Ako'y Para Sayo Lamang (Compl...

By Gidgetwitty

880K 5.6K 2.6K

When two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever te... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Announcement to my readers
Chapter 12
Chapter 13 For my 18 years old and below readers (The Honeymoon)
Chapter 13 Adult Version (The Honeymoon)
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Book 2 Chapter 36 (A New Beginning)
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Love & Harmony)
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44 and Epilogue
Deleted Chapter 43 (Writer's Cut)
Announcement/ Raffle Drawing
Announcement for Raffle Drawing
Winner of the Raffle Drawing

Chapter 23

17.3K 125 49
By Gidgetwitty

Chapter 23

   "It is so good to see you again, Andy" masayang bati ni Brenna Castillo. 

   "Oh hi!"  ganting-bati ni Andy. "This is Brenna, the cousin of Mark's girlfriend. And this is my wife, Jade," pakilala ni Andy sa dalawang babae.

   "Please to meet you, Brenna" nakangiting sabi ni Jade sabay abot ng palad.

   "Ah your wife!" matalim nitong tiningnan si Jade ng patago saka inabot ang palad. "Nice to meet you Mrs. Wu."

   "Sige Brenna we have to go, nice meeting you again." Pagkatapos magpaalam ay saka inakbayan si Jade para lumisan sa lugar na iyon. Bago pa makagpasalita uli si Brenna ay nakaalis na ang mag-asawa.

   Nagngingitngit na tiningnan ni Brenna ang dalawang nagmamadaling lumayo sa kanya.

   "Andy, bakit ka nagmadaling umalis. Nakakahiya kay Brenna," nakakunot ang noong sabi ni Jade.

   "Sweetheart, I can feel that she's a big T for us. Hindi pinag-aaksayahan ng panahon ang mga ganoong klaseng babae," kaswal nitong sagot.

   "Masyado ka naman!" wika ni Jade.

   "Don't worry about her, Jade. Anyway, saan mo gustong kumain pala?"

   "Gerry's Grill," mabilis nitong sagot.

   "Then Gerry's Grill it is," nakangiting wika nito.

   "I'm so full, Andy. Hanggang leeg na yata ang kinain ko," natatawang reklamo ni Jade habang hinihimas ang leeg.

   "Siguradong masaya si baby dahil busog," malambing niyang sabi.

   "Baka kamo nag-iisip na matakaw ang mommy niya," napahagikgik si Jade.

   "Hmm, siguro nga," biro niya.  Ang ganda-ganda talaga ng asawa ko lalo na pagtumatawa.

   "Kumusta na pala si Lucille? Hindi ba siya nahihirapan sa pagbubuntis?" naalala niyang itanong.

   "Naaawa nga ako sa kaibigan ko. Hanggang ngayon hindi alam kung ano ang gagawin. Natatakot sabihin sa nanay niya ang kalagayan niya dahil conservative ang pamilya nila pero at the same time hindi raw siya sigurado sa feelings ni Luke sa kanya kaya ayaw magpakasal. Balita ko rin nahihirapan din siya sa pagbubuntis ngayon.

   "Mahirap nga ang situation niya. Bakit hindi mo yayain na umuwi na lang muna dito. Pwede ko siyang ipasok sa St. Claire Hospital, sa administrative department para hindi siya mahirapan habang buntis siya."

   "Talaga Andy! Pwede mo siyang ipasok? Excited na ako, makakasama ko na naman sa work si Lucille," nagniningning ang mga mata ni Jade sa kasiyahan.

   "Sweetheart, pwede bang pagkapanganak mo na saka ka mag-isip ng trabaho uli?" tahimik niyang sabi.

   "Andy! Okay naman ako," tanggi niya. "Beside sabi ng doktor hindi naman delikado ang pagbubuntis ko ngayon."

   "Jade, please naman pagbigyan mo na ako. Kahit ngayon lang please," nagsusumamo niyang wika.

   Matagal na hindi kumibo si Jade. Masasalamin sa mukha nito ang sari-saring emosyon. Pagkadismaya, inis, takot, pag-alinlangan, pag-asa.

   "Jade?" untag niya.

   Napabuntung-hininga ito ng malalim. "Okay, Sweetheart. Payag na ako pero oras na makapanganak ako babalik ako sa trabaho at mas gusto ko ang bedside kaysa administrative work."

   "Noted, Jade," hindi maitago ni Andy ang paghinga ng maluwag sa desisyon ng asawang huwag magtrabaho muna habang buntis.

   "Dalawin mo na natin sila Mama at Papa bago tayo umuwi sa bahay," mungkahi ni Jade nang palabas na sila ng mall.

   "Sige, nami-miss ko na nga sila. Sayang at wala si Celine."

   "Hanggang kailan ang modeling stint niya sa New York?

   "One month yata siya doon, then one month sa Paris, tapos another month sa Milan."

   "Matagal din pala siyang mawawala."

   "Yes, tapos matutuloy na rin ang mediterranean cruise nila Papa. Remember matagal na nilang plano iyon?" sabi ni Andy. Salamat sa Diyos at bumalik na ang lakas ni Papa.

   "Naku, siguradong mag-eenjoy silang dalawa," masayang sabi ni Jade.

   "Do you want to go on a cruise, Sweetheart?" malambing niyang tanong.

   "Balang araw na lang pagmalaki na ang baby natin. Pwede tayong mag-Disney cruise o di ba?"

   "Sure, pero siyempre iba din iyong tayo lang dalawa. Mas romantic pwede nating gawin ang baby number two doon," tudyo niya sa asawa.

   "Hindi pa nga lumalabas itong anak mo nasa number two ka na!" ismid niya.

   "Mrs. Wu, long term planning lang naman," biro niya.

   "Ewan ko sa iyo, Andy," nangingiti niyang bigkas. "Tara na para hindi tayo gabihin."

   "We are so happy you decided to visit us," masayang salubong ni Dona Clara sa dalawa pagpasok sa sala.

   "Si Jade po talagang nagpilit na dumaan kami." Humalik sa pisngi ng ina si Andy pagkatapos ni Jade.

   "Aba ibig bang sabihin si Jade lang ang nakaka-miss sa amin ng papa mo," may himig pagtatampong wika ng dona.

   "Mama, masyado namang matampuhin. Siyempre po kaming dalawa," sabi ni Andy.

   "Jade, Andy!" galak na niyakap ng don ang dalawa nang bumaba ito galing sa kuwarto.

   "Papa, kumusta na po?" magalang na tanong ni Jade.

   "Mabuti na, Hija. Back to normal ika nga."

   "That's great, Papa!" masayang bulalas ni Andy.

   "Let's go to the dining room at magpapagayak ako ng dinner," anyaya ng ina nila.

   "Ma, busog pa po kami ni Jade. We ate before coming here," paliwanag ni Andy.

   "Ganoon ba? O sige tara sa family room at doon tayo magkuwentuhan," sabi ni Dona Clara.

   "Sige po," nakangiting sabi ni Jade at Andy.

   "By the way, tumawag si Fiona kahapon, remember iyong kinakapatid mo. Planong mag-put up ng restaurant business dito sa Pilipinas. Nakikiusap kung pwedeng dito muna tumira habang naghahanap ng condong matitirhan. Pinagbili na kasi nila iyong bahay nila dito noong nag-migrate silang mag-anak sa States. Sinabi namin ng papa mo na welcome siyang tumira dito anytime hanggang kailan niya gusto. Alam mo naman para na naming anak si Fiona. Halos sabay kayong lumaki noon, Andy. Kaso paalis na kami ng papa mo para sa cruise next week kaya sabi ko na siya na ang bahala dito. Nagkataon pang wala si Celine.

   "Kung okay lang po sa kanya at sa inyo, sa amin na lang po siya tumuloy," singit ni Jade.

   "Are you sure, Jade?" tanong ni Dona Clara.

   "Opo, mabuti na rin po para hindi ako mainip sa bahay tutal po ayaw pa po akong papasukin sa trabaho ni Andy," sagot niya. 

   "Sweetheart, hindi ka ba mahihirapan mag-entertain ng bisita niyan?" nag-aalalang tanong ni Andy.

   "Ano namang mahirap doon, ang dami mo kayang katulong na hina-hire," giit ni Jade.

   "That is so sweet of you, Hija" nakangiting sabi ni Don Fernando.

   "Then it settled. Sa bahay namin titira si Fiona," ani Andy sa lahat.

    "I'll cal her later para malaman niya ang arrangement," pagbibigay alam ni Dona Clara. 

   "Thanks, Jade, Andy." Masayang sabi ng dona sa mag-asawa.

