CHAPTER SIXTEEN
*DIANA'S POV*
Bumaba siya ng hagdan ng dahan-dahan, dala-dala ang kanyang ngiting nakakasindak. Ang ngiti niya'y kakaiba. Labis ng saya at kulang ng kabutihan. Nagpakilala siya kung sino siya talaga. Hindi pa rin ako makapaniwala kahit 6 na segundo na ang nakalipas ng tanggalin niya ang kanyang maskara. Siya lang pala ang puno ng lahat.
"Imposible! Nakita ka naming namatay, Minerva!" Gulat na reaksyon ng aking nanay.
"Hindi lahat ng namamatay ay namamatay. Tulad ng ginawa niyo kanina, palabas lang ang aking kamatayan na inyong nadatnan. Iba talaga pag-pinagsama ang siyensya at cosmetica, nang dahil dun ay nauto namin kayo." Sabi niya. Ang cosmetica niyang tinutukoy ay ang kakayanan ni Venus na mag-make up ng magaling habang ang siyensya nama'y ang katalinuhan ni Minerva.
"P-paano niyo nagawa iyon? Paano mo nagawang patayin ang sarili mong tatay-" sabi ni mama pero pinutulan siya ni Minerva.
"Hindi ko pinatay si papa." Sabi niya at sabay binato ang isang litrato na galing sa instax. Lumipad ito sa aming harapan at tumambad sa amin ang litrato ni Tito Jake na hinahampas si papa ng kahoy. Habang tinitignan ay may biglang nag-flash sa amin. Napatingin kami kung saan ito nangagaling. Nadatnan namin si Minerva na may hawak na instax sa kanyang kamay. Lumabas ang litrato muli rito. "Frightful faces, we got here." Sabi niya at pinunit ang litrato.
"Paano mo nagawa sa amin ito?!" Tanong ko sa kanya.
"Ako lang naman ang may buong pakana nito. Ako lang naman ang ugat ng mga dugong nagkalabasan. Ako lang naman ang dahilan nito. At si Venus ay ginamit ko lang." Sabi niya at biglang napatawa ng mahina ng naisip niya kung paano niya lang ginamit si Venus para sa kanyang sarili lamag. "Tanga-tanga nga naman si Venus, puro ganda nga wala namang utak. Pfft, pinangakuan ko lang siya ng magandang resulta pagkatapos nito pero hindi ko aasahan na kakagat siya." Sabi niya.
"Anong ipinangako mo?" Tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa ako makapaniwala na siya ang ugat ng lahat.
"Na pag nakitil namin kayo lahat ay magiging maginhawa at maluwag ang lahat. Na lahat ay magiging maayos at mangyayari lahat ng kanyang gusto ng hindi walang katutol-tutolan."
"Sira ba kayo?! Pag kinitil niyo kami, wala kayong perang makukuha! Wala kayong ipapakain sa sikmura niyo! Wala kayong pampaaral! Wala kayong-" Sigaw ko ngunit pinutulan niya ako.
"False! False! False! Death insurance, mayroon kayo for sure nyan lalo na kayna mama and papa and maybe, tita. Pangalawa, by media. I'll be the only survivor of this massacre kaya ako ang lalapitan ng lahat, iinterviewhin ng lahat, ang nag-iisang witness." Sabi niya habang nakangiti pa ang loko ng wagas.
"Baliw ka! Baliw!" yan' nalang ang tangi kong nasabi.
"It's a matter of genetics or in other words, mana-mana!" Sabi niya at itinuro kaming dalawa ni mama. "You are all hypocrites! Lahat kayo baliw! Puro kayo expectation! Hindi ba kayo marunong kumuntento! Kung dun lang kami, hanggang dun lang kami! Inubos ko lahat ng taon para sa inyo yet hindi kayo satisfied. Bakit ba bawal ako magkamali?! Kasi you are trying to frame me to someone I am not! Alam niyo ba kung bakit kami magkaiba ni Venus? Simple lang. Yun ang identity na ipinilit niyo sa amin. Na ako ay matalino lamang at si Venus ay maganda lang. Magkaiba kami! Magkaibang-magkaiba!" Sabi niya at sinira ang kanyang maskara "Hindi naman kailangan humantong sa ganito pero mukhang tama nga si Ate, nabaliw na talaga ako."
"Pwede pa naman ito pagusapan di'ba, anak?" Tanong ng nanay ko
"Pag-usapan? Mahigit isang libong laway ang nasayang kakasabi sa inyo na tantanin niyo kami pero nag-sasawa na kami. Sinasabi ko ulit, hindi naman talaga kailangan umabot sa ganito pero pinilit niyo ang lahat." Sabi niya.
Bigla namang lumuhod ang aking nanay. "Anak, alam ko kahit kapurangot lang ay may puso ka pa rin. Patawarin mo kami. Hindi namin inaasahan na ganito ang epekto sa inyo." Sabi ni mama habang tumatangis.
