Moonsky: Secret of the Lost K...

由 CelestiaChan

61K 3K 927

Woah, highest ranked achieved: #87 ? BOOK 1 OF BOOKS OF AERYOS. A group of chosen heroes are going into a... 更多

* About the Author *
Before you start reading Moonsky:SOTLK
• P R O L O G U E •
[1] The Fulfillment of the Prophecy (NEW VERSION)
[2]: The Mysterious Girl ( Rewriting)
Armenia Arc.
[3]: The Dream and the Mission
[4]: The Training
[5] : The Confrontation
[6] En Garde!
[7] Devastated
[8] Royal Meeting
[9] Memories
[10] Preparation
[11] Royal Ball
[12] First Demon Gate
[13] Deities
[14] Deities
[15] Twins
[17] Day Three
[16] Day 2
[18] Day Four/History
[19] Day 5/ Parents
[20] Day Six / Secret
[21] Journey
[22] Intruder
[23] