ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 20: AWAKENING

499 35 12
By angelodc035

Ilang oras na rin sa paglalakad ang mga kawan ng mga taong-lobo sa magubat na bahagi ng Bulacan.  Naging alerto sila ng biglang umalingasaw sa paligid ang amoy ng mga bampira.

Naging mapagmatyag ang lahat ng tumigil sila para ihanda ang sarili sa pag-atake ng mga bampira. Sa pang-amoy ni Ceasar ay hindi pangkaraniwang bampira ang naaamoy nila sa paligid. Kakaibang amoy na tanging mga matatandang miyembro lamang ng mga taong-lobo ang makakapagsabi kung anong klaseng bampira ang nasa paligid.

"Strigoi..." Ang biglang saad ng pinakamatandang miyembro nila na si Emiliani de Luca.

Pagkarinig ng mga taong-lobong naroroon ay masasalamin sa kanila ang takot sa kanilang mga mukha.

"Strigoi?  Paanong nagkaroon ng Strigoi dito sa Pilipinas?" Ang tanong ni Ceasar na kaikitaan ng pag-aalala sa kanyang mukha.

Napuno ng bulong-bulungan ang buong kapaligiran dahil na rin sa pangamba sa nabanggit na mga nilalang.

"Yun din ang alam ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ng huling nakasagupa namin ang mga Strigoi sa Italya halos isang daang taon na ang nakakaraan.  Isang libong mga taong-lobo laban sa sampong bampirang Strigoi. Sa isang libo tanging ako at si Albertus na lamang ang natira." Ang seryosong wika ng matandang Italyano sa mga kasama.

"Kailangang tayo na ang umiwas sa mga Strigoi hangga't maaari kaya sabihan ang taong nagmamaneho ng sasakyan na bilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan. Ayoko na malagasan pa tayo ng kahit isa man lang sa mga kalahi" Ang kaagad na utos ni Ceasar.

Isa sa mga taong-lobo ang mabilis na tumakbo upang puntahan si Alex na nagmamaneho sa SUV.

Inaantok-antok pa si Alex dahil na rin sa halos walang tulog na pagmamaneho. Tulog rin ang mga kasama niyang mga bata at ang kanyang asawa sa loob ng sasakyan ng mga sandaling iyon.

Halos mapalundag siya at mawala ang antok ng marinig niya ang malakas na pagkalabog sa nakasarang salamin ng pintuan ng sasakyan. Napatingin siya sa bintana ng ng SUV at kaagad na binuksan ang ito ng makita ang isa sa mga taong-lobo na gustong kumausap sa kanya.

Kaagad na lumapit sa bintana ang may katangkarang lalake at balbas sarado na isa sa mga taong-lobo.
"Sabi ni Ceasar ay bilisan mo na ang pagpapatakbo!" Ang matigas na sabi ng lalake na may kakapalan ang boses.

"H...ha? Bakit raw?!" Ang nagtatakang tanong ni Alex sa lalake.

"Basta sumunod ka na lang. Para sa kapakanan niyo rin ito at baka hindi mo pa magustuhan ang mangyayari kung saka-sakali." Ang tugon ng lalake na tila nagbibigay ng babala sa kanya.

Ngunit, hindi pa man niya nagawa ang iniuutos sa kanya ng lalake ay isang kakaibang nailalang ang nakatayo sa gitna ng daan. Napilitang tapakan ni Alex ang preno ng sasakyan para tumigil ito dahilan para magising ang asawang si Isabel at ang tatlong bata sa loob ng SUV. Natulala si Alex sa kakaibang nilalang na noon lamang niya nakita. Mahigit sa anim na talampakan ang taas nito, walang buhok ang kanyang ulo at maputla ang puting balat sa buong katawan. Matatalas ang lahat ng ngipin, maiitim ang mga mata at halos pumutok ang mga kalamnan sa laki ng kaniyang katawan.

Sa unang tingin pa lang ni Alex ay kakaibang takot na ang kanyang nararamdaman. Takot na tila mas nanaisin pa niya ang mamatay kaysa harapin ang nakakatakot na nilalang.

