Bukas,karugtong ng Kahapon..

By LavenderLace2

35.5K 1.5K 22

..sometimes,the ending is just the beginning.. More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Epilogue

Chapter 8

1.5K 76 0
By LavenderLace2

Kanina na nawala sa kabilang linya ang aking kausap pero heto ako at hawak parin ng mahigpit ang audotibo.

Hindi parin ako makapaniwala na nakausap ko ang babaeng iyon na nangangalang Sandra.Puno ako ng kuryusidad!Hindi ko alam kung paano ko mahahanapan ng kasagutan itong mga palaisipan na gumugulo sa aking utak!

"Mom,were you talking to someone on the phone?"bigla kong nabitawan ang audotibo dahil sa gulat.

Hindi ko na napansin ang pagpasok ni Janelle sa loob ng sala dahil sa dami kong iniisip.Dumating na pala sila.

"Oh,yeah..."sagot ko at muling inayos ang pagkakalagay ng audotibo sa lalagyan nito.

"Sino?"curious nyang tanong.

"Nagpakilalang Sandra."

Nahigit ko ang aking hininga nang bigla syang napatakbo sa kinaroroonan ko.She's in a good mood at halata ko iyon sa kanyang aura.

"Anong sabi,Mommy?"excited nyang tanong.

Nakalimutan narin nya yata na iniiwasan nya ako at hindi kinakausap pagkarinig nya sa pangalang Sandra.

Oh!did i thanked Sandra for this?

"Magpahatid daw kayo ni June sa Daddy nyo doon sa condo unit nya at doon kayo mag-dinner."

Mahirap man aminin pero ang sakit para sa akin na nakikita kong mas masaya ang mga anak ko kasama ang ibang tao.

"Really?"

Napakurap ako bago tumango.Hindi kasi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Janelle at nakangiti.

Sabay kaming napalingon sa may pintuan nang magkasabay na pumasok sina November at June.

"Look Dad,tumawag si Tita Sandra at ihatid mo daw kami sa condo unit nya.Siguro nagprepare na naman yun ng masarap na dinner!June,magbihis ka na..bilis!"baling nya sa kapatid nya.

"Ihahatid ko lang kayo pero hindi ako mag'i-stay,okay?"

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ang sagot ni November.

"Dad!sandali lang naman yun..hintayin mo na kami kasi kawawa naman si Tita Sandra kapag sya pa ang maghahatid sa amin pauwi...alam mo naman na pagod at sobrang busy nun sa trabaho...kita mo nga at hindi na sya nakakapunta dito?"lambing nito sa Daddy nya.

Hindi ko alam kung bakit disagree ako sa sinabi ni Janelle.Dahil ba ayokong masolo ng Sandra'ng iyon ang mag-aama ko?

"Jane,walang kasama ang Mommy mo..."biglang nagtama ang mga mata namin.Ewan ko ba bigla kasing kumabog ang puso ko..lagi naman eh!

Napatanga ako nang biglang bumaling sa akin si Janelle.

"Mom,payagan mo na si Dad,please?"nag-beautiful eyes sya sa akin.

Ganito ang ugali ng Janelle ko!ganito sya maglambing!pero na-speechless ako nang wala sa oras.Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Mom..."

Ipinalibot nya sa aking baywang ang kanyang braso at ihinilig sa aking dibdib ang kanyang ulo.

Oh god!ilang araw ko na bang pinangarap na mayakap ko man lang sya?halos hindi ako makapaniwala na yakap ko si Janelle at the very moment!

"Hindi naman kami magtatagal,promise!"

Tumaas ang kamay ko at marahang hinaplos ang mahaba nyang buhok.

"Okay,you can stay there with your Dad!"

Hwag mo lang syang hayaang makipag-flirt sa iba!

"Yes!thank you,Mommy!"

Napaawang nalang ang aking bibig nang bigla nya akong halikan sa magkabila kong pisngi bago sya nagtatakbo palabas ng sala.

Ang saya sana...kung niyakap nya ako..kinausap..hinalikan...na walang kasamang dahilan.Yun bang kusa nyang ginawa yun dahil sa Mommy nya ako?

