Please Don't Say You Love Me...

Von chemicalxyz_

9K 576 314

Everything is perfect between Gabrielle and Ralph. Not until dumating yung araw na kailangan nilang malayo sa... Mehr

Please don't say you love me
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23 [Confusing Ending Part 1]
Kabanata 24 [Confusing Ending Part 2]
Epilogue

Kabanata 6

358 29 18
Von chemicalxyz_

Gabrielle's POV

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Adrian sa akin na nagpabilis ng kabog sa dibdib ko.

Di ko alam ang isasagot ko. Nabato ko saglit sa kinatatayuan ko.

Di nya dapat mapansin. Baka makahalata sya.

Tumawa ako. "Iniiwasan? Pero bakit?" nagpanggap akong inosente, wala akong matandaan.

"Yung gabi kasing nasa bar tayo.." omg, balak nyang banggitin yun. Dapat maunahan ko na sya

"Ano kase, wala akong matandaan after ng gabi na yun. Kung may nagawa man ako, sorry. As in zero balance yung utak ko, ang tanging alam ko lang is naglasing ako. Yun lang. " tumingin ako ng diretso sa kanya after kong sabihin na wala talaga kong matandaan.

Huhuhu Maniwala ka naman na, please

"Ganun ba? Wala ka talagang matandaan?" paniniguro nya

Umiling ako sabay sabing "Wala talaga..."

"Akala ko umiiwas ka kasi ilang araw mo na din kaming di kinaklasehan "

Oo, di ko nga sila pinapasukan. Ano naman idadahilan ko? Psh.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Oo nga eh, yung time nyo kasi alanganin, madalas magkameeting minsan naman may pinapaasikaso sa akin na mahalaga kaya di na ko nakakapagturo. " depensa ko

Kahit di naman totoo. Umiiwas lang talaga ko.

Mukha namang naniwala na sya.

"Ahh. Now i know." sabi nya "Nag alala kasi ko sayo, di kita nakita nitong mga nakaraang araw." nag aalala si Adrian sa kin? Nagulat ako sa sinabi nya

"Thanks sa concern.. sige una na ako." paalam ko at naglakad na ko palayo.

Adrian's POV

Inabutan ako ng gutom kaya naisipan kong bumili ng makakain.

"Manang, pabili burger at coke. Ito po ang bayad."

Inaabot na nya sa akin ang pinamili ko ng marinig kong may tumatawag sa akin.

"Pst. Adrian!"

*lingon lingon*

Nakita ko si Selenara, kakatapos lang ata kumain.

"Tara dito." sabi nya sabay senyas na lumapit daw ako

Nilapitan ko.

"Bakit? Anong kailangan mo?" tanong ko

"Umupo ka. Samahan mo ko, dito kana kumain." Aya nya at itinuro nya ang bakanteng upuan sa harap nya

Umupo ako.

Sinimulan ko ng kainin yung binili ko kanina ng bigla siyang magtanong..

"Nagkita na kayo ni gabrielle?" usisa nya

Tumingin ako sakanya. "Oo, kanina nagkita kami sa garden." tas pinagpatuloy ko ang pag nguya

"Tapos?" di rin sya tsismosa ha

"Anong tapos?" painosenteng tanong ko

"Ang hina. Napag usapan nyo yung nangyari sa bar?"

"Hindi. Wala daw syang natatandaan. Sa palagay ko, dala lang ng lungkot kaya nya nagawa yun. Lahat naman ng lasing wala sa katinuan kaya di ko na nagawang ipaalala sa kanya."

Tumawa sya.

Hindi din sya baliw ha.

"Walang naaalala o ayaw lang maalala? Kalokohan."

Anong ibig sabihin nya? Na nagkukunwari lang si Gabby na walang naaalala?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sakanya

"Wala. Wag mo na lang pansinin."

sabi nya

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain sya naman ininom yung natitira nyang c2.

"Len, pwede magtanong?"

Di pa din kasi maalis sa isip ko kung sino yung binanggit ni Gabby nung lasing sya.

"Surething, ano ba yun?"

"May kilala ka bang Ralph? Yun kasi yung pangalan na binanggit ni Gabby after nung nangyari sa bar."

Nakita ko sa mukha nya yung pag aalala sa kaibigan.

"Talaga? Dala nga siguro ng lungkot yung pagwawala nya dun sa bar." sabi nya

Tama nga ako sa hinala ko.

