I Will Never Leave You [On-Ho...

By conceitted

21.9K 1K 333

Hindi lahat ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay a... More

Pagtatatuwa
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17

Kabanata 13

228 17 2
By conceitted

"But, you know, parang nakakagaan lang sa loob na merong personal na nagalok sayo na lalaki na maging prom date niya."

Dalawang linggo na bago sinagot ni Alisa ang alok ni Stephen sakanya bilang prom date niya. Kahit hindi naman niya gawin yun, sigurado din naman ako na sila din naman ang magiging couple pagdating ng prom. Napaisip ako na parang kahapon lang nangyari yun. Kumbaga, time flies so fast nga talaga. Kasulukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway,  wala din kasi kaming pasok. Busy kasi ang lahat sa paghahanda sa prom. Yung ibang estudyante naman, nagpapractice para sa cotillion na gagananapin sa sinabing event. Hindi naman ata coincidence yung nangyari kasi sa lahat ng barkada maliban sakin at kay Kael, kasali sa cotillion. Hindi na kasi pwede ni Kael, nakasali na kasi last school year. Yan din yung isa sa mga rason kung bakit nawalan ako ng gana nung prom last school year, nang dahil sa cotillion cotillion yan. Weakness ko pa naman ang pagsasayaw.

 "Oh bakit parang tulalang-tulala ka diyan?" Nabigla naman ako kung sino ang tumabi sakin. Si Kael lang pala. Totoo nga naman siya, nakatulala nga ako habang nagpapractice ang mga dancers ng cotillion. 

Napansin ko na tila yata kinakabahan siya sa bawat galaw na gagawin niya. Parang hindi siya komportable kung tignan ngayon. Parang may iba eh.

“Oh ikaw pala, Kael. Meron ka bang kailangan?" Tanong ko sakanya. Agad naman siyang napaisip sa kung ano ang isasagot niya sa tanong ko.

“Ahh.. ano.. Wala naman.. bakit masama bang samahan kita dito?” Utal utal na sagot siya sakin. Tutal, may point naman siya, ano nga ba naman masama kung samahan niya ko dito? Pero anyway, iba talaga yung paggalaw niya ngayon eh. 

“Hindi naman.. nga pala, kamusta na yung paghahanda mo sa prom? Okay ka na ba?” Tanong ko sakanya ulit. Parang may iba talaga eh. Parang kinakabahan siya na para bang hindi siya komportable sa pinanggagawa niya ngayon.

“Uhmm.. Okay naman.. ikaw? Okay ka na ba?” Balik-tanong niya naman sakin.

“Okay na. Maaga kasi kaming nakakuha ng damit ni Mama kaya hindi na kami masyaodng nahirapan pa” Sagot ko sakanya at agad na ngumiti.

“Uhmm.. Sigurado ka ba na okay na ang lahat?” Tanong niya sakin. Makikita mo naman sa mukha niya na para bang takang-taka siya sa kung meron bang kulang pa sa paghahanda ko o wala na. Sa pagkakaalam ko kasi, wala naman akong kulang. All set na lahat para sakin. Maliban nalang ang mga make up ko pero kahit na ganun, hindi ko naman dapat abalahin yun eh. Hindi naman kasi magiging problema yun. Pero tong si Kael parang concern na concern talaga sa paghahanda ko sa prom. Ewan ko ba dito.

“Parang wala namang kulang eh. Bakit sa tingin mo meron pa ba?” Tinignan ko siya sa kanyang mga mata habang sinasabi sakanya ang mga kataga. Tumitingin nga din siya, pero parang umiiwas naman. Ano bang nangyayari dito kay Kael? Naghihintay ako sakanya ng sagot pero iniiwas niya lang ang tingin niya sakin. May titingin siya sa mga nagpapractice ng cotillion. May titingin siya sa baba. May titingin siya sa kaliwa’t kanan. May titingin siya sa ibabaw. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari dito. Tapos ang lalim pa ng paghinga niya. Nininerbyos yata to eh. 