"...Strigoi!" Ang sigaw ng taong lobong kausap lang ni Alex.

Pagkarinig sa sigaw ay biglang nagkagulo ang mga taong-lobo sa kalsada at bakas ang takot sa kanilang mga mukha. Inihanda nila ang kanilang sarili sa pakikipaglaban para maipagtanggol ang kanilang angkan.

Biglang tinapakan ni Alex ang clutch ng sasakyan at pinaharurot nito ang sasakyan. Sasagasaan niya ang kinatatakutang nilalang. Sasagasaan niya ito at alam niyang walang laban ang lalake sa metal na sasakyan. Pero, paglapit ng SUV sa Strigoi ay walang kahirap-hirap na nahuli nito ang sasakyan at tila napakagaan lamang nitong binuhat sa kanyang dalawang kamay.

Sa loob ng sasakyan ay nagsisigawan ang mga bata at ang mag-asawang sina Alex at Isabel na yakap-yakap ang batang si Jhayvee. Nahulog naman si Caren sa kanyang kinahihigan at hindi pa rin ito nagigising mula sa kanyang pagkakatulog.

Nakangisi na inihagis ng Strigoi ang SUV na tumama sa katawan ng malaking puno. Nagkayupi-yupi ang sasakyan pagbagsak nito sa lupa.

"Ang Alpha!!!" Ang sigaw ni Ceasar pagkakita kung paano walang kahirap-hirap na inihagis ng Strigoi ang sasakyan.

Mula sa kanilang likuran ay isang babae at lalake ang tumilapon sa daan. Napatingin ang lahat sa dalawa at sabay-sabay na ngumisngis pagkaamoy sa babaeng Sangre. Kakaiba naman ang amoy ng lalake. Ngayon lang sila nakaamoy ng ganoong klaseng amoy ng dugo. Pero ang lalong nagpangisngis sa kanila ay ang higit sa sampong Strigoi ang biglang lumitaw mula sa mga mayayabong na damuhan sa paligid ng kalsada.

Sabay-sabay na nagpalit ng anyo ang mga taong-lobo at lumusob sa mga kinatatakutang mga uri ng bampira. Kaiangan na nilang ipagtanggol ang kanilang angkan kahit buhay man nila ang maging kapalit nito.

Halos pagapang na lumabas sa SUV si Alex. Hindi na niya inaasahang buhay pa siya sa mga sandaling iyon sa tindi ng pagkakahagis ng Strigoi sa kanilang sasakyan sa katawan ng malaking puno ng Kamatsile. Ramdam niya ang hapdi at sakit ng mga sugat at bugbog na natamo, pero nang maalala niya ang mga bata at ang asawa ay tila nawala ang kanyang sakit na nararamdaman. Labis na pag-aalala ang pumalit sa sakit na kanyang nararamdaman. Kailangan niyang iligtas ang mga kasama niya sa loob ng sasakyan.

"Isabel! Margaux! Adrian!" Ang halos walang lumabas na boses na tawag niya sa mga kasama. Madilim na ang paligid ng mga sandaling iyon kaya hirap siyang makita ang kondisyon ng mga bata at kanyang asawa sa loob ng SUV. Napahawak si Alex sa dumudugo niyang mukha,napansin niya ang pagdaloy ng sariwang dugo sa kanyang sintido. Dali-dali niyang kinuha ang panyo sa bulsa ng kanyang pantalon at pinunasan ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos ay idiniin niya ang panyo sa kanyang sugat sa sintido para tumigil ito sa pagdurugo.

Narinig niya ang pag-ungol ng nina Margaux at Adrian sa loob ng sasakyan. Madilim sa loob ng sasakyan kaya hirap na makita ni Alex ang sitwasyon ng mga kasama sa sasakyan. Ayaw niyang isipin na may malalang nangyari sa kanyang asawang si Isabel, kay Caren at sa tatlong bata.

"Tito...tito Alex, tulungan mo kami..."