"Ayoko na. Matatapos na ang lahat at gusto ko na ring tuldukan ito! Nakikita ko na ang lahat! Kaya ko mabuhay mag-isa. Kaya kong ibaliktad ang lahat. Kaya kong ibahin ang istorya o kung ano man ang nangyari. Pwede ko ilabas na isang massacre ang nangyari. Pwede akong umiyak sa harap ng camera habang nanghihingi ng hustiya. Sisikat ako. Mabubuhay ako sa simpatya. Kaya ko rin mabuhay dahil ako nalang ang matitirang Lee na tagapag-mana. Ang mga lupain ni tita, ang mga death benefits niyo. Kakayanin ko. Sisikat ako. Sisikat ako! " Sabi niya at tumawa sa kanyang naiisip.
"Baliw ka! Nakakahiya ka! Isinusumpa ko, pag nahawakan lang kita ay hindi na kita bibitawan pa." sabi ko sa kanya. Ramdam ko na warak na warak na ang puso ni mama sa mga naririnig niya mula sa akin at lalo na kay Minerva. "Hindi ka ba naaawa kay mama?"
"Awa? Alam niyo pala ang salitang yun? Bakit hindi niyo nagamit sa amin?" Sabi ni Minerva. Lumapit si Minerva kay mama at pilit na binubuksan ang bibig nito. Hindi ako nag-dalawang isip na sabunutan siya at pinadapa ng malakas sa sahig. Malakas ang pagkalampag niya. Tumakbo si mama at pumunta sa likod ng upuan. Umupo ako sa tiyanan ni Minerva at hinila ang buhok niya. "Para kay papa!" Sabi ko at ibinagsak ang ulo niya.
"Para kay Apollo!" Sabi ko at sinampal siya sa kanan niyang pisngi.
"Para kay Tita Vesta!" Sabi ko at sinampal naman ang kaliwa niyang pisngi.
Hinila ko naman at buhok niya. "Para kay-" Sabi ko ngunit natigilan ako ng bigyan niya ako ng headbutt. Ngayon ang kaninang posisyon ay nagkabaliktad. Ako ang nasa ibaba at si Minerva naman ang nasa ibaba. Kinuha niya ang kutsilyo niya mula sa gilid at tininutok sa aking leeg.
"Para kay Venus!" Sabi niya at itinaas ang kutsilyo sa ere. Akmang sasaksakin niya ako. Ngunit biglang lumaki ang kayang mata at nabagsak ang kutsilyo. Bumagsak ang kutsilyo sa gilid malapit sa aking ulo. Hindi rin nagtagal at bumagsak na rin si Minerva sa akin. Tumambad mula sa likod ni Minerva si mama na may hawak-hawak na kutsilyo na duguan. Kutsilyo na kanina'y dala-dala ko.
"Hindi na ikaw ang anak na kilala ko, Minerva!" Sabi ni mama. Napangiti naman ako. Inaalis ko ang katawan ni Minerva na nakapatong sa akin. Inabutan naman ako ng kamay ni mama. Kinuha ko ang kamay ni mama at sabay na tumakbo palayo sa impyernong kinalalagyan namin.
***
Tulad ng kanina ay tumatakbo pa rin kami ni mama. Mukhang walang hanggang takbuhan ang mayroon sa islang ito. Bigla naman napatigil si mama sa pagtatakbo.
"Anak, hindi ko na ata kaya." Sabi niya at unting-unti siyang nababagsak. Bago pa man siya tuluyang bumagsak ay nasalo ko siya. Hinawi ko ang buhok (bangs) ni mama. Biglang sumagi sa utak ko na may hika si Mama. Hindi pala siya pwede sa ganitong kakabang takbuhan tas idagdag mo pa ang sakit na nararamdaman niya dahil sa rebelasyon ni Minerva. Ano ba ang pwedeng gawin? "Hanggang dito nalang ata ako, Diana." Sabi niya. No, that can't be her last words.
"Hindi! Mabubuhay ka mama! Mag-sisimula ulit tayo ma." Tiyak ko sa kanya. Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang ginagawa pag may hika ang kasama mo? Bigla namang may sumagi sa utak ko. Ang asthma inhaler ni Mama, alam kong meron siyang dalang ganun. Tumayo ako at akmang tatakbo na pero bigla akong pinigilan ni mama.
"Masyadong mapanganib, anak. Pabayaan mo nalang ako ri-" Sabi niya ngunit hindi niya natuloy dahil bigla siyang kinapos sa hangin. Ngayon ay para siyang nasasakal at nag-hahanap ng hangin.
Sorry, mama pero kailangan ko muna kitang sawayin.
