You heal my broken heart

By jhanhettes

69.7K 1.3K 125

"paano ipaglalaban ang kasalukuyang minamahal, kung biglang nanumbalik ang nakaraan? mahihilom pa ba ang puso... More

You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
you heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart

You heal my broken heart

3.6K 53 3
By jhanhettes

Sa paglipas ng dalawang araw, nararamdaman niyang lumalamig ang pakikitungo ni Yoona sa kanya,
makikita rin ang pagkabalisa nito at madalang makipag-usap sa mga kaibigan. Nang sumapit ang uwian ay agad na sinabayan ang kasintahan palabas ng classroom at niyaya niya 'tong mamasiyal, agad naman itong sumang-ayon.

Part 3

Napagdisisyunan ni Jaeyoung na magtungo sila sa isang sikat na Coffee Shop bago mamasyal, upang makausap muna niya ang kasintahang si Yoona...

*kimchi ko, pasensya na at  kasama natin yung bodyguard ko sa lakad natin ngayon.

*ayos lang (tugon nito na seryoso ang mukha)
Oppa, may gusto akong malaman, kung sakasakali bang ipapupunta ako sa ibang bansa at may mga bagay akong dapat tuparin at sundin sa mga pinag-uutos ng ama ko, aantayin mo pa ba ang pagbabalik ko?

(sabay sagot ni Jaeyoung sa kanya)
*bakit ka naman nagtatanong ng mga bagay na 'yan, sabihin mo sa'kin ang pinoproblema mo, tutulungan naman kita!

*sagutin mo ang tanong ko sayo please (seryosong sabi ni Yoona)

*Oo naman, tyaka gagawin ko ang lahat para matulungan kitang resolbahin ang mga bagay na gagawin mo,
nang di ka na makapag-isip ng mga negatibong bagay. (pangiting sabi nito)

biglang lalong sumeryoso ang mukha ni Yoona at nagsalita..

*ganun ba,
(biglang ngumiti) gusto mo akong tulungan sa problema ko?
pwes, gusto kong sabihin mo sa akin ang plano ng papa mo laban sa ama ko.

*Ano?! anong nangyayari sayo kimchi ko? bakit mo sinasabi ang mga bagay na yan?! bakit nadamay sa usapan natin ang papa ko?! (pagulat na sabi nito)

*Alam kong alam mo na siguro ang tinutukoy ko Jaeyoung, tutal ang sabi mo naman gusto mo kong tulungang resulbahin ang mga bagay na gagawin ko diba?
kaya gusto kong malaman ang bawat plano ng ama mo nang maiwasan ng papa ko. Ayokong mawalan ng tiwala ang papa ko sa kakayahan ko, kaya sabihin mo ngayon sa akin ang mga nalalaman mo!

biglang naguluhan at napatulala ng sandali si Jaeyoung sa binanggit ni Yoona, pagkaraa'y nagsalita na rin ito...

*kung ganun totoo talagang kasama ka sa mga gulong nangyayari?! please itigil mo na 'to, alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin, kaya ayokong makitang
mapahamak ka.
(pag-aalalang sabi nito)

(pabiglang nagsalita
si Yoona)
*simula pa lang nung 1st year high school natin, plinano ko na
talagang mapalapit sa'yo ng husto.
Nagawa ko 'yon upang makakalap ng impormasyon tungkol sa kumpanya niyo, nang  matulungan ang papa ko sa mga plano niya at
para mapansin niya
naman na maypakinabang din ako sa kanya. Pasensya na, nagawa kong makipagrelasyon sayo dahil may mga bagay akong gustong matupad. Kung hindi mo 'ko matutulungan, mas mabuti pang itigil na natin 'tong relasyong ito, tutal naiintindihan mo na ngayon ang lahat, nagpapanggap lang ako Jaeyoung.

*So this is all
about a business? (sabay sandal nito sa kinauupuan) kung hindi mo ititigil ang
kasamaan na pinagagawa sa'yo ng ama mo,
sa bandang huli ikaw lang din ang masasaktan! sa bawat kinikilos mo, mas ikaw ang nahihirapan.

*Sorry Jaeyoung,
but this is over,
tapos na ang mission ko
sa buhay mo,
let's break up.

*Yoona, do you love me?
(mabilisang tanong nito na seryosong nakasalubong ang kilay.)

Napatulala ng matagal si Yoona at buo ang loob na nagdesisyon...

*No, i don't love you.
(banggit nito sabay tumayo at humakbang patalikod, sabay huminto at nagsalita)
sige, maiwan na kita.

*You have a chance to change you're mind Yoona, nakikita ko sa mga mata mo na hindi mo gustong hiwalayan ako,
kung magbabago pa ang desisyon mo,
mag-uusap uli tayo bukas.

Hindi na siya lumingon kay Jaeyoung, at tuluyang lumakad palabas
ng Coffee Shop
habang seryosong napapaisip ang nakaupong si Jaeyoung.

Kinabukasan pagpasok sa School, nabalitaan niya sa mga kaibigan na hindi na papasok sa School si Yoona na ikinagulat din nila. Bigla itong tumakbo na siya namang kinabahala ni Mr. Lee, kaya hinabol niya ito ngunit nabigo siyang pigilan ito ng saktong nakapara at nakasakay ito ng taxi, madali niyang pinuntahan ang nakaparadang kotse nito at sinundan ang taxi. Pinuntahan ni Jaeyoung si Yoona sa kanilang bahay, ngunit sinabi ng isang bantay sa bahay nila na may pinuntahan ito kasama ang ama, kaya nag-antay lang 'to sa labas ng gate.

Lumipas na ang
ilang oras hanggang sa
inabutan na siya ng gabi, hindi parin dumarating si Yoona ng biglang nag-ring ang Cellphone niya, tumatawag sa kanya si Minho at agad niya itong sinagot...

*hello Jaeyoung? asan ka ba? ngayon lang namin nabalitaan
na umalis kaninang tanghali si Yoona papuntang America,
alam mo ba ang tungkol sa pagpunta niya sa ibang bansa?--Hello Jaeyoung? naririnig mo ba 'ko?! hello, hello?!--

Sabay binabaan ni Jaeyoung si Minho, at pinatong ang noo sa kaliwang kamay na  napapikit ang mga mata at di maipintang reaksyon ng mukha, na may halong galit sa bawat riin ng kanyang mga ngipin.

Pag uwi nito ay agad niyang kinausap ang ama na pumapayag na itong sumama pabalik sa Japan,  sa kundisyong hindi siya pipiliting kumuha ng kursong gusto ng kanyang ama, at siya mismo ang magdedesisyon sa kursong gusto niya, maging ang pagtira sa mansion nito sa Japan ay ayaw niya. Kaya pumayag din ang kanyang ama sa gusto niya, at binilhan na lang siya ng condo unit sa kundisyong hindi niya maaring talikuran ang utos nito pag dumating na ang panahon na kailangan niya nang gawin ang tunkulin bilang isang tagapagmana nito.

Lumipas ang mga taon na walang balita si Jaeyoung kay Yoona hanggang sa nakapag trabaho na siya bilang isang Detective sa Japan, nagulat na lang siya sa nabalitaan niya sa mga kaibigan na nagpakasal na si Yoona sa isang Foreigner,
na isang bigtime businessman. Nasaktan ito sa narinig, pero wala na siyang magawa kundi tanggapin ito.


AFTER ONE YEAR...

-Baguio City, Philippines-

Sinalubong si Jaeyoung ng kanyang nanay Belen sa harap pa lang ng pinto ng kanilang bahay...

*Kamusta nay!
(sabay mano nito)

*ayos lang naman anak! buti nakarating ka sa birthday ng kuya Jerold mo!

*matagal tagal na rin po kasi nung huli kong punta sa birthday ni kuya, kaya babawi ako ngayon (masayang tugon niya)
asan po pala si kuya Jerold?

*Inaasikaso niya yung ipaparada ng L Hotel para sa Panagbenga Festival bukas, maya maya nandito na rin 'yon.
(masayang sabi nito)
sige pumasok na tayo!

Pagkapasok ni Jaeyoung ay agad na sinalubong siya ng apo ni nanay Belen na halos kumaripas  pa sa pagbaba sa hagdanan upang makita siya...

*an nyōng haseyo!
(masayang sabi ng apo na si Grace na isang kpop fanatic)

*Grace! ano ba yang suot mo! ang iksi iksi ng damit mo! magpalit ka nga sa taas! umiral na naman yang pagka kpop kpop mo ah! si uncle Jay mo ang nandirito hindi kpop artist! umayos ka ng pananamit mo!

