Isla Verde #2: The Sweet Esca...

By cinnderella

5.5M 157K 51.2K

WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFEC... More

The Sweet Escape
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 25

82.9K 2.3K 1.4K
By cinnderella


Kabanata 25


"Radjine!" tumili ako nang makababa siya mula sa silver na Subaru sa harapan ng aming gate.

"Zhera!" pormal ang naging pagbati niya pero dinig roon ang tuwa.

Nothing's changed, she's still the same sophisticated and formal Radjine. She's still my very bestfriend. Kung merong mang nagbago'y iyon ang kanyang mas humabang buhok at blonde na ngayon.

Her hair is in a formal french style bun, she's wearing a red dress above her knees and a wedge shoes. Magandang talaga.

We hugged each other like we didn't see each other for a very long time when in fact it's just two weeks, parati naman niya akong pinupuntahan rito at nagtatagal siya ng tatlong araw hanggang isang linggo.

"Wow! Sisters!"

Namilog ang mga mata ko nang madinig ang pamilyar na boses ni Theonoah, kumalas ako sa yakap para balingan siya.

What is he doing here? Sinama siya ni Radjine? Wow! It's surprising that Radj brought someone like him! Ginawa niya sigurong driver!

Theonoah, wearing his usual jolly face, nakasuot siya ng t-shirt na playboy at itim na jeans. Nakasumbrero siyang pabaliktad kaya kitang-kita ang aliwalas ng kanyang makinis na mukha.

"Theo!" I exclaimed. "Wow! You're here!"

He parted his arms wide open for a hug while grinning like a playboy itself. Nginiwian ko siya at hinampas lamang sa braso na ikinatawa niya at siya na mismo ang humila sa akin para mayakap.

Whoah! This playboy!

"Tsss..." si Radjine. "Lumayo-layo ka diyan, Zhera." pormal na aniya.

Natawa ako at kumalas, Theo laughed heartily and rolled his eyes on Radjine. Hindi ko inaasahan na kasama si Theo at isasama siya ni Radj dahil ayaw niya sa magulo at maingay katulad ni Theo kaya nakakataka talaga.

Nadinig ko pa ang pagbukas ng pintuan kaya nilingon ko agad ang sasakyang gamit nila, halos mamutla ako nang matanaw ang malapad na bulto ni Reidjan. He was craning his neck, and closed the car door.

Lumakad siya para makalapit sa aming banda. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba, ni hindi ko alam kung anong paunang reaksyon ang gagawin o sasabihin ko. If I should greet him or what, my mind is clouded by his presence here.

I did not expect this.

His lips curved as he glanced at me. Nanlaki ang mga mata ko, nakaawang ang labing bumaling kay Radjine para magtanong gamit ang aking mata.

She smirked and shrugged, tumalikod siya para pasadahan ng tingin ang buong mansyon sa likuran.

Reidjan wearing his sleepy face, he looked hot even more now! Siya ang hindi ko talagang nakita ng isang taon dahil wala naman siyang social accounts na mabibisita, unlike Theo who's updated on his Insta.

He's wearing a simple white t-shirt, sakto sa hubog ng kanyang braso, khaki shorts and a white adidas sneakers. He covered his mouth and yawned a bit before looking at me without any expression.

Hilaw na ngumiti ako at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ni Radjine.

Nawalan ako ng dilang magsalita dahil sa hiya. Hindi ko alam na ayos kami ni Reidjan, o talaga sumama lang siya rito at hindi niya nalaman na ako ang pupuntahan rito?

I guess right.

"Surprised?" pormal na halakhak ni Radjine nang makalapit ako.

Pumikit ako at bumuntong hininga.

"I thought he's mad at me..."

Nagtaas siya ng kilay. "Reid? Mangyayari ba iyon? Hindi naman siya marunong magalit o magtanim ng sama ng loob." she sighed. "Lalo pa sa'yo."

Halakhak ni Theonoah ang nasa likuran namin, he's teasing Reidjan. Hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan pero halata kay Theo na inaasar niya ito.

Gosh.

Hindi ko talaga ito inaasahan kahit kailan, si Radjine, oo. Syempre lagi naman kaming magkausap kahit magkalayo at talagang nagpupunta siya rito kung may libreng oras. Knowing Radjine, she's a hardworking daughter. Passion na niya ang paghahandle na kanilang kumpanya.