Tumakbo ako pabalik ng bahay. Binilisan ko ang takbo ko. Iniisip ko nalang na hinahabol ako ng isang leon para lalong bumilis ang aking takbo. Panigurado namang hindi na ako mawawala at alam na ang direksyon, matapos ko ba naman makipag-patintero kay kamatayan. Hindi naman nag-tagal at nakarating na ako sa bahay. Doon na ako sa front door dumaan. Nang walang ano-ano ay dumiretso ako sa kwarto nina mama't papa. Nandun pa rin ang bangkay ni Minerva na walang malay. Pag-pasok ko doon ay hinanap ko ang kanilang bag. Hinanap ko ito sa cabinet ngunit wala. Hindi ko naman inaasahan na nandun ang bag nila sa ilalim ng kama.
Hinanap ko ang inhaler sa bawat pocket ng bag. First pocket, second pocket, main pocket pero wala akong nahanap. Tanging nakita ko lang ay ang kanyang gamot. Kinuha ko ang gamot at nag-isip kung saan pwede naroroon ang inhaler. Hangga't sa may naiisip akong lugar kung saan ito pwedeng naka-sulok.
Pumunta ako sa banyo, nandun pa rin naman ang bangkay ni Apollo. Binuksan ko ang first aid kit at tama ang aking hinala, nandun ang inhaler ni mama. Nakasulok lamang sa kanan. Kinuha ko ito at dumiretso naman sa kusina para kumuha ng tubig para sa gamot ni mama. Nandun pa rin ang pugot na ulo ni Tita Vesta. Nilalangaw na ang kanyang mata at ang mga sugat. Kinuha ko nalang ang isang pitcher. Yung maliit lang naman na babasagin. Matapos nun ay dumaan na ako sa back door, ang pintuan malapit sa kusina na palabas.
Padaan sa backdoor ay masisilayan mo ang mga bangkay ni papa at tito. Parehong nilalangaw. Ngunit hindi ko na sila pinansin pa at nagmadali nang tumakbo papunta kay mama. Diretso lang kami, yan lamang ang aming direksyon.
Nang makarating kay mama ay hindi ko inaasahan ang aking nakita. Si mama ay nakaratay na sa sahig habang may isang babaeng nakapatong sa kanya. Ang babaeng nakapatong sa kanya ay pinagsasak-sak siya sa dibdib. Hindi ko man makita kung sino ang babae pero hindi na ako magdadalawang isip na hulaan pa.
Paano niya kami nahabol?!
Tumakbo ako sa kanya at tinulak siya ng malakas dahilan para mapahiga siya at mabitawan ang kanyang kutsilyo. Ipinukpok ko sa kanya ang hawak na pitchel dahilan para mabasag ito sa kanyang ulo. Bigla naman nakuha ng atensyon ko ang kaninang hawak niya na kutsilyo. Inabot ko ito ngunit nanlaban siya at nagkapalit kami ng pwesto. Dinuraan ko ang kanyang ulo at binigyan ng headbutt. Napatumba ko naman siya sa aking gilid. Inabot ko muli ang kutsilyo ngunit pinigilan ng kamay niya nag kamay ko. Agad ko namang binawi ang kamay at sinampal siya muli dahilan para bumagsak ang kanyang kamay at ulo. Inabot ko na ang kutsilyo ng walang ka-hadlang hadlang. Itinaas ko ito sa ere. "Paalam, kapatid." Sabi ko at sinaksak ang kanyang dibdib. Para makasigurado ay inikot ko pa ng dahan-dahan ang kutsilyo. Labag man sa kalooban pero ito nalang ata ang paraan para maputol ang kanyang kahabaang sungay at buntot. Hindi ko na tinanggal ang kutsilyo sa kanyang dibdib at dumiretso na sa aking nanay.
Hinawakan ko ang kamay ng aking nanay. "Ma, mabubuhay ka. Gumising ka, mama. Wag mo ako iwan." Hindi ko nakaya at naging emosyonal. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya at sinagutan ako ng ngiti. Kinuha ko ang inhaler at nagbabakasakaling mabubuhay pa siya muli. Ngunit itinanggal niya ang inhaler. Ang kanyang inhaler na malinis ay puno na ngayon ng dugo na nangagaling sa kanyang bibig.
"Mahal na mahal kita, anak." Bulong niya. Unting-unting bumabagsak ang kanyang mata.
"Wag ma! Wag! Wag!" Pigil ko sa kanya ngunit tuluyan nang bumagsak ang kanyang mga mata. Napayuko ako sa kanyang tiyan at hindi napigilang iiyak ang lahat. Hindi ko maipaliwanag ang tinding lungkot na nadarama. Feeling ko ay hindi na titigil sa pagtulo ang aking mga luha. Nagtatapa-tapangan lang ako kanina pero ngayon ay sumuko na ako.
Apat na taon akong nag-aral ng nursing. Puro sakit at kung ano ang gagawin pag nakaharap ito. Marami akong natulungan sa propesyon ko... pero mismong nanay ko ay hindi ko natulungan.
Kasabay ng pagtulo ng aking luha sa pisngi ng aking ina ang pagtaas ng araw mula sa dulo ng dagat.
~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~
Vote, Comment, Share and Support