"Margaux!" Ang tawag ni Alex ng masigurong si Margaux ang nagmamay-ari ng boses na kanyang narinig.

"Ti...tito...Alex..." Ang umiiyak na tugon ni Margaux. Duguan ang gawing kanan ng ulo nito at pilit na kumakawala sa pagkakadagan sa kanya ang hindi pa rin nagigising na si Caren.

"Margaux!"

Patakbong tinungo ni Alex ang kabilang pintuan ng sasakyan at sunubukang buksan iyon. Noon ay napansin niya ang amoy ng tumatagas na gasolina mula sa sasakyan at ang umuusok na bahagi ng makina nito. Kailangan niyang mailabas sa kotse ang mga kasama niya bago pa man magliyab at sumabog ang SUV.

"Ma...Margaux. Kaya mo bang buksan ang pintuan sa tabi mo?" Ang halos matarantang tanong ni Alex sa batang babae.

"Si...si Ate Caren...hindi ako makakilos tito Alex." Ang tugon ng umiiyak na si Margaux kay Alex na nakadagan sa katawan ni Caren.

Sinubukang muling buksan ni Alex ang kabilang pinto ng sasakyan sa harapan para tulungang mailabas sina Margaux at Caren pero kahit anong pilit nitong hilahin ang pinto ay ayaw nitong mabuksan.

Lumipat sa kabilang pintuan ng kotse si Alex pero katulad rin ng ibang pinto ay ayaw rin nitong mabuksan.

Biglang nagliyab ang makina ng SUV sa bahaging harapan nito. Halos magsisigaw sa takot si Margaux, dahilan para gumising ang kanyang kuya Adrian na nawalan din ng malay. Lalo namang nataranta si Alex nang magliyab na ang loob ng sasakyan. Humanap siya ng bato para basagin ang salamin ng pintuan ng sasakyan. Hindi niya alintana ang mga naglalabang mga bampira at taong-lobo na di kalayuan sa kanilang kinaroroonan.

Marami na sa mga taong-lobo ang nagkalat sa kalsada na wala ng buhay. May iilan na sugatan at hindi na kayang lumaban. May mangilan-ngilan na gusto ng tumakas pero hindi nila iyon magawa dahil hindi nila kayang talikuran ang natutulog pa ring si Caren, ang kanilang bagong pinuno, pero nakatakda na itong gumising ng ano mang oras. Sa paglitaw ng bilog na buwan manunumbalik ang kanilang kapanyarihan. Iyon ay kung buhay pa sila sa bagsik ng mga Strigoi bago pa gumising ang kanilang babaeng Alpha.

Nakipaglaban sina Demetria at Randy kasama ang mga taong-lobo kahit walang kasiguraduhan kung kakampi ang mga ito o kaaway. Pero sa pagkakataong iyon ay kailangang mapigilan nila ang mga bampirang Strigoi at mamaya na nila kokonprontahin ang mga taong-lobo.

Nakahanap ng batong pambasag sa windshield ng pintuan ng SUV si Alex. Lumalaki na rin ang apoy at pumapasok na ang makapal na usok sa loob nito. Binibilisan niya ang kanyang bawat kilos dahil baka maubusan na siya ng oras para mailigtas pa ang mga tao sa loob.

"Margaux, Alex! Takpan niyo ang inyong mukha!" Ang sigaw niya at sabay pukpok sa buhay na bato sa windshield ng kotse.

Kaagad naman nagtakip ng mukha at mga mata ang dalawang bata. Ramdam na nila ang nakakapasong init na nagmumula sa apoy na kasalukuyang tumutupok sa kotse at ang masangsang na usok na nanggagaling dito. Kitang-kita nila na nakakailang pukpok na rin sa salamin si Alex pero hindi pa rin ito nababasag.

Umiyak na rin si Adrian dahil sa kawalan ng pag-asa. Wala na ba siyang magagawa para mailigtas niya ang kanyang mga kapatid? Bigla niyang naalala si Jhayvee. Bakit hindi niya naririnig ang kanyang kapatid?

"...Jhayvee..."

