhang napansin naman iyon ni Alex kasi biglang nangunot ang noo niya.

"I'm sorry, Miss. I'm taken," sabi ni Alex doon sa crew bago inilagay sa back seat ang mga pagkain at nagmaneho palabas ng drive-thru. Kaya ang inis na nararamdaman ko kanina ay biglang nawala at napalitan iyon ng malakas na pagtawa.

"That was epic," komento ko habang tinatahak na namin ang highway.

"Iyon pala ang dahilan kung bakit ka biglang sumimangot kanina," natatawang sabi naman niya. "Are you jealous?" nakangising tanong niya.

Inirapan ko naman siya. "Puhlease! Ako? Magseselos? Saan?"

"Asus! Eh, bakit ka sumimangot kanina, aber?"

"Mainit ang ulo ko."

"Palusot mo, oy! Aminin mo na kasi."

"Not in a million years. Tsaka bakit ako magseselos? Di hamak naman na mas maganda ako sa mga iyon. Nadaan lang sa makeup ang mga pagmumukha."

"Nagseselos ka nga," nang-aasar na sabi niya.

"I am not!" bulalas ko. Nakakainis na itong babaeng ito sa totoo lang.

"Okay."

~•~•~•~•~

"I'm given and I'm taken. I was there at your first breath. You didn't ask for me. But I will follow you until death."

"Teka teka teka! Alam ko ito. Sandali."

Natatawa ako sa ekspresyon ni Alex habang nag-iisip siya sa riddle na pinasasagutan ko. Nakataas kasi ang isang kilay niya habang nakatingin sa kisame na para bang nandoon ang sagot sa bugtong.

"Ano na? Bibilangan na kita," natatawang sabi ko sa kanya.

"Teka. Sandali lang naman," nakangusong sabi niya. "Life?"

Nakangiting umiling naman ako. "Nope."

"Hope?"

"Hinde. Ang layo naman sa tanong."

"Kainis. Narinig ko na ito noon, eh," sabi naman niya. Maya-maya pa ay marahas niyang sinabunutan ang sarili. "Argh! Kainis! Hindi ko alam," frustrated na sabi niya dahilan para mapatawa ako ng malakas.

"Akala ko ba matalino ka? Panglima na itong itinanong ko sa'yo kaya sana naman masagutan mo na. Ang simple lang naman noong riddle, eh," natatawang sabi ko sa kanya.

Ngumuso naman siya na parang nagpapa-cute. "Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong riddle, eh. Life lang talaga ang pumapasok na sagot sa utak ko," parang bata na reklamo niya. "Tsaka ang tricky kaya ng mga nauna mong riddles."

Napatawa naman ako ng malakas saka umayos ng upo sa sofa. "Ganito na lang. Ano ang unang bagay ibinigay sa'yo na hindi mo hiniling pagkalabas na pagkalabas mo sa mundo at ano ang bagay na dala-dala mo hanggang sa iyong pagkamatay?" tanong ko.

Tinignan naman niya ako ng masama. "Lalo mo naman akong pinahirapan, eh."

Natatawang ginulo ko ang buhok niya. "Pinasimple ko na nga ang tanong para hindi ka na mahirapan. Sagutin mo na lang. Puro ka reklamo."

"Tss," bulong niya saka tumitig sa kawalan na para bang nag-iisip.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa maganda niyang mukha. Kahit siguro ilang beses ko pa siyang pakatitigan ng ganito, hindi ako magsasawa. Kung lalaki lang siguro ako, malaki ang panghihinayangan ko. Sa ganda ba naman kasi niya, hindi mo aakalaing babae din ang hinahanap.

"Name."

Napakurap-kurap ako ng magsalita siya. Noon ko lang din napansin na nakatingin na pala siya sa akin. "Ano 'yon?" tanong ko sa kanya nang maalala ko na may sinabi siya.

"Name. That's the answer to the riddle, right?" tanong naman niya.

Pinigil ko ang mapangiti ng malawak. "Elaborate."