Ako ang naunang pumasok sa double doors ng mansyon, naabutan ko roon si Deshawn na nakangiti agad sa akin. Si Kienzo ay tamad na nagdadrums ng kanyang kamay sa hita habang nakaupo sa sofa at nakatingala sa ceiling.

He looked sleepy and tired, humikab pa siya at napangisi na parang may naisip na nakakatawa. Seriously? Parang high lang, huh.

"Zhera, sama ka sa amin! Sa La Verde, may gig." si Deshawn pero napahinto rin nang mapansing may kasama ako sa likuran. "Oh!"

Ngumiti ako, Radjine behind me is scanning the mansion, never minding Kienzo and Deshawn. Inosente naman sila Theo na sumunod lamang sa pagpasok.

"Shawn, Kien..." I called. "Mga kaibigan ko, si Theonoah at, uh, Reidjan..." ipinakilala ko sila Reidjan at Theo sa kanila. "And... Radjine, my bestfriend I was talking about." ngumiti ako.

Madalas kong ikwento si Radjine sa kanila, kahit ilang beses na kaming nagkita ni Radjine sa Isla Verde ay hindi pa nila ito nakilala. Radjine was staying in a hotel everytime she goes here. Magkikita lang kami sa isang lugar at sinasama ako sa kanyang suite para doon kami magbonding.

"Oh!" Kienzo stood up shyly, kumamot sa batok bago nakipag kamay kila Theo at Reidjan. "Welcome, bro..."

Sa kanilang dalawa ni Deshawn, si Kienzo ang mas friendly. Si Deshawn nama'y kaswal lang makitungo sa hindi kakilala, kaya tumango lamang siya at ngumiti sa mga ito.

"Si Deshawn at Kienzo, mga pinsan ko-"

"I'm not a cousin, Zhera." putol ni Deshawn, ngumisi.

Lumunok ako at pagak na natawa, tumango ako ng nahihiya sa kanya at sa mga kaibigan ko. Walang reaksyon si Radjine nang ipakilala ko sila sa bawat isa. Tumango lamang siya at bumati ng magandang umaga.

Seriously, Radj?

"You guys, staying?" Kienzo asked in a nice way.

Theo shrugged and pointed Radjine.

"She'll decide," tumawa siya ng bahagya.

"Merong guestrooms, you can stay here instead in hotel." I said. Tumango agad sila Kienzo bilang pagsang-ayon.

Radjine looked thinking, pero tumingin na siya sa akin at nagsalita.

"You're living with them? Only?" parang wala ang dalawa nang itanong iyon.

Hilaw na ngumiti ako. Deshawn and Kienzo didn't seem offended. Ngumisi lang si Kienzo.

"Hindi, kasama rin namin si Lavern. Shawn's sister... at ang housemaids." I informed.

Pormal na tumango si Radjine at nakita ko ang kanyang pagsulyap sa banda ni Reidjan, he was looking at Deshawn but quickly averted to where I was.

Napatikhim ako at umiwas.

"Alright," aniya bilang pagsang-ayon. Mataas din talaga ang ego. "Thank you..." tanging sinabi niya kila Deshawn.

Masaya ako na narito sila Radjine, may gulat pa rin sa akin dahil kasama niya sila Reid pero naaappreciate ko ang kanila g pagbiyahe pa rito sa Isla Verde para lang samahan si Radj.

Hinatid ni Neri sila Theo kung saan ang kanilang tutuluyang silid habang narito. Reidjan is sleepy and tired so he didn't mind it, sumama siya kaagad at sinabi rin ni Radjine na magpahinga muna siya para makasama kami mamaya sa La Verde kila Kienzo.

Theo likes band, kaya napagdesisyunan naming lahat na magpunta mamaya sa La Verde dahil na rin sa pag invite ni Kienzo sa kanila. Nakakatuwa dahil mabilis silang nagkasundo ni Kienzo while Deshawn is still the same.

"Where's the othet girl, Zhera?" Radjine asked while roaming around my room.

Ngumuso ako at naupo sa malambot na kama.