   "Oh my God, Andy! Ikaw nga! How are you? I miss you so much." Niyakap ng mahigpit ni Fiona si Andy sa airport nang makita nito ang kinakapatid. Maganda, matangkad, at morena ang kutis ni Fiona. Halos limang taon din silang hindi nagkita nito. Sa pagkakaalam niya ay graduate ito sa Culinary Institute of America  bilang chef. 

   "Hey, Fiona! You look great!" nakangiting sabi ni Andy nang matapos silang magyakapan.

   "Siyempre naman! I'm so happy that you took the time to pick me up."

   "Pwede ba namang hindi. Malakas ka naman sa akin," natutuwa niyang sabi. "Let's go, nailagay na yata lahat ni Mang Karyo ang mga maleta mo."

   "Saan ka na ba nakatira ngayon? Ninang Clara said na sa iyo ako titira dahil paalis sila for the cruise."

   "Actually, nakaalis na sila kahapon kaya ako na ang sumundo. Hindi na nakasama si Jade dahil magluluto raw para sa iyo."

   "Sinong Jade?" napatigil ito ng lakad.

   "My wife, siguradong makakasundo mo iyon. Masyadong mabait ang asawa ko bukod pa sa napakaganda," nagmamalaking sabi ni Andy sa kinakapatid.

   "Y-you got m-married?" dismayado nitong wika.

   "Yap, in fact Jade is two-months pregnant right now," masayang balita ni Andy.

   "I did not know you got married, Andy." Hindi napansin ni Andy ang pag-asim ng mukha ni Fiona.

   "You will like my wife," kumpyansang wika niya.

   I don't think so!!! Nasa isip ni Fiona.

   "Sweetheart, we're here! Tawag ni Andy sa asawa nang dumating sila mula sa airport.

   "Andy, nandito na ako," nagmamadaling lumabas sa kusina si Jade para salubungin ang dalawang dumating.

   "Jade, ito si Fiona del Rios ang kinakapatid ko," pakilala ni Andy habang nakaakbay sa asawa. "Fiona, meet my wife Jade, the love of my life."

   "Hi Fiona, welcome back to the Philippines!" nakangiting bati ni Jade sa tahimik na babae.

   "Hello Jade, it's nice to meet the woman who finally caught the most eligible bachelor in the Philippines," hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting ibinigay kay Jade.

   "Actually Fiona, mas masuwerte ako dahil nahuli ko si Jade. Pinahirapan ako nito ng sobra bago pumayag magpakasal," tudyo ni Andy sa asawa habang nakatingin ng ubod tamis dito.

   Lalong dumilim ang mukha ni Fiona. Nang muling lumingon si Andy sa kinakapatid ay naitago na nito ang nararamdaman. Hindi nalingid kay Jade ang nakitang expression sa mukha ni Fiona.

   "I'm sure pareho kayong masuwerte sa isa't isa," matamis na ngiti ang ibinigay nito sa mag-asawa.

   "Sabi ko sa iyo magkakasundo kayong dalawa ng asawa ko," patuloy ni Andy.

   "Of course," nakangising sabi ni Fiona.

   "Anong problema nitong si Fiona? Parang wala sa mood. Baka naman pagod sa biyahe. Hay, baka naman PMS." Ito ang nasa isip ni Jade habang nakatingin sa dalaga.

   "Ready na ang dinner, do you want to freshen up first?" ani Jade.

   "Yeah, sure."

   "Rosa, pakisamahan mo si Ma'am Fiona sa bedroom niya," utos ni Jade sa katulong.

   Nagluto si Jade ng adobong baboy, sinigang na salmon sa miso, kalderetang baka at fried chicken. Nakahain na lahat nang bumaba mula sa kuwarto niya si Fiona.

   "Maupo ka na diyan, Fiona. Siguradong magugustuhan mo lahat ang  niluto ng asawa ko. The best iyan magluto," pagmamalaki ni Andy.

   "Andy, nakakahiya naman kay Fiona. Remember, chef iyan."

   "I'm sure naiiba itong mga niluto mo, Jade. Ako kasi sanay sa mga high-end na mga klase ng menu. Doon ako expert," nakangiti nitong sabi.

   "Ah lutong bahay lang ang alam ko," matipid na wika ni Jade.

