In A Snap

agoodgirlgonebad tarafından

2.4M 32.9K 4.9K

Kathryn Chandria - "I'm just a girl who dreams of having a simple life and finding true love. But what I didn... Daha Fazla

In A Snap
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Special Chapter

Chapter 34

34.8K 431 39
agoodgirlgonebad tarafından

Chapter 34

Daniel’s POV

“Daniel, may problema ka ba?” tanong ni Neil habang naglalaro sa ipad niya.

“Ha? Bakit mo naman natanong yan?” painosente kong tanong.

“Kanina pa kasi kita pinagtitripan pero dedma ka lang dyan, parang wala kang naririnig. Halata ka masyado. Share mo na sa akin yan, bilis. Baka matulungan kita, alam mo naman, expert ako.” sabay kindat ni Neil.

Sasabihin ko ba sa kanya? Baka naman puro kalokohan din ang makuha ko dito sa mokong na to. Pero sige, dahil naguguluhan na ako sa kakaisip, isheshare ko na lang sa kanya.

“Si Kath kasi eh.” napakamot ako sa ulo ko.

“Anong meron kay Kath? LQ ba kayo?” tumigil na siya paglalaro. Buti naman, para makausap ko siya ng seryoso.

“Hindi kami magkaaway. Napapansin ko kasi simula nung party eh palagi siyang balisa. Minsan, parang wala sa sarili niya. Kapag kasama ko siya, nararamdaman kong lagi siyang may iniisip. Kapag naman tinatanong ko siya, ang palaging sagot naman niya na wala daw, okay lang siya. I’m really worried about her.” sabi ko.

“Naku, ganyan lang talaga ang mga babae minsan. Baka mood swing attack lang yan o baka naman maraming iniisip at pagod lang sa trabaho niya. Alam mo naman na siya na ang humahawak ng company nila ngayon dito sa Pilipinas eh.”

“Natatakot lang ako kasi feeling ko parang medyo lumalayo ang loob ni Kath sa akin. O baka naman galit siya sa akin. Aiish, nakakabaliw mag-isip.” Hindi ko talaga alam, pero iba talaga ang nararamdaman ko, alam kong may problema siyang itinatago sa akin.

Umiling-iling si Neil. “Tol, ang paranoid mo naman! Paano namang magagalit sayo si Kath? Bakit, may nagawa ka bang kasalanan sa kanya?”

Nag-isip akong mabuti kung may nagawa nga ba ako pero wala talaga eh. “Wala naman akong maalala na may ginawa akong mali sa kanya eh.”

“Eh wala naman pala eh. Wag ka nang masyadong mag-isip dyan. Napakaparanoid mo na talaga ngayon tol. Ganyan na ba ang nagagawa sayo ng pag-ibig?” sabay pitik niya sa noo ko.

“Aray ko naman Neil!” hahampasin ko sana siya kaso agad siyang nakalayo sa akin. “Humanda ka sa akin mamaya.”

“Chillax lang tol!” itinaas niya yung dalawa niyang kamay na parang magsusurrender. “Birthday mo bukas di ba? Buti pa mag-advance celebration na lang tayo ng birthday mo. Ilibre mo naman ako, punta tayo sa bar.” yaya niya sa akin.

Paminsan-minsan na lang naman ako nakakagala ng ganito kaya pumayag na ako. “Fine, magbihis ka na.”

“Yeah baby!” tapos nagsayaw pa ang loko sa harap ko.

Binato ko siya ng throw pillow. “Sayaw ka pa ng sayaw dyan. Bilisan mo, kilos na, iwanan kita eh.”

“Sir, yes sir!” sumaludo pa siya bago umakyat sa kwarto niya. Sumunod na rin ako sa taas at nagbihis na rin. Sana naman bukas makasama ko si Kath sa birthday ko. Namimiss ko na siya eh. Nagkikita nga kami araw-araw pero lagi kasing lumilipad ang isip niya, parang hindi niya ako kasama.

At the Bar

“Daniel, iwan muna kita dito ha. Kakausapin ko lang yung mga chicks doon.” si Neil.

Tumango na lang ako at umalis na siya. Tingnan mo ang lalaking yun, nagpasama-sama dito tapos iiwan din pala ako. Umorder na lang ako ng one glass of whisky, pero hindi naman ako maglalasing. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako oorder eh.

