The Parisian Queen (Complete)

By edmarcastiel

489K 9.2K 319

Montellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mytholog... More

The Parisian Queen
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Note
Wattys 2018
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 8

8.4K 192 15
By edmarcastiel

That Was Close!

"Sabay na kayong pumasok ni Levi, Reyna. Sa sasakyan na kayo sumakay." Huminga ako ng malalim bago tumango kay lola. Kanina pa ako tumatanggi sa pagsabay sa sasakyan namin, pero ubod naman ang pilit niya sakin.

"Nako lola, huwag mo na kasing pilitin ang ayaw." Pagsabat ni Levi. Masama ko siyang sinundan ng tingin habang pumapasok sa loob ng sasakyan.

"Sige na Reyna. Pumasok ka na rin para makarating kayo doon ng maaga." Tumango na lamang ako at pumasok na. Ayoko ng kinokontrol ako pero dahil nga nangako ako sa aking sarili na magbabago na, sumunod na lang ako sa gusto ni lola.

"Sasabay din pala, aarte-arte pa. Sana kasi sumabay ka nalang doon sa kaibigan mong maingay." Ani Levi na nakaupo sa tabi ko. Umurong ako sa may bintana para makalayo at hinayaan na lang siya. Ayokong sirain ang first day ng pag-aaral ko dito.

Naalala ko si Kate kaya kinuha ko ang phone ko. Nag type ako ng message. Kate, pinasabay na ako ni lola dito sa sasakyan namin, kita nalang tayo sa Unibersidad.

Ilang sandali pa ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya. Ok, siguro sa sasakyan na rin namin ako sasakay. See you!

Ilang minuto pang walang pansinan sa amin ni Levi habang nasa byahe bago namin sa wakas narating ang unibersidad. Nauna na akong bumaba at tumayo sa gilid ng gate. Tatawagan ko na sana si Kate ng makita ko siyang pababa na rin sa isang sasakyan.

"Reyna!" Agad na sigaw niya nang makita ako. "Hi bes!" Dagdag niya nang makalapit na siya sa akin.

"Makapasok na nga. Ang ingay dito." Pagpaparinig ni Levi na agad naman ng naglakad papasok ng unibersidad.

"Nako! Pigilan mo ako Reyna! Masasapak ko yung pinsan mong bruha!" Nanggagalaiting saad ni Kate habang umaarteng susugurin si Levi.

Tumawa ako. "Tumigil ka nga Kate. Hayaan mo na yung pinsan kong anak ni Satanas. Hindi pumapatol ang magaganda sa di nila ka-level."

Kumalma naman siya. "Pero pag ako di nakapagpigil, kakalbuhin ko yung Levi na yun. Palibhasa pag pinagbaliliktad mo yung pangalan niya, magiging evil." Nangunot ang noo ko. Levi? Evil?

"Talino dun bes ah." Kantyaw ko.

Hinawi niya ang buhok niya palikod. "Ganyan talaga pag maganda." Ani nito.

"Mas maganda ako sayo." Sagot ko at iniwan na siya doon habang tumatawa.

"Hoy Reyna! Hintayin mo ako!" Sigaw ni Kate ng maabutan niya ako sa corridor. Binagalan ko ang paglalakad para makasabay siya sa akin. Hindi ko rin kasi alam kung saan ba dito yung room namin, hindi ko lang sinasabi.

"Room BA402. Ano ba to, Letse." Reklamo ni Kate ng mabutan niya ako.

Kumunot naman ang aking noo, "Ano bang meron sa room natin?" Tanong ko.

"Nasa fourth floor yun Reyna. Jusko! Hindi ba sila naawa sa atin? Aakyat tayo sa fourth floor with these high heels?" Reklamo niya uli.

"What can we do? Ito yung nasa schedule natin." Pagsasawalang bahala ko sa kung ano mang ipinaglalaban niya.

"Hays. Fine. Hindi dapat prinoproblema ng mga magaganda ang mga gantong kaliit na bagay." Inayos niya ang sarili at naglakad ng matino. Ay oh? Bilib na talaga ako sa babaeng to.

Ilang saglit lang ay narating na namin ang building ng business department. Umakyat na kami at hindi nga madali ito. Masakit sa paa habang pumapanaog ng hagdan. Bago pa maputol ang heels ng sapatos ko, charot, narating na namin ang room namin.  Tumingin ako sa ibaba at kita mo dito ang gitna ng field. Nasa middle-side kasi nito ang building namin. Aliwa na aliw ako sa panonood ng mga istudyanteng naglalakad at ng mga punong nakakalat sa buong campus ng biglang may kumalabit sa akin.