*lola! second time ko pa lang nakitang lumuwas dito si uncle! kaya ipapakita ko sa kanya ang overwhelming na pagsalubong ko bilang isang kpop fanatic!
half korean din naman siya! kaya naiintindihan niya ko!
diba uncle?!

*naku Jay! pasensya na't ganito umasal 'tong batang 'to! mahilig kasi siya sa kpop kaya ganyan ang reaksyon niya sayo!

*ayos lang nay! basta control lang sa pagiging kpop fanatic Grace ah?! saranghae! (sabay heart sign nito ng mga daliri niya, na madalas ginagamit ng mga kpop artist sa mga fans nila)

(biglang kinilig si Grace sa kanyang uncle)
*OMG! You're so cute talaga uncle?! kaya idol din kita eh! heheh! saranghae!

Tumawa na lang si Jaeyoung
sa kanya, maya maya'y nagpahinga muna ito.
Pagdating ng ama ni Grace na si Jerold ay agad na silang nag celebrate ng birthday nito.

Kinabukasan, araw ng Panagbenga festival ay agad na nanood si Jaeyoung ng Float parade na kasama si
Mr. Lee, ikinatuwa nito ang pakikipagsiksikan niyang muli sa mataong lugar na nanunood ng float parade. Nang matapos ay agad siyang dumaan sa L Hotel upang kumain sa restaurant nila at napag-isipang dumaan sa opisina ng kanyang kuya Jerold. Nang matapos ang mahabang pag-uusap nila ng kanyang kuya ay nagpaalam na 'to na umuwi. Habang naglalakad ito ay bilang may nakabanggaan siyang babaeng nagmamadaling makalabas ng restaurant, nang biglang napakapit sa kanya ito na mukhang na out of balance sa paglalakad niya, kaya tinanong niya ito...

*miss! ayos ka lang ba?!

*sorry ho! ayos lang
salamat (tulalang tugon nito na nakayuko at tila iiyak)

Habang nakawahak ito sa kanya ay bilang may lalaking sumigaw na tila tinatawag niya ang babaeng nakahawak sa kanya...

*Janna! sandali! mag-usap tayo please?!

biglang may pumigil na babae sa may likuran niya..
*Patrick! ipapakita mo talaga sa lahat kung pano ka nagpapakababa! wag mong sundan ang malas na babaeng yan! magloloko ka lang, diyan pa sa babaeng taghirap! subukan mong umalis magrarambulan kami niyan!

*napahiya na 'ko sa kagagawan mo Cheska! gumawa ka ng iskandalo! gusto mo pa ba akong pumasok sa loob at ipakita sa lahat na ok lang?! (sabay lakad nito papalayo)

Nayabangan si Jaeyoung sa sinabi ng babae, kaya napasalita ito...

*Ang yabang naman ng babaeng 'to! anong problema sa pagiging simpleng tao--!

biglang inawat ni mr. Lee sa pagsasalita si jaeyoung at binulungan ito..
*sir! wag na kayong mangialam, may tauhang pinadala ang ama mo dito baka mapagalitan ako.

*nanaman! kelan ba matatahimik ang bakasyon ko! (pagalit na pabulong na sabi ni jaeyoung)

Maya maya'y biglang bumitaw na lang sa pagkakahawak sa kanya ang babae at nagmadaling umalis.

napatingin na lang si jaeyoung sa babaeng tumakbo at maya maya'y tinignan niya ang babaeng kinainisan niya, sabay naglakad ito papalapit sa kinaroroonan ng babae, na siya na mang kinabahala ni mr. Lee..

*sir! anong gagawin niyo?! kung ano pa man yang kalokohan ang nasa isip mo please wag mong ituloy!

*relax hyung! hindi ako mag-iiskandalo. (sabay ngiti  nito)

nang makalapit ito ay nginitian niya ang babae na siya na mang ipinagtaka ng babaeng nagngangalang Cheska...

*why are you staring at me sir?

*because you're so beautiful, Napakaganda mo pala pag malapitan na.
sabay ngiti nito na siya na mang nagpaakit sa babaeng si Cheska..

*thanks! and you're so handsome, marunong ka pa lang magtagalog!(sabay pa cute nito) I'm Cheska!

