My Life II Vicerylle Collecti...

By EmEm_El

10.7K 270 13

More

My Life II Vicerylle Collections
Hay Naku
Pangarap Lang Kita (Part 2)
Ikaw Lamang
Chinito
Lucky (Part 1)
Lucky (Part 2)
Lucky (Part 3)

Pangarap Lang Kita (Part 1)

1.1K 31 0
By EmEm_El

Karylle’s POV

“Karylle will you marry me?” Waahh! totoo ba to? Ang my labs ko nagpopropose sakin. Yieee kinikilig ako.

“Yes Vice I will marry you.” Agad na sagot ko sa kanya. Hihindi pa ba ko, it’s a dream come true kaya. Agad naman nya akong niyakap at...ayan na ikikiss na nya ko, malapit na........

“Uy brad ano gagawin mo dyan?”

Teka bat ang tagal naman, excited na ko, hang lande.

“Brad teka lang kawawa naman.”

“Ah sir yung balde po, ano po gagawin nyo dyan.” Balde? anong balde tsaka bat ang ingay..

*SPLASH*

“AAAHHH ANG LAMIG!!” napabalikwas ako dahil don. At nakita ko ang aking among gwapo na kay hirap abutin na may hawak na balde. Huhuhu ang bad nya bat nya ko binuhusan.

“My labs naman bat mo ginawa yun, naligo naman ako ah?” tanong ko sa kanya. Mukha na tuloy akong basang sisiw.

“Next time kasi wag kang matutulog sa oras ng trabaho.” Sungit naman nito hmp. “Tsaka tigilan mo nga pagtawag sakin ng my labs. Kairita.” Ouch naman kairita daw?

“Eh bat mo ko binuhusan pwede mo namang akong gisingin eh.”

“Tingin mo bubuhusan kita kung agad kang nagising ha?” ang sungit talaga ng my labs ko pero pogi pa rin. Model nga kasi. At ayun nag walk out na sya dala ang balde nya. Di man lang nag sorry.

“Hey ayos ka lang?” tanong sakin ni Vhong, model din, sabay abot ng towel. Lamig....todo pa naman yung aircon.

“Oo ayos lang. Salamat.” Buti pa to gentleman, kras ko rin to dati eh. Pero nung nakilala ko si Vice my labs bigla ng nagdilim yung mundo ko, eh kasi naman wala ng kong ibang nakikita kundi syang lang. Yieeeee. Matagal na rin naman nyang alam na labs ko sya umamin na kasi ako sa kanya dati, pero ayun basted lang ang beauty ko, buti na nga lang hindi nya ako sinesante sa trabaho. Pero hindi pa rin ako susuko labs ko kaya yun.

“Here, suotin mo.” Ay oo nga pala andito si Vhong.

“Ano yan?” tanong ko sa kanya.

“Damit?”  aba’t pilosopo to ah.

“Alam ko! ang ibig kong sabihin ano naman gagawin ko dyan sa damit mo?!”

“Malamang isusuot try mo kainin.” “Aray!” hinampas ko nga ang pilosopo eh.

“Oy, ang dumi mo may photoshoot pa kami.” Arte naman neto.

“Arte arte naman, oh eto towel.”

“Ano naman gagawin ko dyan?

“Malamang pampupunas try mo kainin..” ha! Kala nya sya lang marunong ako rin kaya. Natawa na lang kami pareho sa sinabi ko. Kinuha ko na rin yung shirt nya at ng makapagpalit na ko, nanginginig narin kasi ako sa lamig eh.

“Yes yo, yes yes yo’. Wazzup?” ano bang problema netong si Vhong parang timang.

“Ha?” naguguluhang tanong ko sa kanya, pano pag labas ko sa banyo yan bungad sakin.

“Haha wala mukha ka kasing rapper dyan sa suot mo.” Ah kasi naman ang laki laki ng damit nya tas yung short ang luwag sakin.

“Kung mukha kong rapper kaw naman mukang lumpia.” Alam ko ang waley haha sorry naman diba.

“HAHAHA” tawa lang sya ng tawa. “Uy, natawa ko dun ah. Hahaha.” Halata nga. Baliw rin to no?

“Uy, brad una na ko.” Paalam ni Vhong kay Vice. “Bye rapper.” Sabi nya at nagwaved sakin sabay talikod.

“Sira!” sigaw ko sa kanya habang natatawa.