Umikot ako at nakita ko si Kate na naka krus ang mga braso. "Ano? Dyan ka nalang sa labas?" Masungit nitong tanong.

Tumawa ako. "Heto na nga oh, papasok na. Ang sungit mo naman po!" Pang-aasar ko pang lalo habang papasok kami ng classroom.

Pagpasok namin ay agad kaming pinagtinginan ng mga istudyante sa loob. Witwiw, chix. Agad na reaksyon nila habang nakatingin samin. Mukhang naibalik ko na ang self-confidence ko kaya hindi ko na sila pinansin. Bahala kayo sa buhay niyo!

"Ay oh? Kaganda ba naman kasi ng kasama ko." Pagpaparinig ni Kate habang nangingiti.

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Tumigil ka Kate. Umupo nalang tayo."

"Oh di waw Reyna. Gandaaaa!" Ani nito sabay hawi sa buhok niya.

"Mga miss! Dito na kayo umupo oh." Alok nung isang lalaking may itsura din, sabay ayos ng mga upuan sa harap nila. Ngumiti na lamang kaming pareho ni Kate pero hindi kami umupo doon. Anong akala nila samin? Duh!

Umupo kami doon sa parte na kaunti pa lamang ang nakaupo. Sa may pangalawang linya kami at nasa tabi ako ng bintana. Glass ang mga bintana kaya kita mo ang labas, pero hindi iyon nakabukas kasi air-conditioned ang mga rooms dito.

Ilang sandali pa ay nagdatingan na rin ang mga istudyante at unti-unti na ring napupuno ang mga upuan. May nakaupo sa harapan namin at halos puno na rin doon sa kabila, ngunit ang pangatlong linya sa likod ng inuupuan namin ay nanatili paring bakante.

Nanatiling walang nakaupo roon hanggang dumating yung tatlong lalaking kaibigan nung Paris. Nakita nila yung limang bakante sa likod namin kaya doon sila umupo.

Patay na! Ka blockmate nga namin sila! "What the hell! Nandito nga sila!" Naiinis na saad ni Kate sa akin. "Matutuwa na sana ako kung si Paris lang ang nandito eh kaso kasali pati yung tatlo! Lalo na yang Loel na yan!" Dagdag pa niya.

"Hoy! Anong sinasabi mo dyan? Akala mo di ko narinig yun?" Biglang nagsalita yung Loel.

Sumulyap si Kate sa likod. "Pake ko!" Ani nito.

"Kung ayaw mo kami dito, pwede ka ng umalis." Sagot naman nung Loel.

"Tse! Manahimik ka!" Pagtatapos ni Kate sa usapan at bumaling na sa phone niya. Tiningnan ko kung anong ginagawa niya doon pero pinapaglipat lipat lang niya yung homescreen niya.

"Hoy babae! Anong ginagawa mo? Baka masira na yang screen ng phone mo!" Natatawa kong puna rito.

Bigla naman siyang napatigil sa ginagawa niya. Tumingin uli siya sa akin pero hindi na siya sumagot. Okay! Seen zoned!

Biglang umingay sa parte namin dahil sa pagdating nilang tatlo. Sumulyap ako sa kanila at narinig ko kung gaano kalakas ang mga tawa nila. Yung dalawa ay nakaupo magkasunod malapit sa gitna, yung Loel naman ay nasa tabi rin nila at nasa likod lang naman ni Kate. Tumingin ako sa tabi nung Loel at nakita kong bakante pa iyon. Nasa likod iyon ng upaan ko.

Napamulagat ako ng may naisip. Nasaan yung Paris? Don't tell me para sa kanya yang upuan sa likod ko? Gosh! What to do? Naisip ko pa yung ginawa kong pagsisinungaling sa kanya, na nakadagdag sa kabang nararamdaman ko ngayon.

Nagsinungaling lang naman ako dahil ayokong mahusgahan. Ayokong mapangunahan dahil simula't sapul, may alitan na ang pamilya namin.

"Fourth year business management students!" Nagulantang kaming lahat ng pumasok ang isang babae sa room, mukha siyang teacher kaya ipinagpalagay ko na lamang na siya ang prof namin ngayong period at hindi naman ako nagkamali. "I am Mrs. Josefa Guazon and I am your instructor for your minor subject in Mythology."

Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pagsisimula niya. Diba nakuha ko na to?

"Hoy Kate! Bakit may mythology ako? Nakuha ko na to last time sa Manila." Kalabit ko kay Kate na natahimik na sa tabi ko.

"Ewan ko. Tsaka iba kasi ang curriculum dito, baka yun na din ang dahilan kung bakit hindi na-credit." Walang gana niyang sagot sa akin.