"Si Ralph yung boyfriend ni Gabrielle. Kaso.. invisible."

nakikinig lang ako sa kwento nya

"Minsan lang magparamdam. Once a month lang ata magtext at magchat yun eh. Ewan ko ba dun, matagal na sila pero di naman yun ganyan dati. Nagsimula magkaganyan yung communication nila nung umuwi ng Quezon si Ralph at dun na nagOjt. Di naman sa jinujudge ko si Ralph pero di naman reasonable yung ginagawa nya. Magtetext lang sya pag gusto nya. Ito namang si loka lokang gabrielle pumapayag. I bet, di magwowork yung relationship nila. Hayy, naaawa na talaga ko sa kaibigan ko eh. Pakiramdam ko, di nya deserve yung ganung relationship." litanya ni selenara

Tahimik lang ako. Naiisip ko yung sitwasyon ni Gabrielle, parang ako lang. Ang pinagkaiba nga lang ako iniwan ng tuluyan, umaasang babalikan.

Habang nagsasalita pa si len, nahuli ko ang sarili ko na inaalala yung nakaraan..

"Please cass. Pag usapan natin to. Magbabago na ko, magpapakatino."

sinasabi ko to habang hinahabol si cassandra. Papalabas na sya ng bahay nila at pasakay ng taxi

"Cass, don't do this to me. Please. Maawa ka. Ano bang mali sa atin?" basang basa na ang mata ko dahil sa luha.

Nakikita ko, hindi din nya gusto to.

Huminto sya at nilingon ako.

Hinawakan nya ang mukha ko.

"I'm sorry Adrian. Tanggapin na lang natin 'to, please. Walang may kasalanan, walang may mali sa atin. Mas mahihirapan lang tayo pag di natin pinalaya ang isa't isa." sabi nya at di na kinaya ng mga mata nya ang pagtatago sa mga luha.

"Pero bakit? Iexplain mo sa akin bakit kailangan mong umalis?"

"Ayokong mas lalong saktan ka. Please, Adrian. Just understand me."

tapos tumakbo na sya sa taxi.

Hinabol ko yun. Kinakatok ko yung bintana pero di na nya ko inabalang tignan. Kita kong humahagulgol sya sa pag iyak..

Di ko na kinaya.. Umiyak na lang ako hanggang sa di ko na matanaw ang sinasakyan nya dahil sa agos ng luha sa mata ko

"Hoyy, Adrian!!!! Adriaaan!!!!!" tawag ni Selenara sa akin "Kanina pa ko nagtatatalak tapos yung diwa mo lumilipad sa alapaap. Nasasayang yung laway ko sayo. Sige na, alis na ko. May klase pa ko eh." sabi ni selenara na papatayo na

"Pasensya na. May naisip lang ako. Sige, salamat sa oras." sabi ko naman

Tapos tumalikod na sya at umalis na.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Kaya pala ganun na lang ang iyak nya nung gabing yun. Kaya pala..

Gabrielle's POV

Napatagal ang pagstay ko sa school, marami pa kasi akong inasikaso.

Tinignan ko yung wrist watch ko.

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa nakita

9:30 na? Di ko namalayan ang oras.

Parang wala na ding tao sa mga bldg, kasi itong corner nlng ang may ilaw.

"Ma'am, magsasara na po ako. Di pa po ba kayo uuwi?" sigaw nung guard mula dun sa guard house.

"Sandali na lang po. Pauwi na din po ako." Sagot ko sa guard

"Di man lang ako nagawang antayin ni selenara. Atat na talaga umuwi yung babaeng yun." bulong ko sa sarili ko

Nilalock ko na yung pinto ng corner ng makaramdam ako ng pagkaihi. Nagpunta ko sa second flr, kasi nandun yung pinakamalapit na cr.

Pinundot ko yung ilaw para magbukas at pumasok na sa isang cubicle doon.

Habang nakaupo ako sa trono parang may pumasok sa cr. Nagbukas kasi yung pinto, pero mabagal.

Tapos naririnig ko yung footsteps. Dumaan sya sa cubicle na pinagpwestuhan ko, natanaw ko kasi yung paa na papunta sa katabi kong cubicle.

May tao pa pla, akala ko wala ng tao maliban sa guard kasi naman magte-10 na.