Hindi na ko makatiis kaya tinanong ko na siya kung ano ang nangyayari sakanya. “Hoy! Ano na? Teka, ano bang nangyayari sayo? Parang ang iba mo ngayon ah? May problema ba?” Tanong ko sakanya at agad naman siyang nagulat sa tanong ko. Meron ngang iba. 

“Ahh.. wala.. tsaka.. anong iba?” Pagmamaangan na tanong niya. Sus, tong si Kael. Akala niya hindi ko na nahahalata.

Nagcross-arms ako at tumingin sakanya ng masakit habang nakangiti. “Sige na, sabihin mo na sakin. Hindi naman ako magagalit eh.”

“Sasabihin? Yun lang naman sasabihin ko eh… yung… yung… ano nga ba yun… yung.. yung ano! Yung kinakamusta ka sa prom! Yun lang naman.” Utal utal niyang sabi. Hay naku. Mga lalaki talaga, kung saan huling-huli na, dun pa magmamaang-maangan.

“Sige na. Sabihin mo na sakin. Magtatampo ako niyan” Sabi ko sakanya at agad na nagput. Hinintay ko ang sagot niya ng ilang segundo. O pwedeng na nating sabihin, hinintay ko ng ilang minuto pala ang sagot niya. Hindi kasi siya mapakali kung pano niya sasabihin ng diretsahan ang kanyang gustong sabihin. Panay tingin niya kung saan-saan. Tapos merong hahawak siya sa kanyang bulsa tapos tumitingin sa ilalim. Yung paghinga pa niya, dinig na dinig ko pa. 

“Sige na, sabihin mo na sakin” Sabi ko sakanya ulit.

“Sige..eto na.. sasabihin ko na sa’yo..Unang-una pa lang, gustong ko nang humingi ng patawad kasi alam ko na hindi mo gusto ang mga ganitong bagay, sorry kung ikaw ang napili kong babae.” Huminga muna siya ng malalim. Kinakabahan ako sa gusto niyang ipahiwatig. Habang sinasabi niya ang mga kataga niya yung nasa isip ko lang eh, sana huwag siyang magconfess na mahal niya ako. Ayoko naman maging assuming pero sa mga movies tsaka librong nababasa ko eto talaga yung mga way ng mga lalaki kung magconfess. Hay naku sana huwag naman. Ako din naman kasi eh, pinilit ko pa. “Sa dinami-daming babae, ikaw lang talaga ang gusto ko… Whoo!...” Sigaw at humingi siya ulit ng malalim. “Sorry pero… Nics, can you be my prom date?” Tanong niya sakin at agad siyang nakahinga ng maluwag. Hay salamat. Ako din, nakahinga din ng maluwag. Akala ko kung saan na kasi hahantong. Hindi pa naman ako handa sa mga iniisip ko kanina. Prom date ba? Sa tingin ko si Stephen talaga ang may pakana ng lahat ng ‘to. Siguro inutusan niya si Kael na yayain ako maging date.

Si Kael? Okay din naman si Kael. Tsaka wala naman kaming tampuhan or any na pinagaawayan. Sa tingin ko magiging okay din naman kaming dalawa. And I think, magiging komportable na ko sakanya. Naghintay muna ako ng ilang segundo bago sagutin ang tanong niya. Nakatingin lang siya sakin. Yung normal na tingin na.

“Sige” Sabi ko sakanya at agad na ngumiti. Nakita ko naman sa mukha niya na tuwang-tuwa siya sa sagot ko. Parang nasagot lang ata ng babae yung mukha niya ngayon.

“Oh talaga!? Yes! Sa wakas meron na ulit akong partner!” Tuwang-tuwa niyang sabi. Napatawa nalang ako habang nageenjoy siya.

“Pero teka, sino naman ang nagenganyo sa'yo na yayain ako maging partner mo?” Tanong ko sakanya.

“Wala naman.. una pa lang kasi meron na kong planong yayain ka maging prom date. Buti nalang dahil andiyan si pareng Stephen na susuportahan pala ako.” Sagot niya sakin. Sabi ko na nga ba eh, involved si Stephen.