“Bilisan mo nga!” hala bat nakabusangot na naman kaya si my labs. Napapadalas ata ah.

“Wait lang, nandyan na ko my—SIR.” Inemphasize ko pa talaga yung Sir kaw ba naman makatanggap ng nakakamatay na tingin.

Hay sa wakas nakarating rin kami sa condo ni SIR hahaha. Hoy ha hindi ako nakatira dito hinatid ko lang si Vice. O diba baliktad na babae na ang naghahatid sa lalake.

“O ano pang tinutunganga mo dyan? Umuwi ka na baka isipin ng mga tao may kasama kong baliw.” Hindi pa nga pala ako nagpapalit.

“Sigurado ka gusto mo na ko umuwi?” pacute na tanong ko sa kanya, malay nyo lang naman tumalab hehe.

“Ano naman sa tingin mo ang dahilan at hindi kita pauuwiin ha?” yieee pogi pogi talaga.

“Baka kasi mamiss mo ko eh.” Sabay kindat ko sa kanya. Tumakbo na ko kasi parang magtatransform na naman sya. “Babye my labs. I lab you. See you tonight in my dreams.” Sigaw ko pero paglingon ko sarado na yung pinto. Sayang naman.

Kinabukasan maaga akong nagising kasi dadalhan ko ng breakfast ang aking mahal. Nagluto ako ng adobo kasi peyborit nya yun. Habang inaayos ko ang foods biglang tumunog ang cellphone ko, si Manong pala driver ni Vice my labs. Pinapasabi daw ni my labs na dumiretso na ko sa set. Nubayan pwede namang sya na lang magtext sakin, nahihiya siguro. Wag kang assumera Karylle.

"Hi K, Good morning.” Bati sakin ni Anne pagdating ko. “Good morning din Anne.” Sabay ngiti ko sa kanya.

“Uhm excuse me pwede magtanong?” nagtatanong ka na, gusto ko sanang sabihin kaya lang may manners naman ako no.

“Yeah sure.” Si Anne na ang sumagot.

“Dito ba yung venue ng photoshoot para sa VR magazine ?” tanong nya ULIT. Napalingon ako dun sa babae. Matangkad sya, halatang sosyal at maganda rin, pero mas maganda ako. Charot.

“Ah yes dito nga yun.”

“Liz?” napalingon kaming tatlo dun sa nagsalita. Si my labs, so magkakilala sila bakit di ko alam to?

“Vicey..” at bigla nyang niyakap si my labs. Wait. Sandali. Teka, totoo ba tong nakikita ko? Si Vice nakangiti habang yakap yung Liz? Eh bat ako nung niyakap ko sya dati hindi ganyan ngiti nya, ni hindi nga ata nakangiti yun eh. Nandiri kamo. Aray naman, ang landi mo my labs nandito kaya ako, hello.

“I miss you Vice.”

“Miss you too, wifey.” Ano?! Wifey?! Ako nga ni hindi nya matawag sa totoo kong pangalan, tapos sila may tawagan pa? Teka ano ba yung naririnig kong parang nababasag tumingin ako sa paligid wala naman, ah yung puso ko siguro yun. Sakit naman. Triple ata yung sakit ngayon nung si vice mismo yung humalik sa pisngi nya.

“Wait. What brings you here?” tanong sa kanya ni Vice.

“May photo shoot ako dito ngayon, eh ikaw?”

“Same as you.” Nakangiti pa rin ang loko. Wow ha parang sila lang tao dito, nag eexist rin kaya ako. Grabe feeling ko anytime tutulo na luha ko dahil sa mga nakikita ko ngayon.

“Well looks like ikaw yung partner ko ngayon ah.”

“That would be great!” excited naman to masyado.

“Ok guys one hour break. By the way ang galing nyo Vice and Liz, ang gaganda ng mga kuha.” Rinig kong sabi nung photographer. Eh baka sira yung camera nya, tss.

“Wait lang guys, dito na lang kayo kumain nagpadeliver kasi ako ng foods for everyone!” sabi ni Liz edi syempre tuwang tuwa ang lahat pati si Vice. Sus pag pinagluluto ko sya di kumakain pero pinadeliver lang tuwang tuwa na? Ang unfair nya talaga.

“HUY!”

“Ay butiki.” Si Vhong lang pala at tumawa pa ang loko ah, sama talaga. “Bat ka ba nangugulat ha?”