*ok, bye! (sabay talikod ni jaeyoung sa kanya)

*wait! that's all?! (pagtakang sabi nito)

*yes?! and why? (pasalubong na kilay na sagot nito)

*what?! wait sir! i know that you like me, so--

*wouh! excuse me miss, sinabi kong maganda ka pero hindi ibig sabihin non gusto kita, sorry miss pero hindi ko type ang may bird brain na tulad mo.

*what did you say!--

biglang nagsalita si mr. Lee..

*Sorry miss!
sir, we have to go! now!
(sabay hawak nito sa likod ni Jaeyoung at pinalakad papalayo kay Cheska)

naalerto ang dalawa sa kasama ni cheska, na napalabas sa loob ng restaurant upang puntahan siya, kaya naawat nila ng maaga si cheska na siya namang inis na inis na muntikan nang gumawa muli ng ingay.

  Nang makasakay na sila sa kotse ay biglang tumawa ng malakas si Jaeyoung..

*grabe ka talaga sir Jaeyoung! pinairal mo na naman yang kapilyuhan mo sa mga babae! kung nagpatuloy ka pa, siguradong iskandalo 'yon! sinasabi ko na nga ba!

*wait hyung! hindi naman ako gagawa ng iskandalo, ininis ko lang ang babaeng 'yon!

*nakita mo ba yung itsura niya?! mukhang galit na galit na siya! onti na lang mag iiskandalo na 'yon sa sinabi mo!

*at least, hindi ako yung nag iskandalo!(sabay tawa muli nito)

pagkatapos ng usapan nila ay pinaandar na ni mr. lee ang kotse upang umuwi na't makapagpahinga.

Sa pagkalipas ng isang linggo ay ginugol ni jaeyoung ang mga araw niya sa pamamasyal. habang ito'y nasa byahe kasama si mr. Lee ay bigla itong nakaramdam ng pagka uhaw, kaya nang makakita ng convenience store ay agad silang huminto doon.
Nang magbabayad na si Jaeyoung ay bigla itong nagulat sa nakita, nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang nagka-Cashier, dahil ang kaherang iyon ay yung babaeng napahawak sa kanyang braso sa L Hotel, si Janna..

ini scan ni Janna ang dalawang Softdrinks na binili nito..

*54 Pesos sir, (banggit ni Janna na nakasimangot ang mukha)

mag-aabot na sana si Jaeyoung ng pera ng biglang nagsalita ang kasama nito..

*hoy Janna, late ka ng one minute!

*Sir, pasensya na, bigla kasing sumakit ang tyan ko, kaya lumabas ako saglit bago ako mag start sa work. sinabi ko naman kanina kay kuya Chris.

*bakit?! siya ba ang boss mo? masama ang pakiramdam mo sa mismong oras pa ng duty mo!, oh! asikasuhin mo muna yung nagbabayad!

nang maasikaso na ni Janna ang bayad, ay umupo muna si Jaeyoung sa upuan na para sa customer sa loob ng store kasama si mr. Lee.

Nang makaupo na ay bigla na naman niyang narinig ang pagsasalita ng boss ni Janna.

*sino bang nagpapasahod sayo at kay Chris ka nagpapaalam!

*Sir, hindi naman ako magtatagal at papasok din naman po ako, Kaya bago mag out si kuya Chris dumaan muna ako sa botika, kaso medyo natagalan ako sir kaya na late ako ng one minute. Sorry po.

*naku Janna! nagkaroon ka na naman ng sablay sa akin ah! sige lalabas lang ako, oh kayo munang bahala dito!

*yes sir! (sagot ni Janna at dalawa pa nitong kasama)

Nang makaalis na ang boss nila at makauwi na rin si Chris ay agad agad na kinausap si Janna ng ka workmate niyang si Meli..

*bakit ka laging pinag iinitan ni Sir! kung ma late nga si Kuya Chris eh
30 minutes! pero ok lang sa kanya at syaka madalas ngang nale late si kristel! tapos ang sinasabi niya ok lang yon at andyan ka para maghintay?! ano ba naman yung one minute lang! kaasar din! lagi ka na lang ginaganyan!

*oo nga! minsan binu bully ka! bakit kaya kinaiinisan ka nila? eh napaka bait mo Janna! nakakainis sila! (sabat ng isa pa nilang kasamang si melissa)

*Kayo talaga! sige magtrabaho na tayo! baka mahuli tayong nag kwekwentuhan sa cctv! (banggit ni Janna)

habang busy sa pagkakaha si Janna ay wala siyang kamalay malay na tinititigan na pala siya ni Jaeyoung na pinagmamasdan siya habang nakaupo. Napansin din ni Jaeyoung ang malungkot na mukha ni Janna na pilit ngumingiti sa harap ng mga customer...