"Well, a name is not asked by the certain person. When a baby is born, that's the only thing he or she didn't asked. At iyon lang din ang kaisa-isang bagay na madadala mo kapag namatay ka," nakakunot ang noong paliwanag niya.

Pigil pa rin ang ngiting tumango-tango ako. "Congratulations. You got one right answer over five riddles," sabi ko sa kanya saka pumalumbaba.

Mukhang hindi naman siya makapaniwala. "Really? Name talaga ang sagot doon sa riddle?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

"Ayaw mo? Magtatanong uli ako ng bago," nakataas ang isang kilay na sabi ko naman.

"Ay! Ayoko na! Tama na yung lima," mabilis na tanggi niya saka mabilis na yumakap sa akin dahilan para pareho kaming mapahiga sa sofa. "Now where is my reward?" nakangising tanong niya sa akin.

"Iisa lang ang nasagutan mo, oy. Tatlo ang usapan natin," nakataas pa rin ang kilay na sabi ko sa kanya.

Ngumuso naman siya. "Anla, oy. Ang tricky nga ng mga nauna mong riddles. Ang hirap sagutan," sabi niya. "Sige na, please? Isa lang naman," nagpapa-cute na sabi niya na may pagpikit-pikit pa ng mga mata.

Ugh! How can resist this cute little creature in front of me? Kahit na ang usapan namin ay kailangan muna niyang makakuha ng tatlong tama sa limang riddles na ibibigay ko sa kanya para makakuha siya ng kiss sa akin. Umangal pa si bata dahil sa cheek lang ang halik na gusto ko samantalang sa labi naman niya gusto. At dahil sa makulit ang lahi niya, napa-oo ako na sa lips na lang. Iyon ang dahilan kung bakit medyo nilaro ko ang mga naunang riddle. Akala ko pa naman makakalusot ako since iisa lang naman ang nasagutan niya ng tama. But then again, matitiis ko ba naman ang isang ito?

"Ugh! Fine. Pasalamat ka hindi kita matiis," pagsuko ko sabay irap.

Lumawak naman ang ngiti niya. At nasisigurado kong nagsasayaw na siya ng happy dance sa kanyang isip. Hindi na ako nakahuma nang bigla niya akong sunggaban hanggang sa matagpuan ng labi niya ang labi ko. And, once again, I'm lost in a trance. Bagay na lagi na lang nangyayari sa tuwing hinahalikan ako ni Alex. And, like always, I responded back.

"We can always do this without that stupid riddle game," bulong niya nang humiwalay ang labi niya sa akin.

Tinampal ko naman siya sa noo. "Riddles are not stupid. You just didn't know the answers to them," sabi ko naman.

Tumawa naman siya ng mahina. "Pasensya na. Riddles are just really not my thing."

Napailing na lang ako saka tinabig ang mga strands ng buhok na tumatabing sa mukha niya at inipit iyon sa pagitan ng tenga niya saka pinakatitigan siya ng mabuti. "What did I do to deserve you?" bulong ko habang mataman na nakatitig sa mga mata niya.

Ngumiti naman siya saka kinintalan ako ng magaan na halik sa labi. "Nothing. We're just simply meant to be," nakangiting sabi niya na tinawanan ko naman.

At muli, muling inangkin ng labi niya ang labi ko. A kiss that turned later on into something more. And that night, we make love to each other till our heart's content.

———————————————

Disclaimer: The riddle that's been used in this fic is from the movie The Conjuring 2.

Continue Reading

You'll Also Like

799K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
8.1K 200 28
Sabi nga nila makalimot man ang isipan ng isang tao at mawala ang lahat ng alaala nito. Magkagayon pa man hinding hindi naman makakalimot ang puso ni...
127K 6.4K 30
Matapos nakawin ni Ramcel ang first kiss ni Victoria, hindi na nagkita pa ang dalawa. To Victoria's disappointment, hindi nagparamdam sa kanya ang ma...
145K 5.2K 43
Sage Reagan is a student at Xaxen University. A brat, naughty, and easygoing person. She loves to tease the terror Professor Avany Amara Martinez. W...