"Wala, umalis siya kaninang umaga. Baka makakabalik rin mamayang gabi iyon."

She nodded and looked at my way. Suminghap ako sa kanyang kapormalan, nagkrus ang kanyang braso sa dibdib.

"Reitius is here,"

Kumunot ang noo niya sa pagkalitong pinaghalo.

"What do you mean? Where is he? Paano niya nalaman ang tungkol sa'yo?"

I sighed and shrugged.

"Hindi ko rin alam, actually. Nakita ko lang siya noong isang araw sa clubhouse..." hindi nakaligtas ang kalungkutang bumalot sa akin.

Aaminin kong hindi nagbago ang lahat, walang nagbagong kahit ano. Noong una'y napag-isip kong baka kaya ko siya mahal ay dahil talagang magkadugo kami at magkapatid kami. Pero ngayong nakita ko siya ulit?

Hindi ito pagmamahal para sa kadugo, kamag-anak o kapatid. This love I have for him is real, walang halong dahil kamag-anak, dahil kapatid.

Mahal ko siya, I love him in a romantic way. I love him as my boyfriend, as a partner in life that I want to be with for the rest of my life. I'm madly in love.

Hindi ko alam kung anong tumulak sa tadhana para paranasin ako ng ganitong klase ng pagmamahal pagkatapos ay sasaktan ako sa huli dahil sa katotohanang magkapatid kami ng minamahal ko.

Tumaas ang kanyang kilay.

"So, how was it? What did you feel?" Naupo siya sa couch habang nakatingin sa akin, marahan niyang tinggal ang kanyang sapatos.

What did I feel? I feel nothing... nothing's changed. Walang nagbago iyon ang naramdaman ko, sobrang lungkot, sobrang sakit sa pakiramdam na narito siya sa paligid at malapit sa akin.

Huminga ako ng malalim.

"Masakit,"

"And?"

I sighed heavily. "Masarap sa pakiramdam na masakit, that's how I feel. Masarap sa pakiramdam dahil sobrang namimiss ko siya, masakit dahil alam kong hindi pwede."

Tipid siyang tumango.

"Mahal mo pa," she declared. "Mahal mo pa kaya ganyan, you know, Zhera, you should start moving on. Wala na rin kasi, don't let yourself do wrong things you'll just suffer and him. Magkapatid kayo, ipapaalala ko lang."

My heart ached.

"Alam ko naman iyon, pero Radj, mahirap. Sobrang hirap, mahal ko siya. Hindi ko pa rin matanggap na totoo kaming magkapatid. Ayaw kong maniwala."

Naningkit ang kanyang mga mata, she sighed.

"What do you want to do, then? Do you want me to have it check? DNA? Hindi magsisinungaling iyon, Zhera."

Kumunot ang noo ko, mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko sa kaba at takot. Natatakot ako... sobra, hindi ko alam kung matatanggap ko.

Ngayon kasi ay hindi ako naniniwala, iniisip kong pagsubok lang ito. Matagal ko ng napag-isipan ang lahat, napag-isipan ko rin ang DNA test pero hindi ko magawa dahil sa bahag ang buntot ko pagdating sa mga ganoong bagay.

"Napag-isipan ko na iyan noon, Radj. Pero ayaw ko dahil natatakot ako, hindi pa ako handa."

"Kailan ka pa magiging handa, Alzhera? Paano ka makakaalis kung natatakot ka sa katotohanan?"

Pumikit ako at suminghap, pinigil ang lahat ng emosyong lumulukob sa akin. Nanunuyo ang lalamuna ko at walang makapang salita.

"I'm sorry..."

"Feel sorry for yourself,"

Napangisi ako agad nang madinig ang linyang nasabi na sa akin noon ni Reidjan, damn. Magkapatid nga silang tunay, hindi mawawala ang pagkakapareho.

Pagkatapos ng aming pag-uusap ay iniwan ko siya sa aking kwarto para makapagpahinga kahit papaano, alam kong pagod rin siya dahil nakita ko iyon sa kanyang mga mata.

Masyadong malayo ang Isla Verde mula sa Maynilang pinaggalingan pa nilang tatlo, si Theo at Reidjan ang nagpapalit-palit sa pagmamaneho patungo rito ayon kay Radjine.

