Pagbalik namin banda sa may ilog, naabutan naming wala pa ring malay si Jake.
"Bestfriend saan kayo nanggaling?"- tanong ni Sulx nang makalapit siya kanila Sophie. "Oh my," nakita niya kasing magkaholding hands sila Erry at Sophie.
"Let me guess, may nangyari noh?!" tanong ni Sulx kanila Erry at Sophie.
"hehe"-sabi ni Sophie kay Sulx.
"Oh no, Sophie ! Don't tell me.. mauuna kabilogan ng buwan bago kasal?! ARAY!!!" binatukan kasi ni sophie si Sulx.
"Hi naku.. Sulx ! Napaka MO TALAGA!!!" sabay hila ni Sophie kay Erry.
"Bakit may nasabi ba akong mali... Anong napaka ko,? KO? Medyo hindi ko gets si Sophie." sabay may biglang lumapit kay Sulx.
"Mukhang ayos na sila ni Prince Erry."
"Oo nga eh, tayo Jiro? Kelan tayo magiging tayo." tinitigan lang siya ni Jiro.
"Joke lang. Hindi ka mabiro eh." sabay palo ni Sophie sa braso ni Jiro.
-----------------------------------------
"Wow.. mukhang okay na kayo ulit."
"Oo nga eh, thanks sayo!"- sabay smile ni Sophie kay Kassandra.
"Maraming salamat sa magical flower na ito."-banggit ni Prince Erry.
"Huh? Si Kassandra nagbigay niyan sayo?" tanong ni Sophie kay Erry
"Oo. Huminge kasi siya ng favor sa akin na kahit anong mangyari kailangan kung mahawakan to kasama ka Sophie."-Erry.
After tumingin ni Sophie kay Prince erry napatingin siya bigla kay Kassandra.
"Oo tama si Prince Erry, Sophie. Alam ko kasi na malaki ang maitutulong niyan para malaman niyo kung ano ang mawawala kung hindi pa kayo magbabati! And beside marami akong alam tungkol sayo Sophie, kaya alam ko kung papaano kita matutulungan."
"Maraming thank you talaga sayo si Kassandra!... " sabay yakap ni Kassandra kay Sophie.
"Wala yun. Masyado akong naging sagabal sa inyo noon kaya dapat lang tumulong ako para magka-ayos kayo!"
-----------------------------------------
Jake's POV
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata... Masyadong nakakasilaw ang liwanag kaya nang susubukan ko tumagilid hindi ko magawa... At ang ikinagulat ko pa lalo ay nasa loob pala ako ng tubig.
Kung nasa tubig ako bakit ako nakakahinga pa rin ?
Nakita ko sa peripheral view ko na may mga tao roon pero hindi ko sila marinig. Anong nangyayari sa akin.
Ang huli kong naaalala ay nakikipaglaban ako sa isang babaeng bampira~~~!!...
Na-alala ko na ! Nakagat ako nung babaeng bampira at simula nun, wala na akong iba pang naaalala!
Hindi kaya sinisubukan nila akong gamutin?
Subukan ko kayang gamitin ang kapangyarihan ko para makalabas ako dito!
Huh? May nakita kasi akong damit ng pang babae sa harapan ko. Takte,,, Ano ba talaga nangyayari.!!!! ?
Sophie's POV
"Guys tignan niyo mukhang may malay na si Jake."
"Oo nga bespren! Mukhang nagtagumpay si Saidara na masugpo yung mga venom sa loob ni Jake!"
"Salamat naman. At ang kailangan nalang natin gawin sa ngayon ay hintayin si Saidara na bumalik sa pagiging tao!"
"May tanong ako sa inyong dalawa."-Penelope
"Once na bumalik si Saidara? Nakahubad lang siya?" napatingin kami agad kay Penelope nang sabihin niya ang bagay na iyon at napatingin rin kami ni Sulx sa isa't isa.
"Oo nga bespren? Paano yan!?"
"Hindi ko rin alam..."
"Look, Sophie! your Sister is starting to come back..."- Penelope. Yung iba napansin na rin na may tubig na nagfoform sa ibabaw ni Jake.
"Oo nga noh!" natatarantang sabi ni Sophie!!!
"Paano na yan bespren? Kung gamitin mo kaya power mo! Marami pa namang lalaki dito!"
"Kaya nga bespren eh... Ah alam ko na !"
"Sophie gawin muna!"
Padyak ng padyak si Sophie sa sahig.
"What are you doing ? Bilisan mo Sophie!"
"Ito na nga eh!!! Gumana KAAAA!!!!"
- nang tapakan ni Sophie ang lupa.!!! Biglang lumindol... Ang iba ay nagsitumbahan nang biglang umangat ang lupa sa harapan nila kaya nagkaron ng wall.. at hindi na nila matakaw sila jake at Saidara.
"Anong nangyari?"- tanong nung iba.
"Galing mo bespren?!"- sabay apir ni Sulx kay Sophie.
"Salamat sulx."
"Hindi nga nila nakikita si Saidara na naked eh paano si Jake? Makikita niya si Saidara na nakahubad?"
NGA NGA!!!
"Oo nga Sophie, paano yung kapatid mo baka manyakin siya ni Jake.?"
