Last Wish

By missashky

446 9 5

If you are given the chance to make a wish...what would it be? More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 2

54 3 1
By missashky

Chapter 2

12 years later

*KRIIIIIIIIIIIIIIING*

Sa wakas! Tapos na rin ang Final exams namin.

Ibigsabihin...school's over but not my life. Haha! Chosera.

*Sketching*

Simula pa nung bata pa ako, wala akong ibang naging hilig kundi ang magdisenyo at magdiesenyo ng bahay.

Araw-araw kasi, may bagong lumalabas sa isip ko na mga ideya.

"Ayun sya oh."

"Gabby!"

Lumingon ako sa tumawag sa'kin.

Sina William at Aya, ang mga matalik kong kaibigan sa kolehiyo.

Kumaway ako sa kanila at naglakad na sila papunta sa'kin.

"Sabi ko na nga ba eh, dito ka lang namin makikita." William.

Dito sa school garden. Sariwa ang hangin dito, tsaka masarap mag sketch dito.

"Bakit ba kayo hinihingal?"

"Tinanong mo pa? Eh kasi itong si William parang hinahabol ng aso. Whoo! Pinagpawisan tuloy ako." Aya.

"Sayo na lang tong Coke ko."

"Ay salamat! Hmmm sarap ang lamig."

"Painom naman--" William.

"Che! Bumili ka ng sayo!" Aya.

LQ nanaman sila hahaha!

"Bakit ka ba kasi tumatakbo, William?" tanong ko.

Umupo sya sa harap ko.

"Wala lang, gusto ko lang ma-exercise tong si Aya...kasi kailangan na nya eh." Sabay tingin sa katawan ni Aya. "Aray!"

"Walang hiya ka! Pinagod mo ako ng sobra tapos gusto mo lang pala ako paglaruan?!"

"Haha! Guys, alam nyo nakaabala ata ako sa inyong LQ ngayon. Alis na lang ako ha?"

"Huy Gab sandali! To naman...umayos ka nga Will! Uhmm, Gab...may part time job ka pa diba?" Tanong ni Aya.

"Oo, bakit?"

"Pupunta ka ba ngayon?"

"Mamaya pa 5 o'clock. Bakit?"

"Uhmm...Gab pwede mo ba tanungin kung pwede pa ng isang waitress?"

"Haha! Sige ba. Pero bakit di ka na lang pumunta doon para--"

"Wag na! Ikaw na lang. Please??"

"Sige na nga." Tapos nagpatuloy lang ako sa pagguhit ko.

Summer na...ano kayang maganda gawin maliban sa part time job?

"Gab."

Gusto ko pumasok ng isang trabaho na mas malaki ang kita para naman mas maparami ang savings ko.

"Diba Gab?"

Tapos kapag malaki na yung savings ko...pwede ko ng ipaggawa ng bahay namin.

AHHHH!

Sobra na akong na eexcite!--

"GAB!" Sigaw nilang dalawa.

"Huh?! Ah--Bat ba kayo sumigaw?"

"Kanina ka pa namin kinakausap, deadma ka lang." William.

"Kita nyo busy ako diba?"

"Yan! Drawing ka kasi ng drawing. Gab pwede break muna nyan? Katatapos lang ng Final exams natin. Pahingahin mo naman sarili mo--"

"Aya, William konti na lang matatapos ko na to--"

"Pangilang konti mo na ba yan? Tsaka ilang beses ka na kaya ulit ng ulit. Ako pa sayo kumain ka nga muna...eto oh dinalhan ka namin." Aya.

Burger tsaka fries.

"Itabi mo nga muna yan, wag bastos sa pagkainan." dugtong ni Aya.

Tinabi ko ang sketch pad ko tapos kumuha ng fries.

"Gab...dapat focus muna tayo sa pagtapos ng pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho tapos may malaking sweldo at pwede mo na ipaggawa kahit isang dosenang bahay pa!"

"TAMA!" Sabat ni Aya.

"Alam ko naman yun eh." Sabay subo ng isang fries. Tapos tumunga-nga lang.