“Stephen talaga” Bulong ko sa sarili ko. 

“Bakit meron bang problema sa ginawa ni Stephen?” Pagtatakang tanong niya. Akala ko hindi na niya ko narinig. Ang lakas ko pa lang bumulong eh no?

“Ahh wala.. wala naman”

“Sige, sa susunod na linggo, susunduin nalang kita sa bahay niyo. Basta akong bahala. Itetext nalang kita. Sige, alis muna ako. Kahit na meron akong importanteng pinuntahan  gumawa talaga ako ng paraan para masabi ko lang sa’yo yung kanina. Ayoko kasi na hintayin pa yung mga teachers natin na magpair sating dalawa gaya nung nangyari last school year. Kaya ayun, hindi tayo magkakaintindihan noon” Sabi niya sakin at agad naman siyang tumawa. Huminga siya ng malalim. “Sige, mauna muna ako Nics. Salamat.” Sabi niya at agad na naglakad papalayo.

Pagkaalis na Kael binalin ko ulit ang mga tingin ko sa mga sumasayaw sa cotillion. Habang nanonood sakanila, hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti. Sige, inaamin ko na wala talaga akong hilig sa mga partner partner na yan. O sabihin na natin na wala talaga akong hilig sa prom na yan. Pero I don’t know, habang palapit na palapit na ang prom mas lalo akong naeexcite sa kung ano ang mangyayari. Simula nung naghanap kami ni Mama ng gown ko for prom, sa tingin ko dun lahat nagsimula. Tapos yung pagyaya ni Stephen kay Alisa para maging prom date niya which is naging mas more exciting tignan saakin. At last, eto nga, yung hindi ko akalain na mismong personal na yayayain ako ni Kael bilang prom date niya. Kanina habang pautal-utal niyang tanong sakin na kung pwede ba ko maging prom date niya, agad naman sumagot ang isipan ko ng “Oo” Wala akong doubts na naramdaman kanina. Wala akong “Sige, pagiisipan ko muna” na naisip kanina. My heart and mind only says yes sa alok sakin ni Kael. Im not inlove. I didn’t fall dahil lang dun sa sinabi sakin ni Kael kanina. But, you know, parang nakakagaan lang sa loob na merong personal na nagalok sayo na lalaki na maging prom date niya.

Ilang araw ang nakalipas at puspusan na sa paghahanda ang school namin for the big event. Wala pa din kaming pasok. Ang lahat na mga hindi sumasali sa cotillion, dun  lang sa school. Kumbaga, mistulang tambay lang kami kung tignan. Yung iba naming kaklase, naisipan na lang na huwag pumasok dahil baka daw sasakit pa yung ulo nila dahil sa kaboringan sa loob ng classroom. Wala din naman kasi kami masyadong ginagawa. Yung iba, nagiinternet lang, yung iba naman nagcecellphone, at ang yung pinakabentang ginagawa sa lahat, ay yung mga natutulog.

Hinintay ko nalang matapos ang cotillion ng barkada para makauwi na din kami. Gustuhin ko man sanang manuod ng practice nila, pero wala sila ngayon dito sa school. Pumunta kasi sila sa venue ng event para magkaroon ng blocking. Naisip ko na siguro ang saya nila ngayon. Almost complete kasi yung barkada dun eh. Maliban lang samin ni Kael. Siguro komportable sila kung gumalaw ngayon. Siguro nagagawa nila yung mga gusto nilang gawin ngayon. Hindi kagaya samin last school year na hindi ako makagalaw ng husto kasi baka merong upper level na sumaway saakin o papagalitan ako o di kaya pagchichismisan ako na ang ingay ingay ko at ang arte arte ko kung gumalaw. Maliban lang nun kay Kael. Makakagalaw siya ng husto kasi ang dami niyang kaclose nun na fourth year na lalaki. Tsaka yung mga babae, crush siya kaya nahihiya sila sumaway kung meron mang hindi magandang ginagawa si Kael. Hay ang swerte lang ng batch ng third year na sumali ngayon kasi hindi sila masyadong mapapagalitan ng kanilang mga ates at kuyas. Yung mga ates at kuyas din kasi nila makukulit din.