   "Sweetheart, lutong bahay na may magic touch," lambing ni Andy. "Kahit anong lutuin mo iyon ang pinakamasarap para sa akin."

   "Andy, wait until you taste my cooking. Sigurado kong hahanap hanapin mo," sabad ni Fiona.

   Napangiti si Andy. "Fiona hanggang ngayon lumalabas pa rin ang pagka-competitive mo."

   "May k naman di ba?" birong totoong saad nito.

   Nailing na lang si Andy sa asal ng kinakapatid.

   Tahimik lang na nagmamasid si Jade.

   "Jade, medyo umalat yata ng kaunti itong adobo mo. Gusto mo I'll teach you a better version of adobo. Popular iyon sa mga friends ko," sabi ni Fiona.

   "Para sa akin perfect na ang adobo ni Jade," simpleng sabad ni Andy.

   "Yeah, it's good naman pero ituturo ko iyong alam kong adobo. I'm sure mas magugustuhan mo, Andy. Actually sekreto ko iyong recipe na iyon pero para sa iyo ay ituturo ko kay Jade."

   "Thanks, Fiona pero happy na ako sa version ng adobo ko," naiiritang sabi ni Jade. Talagang nakakainis na itong babaeng ito ha. Naku kung hindi lang nakakahiya sa mga in-laws ko sinupalpal ko na ito kanina pa. Hmp!

   "Jade, kung gusto mo ako na lang ang magluluto habang nandito ako sa inyo para matikman naman ni Andy ang mga napag-aralan ko sa States. And anyway, I'm sure madalas kang pagod ngayon."

   "Thanks but no thanks, Fiona," madiing wika ni Jade. Nasa mukha na niya ang pagkakapika.

   "Oh I'm sorry, Jade if I offended you. I'm just trying to be helpful."

   "Fiona, thank you for your offer though," tahimik na sabad ni Andy.

   "Pakilabas ng dessert, Inday," utos niya sa katulong na nakatayo sa may dining room.

   "Yes po, Ma'am."

   "Did you bake this Mango cake?" tanong ni Fiona.

   "Actually hindi. Pinabili ko sa Conti's kanina," madiing sabi ni Jade.

   "It's good ha, gusto ko siya. Kalasa ng gawa ko."

   "Andy, may time ka ba bukas na samahan ako? Alam mo naman hindi na ako sanay dito sa Maynila. I need to buy some stuff," malambing na baling nito kay Andy.

   Talagang nakakagigil na itong babaeng ito ha! Sa isip ni Jade.

   "Sure sige tutal wala naman akong meetings bukas sa office," sang-ayon ng lalaki.

   "Jade, I hope you don't mind if I borrow your husband tomorrow," nakangiti nitong sabi.

   "Hindi ko hawak ang mga paa ng asawa ko, Fiona." Mahina pero mariin ang pagkakasabi niya. Napalingon si Andy sa asawa, nakakunot ang noo nito, nagtataka sa ginawin niya.

   "Excuse me, sumama ang pakiramdam kong bigla," maingat siyang tumayo sa upuan.

   Nagmamadaling tumayo si Andy para alalayan ang asawa pero winaksi niya ang kamay nito. "Mauna na ako sa inyo. I'm sure you have a lot to catch up."

   "Fiona, please excuse us. Sasamahan ko lang ang asawa ko sa taas."

   "Okay, I'll wait here sa may terrace Andy. Magkuwentuhan naman tayo mamaya," malambing nitong wika.

   "Tomorrow na lang, Fiona. Medyo pagod na rin ako," nagdadahilang sabi ni Andy.

   "Ikaw naman ang tagal nating hindi nagkita," nagmamaktol ito.

   "Andy, kaya kong mag-isa. Samahan mo na ang KINAKAPATID mo!" mataray niyang sabi sa asawa. Muling napatingin si Andy sa kanya.

   "I'm sorry, Fiona. I'm really tired. We'll talk tomorrow," pinal na sabi ng lalaki kay Fiona.

   Nagkibit lang ito ng balikat at saka lumabas sa terrace.

   Nang makapasok sila sa master bedroom.

   "Jade, what's going on? Are you mad?"

   "Andy, please leave me alone. I'm going to bed."

   "Sweetheart, what's wrong?"

   "Wala, puntahan mo na ang kinakapatid mo sa baba," asik niya sa asawa.

   "Are you jealous?" napapangiti nitong tanong.