Iginala niya ang kanyang mga mata at hindi niya alintana ang hapdi ng usok sa loob. Sa harapan ng kotse ay naroon ang kanyang bunsong kapatid na si Jhayvee. Duguan ang mukha at wala ng buhay. Sa tabi nito ay si Isabel na duguan rin ang ulo at ilang bahagi ng katawan pero humihinga ito.

"Margaux si Jhayvee! Si Jhayvee ang kapatid natin hindi na humihinga!" Ang umiiyak na si Adrian.

"Jhayvee, hinde! Iligtas mo si Jhayvee kuya! Iligtas mo ang kapatid natin!" Ang sigaw din ni Margaux pagkarinig kay Adrian.

Ilang malakas pang paghampas sa bato ang ginawa ni Alex bago tuluyang mabasag ang salamin ng kotse. Kaagad na ipinihit ni Alex ang lock ng pintuan at saka binuksan ang pintuan ng SUV.

Isang malakas na pagsabog sa harapan ng kotse ang nagpatilapon kay Alex kasabay ng malakas na sigaw ng dalawang magkapatid. Halos hindi na makatayo si Alex ng mahimasmasan mula sa pagsabog. Parang nawala siya sa kanyang sarili at wala siyang marinig sa kanyang paligid. Pero nang mapadako siya sa nagliliyab na kotse ay parang may nagtulak sa kanya para bumalik siya kaagad roon at tulungan ang mga bata at asawang si Isabel. Nakita niya ang batang si Margaux na umiiyak at nagmamakaawa sa kanya para mailigtas sila.

Pumasok sa nagliliyab na kotse si Alex at agad niyang inalis sa pagkakadagan si Margaux kay Caren. Yumakap namang mahigpit ang bata kay Alex at kaagad na inilabas ito sa sasakyan. Mabilis niyang inilayo ng ilang metro si Margaux sa nagliliyab na sasakyan at mabilis na binalikan si Adrian na sa mga sandaling iyon ay hirap ng makahinga sa kapal ng usok at nakakapasong init.

Binuhat niya si Adrian at muli ay inilayo niya ito sa nasusunog na SUV.

"Tito Alex, si Jhayvee...si Jhayvee!!!" Ang umiiyak na si Margaux nang ibinaba na ni Alex ang halos wala ng malay na si Adrian. Si Jhayvee. Si Jhayvee nga pala ang pinakabata sa kanila. Bakit hindi niya kaagad na naisip na si Jhayvee dapat ang kanyang unang iniligtas?

Pagbalik ni Alex sa kotse ay binuksan niya ang pintuan sa harapan na kung saan halos madurog ang kanyang puso ng makita ang wala ng buhay na si Jhayvee. Ang batang mahal na mahal ng kanyang asawang si Isabel na itinuring na rin niyang sariling anak.

Napahagulgol si Alex sa kinahinatnan ng bata. Sinisi nito ang kanyang sarili na sana hindi nito pinaharurot ang sasakyan. Mabilis niyang hinango sa sahig ng nagliliyab na sasakyan ang katawan ni Jhayvee at kaagad na inihiga ang katawan ng bata sa paanan ng mga nakatatandang kapatid nito. Hindi niya alintana ang pagod at sobrang sakit ng katawan dahil kailangan niyang bumalik sa SUV. Kailangan pa niyang sagipin ang asawa at si Caren na ilang ulit na ring nagligtas sa kanyang buhay.

Sa kanyang pagbalik sa sasakyan ay nakita niyang gising na ang kanyang asawa. Nakatulala ito at di alintana ang nakakapasong init mula sa sasakyan at tila may hinahanap ang mga mata. Namumula na ang balat ni Isabel dahil sa nakakapasong init na nagmumula sa harapan ng kotse. Nagkakalamat na rin ang harapang salamin ng SUV dahil sa sobrang init.

"Isabel..." Ang umiiyak na ring si Alex.
"Ang bata..." Ang bulong nito. "Ang anak natin...ang bata." Tumingin siya kay Alex na abala sa paghila sa kanya papalayo ng kotse.