Lumabas na ko ng cubicle at naghugas ako ng kamay sa may lababo na katapat lang din ng mga cubicle

*HoooooHooooo*

Lumakas yung hangin bigla na nakapagpataas balahibo ko.

*HooooHoooo*

Mas lumakas pa yun, yung tipong nagbubukas sara na yung pinto sa cubicle..

Yung bumukas na mga pinto.

Yung pinto.

Ang mata ko nanatiling dilat, di ako kumurap

"Omg."

Nabato ko habang nakatingin sa cubicle mula sa reflection nito sa salamin. Walang tao dun sa cubicle na pinasukan nung nakita ko kanina.

Putekkk.

Nung natauhan ako bigla akong tumakbo palabas at nagsisigaw.

"Waaaaaa. May multo! May multooo!!!!" Naluluha akong nagtatatakbo pababa ng hagdan. Nakakaiyak. Kinikilabutan talaga ako.

Wala na akong pake kung malaglag ako o ano, basta makaalis ako yun ang mahalaga.

Huling hakbang pababa ng hagdan ng biglang

BUUUUGGG!!!

"Aray." huhu nadapa ako. Pero hindi lang basta dapa. Nakapatong ako sa lalaki..

Loading..

45%..

56%..

72%....

ang kupad...    100%

Si "Adrian." banggit ko

tumayo ako at kinapitan ang kamay nya para makatayo sya

Tumakbo ako na hatak hatak siya...

"Gabby, ano bang nangyayari?" tanong nya habang nakasunod sa akin na tumatakbo

"Mamaya ko na ieexplain. Basta lumayo na muna tayo dito." paliwanag ko ng di sya nililingon

Nang makalabas na kami ng school dun na lang ako tumigil sa pagtakbo.

Hingal na hingal ako.

"May..mul.to.." sabi ko ng nakayuko.

Kasabay nun ang paghahabol ko ng hininga.

Tinignan ko na sya.

Siya.. Pokerface.

Di man lang hiningal sa pagtakbo.

Tapos napatingin sya sa kamay ko na naka hawak pa rin sa kamay nya.

Nawala sa isip ko. Dali dali ko pinaghiwalay yun tapos nag iwas ako ng tingin.

Bigla nya ulit binalik ang usapan dahil nga nagkailangan kaming dalawa.

"Anong multo yung sinasabi mo?" usisa nya

"May multo sa cr. Nakita ko yung paa ng multo, seryoso." kwento ko sa kanya with takot na takot na expression samantalang sya, wala. Nakikinig pero halata sa mukha nyang di sya interesado

"Meron talagang multo dun, matagal ng kwento yan eh." sagot nya na wala manlang katakot takot sa mukha

Nagbuntong hininga ako.

Tinignan ko sya ng masama at kinamot ko yung ilong ko.

Wala man lang kakwenta kwenta kwentuhan to. Parang wala lang sakanya eh. Multo kaya yung kinukwento ko. Kainis. Kaya naglakad na ko palayo

"Hoy! Ano yun matapos mo ko hatakin, iiwan mo na lang ako ng basta?" sinusundan nya ko sa paglalakad

"Aba, pasalamat ka nga hinatak kita papalayo dun. Baka ikaw pa ang naabutan ng multo pag nagkataon" sabi ko habang mas lalo kong binibilisan ang pag lalakad.

"Hinatak mo ko eh magsiCR nga dapat ako. Tsk" sagot naman nya

At ako pa talaga ang mali ha.

"So anong gusto mong palabasin? Na mali pa yung ginawa ko?" tinaasan ko yung boses ko, para masindak

Tinitigan nya lang ako tapos nagbuntong hininga "Daan muna tayong barangay, makikiCR ako." sabi nya sa kalmadong boses, akala mo tuta. Heh, akala nya ha.

"Bakit pa kailangan kasama ko?" pagmamatigas ko

"Malapit lang naman yun dito. Dali na." pakiusap nya

Habang naglalakad kami tuloy tuloy lang pagkontra ko sa kanya pero wala din akong nagawa dahil on the way naman pala ang brgy. na tinutukoy nya kaya nasamahan ko din sya

"Magnobyo ba kayong dalawa? Bakit gabing gabi na at wala pa kayo sa bahay nyo? Alam ba to ng mga magulang nyo ha?" tanong nung matandang babae nasa barangay.

"Hindi po. Nagkakamali kayo." Sabay na sabi namin ni Adrian

Napakamot na lang sya sa ulo.