“Bakit nagulat ka ba?” pangasar rin to eh.

“Magtatanong ba ko kung hindi, ha? Isip isip din dyusko.”

“Sungit mo, meron ka?”

“Letse ka, alis ka nga dito.” Kaasar kasi eh, dumagdag pa to sa init ng ulo ko.

“To naman di na mabiro.” Sabi nya sabay siko sakin, pero yung mahina lang. “Di ka ba kakain?”

“Busog ako.” Simpleng sagot ko sa kanya.

“Sus sabihin wala kang gana.” Tiningnan ko lang sya habang nakakunot noo. “Kasi selos ka.”

“Ewan ko sayo. Kumain ka na nga dun gutom lang yan.” Manghuhula ata to eh

“Tara sabay na tayo.” Yaya nya

“Yoko may baon naman ako.”

“O edi share na lang tayo ng baon mo.”

“Ayoko nga dami daming pagkain dun oh.” Makikihati pa to.

“Sige na.” Nag beautiful eyes pa ang loko at nagpout haha parang timang.

“Haha mukha kang bading tsaka konti lang pagkain ko kaya dun ka na.”

“Konti daw eh dalawa naman baonan mo. Wag mong sabihing sayo to lahat.” Nga pala para kay Vice yung isa, pero mukhang di naman nya tatanggapin kasi kumakain na sya.

“Oo na sayo na.” Bigay ko na lang sa kanya kawawa naman eh.

“WOW! ADOBO!” sigaw nito. Napatingin tuloy samin lahat. Kahiya talaga to. “SARAP!”

“Talaga masarap?” tanong ko sa kanya. Napangiti naman ako dun, first time kasing may pumuri sa luto ko eh na hindi ko kapamilya. Usually si Vice kasi laging sinasabi na hindi daw masarap at nauubos nya lang kasi gutom sya.

“Oo naman no. One of the best adobo na natikman ko, next sa luto ng mommy ko. Tsaka lam mo ba ngayon na lang ulit ako nakakain ng lutong bahay.” Mahabang sabi nito.

“Seryoso?” tumango tango lang sya. “Kasi naman madalas fast food or take out lang kinakain ko eh. Bihira lang kasing dumalaw nanay ko.”

“Ganun ba? Sige wag kang magalala araw araw dadalhan na kita ng pagkain.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

“Totoo yan ah, pag pumalya ka isang kiss ang katumbas.”

“Sapak gusto mo?”

“Joke lang basta ah promise mo yun.” Turo nya sakin makaturo naman to.

“Oo na. Honesto pramis.” Natawa na lang kami dun.

“Kuys sweet nyo ng girlfriend mo ah, pinagluluto ka pa talaga.” Sigaw ni Billy model din yun mukha lang hindi. Joke lang.

“Sabi sainyo eh.” Parang batang sabi ni Vhong. Haha

“Hey Vice where are you going?” rinig kong tanong ni Liz kay Vice.

“I’m done excuse me.” Paalam nito at tumayo.

“You sure? Hindi ka pa nangangalahati eh.” Hindi naman to sumagot at basta na lang umalis. Problema nun kanina tuwang tuwa ngayon nakabusangot, haay naku.

“Sundan mo na.”

“Ha?” pinagsasabi nitong si Vhong.

“Kausapin mo, selos lang yun.” Selos? Kanino naman, eh wala namang ibang lumalapit kay Liz ah. Sila lang naman magkadikit kanina pa. Ni hindi nga nya ko napansin eh. “Puntahan mo na.”

“Yoko.” Napatigil ito sa pagsubo.

“Bakit?”

“Eh sigurado susungitan lang ako nun.” Nagchuckle lang sya. Totoo naman eh.

“Ewan ko sainyo.” Tumayo na ito at naglakad palayo. “Salamat nga pala sa pagkain. Yung pangako mo ah.” Pahabol pa nito sabay kindat.

“Job well done guys, pero mas gusto ko yung shots nyo kanina. May problema ba Vice?”

“None.”

“Ok. So see you guys, maybe next time.” Paalam sa kanila ng photographer. Haay sa wakas makakauwi na rin.

“Bye Vice thanks for today.” Sabay halik nito sa pisngi ni my labs ko. Sarap tadyakan eh.

“Bye and thanks also.” At ngumiti pa sya. Ako kaya kelan nya ngingitian.