"Ssshhh!!! Li...ligtas ang bata 'andito na siya kasama nina Adrian at Margaux." Ang halos mabulunang sabi ni Alex dahil na rin sa paghagugol nito dahil sa sinapit ni Jhayvee.

Nagpupumiglas na gustong bumalik ni Isabel sa kotse. Nagsisisigaw ito at sinisigaw ang pangalan ng kanilang anak. Pero nang makita nito ang wala ng buhay na si Jhayvee na karga-karga ni Margaux ay natigilan ito at nanginginig na hinaplos-halos ang duguang noo ng bata.

Marahang kinuha ni Isabel si Jhayvee sa kanyang kapatid at buong pagmamahal na mahigpit na niyakap ang wala ng buhay na bata. Hinalik-halikan niya ang noo at kinantahan ng awiting pampatulog na lagi niyang kinakanta mula ng dumating ang tatlong magkakapatid sa Santuaryo.

Hindi kayang titigan ni Alex ang ganoong eksena sa kanyang asawa at ang napamahal na sa kanyang si Jhayvee. Minabuti niyang balikan na si Caren sa nasusunog na SUV. Hindi pa man siya nakakatakbo papunta sa sasakyan ng muling sumabog ang SUV at sa pagkakataong ito ay tuluyan ng tinupok apoy ang sasakyan.

"Caren!!!" Ang sigaw ni Alex na halos mapaupo na lamang sa pagkabigla.

"Ate Caren!!!" Ang sigaw ni Margaux. Napayakap na lamang ang bata kay Alex na kapwa humagulgol sa pag-iyak.

Nanatiling nakatingin lamang sa nasusunog na kotse ang mahina pa ring si Adrian. Wala na rin itong magawa kundi ang umiyak habang nakamasid sa nasusunog na sasakyan na kung saan naroroon pa rin si Caren.

Halos kakaunti na lamang ang mga taong-lobong natitira sa pakikipaglaban sa mga Strigoi. Si Demetria naman ay nakakaramdam na rin ng pagkahapo sa pakikipaglaban. Dalawa sa labing-tatlong Strigoi pa lamang ang kanilang napapatay. Habang si Randy ay malapit na ring manghina dahil sa labis na paggamit ng kanyang kapangyarihan.

Gamit ang kalahating bahagi ng Eskrihala ay tila wala rin itong nagagawa sa pagpuksa sa mga bampira. Marahil ay humina ang kapangyarihan nito dahil nakuha ng mga anak ng buwan ang kalahati nito.

Labing-isang Strigoi pa rin ang natitira. Kakayanin pa ba nila ang mga ito? Marami na ang namamatay sa panig nila at dadalawa pa lamang sa mga kalaban. Nasaan na sina Alimog at Sagaway? Saan ba sila nagpunta at wala pa sila hanggang sa mga sandaling iyon.

"Sagaway, Alimog...nasaan kayo? Kailangan namin ang tulong niyo." Ang sabi ng isip ni Demetria habang kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa babaeng Strigoi.

Agresibo ang mga Strigoi. Matatalim ang mga kuko sa kanilang mga daliri. Isang kalmot lamang mula rito ay makakapasok na ang strain nito sa katawan ng biktima. Isang maliit na sugat mula sa kanilang mga kuko ay sapat na para maging bampirang strigoi rin ang biktima.

Nawalan ng balanse si Demetria sa kanyang pakikipagtunggali sa babaeng Strigoi kaya nakaakma na siyang atakihin ng babaeng bampira. Pero bago pa man nito magawa  ang pag-atake ay isang dambuhalang paa ng Malakat ang dumagit sa bampira at inilipad ito sa himpapawid at saka parang papel na pinagpupunit ang katawan ng bampira.

"Alimog, salamat!" Ang sigaw ni Demetria na nabuhayan ng loob pagkakita sa kanyang kaibigan. Mula sa mga puno ay lumabas ang kapreng si Sagaway dala-dala ang isang napakalaking kahoy na ipinampapalo niya sa bawat Strigoi na kanyang nakikita.