"You've got a gorgeous best friend, Zhera!" tawa ni Kienzo nang makababa ako sa living area kung nasaan sila ni Shawn.

Tumawa ako at naupo sa single couch.

"She really is, of course!" I said. "Crush mo 'no?"

He shrugged and pouted.

"Konti lang!" inakto pa ang kanyang mga daliri at tumawa. "Mukhang mataas, e. Hirap abutin! I bet she came from a decent family?" pagtitiyak niya.

"Yup! Cordóva, De Menezes..."

Umawang ang kanyang labi at parang may inisip tungkol sa aking nasabi. He nodded twice.

"Oh! I see, nadinig ko na 'yan, kila Mommy. How I wish Cordóva and Andrada will be one someday." makahulugang aniya.

Suminghap ako at hindi naiwasang matawa.

"Seriously, Kien? Uso pa ba ang fixed marriage ngayon?"

Hindi siya nagsalita, ngumisi lamang siya at kumibit ang balikat. Tumawa si Deshawn.

"Yes, Alzhera. Uso iyon sa mga Andrada,"

Kumunot ang noo ko. "Seryoso ba 'yan?"

Tumango siya at bumuntong hininga.

"Don't be surprised when one of us will be married these days or the next months..."

What the heck? Bigla kong naalala ang nangyari sa Daddy ko at kay Mommy, alam kong fixed marriage sila. It was just an arrangement, para umikot lang ang kayamanan ng pamilyang marangya.

"You're lucky that Uncle Arnold didn't do that to you and Ahleira," si Kienzo. "Well, Uncle is not an Andrada, kaya siguro hindi siya ganoon mag-isip. Si Dad kasi, iba." nailing siya sa huling sinabi.

How about Cadence? Anong mangyayari sa kanya kung ganoon? Sana naman hindi mangyari sa kanyang ipagkasundo siya sa taong hindi niya mahal, mahirap iyon.

Siguro si Daddy ay nagbago ang pananaw sa ganoong kasunduan dahil sa nangyari sa kanila ni Mommy?

Maaari, kaya siguro hindi siya nagplano ng ganoon sa amin ni Ate Ahleira. Ang alam ko'y eighteen palang sila ni Mommy noong ipagkasundo sila. Lagpas na kami ni Ate sa edad na iyon at mukhang wala namang balak si Daddy para sa aming mapapangasawa.

Maingay ang buong open bar rito sa La Verde, kakarating lang namin dito ngayon-ngayon lang. The open bar is bright with colorful dancing lights around, tanaw rito ang karagatan ng La Verde.

Madilim ang kalangitang puno ng mga bituin, ang buwan na maliwanag ay tumatama sa tubig dagat na tahimik at iyon lalo ang nagpapaganda pero nakakalungkot tingnan dahil sa kadiliman. Hindi katulad sa araw ay maliwanag na asul ang kulay noon.

Girls are dancing with the loud music, kahit saan ay nakakakita ako ng nagsasayaw. This bar is a place you can do anything you want.

Malasing ka man o hindi ay walang nabastos sayo. Ganoon marespeto ang mga local ng Isla Verde. Except nalang kung may ibang turistang manyakis.

"This place is beautiful, Reid!" manghang wika ni Theo, nakangisi siya habang ginagala ang mata sa buong lugar.

Tipid na tumango si Reid at bahagyang gumagala rin ang paningin. Ang iba't ibang kulay ng ilaw na malikot ay tumatama sa kanyang matapang pero kalmadong mukha.

My heart skipped a beat when he caught me looking at him. Bahagyang tumaas ang isang kilay niya sa akin, umiwas agad ako at tumuon kay Theo na masaya ang mukha ngayon.

"Really beautiful..." malamig na wika ni Reidjan.

Kinabahan agad ako roon, hindi na talaga ako makalingon sa kanyang kinaroroonan ngayon sa 'di malamang dahilan. Instead I looked at Radjine beside me, she raised a brow while eyes on Reidjan in front of us.

"Really, brother? What is beautiful? The place or..." she trailed off and smirked.

"Isla Verde," simpleng sagot ni Reidjan.

"Oh! I see it clearly, my dear brother, you love what you're seeing, huh?" halakhak ni Radjine.