“Hoy!” tawag nya sakin. Pano ko alam na ako yun? Eh diba nga ako lang ang hindi nya tinatawag sa pangalan. Agad naman akong lumapit sa kanya at tinanong kung bakit.

“Dalhin mo lahat to sa kotse.” At inabot nya sakin yung dalawa nyang bag na puro damit. “At eto pa, at eto pa.” Teka seryoso ba to? Maliban don sa dalawa nyang bag eh meron pa palang dalawa pa.

“Ahm pwede bang balikan ko ka na lang yung iba?”

“Hindi pwede nagmamadali ako.” Napanganga na lang ako dun sa sinabi nya. Eh isang bag pa nga lang hirap na kong magdala apat pa kaya?

“Sir di ko kasi kaya dalhin lahat eh, kung gusto nyo tulungan nyo na lang ako.”

“Nagrereklamo ka ba ha? Bakit ano bang ginawa mo ngayon ha wala naman ah. Maghapon ka lang naman nakatunganga at nakipaglandian don sa lalake mo.” Hindi ko alam kung anong sumanib sakin at nakayang kong buhatin lahat ng bag nya papuntang kotse. Malandi daw ako langya sino kaya.

“O hija di ka ba sasabay samin?” tanong sakin ni Manon ng hindi ako sumakay sa kotse.

“Hindi po Manong may pupuntahan pa ho ako.” Sagot ko sa kanya

“Ayos ka lang ba K hija? Bat naiyak?” napahawak naman ako sa pisngi ko, ay basa nga, umiiyak pala ako.

“Naku ayos lang po ako. Ayos na ayos.” Sagot ko sakanya. Tumingin ako kay Vice ayon nakapikit, tss.

“O sya sige san ba ang punta mo?” kulit rin ni Manong no?

“Wala po. Lalande lang, manlalalake at higit sa lahat maghahanap ng ibang mamahalin.! Sige una na po ako!.” At naglakad na ko paalis, hindi ko na rin tinignan si Vice malamang nakapikit pa rin yun.

Nandito ako nga sa isang bar umiinom mag isa. Syempre umuwi muna ko para magpalit ng damit ayoko namang magmukhang ewan dito. Tsaka manlalalake nga ko diba? Hahaha... pero syempre joke lang yun. Nasabi ko lang naman yun dahil sa inis ko kay Vice. Speaking of Vice, siguro kaylangan ko na talagang mag move on sa kanya parang wala kasi talaga akong pag asa sa kanya. Pero iniisip ko pa lang parang di ko kaya. Huhuhu. Ano ba gagawin ko? Nubayan para na kong baliw dito, lasing na nga ko.

“Hi Miss you alone?” tanong ni kuya. Hmmm may hitsura naman, mukha ring mabait pero mas pogi pa rin si my labs.

“Bakit may nakikita ka bang kasama ko ha?”

“Wala naman naninigurado lang, baka kasi mamaya bigla na lng may sumapak sakin eh. Haha.”

“Haha.” Sabi ko na lang wala ko sa mood dumaldal ngayon.

“Mukhang problemado ka ah, boyfriend ba yan?”

“Wala akong boyfriend.” Sabi ko sabay inom. Ang pait.

“Sa ganda mong yan.” Abay bolero rin pala to.

“Buti ka pa pansin mo ang ganda ko. eh si my labs ko hindi.” Inom ulit.

“Oh so mukhang one sided love ah.” Tumango na lang ako at ayun nakuwento ko na sa kanya ang buhay ko.

“Hey lasing ka na, gusto mo hatid na kita?” alok nya medyo lasing na nga ko.

“Ayoko nga mamaya san mo pa ako dalhin.” Alam ko na to, kunwari hahatid yung babae tas yun pala dadalhin sa kung saan tas ayun na. Basta alam nyo na yun. “Tsaka kaya ko pa naman umuwi mag isa.”

“Alam ko iniisip mo, hindi naman ako nagtatake advantage no.” Paliwanag ni kuya, di ko nga alam pangalan nito.

“Ayoko nga, di ko nga alam pangalan mo tapos sasama na lang ako sayo basta basta? Ano ka sinuswerte?”

“Ok fine kung yan ang gusto mo. Pero hayaan mong ihatid kita sa labas ok?” kulit naman nito.

“Oo na sige na nga.” At ayun nga inalalayan nya ko palabas.

“Uy salamat ha,ahm—

“Jericho. Echo na lang for short. And you are?”