Pero hindi eh!masaya sya pero ibang tao ang rason ng kaligayahan nya at yun ang masakit.

"Are you sure you can stay here alone?"

Tango nalang ang naging sagot ko sa kanya.Napaatras ako nang marahan akong lapitan ni November.Pero hindi naging hadlang iyon para hindi nya ako mayapos sa baywang.

"What's wrong?"tanong nya nang mapansin nya ang pag-iwas ko.

"Eh kasi...amoy pawis ako...."bigla akong napayuko nang sabihin ko yun.

Totoo naman talaga..ni hindi pa ako nakaligo at nakapagbihis.Itong suot ko,kagabi pa ito.

Natigilan ako nang bigla syang napahambulat ng tawa.

"You don't need to be perfect in my eye's,Jany...kasi perpekto kana sa paningin ko."

A-ano daw??

Napasinghap nalang ako nang bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"I'm so really..really miss you,my wife!"

My wife...ang sarap naman sa pandinig.Did you meant it,November?

And so do i...my husband!

*

*

*

Para akong namatayan dahil sa katahimikan ng buong bahay.Mabuti pa kaninang araw,kahit na mag-isa ako sa loob ng bahay ay hindi ko naramdaman ang pag-iisa.Kasi andami kong ginagawa.

Eh ngayon?nakatutok lang ako sa orasan habang inaantay ang pagdating ng tatlo.

Inis akong tumayo nang sumiksik sa isip ko kung gaano kasaya ang mag-aama ko ngayon kasama si Sandra!

Pumasok ako sa loob ng library room at mabilis na tinungo ang higanteng wine closet.Ibat-ibang klase ng wine ang makikita dito na naging collection ni November.

Kumuha ako ng isang bote at hindi ko narin binasa kung anong brand nun.Alam kong expensive ang mga 'to..but the hell i care!

Binuksan ko iyon bago ako naupo sa mahabang sofa at pumwesto ng upo doon.

Nilaklak ko ang bote ng wine kahit na nga ba parang hinihiwa ang aking lalamunan dahil sa tindi ng lasa nun.

Ilang oras din ang lumipas nang maramdaman ko ang biglang pag-ikot ng paligid.

Wow!parang sakay ako ng rollercoaster ah!

Napahalakhak ako ng malakas dahil sa naisip.Ang sarap pala sa pakiramdam kapag matamaan ng isang ito.Bakit kaya hindi man lang ito ginagalaw ni November?

Ginagawang collection?tsk!

"God!Jany,anong ginagawa mo?"

Oh?si November ba yun?

"M-my love..D-darling
N-november,halika...saluhan mo ako dito...alam m-mo bang
p-parang n-nasa r-rollercoaster
a-ako?"

"Fuck!"

Naramdaman ko ang paghawak nya sa aking katawan kaya bigla nalang nag-init ang buong katawan ko.

Dumausdos ang aking kamay pababa at tumigil iyon nang makaramdam ako nang matigas na bagay doon.

"N-napaligaya k-ka b-ba n-nya?"sabay tulak ko sa kanya ng malakas.

Kahit na nahihilo ay pinilit ko paring tumayo at mabilis na hinubad ang suot kong t-shirt.

"Jany,you're drunk!"dinig kong bulalas ni November.

"I-im n-not!d-damnit!!!!"

Sinubukan nya ulit na lapitan ako at walang babalang pinangko.

"Hwag kang magwawala dito..gising pa ang mga bata.."bulong nya sa puno ng aking tainga.

Itinaas ko ang isa kong kamay at marahan kong hinipo ang kanyang mukha.

"M-mahal m-mo b-ba a-ako..
N-November..."

"Of course i do!i love you!!"napangiti ako.

Sapat na yun para mapanatag ang kalooban ko.

Ramdam ko pa ang paghakbang nya habang karga ako at yung pakiramdam na parang dinuduyan ako bago ko tuluyang ipinikit ang aking mga mata.

☆☆☆

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 264 51
Bachelor Series 1 "Do you want to be my fiancee? I mean, act to everyone as my fiance." Tyrion asked "Tyrion." Catriona said. " What!? Your insane." ...
211K 5.8K 25
We got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balika...
524K 10.4K 48
beware of grammatical error!
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...