"Teka nauuhaw kayo? Bibili lang ako ng drinks." Tatayo na sana si Aya pero bigla syang umupo. "W-William...si Sean oh."

"Sean!" Sigaw ni William.

Lumapit naman ito sa'min. Naghandshake sila.

Close sila? Kailan lang?

"Tol, mga kaibigan ko, si Aya--"

"Hi Sean!" Pacute na sabi ni Aya.

Crush nya?

Napataas tuloy yung isa kong kilay.

"...Tapos si Gabby"

"Hi."

Nakatingin ako sa pagkain.

"...Gab!" Bulong ni Aya.

Shit tinawag pala ako.

"Ah--hello." Tinaas ko ng konti ang kamay ko na nakapatong sa mesa at ngumiti ng sapilitan.

Ngumiti naman sya.

Di nagtagal gumanada na yung usapan nila tapos ako...deadma. Ewan ko ba, parang feeling ko sobrang out of place ako sa kanilang topic.

Sa sobrang bored ko...tinitigan ko na lang si Sean.

Hmm...

Gwapo naman...

Matangos naman yung ilong. Ang mata medyo nakakatakot pero okay lang. Yung hairstyle nya ang nakaka-agaw pansin...tsaka matangkad sya...malalim pa yung boses.

Inoobserbahan ko lang sya habang kausap si William...kahit naka tagilid...ang lakas na ng sex appeal.

Parang nagkaroon ng slow motion moment dito ah.

Mas lumakas pa nung buong mukha na nya ay nakita ko.

Ano ba to Gab? Wag mong sabihing...crush mo na sya?

Shit di pwede.

Hindi naman sa hindi pwede pero...ayoko! No way!

Ayoko magka crush! Ayoko may ibang mag may-ari ng puso ko.

Anak ng kamote! Habang tumatagal parang bumibigay na talaga tong puso ko...Gab!!!

NGUMITI KASI SYA SA'KIN!

IBA YUNG NGITI EH!

KILLER SMILE!!! (^__^)

OH MY GOD. OO AAMININ KO NA! CRUSH KO NA SYA!

Di ko namalayan...ngumit na rin pala ako.

Mukhang nagulat sya tapos tumawa. Hahaha! Ang cute nya. :)

*RIIIIIIIIIIIIIIING*

At tumigil na yung slow mo.

Napatingin sila lahat sa'kin.

"May tumatawag sayo." Aya.

Medyo nataranta pa ako nung kinuha ko yung phone ko.

~Kuya Calling~

Sinagot ko ito tapos tumalikod.

Matapos kong sagutin yung tawag humarap na ako muli sa kanila.

"Sino yun? Kuya mo?"

Tinaas ko lang ang dalawa kong kilay.

"O...nasan si..." sabay turo sa upuan ni Sean kanina.

"Umalis na sya, may pupuntahan pa daw syang importante." William.

Bigla na lang ako nalungkot.

Psh ano ba! Ang oa mo Gab ha!

"Oh tissue." Abot ni Aya.

"Huh? Para san to?"

"Punasan mo yang ngipin mo, kanina pa may dumi. Ano ba yan? Chocolate?"

Pinunasan ko naman ito---

(O__O) OMG!

"K-kanina pa ba may dumi tong ngipin ko?"

"Siguro. Napansin ko yan nung sinagot mo yung phone mo."

(O__O) WHAT THE HECK?!

Ibigsabihin....si Sean....kaya sya tumawa....

"AHHHHHH!!!!" Tinakpan ko yung mukha ko ng mga palad ko.

"Anong nangyari sayo?"

"NANGANGANGHAAA!!" Nakakahiya.

"Ano?!" Tanong ni Aya.

Di nila naintindihan kasi nakatakip tong mukha ko eh.

"Uwi na ako." Kinuha ko agad ang mga gamit ko tapos tumakbo na papalayo.

************************************************************************************************************

Kawawang Gabby!

Comment now guys :)

Continue Reading

You'll Also Like

16.8K 351 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine SerraƱo is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
34.4K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
73K 1.1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023