Pero lubhang matitibay ang mga Strigoi. Bawat napapatay nila ay kusang nabubuhay at nagsasara at naghihilom kaagad ang mga sugat ng mga ito. Binubuo ng mga maliliit na linta ang katawan ng mga bampira at ginagamit lamang nila ang katawan ng isang tao para magkaroon ng anyo at makakain. Kapag labis na ang pagkasira ng ginagamit na katawan ay hahanap ang mga ito ng panibagong katawan para gamitin muli sa paghahanap ng kanilang mga mabibiktima.

"Para mapatay ang Strigoi ay kailangan nating mapaghiwa-hiwalay ang katawan nito at kaagad na sunugin bago pa ito makahanap ng panibagong katawan!" Ang sigaw ni Demetria sa mga kasama. Iyon ang kanilang ginawa sa dalawang Strigoi na kanilang napatay sa loob ng Mansion ni Claudius.

Patuloy sa paglipad at pagdagit ng mga Strigoi si Alimog. Pero lahat ng mga pinagpupunit niyang katawan ng mga ito ay kusang muling nabubuo ang kaya umalalay na sina Sagaway at Randy at pinagsusunog ang lahat ng parte ng katawan ng mga nahuhulog  mula sa himpapawid.

Mula sa kalangitan ay  nagsimula ng magpakita ang buwan na kanina pa nakatago sa mga maiitim at makapal na ulap. Inilawan nito ang buong paligid at nagbibigay ng lakas sa lahat ng mga nilalang na umaasa sa kanya.

Biglang umalulong ang mga natitirang mga taong-lobo na tila nagkaroon ng pag-asa sa kanilang pakikipaglaban. Natigilan naman ang mga Strigoi at sabay na tumingala at tumitig sa mukha ng buwan na tila nagdarasal.

"Gigising na ang bagong pinuno!" Ang nagagalak na sigaw ni Ceasar sa mga kasama. Muli ay umalulong si Ceasar at nagsunod-sunuran na rin ang mga kasama.

Mula sa nasusunog na kotse ay imahe ng isang babae ang biglang tumayo na tila hindi man ito tinablan ng apoy. Nanatili itong nakatayo ng ilang segundo sa nasusunog na sasakyan at lumundag ito mula sa apoy. Pagkalapag nito sa lupa ay isang napakalaki at napakagandang dambuhalang lobo ang nagpatingin-tingin sa mga kasamahan niyang naroroon. Itinaas ng taong-lobo na si Caren ang kanyang ulo at isang napakalakas na pag-alulong ang pinakawalan nito na tuluyang gumising sa mga kasama nito.

Tila pinagkalooban ng kakaibang lakas at tapang ang mga taong-lobo pagkarinig sa kanilang kakagising pa lamang na bagong Alpha. Ang kanilang bagong pinuno ng kanilang kawan.

"Ate Caren!" Ang sigaw ni Margaux ng makita ang kinahinatnan ni Caren. Pero kaagad na natigilan si Margaux at namayani ang takot sa kanyang mukha.

Napalingon ang dambuhalang lobo na may kulay puti at malambot na balahibo kay Margaux. Bakas naman sa mata ni Alex ang takot at kaba lalo na ng makita niyang papalapit sa kanila si Caren na ngayon ay isa ng ganap na taong-lobo. Paano kung hindi na sila makilala ng kanilang kaibigang pulis?

Mabagsik ang mga tingin ni Caren at naglalaway ang kanyang nguso. Kakaibang amoy ang dulot ng mga tao sa kanyang harapan na lalong nagpapatindi sa kanyang kagutuman. Hindi niya mahindian ang sarap ng amoy ng mga ito at hindi nito kayang palampasin dahil kailangan niyang kumain para lumakas at tulungan ang mga kasama sa pakikipaglaban.

"Awoooooohhh!!!" Ang pag-alulong ng taong-lobong si Caren bilang pasasalmat sa mga pagkaing nasa kanyang harapan.

Continue Reading

You'll Also Like

369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
249K 6.8K 44
Sky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017
726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...
115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...