"Ha? Hindi ko rin alam. Kung tatangalin ko yang wall na yan.. mas marami ang makakakita. Siguro ang mas magandang gawin ay ipagkatiwala nalang natin to sa mga kamay ni Saidara."
"ammpkk,, siguro nga."
-----------------------------------
Jake's POV
"huh?' Anong nangyayari... May napapansin kasi akong nilalang na nagfoform sa harapan ko. Napansin kong nagkaroon ng wall dun kung saan may nakikita akong mga tao na nakatayo gamit ang peripheral vision ko..
Huh? Sino ka ?!"- may babaeng nakapatong sa akin pero hindi ko siya kilala kasi buhok niya lang nakikita ko.
Gusto ko siyang tawagin pero hindi ko magawang magsalita. Nakatitig lang ako sa kanyang nang ilang segundo bago pa man siya tumingin sa akin.
Sophie...?!
Bigla itong ngumiti sa akin nang magtinginan kami. Nang yakapin niya ako ... bigla kaming nalaglag sa tubig.
"jake." tuwang tuwa sana ako dahil sa pag-aakala ko si Sophie yung pero alam ko hindi boses ni Sophie ang narinig ko, alam kong boses ni Saidara yun.
"Jake... Okay kana. Salamat naman!" nag-aalalang sabi ni Saidara sa harapan ko habang nakayakap siya sa akin.
"Jake... ang saya saya ko dahil okay kana!"
"Ano ba kasing nangyari?"
"Nakagat ka ka~~ huh??" Bigla kasing may lumutang na bra sa pagitan naming dalawa.
Makulit kasi siya kaya hindi ko nasabi sa kanya na nakahubad siya.
"WHAAAAA!!!!!!! bakit wala akong damit?" -sigaw niya!!!!!!!!!! sabay takpan niya sa dibdib niya!
AHHAHAHA- may narinig kaming nagtawanan marahil sila yungmga tao nandun sa side nayun.
"WAg ka mag-alala kukunin ko yung mga damit mo!" lalangoy na sana ako nang pigilan ako ni Sulx.
"Lulusong ka sa tubig?"
"Oo. Para kunin yung mga damit mo!"
"hindi na ! Baka may makita ka pa sa ilalim!" sa bagay tama siya.
"Ha? pero paano ka?"
"tumalikod ka !"
"Ha? Okay." tumalikod naman ako gaya ng utos niya.
"Akin na yang t-shirt mo! Ako magsusuot."
"Sure ka ?"
"Oo naman! Dali na! Nakakahiya na talaga !"
"Sige." hinubad ko yung damit ko at inabot ko sa kanya.
"Sa tingin ko, hindi sapat yan. Babakat pa rin yan~"
"Shut up Jake! Kung ayaw mong agawin ko rin yang pants mo!"
"Okay..."
"Susubukan kong kunin yung damit ko kaya tumalikod ka lang diyan!"
"Sige. Sabi mo eh...wohhhssshwwossshh" whistle nalang ako ng whistle kakahintay sa kanya.
"Ang tagal naman niya."
"TAADDAAANGGG !!!!!!!!!!"
"Huuh?!!!" bigla kasi siyang sumulpot sa harapan ko ni hindi ko man lang napansin.
"Nagulat ka noh? Nasuot ko na tong mga damit ko. Salamat sa t-shirt mo!" nang kukunin ko na sana yung t-shirt ko sa kanya bigla niyang inurong ang kamay niya.
"Sorry ka! Akin na to!"
"Ha? Hindi puede!"
"Ah Basta ! This is mine already! Grabe, ang gulo gulo na ng buhok ko!" shinishake niya yung ulo niya.
Takte! Kung titignan mong halos magkamukha talaga sila ni Sophie pero KUNG titignan mo nang mabuti hindi pala talaga sila totally magkamukha. Bakit ganito, matagal na akong nagagandahan kay Sophie pero mas mukhang maganda at sexy ni Saidara ngayon. Bakit ganito? Dati rati! Mga babae nahuhumaling sa akin... Bakit ganito na ngayon?! Ang bilis ko mahulog ? Kasalanan lahat to ni Sophie, porke kamukha niya tong nasa harapan ko... Nahulog na ako ka-agad. Nang bigla kong mapansin yung sugat ni Saidara sa kaliwa niyang kamay.
"Wait~!" sabay hawak ko sa kamay niya.
"May sugat ka ?"
"Oo eh, pero hindi na siya masakit. " sabay ngiti niya sa akin.
"Mabuti naman." ANG GANDA NIYA!!!!!!!! PUTIK!
------------------------------------------------
4/8/2014 5:12pm
Magtatype na naman ako ulit ahahahah wala na akong draft !!!! Magcomment naman ulit kayo heheh para MASAYA AKO !!! ahahha peace.
THANK YOU THANK YOU TALAGA SA INYO MGA LOVE KO!!!
SA susunod ... magUUD ako pero NOTE siya hahahah pero unsure kung kelan...
GANDA NG MOON OF DESIRE (shining bright ^___^)... ang cute ni MEG Imperial heheh kayo anong ginagawa niyo? hahaha ...