"Tsss, don't start, Radj." masungit na sambit ni Reid.

Ngumiwi na lamang ako. Lahat naman talaga'y mamahalin ang lugar na ito, katulad ko noong mauna akong mapadpad rito noong school trip namin. Minahal ko na agad ang Isla Verde sa pagiging payapa nito, sa sariwang hangin, malinis na lugar at lahat lahat pa.

"Uy, bro!" halakhak ni Kienzo. "How's life?"

"Just fine,"

Nilingon ko agad sila Kienzo na kakarating lang at kasama ang dalawang kaibigan, si Deshawn ay umupo na sa aking tabi ng tahimik at saka ininom ang isang shot na nasa harapang lamesa namin.

Kumunot ang noo ko sa kasama ni Kienzo. The two men he's with were familiar! Bahagyang umawang ang labi ko habang inaalala kung saan sila nakitang dalawa.

"Balita ko valedictorian ka ng Brentdale, huh?" tawa ni Kienzo.

"Malamang! Minther 'yan, boy! Ano pang aasahan!?" tawa pa ng isa.

Nalaglag ang panga ko.

What the hell? Minther the dancer! He's here! Siya iyong nakita namin rito years ago noong fiesta! Shit! Ang liit ng mundo para magkrus pa ang landas namin dahil kaibigan niya ang pinsan ko!

"Oh! By the way, Mint, Kurt! These are my friends," pinakilala ni Kienzo ang bawat isa. "And cousin, Alzhera Felipe... hey, guys, mga barkada ko, si Kurt at Mint Legaspi!"

Unlike the first time I saw him, kakaiba lalo ang kanyang aura ngayon. Wala akong mabakas sa noong nakita ko at sa ngayong siya, masyado siyang seryoso ngayon. But I don't know, maybe this is his true self! Serious and ruthless looking.

And the Kurt guy, his feature is the same as Minther. Sharp and ruthless, yes, but Kurt has gentleness in his eyes and smile. Mukhang mas magaan ang kanyang aura kesa kay Minther pero halos magkamukha rin.

Kurt greeted us here, naupo rin sila pagkatapos makipagbatian sa amin. The night is still young and alive, inumpishan namin ang aming inuman. May iilan pa silang kaibigan na dumating.

Maiingay na sila Kienzo ngayon, si Theo ay nakikisama sa lahat. Magkakausap sila at ang mga kaibigan nila Deshawn tungkol sa mga bands.

"What's the band name?" tawa ni Kienzo. "Marami talagang sikat ngayon sa Maynila 'no?"

"Yes, bru. Sealed ang sikat ngayon sa Manila," si Theo.

My heart thumped. Sealed? Damn it! Bakit kailangang masali ng bandang iyon sa usapan nila?

"Oh! Santisteban's band?" gulat na tanong ni Lay. "No wonder! They're all good and versatile! Barkada ko si Jazz! Kilala mo siguro?"

Tumango si Theo at napangiwi, mabilis siyang napasulyap sa akin. Radjine simply shook her head.

"Y-yeah." nag aalangan na sagot ni Theo. Nginitian ko siya para hindi makaramdam mailang.

Damn. Hindi matigil ang puso ko sa pagwawala habamg nakikinig sa kanila, hindi ko mapakawalan ang kanilang usapan kahit kinakausap ako ni Radjine.

Ang lakas talaga ng epekto ni Reitius. Naiinis ako dahil kahit anong iwas pa ang gawin ko'y walang saysay dahil malalapit ang nasa paligid naming dalawa.

So their band is now famous in Manila? I'm so happy for him, alam kong iyon ang pangarap niya noon pa man.

"Kasali siya sa set mamaya, Kien." balewalang deklara ni Deshawn.

"What? Seriously?" halakhak ni Lay. "Whoah! This night will be so much fun!"

Nalaglag ang panga ko.

Shit! No!

Continue Reading

You'll Also Like

47.9K 594 16
⚠️ INTERSEX STORY⚠️ THIS CONTENT CONTAINS SCENES THAT MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG, CLOSE-MINDED, OR SENSITIVE READERS. PLEASE BE ADVISED
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
853K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
6.6K 144 6
Complexity of Us Sequel