"Ah, Sige po at mauna na kami. Baka mahirapan po kaming makasakay eh. Salamat po ng marami." paalam ni Adrian sa babae

"Ay siya sige. Ingatan mo ang nobya mo iho. Delikado na sa labas." nangingiti na paalam nung matanda

"Ah. Di naman.. " bulong ko sa sarili. Baka nga dapat dito pa ko sa lalaking to mag ingat eh. "Sige po. Salamat." tapos naglakad na kami palayo

Di kami nag uusap habang naglalakad. Ako ang nauuna samantalang sya nasa likuran ko na nakasunod. Kuliglig ang tanging madidinig mo sa sobrang tahimik naming dalawa. Wala na din kasi ko sa mood magsalita dahil sa inis, pagod at gutom. Di ba?

Nang makarating ako sa pink shed kung saan ako mag aantay ng masasakyan "Dito na ko. Pwede ka ng mauna, mag aantay na lang ako ng masasakyan." sabi ko ng nakatingin sa kanya

"Hayaan mo na kong antayin ka hanggang makasakay. Gabing gabi na wala na ding masyadong tao, delikado."

"No need. Kaya ko ang sarili ko. Sige na." pagmamatigas ko at bahagya ko syang tinutulak palayo

Di na sya nakatanggi umalis dahil alam nya na pag ayaw ko, ayaw ko talaga.

After 10mins wala pa rin akong masakyan. Mahirap nga talagang sumakay pag ganitong oras, hayy. Wala pang masyadong tao ang dumadaan.

Habang nakaupo ako nag aantay ng paparating na tricycle may natanaw akong dalawang lalaki na papalapit sa akin.

Tatayo sana ako para makaiwas pero nagawa na nilang makalapit at makaakbay sa akin "Hep hep, Hi miss! Gabi na bakit mag isa ka lang?" sabi nung lalaking mukhang kontrabida, nakakatakot.

Di ko nagawang makapagsalita dahil nya sa takot. Nakatitig lang ako sa mukha nung lalaking nakaakbay sa akin

Nilingon ko yung isa "Pre, jackpot tayo dito mukhang birhen." sabi nya habang ngumingisi

Juskopo, wag nyo ko pababayaan.

Tumayo ako at nagtapang tapangan

"Ano ba, tigilan nyo ako kung hindi..." nagmadali akong dumukot ng kung ano sa bag ko. Tumatawa pa yung dalawa "Kung hindi, ano? wala kang mahihingan ng tulong dito kahit ano pa ang gawin mo." tapos pinanlakihan nya ko ng mata

Nilabas ko yung eyebrow razor ko.

"Sige, subukan nyong lumapit." tapos umaakto akong susugatan ko sila

Huhu Bakit ba wala akong dalang panglaban dito. Yung kalooban ko nagwawala na sa kaba

Tinawanan lang nila ako "Hahahahahaha Miss, baka nga kalyo ko di pa nyan kayanin."

Nang nagtangka na silang hawakan ako napasigaw ako at pumikit "waaaaaaaaasaaaah!!!! Tulongggggg"

Katapusan ko na yata. Byebye world. Naiiyak na ko. Wala na ata akong pag asa.

A/N: Aabusuhin ko na kayo. Pavote naman ng story ko please. Kahit na pucho to naghirap din po ang utak ko kahit papaano Huehuehue K. Dami kong alam. Maawa kayo.

T-T Isipin nyo na lang pagkakawang gawa 'to :-P Thank you sa mahahabag.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2.2M 35.7K 73
Meet Adriana Joyce Chavez, isang matalino at talintadong babae ngunit tanga pagdating sa pag-ibig. Naniniwala siya na ang bawat taong pinagtagpo ay...
112K 1.6K 37
Kimber Lee--- Masipag at matiyagang babae na ang pangarap ay matulungan at maahon ang kanyang magulang sa kahirapan. Para sakanya ang pamilya niya an...
521K 11.8K 50
Wendel Garcia is just an ordinary 20 years old student na ang gusto lang sa buhay ay mataguyod nya sa kahirapan ang pamilya. She's a loving daughter...
1.9K 3 31
Kakalimutan ni Gab ang dating kasintahan niyang walang ginawa kundi saktan ang puso niya. Para na siyang timang na kahit gaano pa kasaya ng paligid a...
Wattpad-App - Exklusive Funktionen freischalten