Dahil sa kaboringan, naginternet nalang ako sa cellphone ko. Facebook lang ng facebook. KInig kinig din ng music. At nang nakaramdam ako ng antok, ayun binagsak ko ang ulo ko sa desk at agad na natulog. Bago ko ibagsak ang ulo ko sa desk, tumingin muna ako sa paligid ko at tinanggal ang headphone na nakalagay sa tenga ko, nagtaka naman ako kanina kung bakit ang tahi-tahimik, yun pala tulog din silang lahat. 

Di katagalan, narinig ko na ang ingay sa labas ng classroom namin kaya inangat ko na kaagad ang ulo ko para hindi ako ang isa sa mga pagtitripan nila habang natutulog. Pagkaangat ko ng ulo ko, tulog pa din lahat ng mga natitira kong kaklase. Pumasok na silang lahat, ang ingay ingay nila. Sinadya talaga nila yun para magising ang lahat ng natutulog. Napatawa nalang ako sa ginawa nila.

Nakakapagtaka naman dahil wala si Stephen at Alisa. Tinignan ko ang orasan ko. Almost dismissal na nga. Siguro naunang hinatid ni Stephen si Alisa. Lumakad naman si Aubrey at umupo sa tabi ko.

"Oh kamusta ka naman Nica?" Tanong niya sakin. Parang iba aura nito eh. Minsan tong si Aubrey, kapag lalapit lang sayo parang meron na siyang alam na bagay tungkol sayo. Alam niyo yun? Yung tipo na para bang sa way ng pagsasalita niya parang nakakainsulto na. Hindi niya naman ako iniinsulto or what pero parang may iba ngayon sakanya. Parang may nililihim ata sakin to eh.

"Okay naman?" Sabi ko sakanya na parang tanong na din.

"Sige." Huminga siya ng malalim. "Tara na?" 

"San?" Takang tanong ko naman

"Edi uuwi!" Hay naku akala ko kung ano na. Tumayo na kaming dalawa. Kinuha ang bag at lumabas ng classroom. Niyaya na din namin ang ibang barkada na sabay na kaming lahat umuwi tutal medyo matagal na din kami hindi nagkakasama dahil sa kanya-kanyang gawawin.

Habang naglalakad, kanya-kanyang usapan kaming magbabarkada tungkol sa nalalapit na JS Prom. Lahat kamin excited na excited, mistulang lalaki makikita mo sakanila yung excitement. Okay na daw lahat ng mga gowns ng barkada at suit sa mga lalaki.

Siyempre yung mga mga boyfriend at girlfriend dito sa barkada, yun yung mga partner nila sa darating na prom. Habang naglalakas, naikwento din sakin ni Aubrey na niyaya daw niya ni Lorenz na maging partner niya. Si Lorenz, kaklase din namin at meron ng matagal na paghanga kay Aubrey. Minsan tinutukso namin si Aubrey sakanya pero minsan meron ding pakipot type tong si Aubrey eh. Actually gwapo din si Lorenz. Marami siyang taga-hanga na mga girls dito sa campus pero hindi ko alam kung bakit nahumaling talaga siya kay Aubrey. Kung sabagay, maganda din naman tong kaibigan ko. Gaya ni Kael, niyaya din siya ni Lorenz ng personalan. Hay grabe mas lalo akong naexcite.

“Sige, guys kita nalang tayo bukas.” Pagpapaalam ko sakanila at agad akong pumasok sa gate namin. Nagpakita muna ako kay Mama at Papa bago umakyat sa kwarto ko. Ngumiti lang sila sakin at niyaya akong magmeryenda kaso nga lang wala akong gana.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko, humiga kaagad ako sa kama at tumingin ako sa kisame, naramdaman ko na parang ang kulang lang aknina nang pag-uwi namin ng barkada, yun pala naalala ko na hindi pala namin nakasama si Stephen.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...