"Hoy! Anong problema mo?" Natatawa kong tanong habang tinitingnan si Kate na tila na-drain na ang energy.

Nag-ikot siya ng mata. "Sino ba naman ang hindi maiinis kung yang Loel na yan ang nasa likod ko."

Pinigilan ko ang ngiti ko sa sagot niya. Sumulyap ako doon sa tatlong lalaki sa likod namin at nagulat ako nang makita kong nakangiti silang lahat habang nakatingin sa akin. Mas nagulat pa ako ng sabay sabay silang nagsalita.

"Hi miss beautiful!" Komento nilang tatlo. Napailing na lamang ako bago inayos ang pagkakaupo.

"Ayan! Mukhang may ready nang magsalita." Muling nabaling ang atensyon ko sa prof namin. "Let the three men in the third line start it." Dugtong niya.

Hindi ko alam kung anong sinasabi ng prof namin kaya tumahimik ako. Tumayo yung isang lalaking kaibigan ni Paris. "Klein. Basketball varsity player." Matipid niyang anunsyo. Ano to? Bakit may 'introduce yourself'? Ang corny!

"Adam. Fun of playing guitar." Ani naman nung isa sabay strum sa gitara niya. Napailing ako. Ang hahangin talaga ng mag kakaibigan na to.

"Hi babies." Sumunod naman yung Loel. Napamura ako sa sinabi niya. Really? Mukhang wala ng hahangin pa sa isang to.

"I'm Loel and I'm your campus crush." Dugtong niya. Naghiyawan yung dalawa niyang kasama at wala namang ibang ginawa yung Loel kung hindi ang kumaway.

"Letse!" Bulong ni Kate sa sarili.

"May sinasabi ka Kate?" Pang-aasar ko. Umirap lang siya sa akin bago ibinaling uli sa harapan ang tingin.

"Hey Miss! Naririnig mo ba ako?" Naagaw nung prof ang atensyon ko.

"Ako po?" Tanong ko.

"Yes ikaw!" Sagot niya.

Kahit na corny ang pinapagawa niya, tumayo na lamang ako at nag pakilala. "I'm Reyna Helen, but I much prefer if you just call me Reyna." Uupo na ako ng may tinanong siya.

"Are you a transferee? Ngayon lang kita nakita." Tanong niya.

May narinig ako mula sa classmates ko. "Seriously? Sa dami ng istudyante dito, kabisado pa niya kung sino ang transferee sa hindi?" Yeah right! Yan din ang gusto kong sabihin.

"Yes." Hindi ko na hinabaan ang sagot ko para hindi na siya mangulit pero parang hindi siya nauubusan ng tanong.

"You are Reyna Helen? What's your surname hija?" Tanong niya.

The hell. Surname! Tumingin ako sa likod ko. Tumingin din ako sa pintuan at mukhang walang anino nung Paris kaya mabilis kong sinagot ang tanong niya. "Arevalo. I'm Reyna Helen Arevalo."

"Arevalo Wines! Your family owns Arevalo Wines?" tanong na naman niya. Wtf! Mabuti na lamang at late ang Paris na yun. Mabubuko pa sana ako ng wala sa oras.

"Yes. May I seat now?" Ako na ang nagtanong kung pwede na akong umupo, para na rin matigil siya.

"Yes you may." Ngumiti siya. "Mukhang nandito na ang mga heridera at heridero ng mga sikat na wine companies ngayon. Montellor Wine Company at Arevalo Wines." Dugtong niya.

Gustong gusto ko ng tirisin ang prof na to sa tagiliran. Paulit ulit ba namang banggitin ang apelyido ko.

"By the way, nasaan yung isa niyong kaibigan?" Tanong niya sa tatlong unggoy sa likod namin.

"Speaking of Paris Montellor..." Sabay sabay na naman nilang sabi habang nakatingin sa pintuan kaya napatingin din kami doon. Nakita namin si Paris habang nakataas ang kilay dahil mukhang narinig ang pangalan niya.

"Oh there you are Paris. Tutal nandyan ka naman na sa harapan, would you mind to introduce yourself?" Utos nung prof.

Kumunot yung noo nung Paris. Mukhang hindi lang ako ang nako-corny-han sa pinapagawa niya. "I'm Paris Trevor Montellor." Ani niya. Pumito yung Adam kaya nakita naman agad niya yung inuupuan ng tatlo niyang kaibigan.

Hindi ako nagkamali dahil umupo nga siya doon sa bakanteng upuan sa likod ko. Inayos ko ang buhok ko at inilugay paharap para matakan ang mukha ko. Mukhang hindi naman niya ako napansin dahil nagkantsawan na sila ng mga kaibigan niya.