“Karylle. Salamat ulit Echo ah.” Ikikiss ko sana sya sa cheek nya ng biglang may humatak sa braso ko. “Aray naman! Ano bang problema mo ha?” sasapakin ko na sana kung sino man yung taong yun pero mas lalo akong nagulat ng malaman ko kung sino yun.

“Vice.” Halos pabulong kong sabi. Madilim ang mukha nyang nakatingin sakin lalo na kay Echo.

“So ikaw pala si Vice. Jericho nga pala pare.” At inabot naman ni Echo ang kamay nya pero tiningnan lang ito ni Vice. Aba bastos to ah.

“Let’s go.”

“A-aray naman.” Bigla ba naman akong hilahin pakiramdam ko matatanggal braso ko sa lakas ng pagkakahila nya.

“Bye Karylle nice to meet you!” rinig kong sigaw ni Echo. “Same to you!” nasabi ko na lang.

“Arayy ko ulit ha?” binalibag ba naman ako sa loob ng kotse. Sama talaga neto. Sinaktan na nga ako emotionally tas ngayon physically naman. “San mo ba ko dadalhin ha?” aba di man lang ako sinagot.

“Hoy tinatanong kita!”

“Pwede ba tumahimik ka nga! Ang ingay mo, at bakit ang lakas ng loob mong sigawan ako ha?” aba sya pa galit ngayon?

“Malamang lasing ako.”

Ayun natameme ang loko. San ba ko dadalhin nito, naku baka idespatsya nya ko o kaya itapon sa ilog Pasig o kaya gahasain nya ko at pagkatapos ililibing ng buhay. Jusko kung alin man sa tatlong yun ang mangyari sana yung pangatlo na lang. Charot. Asa pa ko no baka nga ako pang gumahasa dyan eh, ang yummy yummy kasi. Lande. Ay tumigil na pala yung kotse nya. Teka building to nung condo nya ah, wag mong sabihing... OH MY GOSH ... baka itulak nya na lang ako sa rooftop.. wag naman sana..

“Aray na naman!” bat ba ang hilig nitong manghila. Model ba to o manghihila. Ay waley.

“Now explain everything.” At ayun sa sofa naman ako binalibag. Yung totoo mukha ba kung gamit ha?

“At ano naman ieexplain ko sayo ha?” nakadrugs ba to.

“Sino yung lalakeng yun?”

“Si Echo? Ahh? nanliligaw sakin yun.” Ewan ko ba basta na lang lumabas sa bibig ko. Bahala na..

“Kakakilala nyo lang pumayag ka agad magpaligaw? And look at your dress ang ikli mukha kang call girl!” ano daw call girl? Kanina malande ngayon call girl naman.

“Anong sabi mo?” langya Karylle ipapa ulit mo pa talaga? Tengene naiiyak na ko.

“Siguro kung di ako dumating dun may nangyari na sainyo no? Ganyan ka na ba talaga kadesperada?”

*PAK*

Di ko na napigilan sarili ko ayun nasampal ko na sya. Sumusobra na kasi eh. Wala na naiyak na talaga ako.

“Ganyan ba talaga tingin mo sakin ha? Malandi? Desperada? Oo siguro malandi ako kasi nga diba dikit ako ng dikit sayo. Pinipilit kita sa sa mga bagay na ayaw mo. At higit sa lahat desperada ako. Desperada ako na mahalin mo rin ako. Pero wala eh, siguro nga sa panaginip mo lang ako pwedeng mahalin. Ang tanga ko no? Kasi kahit alam kong imposibleng mahalin mo ko patuloy ko pa ring pinipilit sarili ko sayo.” Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko. Walang tigil. Mabuti na rin to para maubos na.

“Akala ko kaya kong maghintay na mahalin mo rin ako. Pero mali pala kasi nakakapagod din palang maghintay. Akala ko katawan ko lang napapagod pati puso ko rin pala pagod na pagod na. Kelangan na ring magpahinga.” Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko mukha nya. “I love you, goodbye.” At hinalikan ko labi nya kahit ngayon lang sa huling pagkakataon.

At tuluyan na kong umalis sa condo nya at lalo na sa buhay nya. Sana pala tumigil na ko noon pa. Kasi kahit anong gawin hanggang pangarap ko lang siya.

to be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

342K 7.7K 33
Bored ako
184K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
1.2M 24K 56
just for fun