*sir, kelangan na natin umuwi at--

*hyung! may ballpen ka bang dala?

*bakit? aanhin mo?

*may isusulat lang ako bilis!

*oh, ito! tara na(sabay abot nito ng ballpen)

*i istart mo na yung kotse susunod na'ko!

Nagsulat si jaeyoung gamit ang resibo na ibinigay sa kanya at kumuha ito ng energy drink sabay lumapit sa counter at ipinatong ang bayad na kasama ang papel na pinagsulatan, tyaka umorder ng siopao. Nang makuha na ni Janna ang siopao sa bandang gilid ng counter ay nagulat ito nang wala na sa harap niya ang customer, at napansin din niya ang papel na kasama ang pera, kaya binasa niya ito, na ang nakasulat ay "be strong  Janna!"

Napalingon si Janna sa labas ng store, ngunit di niya na nadungaw ang customer na nagbigay sa kanya at di niya rin gaanong namukhaan ito, kaya ngumiti na lang ito at biglang nanumbalik ang sigla..

After four days...

*Jay! nabalitaan ko na gigimik kayo ng mga barkada mo mamaya?! nako Jay ah! bibyahe ka pa bukas pauwi sa Japan! wag kang magpapakalaseng! (pag aalalang sabi ni nanay belen)

*Opo nay! don't worry ok?!

*uncle Jay! puwedeng mamasyal naman tayo ngayon! please! please! last day mo na kasi ngayon! gusto kong makasama kita buong araw please! (banggit ng apo na si Grace)

*ano ka ba Grace! hayaan mong makapagpahinga na si uncle Jay mo! almost one week mo na rin naman siyang nakakasama! lalabas pa siya mamaya kasama ang mga barkada niya!

*but lola--!

*ok lang nay--

*no, Jay! Just rest please?

*ok sige po, (sabay kinausap ni Jaeyoung si Grace)
Grace, wag na tayong lumabas ok?! dito na lang tayo mag bonding sa bahay, ok? baka lalong magalit si nanay please?!

*si lola talaga! ok na nga! hmmph!

pagsapit ng gabi ay agad nang nagkita kita ang mga kaibigan ni Jaeyoung nung elementary sa isang resto bar. Inabot sila ng ilang oras na nagsasayahan at nagkwekwentuhan, hanggang sa isa-isa nang nalalasing ang iba at ang iba'y nagsiuwian na, maliban lang sa kanya na kinokontrol ang pag-iinom, hanggang sa may nilabas na maskara ang kaibigan niya na si Anthony..

*naku! nakalimutan ko 'tong maskara na binili ko para sa anak ko! susuutin ko na lang! heheh!.

*Anthony! lasing na lasing ka na ata! mabuti pa umuwi ka na.(pag-aalalang sabi ni Jaeyoung)

habang nasa labas sila ng bar ay pinagtritripan siya ng kaibigang si Anthony na ayaw pang sumakay sa pinarang taxi...

*kung susuutin mo 'tong maskara Jay! sasakay ako ng taxi! gift ko na nga yan sayo bago ka bumalik ng Japan! kaya suutin mo na pre! (sabi ni Anthony na halatang lasing na)

*ok! ok! susuutin ko! oh!

*ayan! kamukha mo na si spiderman! wuoh!

*sige na! bye! oh Dave! ikaw nang bahala! (sabi nito sa kaibigang kasamang sumakay sa taxi)

*ok sige! (sagot nito)

Sa wakas at napasakay niya rin ang kaibigan sa Taxi, ngunit nagkaroon na naman siya ng bagong poproblemahin, dahil may biglang yumakap sa kanya at nagsisisigaw na isang lasing...

*wuh! nakahuli ako ng gagamba!!! si spiderman! yehey!

nilayo niya ang mga balikat nito upang bumitaw sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya, nang biglang dumungaw ito sa kanyang mukha na ikinagulat niya, ito na ang pangatlong pagkikita nila..
ang yumakap sa kanya ay walang iba kundi si Janna!

*Akin ka na!! ako na ang bagong partner mo SPIDERMAN! wahahah!"

-END OF PART 3-

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...