Tumikhim yung prof. "We have Montellor Wine Company before, in our class and now we have Are—"

"Aray!" Kinurot ko ng malakas si Kate sa bewang para pigilan yung prof sa sinasabi niya.

"Do you have problem Kate Reyes?" Tanong nung prof. Tumingin si Kate ng masama sa akin bago umiling bilang sagot sa tanong ng prof namin. "By the way. Mind to introduce yourself to your classmates."

Tumayo si Kate. "I am Kate Reyes. That's all." Ani niya at umupo na.

"Oo nga pala." Napapalatak yung prof sa harapan. Ang weird niya, honestly. "Before I forgot, let me remind you of your acquaintance party on Friday. It will be held at the Unibersidad de Isabela memorial hall, and it will start at 7 in the evening."

Dahil sa sinabi niya ay biglang umingay ang room. All girls are so excited especially that this will be their last chance to attend the party. May acquaintance party din kami noon but well, as for me, this is my first time to attend that party here in Unibersidad.

"Yun! Marami na namang chix!" Agad na sigaw ni Loel pag alis nung ni Prof. Guazon.

"Dyan ka magaling. Ulol!" Sinagot siya ni Paris. Nakikinig lang naman ako sa pag-uusap nila habang nakatalikod sa kanila.

"Brad. Ano palang nangyari sayo nung pagkatapos ng enrolment?" Parang yung si Klein ang nagtanong at sigurado akong si Paris ang tinatanong niya.

"Wala, nagpunta lang ako sa kahuyan." Sagot ni Paris. Naramdaman ko na parang may paang pumatong sa likod ng upuan ko. Ginawa pa niyang patungan ng paa ang upuan ko ha?

"Sama nga kami dyan minsan brad, mukhang napapasarap ang punta mo don eh, dalhin ko gitara ko." Dahil sa gitara ay nahihimigan kong yung Adam ang nagsalita.

"Di kayo pwede don mga ulol." Ani Paris. "Pero may nakita akong diwata don nung isang araw brad." dagdag niya. Bigla naman ang namula sa sinabi niya. Ako ba yon? Charot.

"Seryoso brad?" Dahil sa narinig na diwata ay nag react agad si Loel.

"Gago! Mukha ba akong nagbibiro!" Bulyaw ni Paris sa kanya.

"Makinis?"

"Sexy?"

"Maganda?" Sunod-sunod na tanong nung tatlo niyang kaibigan. Mas lalo pang nag-init ang pisngi ko dahil sa mga tanong nila.

Naghiyawan silang apat. Bwiset na Paris yan! Ano kayang sinagot niya?

"Diskartehan na yan!" Biglang sigaw nunh tatlo.

"Mga ulol. Dyan kayo magaling eh." Sagot ni Paris. "Kaso maingay yung diwata mga pards." Dugtong niya.

"Turn off brad." Komento ni Loel at nagtawanan silang apat.

Nag-init ang ulo ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at humarap sa kanilang apat.

Tumingin sa direksyon ko si Paris at gulat na napatitig sa akin. Bigla niyang inayos ang pagkakaupo niya.

Tumitig ako ng matalim sa kanya. "Sinong maingay?!" Dinampot ko ang shoulder bag ko at ipinalo iyon sa ulo ni Paris. Napa daing siya sa lakas ng ginawa kong paghampas. Tiningnan ko rin yung kasama niyang tatlo unggoy at mukhang nagulat sa ginawa ko.

"Bwiset kayong apat. Lalo na ikaw!" Tinuro ko si Paris at binato siya ng papel. Hinila ko si Kate palabas ng room. Nakatitig lang naman siya sa akin dahil paniguradong gulong-gulo siya sa mga nangyayari.

Bago kami makalabas ay tumingin ako sa direksyon ni Paris. "Sana ikwento mo rin kung anong ginagawa nung engkanto nung nakita siya nung diwata." Ngumisi ako kasabay ng paglaki ng mga mata niya.

—————

Inspire the author! Hit the vote button and comment your thoughts! Love lots!

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 310 32
Note: If you are not into cheating kind of stories, you can skip this, as there are many cheating issues written in this book. **** Atasha Celestine...
183K 3K 71
Miamor Ferrara, she was taught by his father about politics at a young age. If how to be a good leader of a nation, someday when she grow up. Their f...
6.3K 136 41
They said dreaming is free, you don't need to pay to have a dream, which is right, but, achieving your dreams meaning paying 'high' as your dream. We...
328K 6.3K 47
"I want to escape from his painful warmth and if leaving him is the only way, I won't miss that chance." - Gianna Suzanne Fontanilla A love story th...