   "Jealous! Andy, manhid ka ba? In love si Fiona sa iyo. Kitang-kita ng mga mata ko," galit na bulalas niya.

   "Jade, that's not true. Ganoon lang talaga si Fiona. Dati ng malambing iyon at saka walang gusto iyon sa akin," mariin niyang tanggi. 

   "Nararamdaman ko dito Andy," tinuturo niya ang dibdib niya.

   "Jade, please stop it! You are imagining something that is not there," matigas na saway ni Andy habang sinusuklay ang buhok ng mga daliri nito tanda ng frustration. "Close kami mula noong bata pa kami ni Fiona. She's like a sister to me," patuloy nito sa pagpapaliwanag.

   "Bahala ka na, Andy. Please leave me alone. I'm going to sleep now."

   "Sweetheart, please understand. Walang basehan ang pagseselos mo," nagmamakaawa ito sa kanya.

   "Di wala," ismid niya.

   "Sweetheart, halika nga dito," hinila siya ni Andy at saka pinaupo sa kandungan nito. 

   "Alam mo namang ikaw lang ang babae sa buhay ko di ba? I've been in love  with you since the day I first saw you. I took a look and I thought to myself that I'd found the woman I'd been waiting for all my life. You are everything I wanted in a woman," bulong nito habang hinahalikan ang buhok niya.

   "I love you too, Andy. Sorry kung mali ang naging interpretasyon ko sa kilos ni Fiona."

   "Jade, huwag kang mag-alala. Talagang ganoon lang ang kinakapatid ko masyadong malambing," reassure nito sa kanya.

   "Hello, Jade" paos ang boses ni Lucille sa kabilang linya.

   "Lucille, kumusta ka na? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Jade.

   "Nagpakasal na kami ni Luke sa huwes kahapon," mahina nitong sabi.

   "Ha!" nagulat na bulalas ni Jade.

   Bigla itong humagulgol. "Tita, pumayag na ako magpakasal dahil hindi matanggap nila nanay na buntis ako ng walang asawa. Halos itakwil ako sa amin."

   "Lucille, I'm so sorry."  Naawa siya sa kaibigan.

   "Hindi ako mahal ni Luke. Pinakasalan lang niya ako dahil sa baby," tuloy ito sa paghikbi.

   "Lucille, siguro naman hindi ka pakakasalan ni Luke kung wala siyang nararamdaman sa iyo."

   "Nararamdaman? Sigurado akong wala."

   "Kung sana nandiyan ako sa tabi mo para damayan ka. Ang layo natin kasi sa isa't isa."

   "Jade, kaya rin ako tumawag ay para sabihing uuwi na kami ni Luke sa Pilipinas next month. May offer sa kanyang directorship sa malaking pediatric hospital diyan na hindi niya matanggihan. Siyempre sasama na ako, mahirap na baka makalimutan pa ako dito sa New York."

   "Totoo Lucille! Oh my, excited na akong magkita tayong  muli," bulalas niya.

   "Tita, pakisabi kay Andy salamat doon sa tulong niya. Nakausap ko mismo ang CEO ng St. Claire. May position raw na naghihintay sa akin doon anytime."

   "Makakarating kay Andy, Lucille."

   "Kumusta ka naman?" tanong ni Lucille.

   "Okay naman ako sa ngayon, minsan na lang ako nasusuka."

   "Mabuti naman. Sige parang narinig ko na si Luke sa labas."

   "Ingat ka parati, Lucille."

   "Ikaw din, Tita. I love you, friend."

   "Hi Lucille! Kumusta ang pakiramdam mo?" kaswal na tanong ni Luke sa asawa nang makapasok sa apartment.

   "I'm okay, Luke. Kumusta ang trabaho mo?"

   "Busy sa umpisa pero okay naman. May kausap ka ba sa phone kanina?

   "Si Jade. Sinabi ko na ang plano nating pag-uwi sa Pilipinas.

   Tumango lang ito sa sinabi niya.

   "Luke, are you still in love with my bestfriend?" tahimik niyang tanong sa asawa.

*****Thank you for reading chapter 23. Please tell me what you think of this chapter by writing your comments here in wattpad.com. Please vote and share this link if you like it.

      Thank you again.

      Gidgetwitty (Twitter and Instagram)

      Gidget Corpuz (Facebook)

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 479K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
26.1K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
11.6K 666 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...