“One vodka please.” Napatingin ako sa umorder, familiar kasi ang boses niya.

“Hey Enrique.” I greeted him.

“Hi pare! I didn’t notice you. Sinong kasama mo?” lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

“Yung pinsan ko yung kasama ko. Eh ikaw, sinong kasama mo?”

“A new friend. Pero umalis na rin siya.”

“I see. So, kamusta naman ang stay mo dito?” I asked. Wala na akong ibang maisip na itanong eh.

“Okay naman. Nakaclose na ako ng deal and marami na rin akong nakausap na businessmen na pwedeng makisosyo sa amin.”

“Hanggang kelan ka ba dito?”

“Well, it depends. Meron pa kasi akong aayusin sa personal life ko eh.”

“Ano naman yun? Lovelife ba? Haha” biniro ko siya.

“Paano mo nalaman?” tapos tumawa rin siya habang umiinom ng vodka.

“Totoo nga?” he nodded. “Wala, binibiro lang naman kita, tapos tama pala. Anong bang dapat mong ayusin sa lovelife mo?” Ewan ko ba, pero bigla akong nacurious.

 

“I came back for a girl na iniwan ko noon. Alam ko nasaktan ko siya that time but I have to do something for my Dad and for our business. Basta complicated talaga. And now na naayos ko na yun, siya naman yung pagtutuunan ko ng pansin. I have to win her back. Mahal na mahal ko pa rin siya eh.” kwento ni Enrique.

“Naku, good luck pare.” I told him.

“Thank you. Ikaw, may girlfriend ka ba?”

“Yeah. And she’s so perfect. Lahat na nasa kanya, kaya nga sobrang swerte ko. And that’s why I love her so much. I’m sure you know her, usap-usapan siya ngayon sa news eh.” ipinagmalaki ko talaga si Kath.

“Talaga? Bakit celebrity ba siya or model? Sino ba yung girlfriend mo?” natawa naman ako. Inisip niya na celebrity or model yung girlfriend ko. Pero kung sa bagay, hindi naman malabo yun. Gwapo kasi ako eh. Haha.

“Si Kathryn Bernardo.” I told him and I smiled.

Sumeryoso bigla yung mukha niya. “Wow, you’re really a lucky guy.” sabi niya tapos he drank his remaining vodka straight.

“Yeah.” I drank my whisky too.

“Sige pare ah, alis na ako. It was nice talking to you. Bye.”

“Okay, bye ingat.” tapos umalis na siya. Inikot ko yung mga mata ko, nasaan na kaya yung si Neil. Bigla na lang nawala eh.

*toot toot* *toot toot*

1 Message Received

From: Neil

Daniel, umuna na ako eh. Magtataxi na lang ako pauwi. May nangyari lang. Sorry tol ha.

Anak ng! Iniwan na nga talaga niya ako. Humanda siya sa akin mamaya. Makauwi na nga rin. Nagbayad na ko at tumayo. Bigla kong nakita si Julia, kausap niya si Enrique? Teka, magkakilala pala sila?

Hinintay kong matapos mag-usap yung dalawa. Nang makaalis na si Enrique, nilapitan ko si Julia.

“Hey Julia. What are you doing here?”

“Birthday kasi nung family friend namin kaya ayun ininvite akong magbar.”

“Ah. Si Kath pala?”

“Hindi ko alam eh. Baka naman nasa bahay lang nila.”

“Okay. Magkakilala pala kayo ni Enrique?”

“A-ah. O-oo.” nauutal siya.

“Paano kayo nagkakilala?” wala lang, gusto ko lang itanong.

“Kasi classmates kami n-nung highschool s-saka ano, friend ng Daddy ko yung Daddy niya.” parang hindi mapakali si Julia.

“Ganun pala. Okay ka lang ba Julia, bakit parang di ka mapakali?” I asked her.

“Wala. Ano ka ba? Okay lang ako. Pano DJ, balik na ko dun sa table namin ha.”

“Alright. Alis na rin naman ako.” sabi ko tapos nagwave na siya at dali-daling bumalik sa pwesto ng mga kaibigan niya. Ang weird naman ni Julia ngayon.

Neil’s POV

Andami ko nang nakasayaw na girls. May mga nagyayaya pa nga eh pero pagod na talaga ako saka nauuhaw na rin ako. Kinuha ko yung cocktail drink na iniinom ko sa table. Bigla na namang nagpatugtog ng upbeat music kaya ayun napasayaw na naman ako habang hawak-hawak ko yung drink ko. Bigay todo ako sa pagsayaw syempre para maimpress yung girls. Nagspin pa ko para mas lalo silang magalingan kaya lang pag-ikot ko, may nabangga akong babae.

“What the?!!! My dress!” sigaw nung babae at tumingin siya sa akin. “Look at what you did to me! Bakit kasi paharang-harang ka dito eh! Arrrghhh.” sungit naman nito pero maganda siya ha.

“Miss, sorry, di ko naman sinasadya eh.” nag-apologize ako sa kanya at pinunasan yung damit niya gamit yung panyo ko.

“Wala nang magagawa yang sorry mo! Matatanggal ba nyang sorry mo yung mantsa sa damit ko? My dress is ruined! Letse naman oh.” galit na galit yung babae at pinalo niya yung kamay ko.

“Sorry talaga. Ganito na lang, ibibili na lang kita ng bagong damit, okay?” Damoves na rin to. Haha.

“Hindi na wag na.”

“I insist. Sige na pumayag ka na, pambawi ko na rin sayo.” pamimilit ko sa kanya.

“Wag na nga. Sige, alis na ko.” hinawakan ko ng mahigpit yung braso niya at hinila siya palabas. “Hoy! Ano ba? Bitawan mo nga ako!”

“Miss, may dala ka bang kotse?”

“At bakit mo naman tinatanong ha?” pilit niyang tinatanggal yung pagkakahawak ko sa kanya.

“Ibibili nga kita ng bagong damit di ba? Hindi rin naman kita bibitawan hangga’t hindi ka napayag eh. So ano? May kotse ka ba?”

Magkadikit na yung kilay niya sa sobrang galit. “Oo, meron. Ayun oh.” Wala na siyang nagawa, hindi na siya nakapalag nung kinuha ko yung susi ng kotse niya. Wala kasi akong dalang sariling kotse eh, kay Daniel yung ginamit namin kanina papunta dito. Sumakay na kami at ako na yung nag-drive papuntang mall.

Pagdating namin sa mall, dumiretso kami sa Dorothy Perkins. Ang sosyal nitong babaeng to ha. Dito pa talaga sa mamahaling store bumili ng damit. Binayaran ko na yung dress na binili niya tapos nagbihis na rin siya.

“Uy thank you dito sa damit. Akin na yung susi ng kotse ko.” sabi niya na medyo nakasimangot pa rin.

“Ahm. Mamaya ko ibibigay Miss...? Ano nga palang pangalan mo?” kanina pa kami magkasama pero di ko pa pala natanong ang pangalan niya.

Inirapan muna niya ako bago sumagot. “I’m Yen Santos. O ano, okay na ba? Give me my car key na.”

“I said later. Samahan mo muna akong kumain, nagugutom na kasi ako eh. Don’t worry, my treat. By the way, I’m Neil Coleta.”

“Ugggghhh. Nakakainis ka talaga. Tara na nga at nang makuha ko na yang susi ko!” then she stomped away. Sinundan ko siya agad. Nakakatawa tong babaeng to, sobrang bilis magalit at maasar. Hindi rin siya nahuhumaling sa charms ko ah. I like her, she’s very challenging.

__________________________________________________________________________ 

Chapter 34 done! Alam na ni Enrique na boyfriend ni Kath si DJ.

Ano na kayang gagawin niya?

Neil meets Yen at mukhang tinamaan siya dito. Uubra kaya ang mga chickboy moves niya dito?

Vote, Comment, Be a fan! Thanks! :)

~agoodgirlgonebad

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

12.3K 97 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
10K 483 62
"She declared war!" Ayan ang nailabas ni Bethel Rosel sa kanyang isipan nang humadlang ang isang babae sa jogging session nila ng kanyang boyfriend n...
17.4K 322 6
how complete strangers turn into lovers?
7.7K 433 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...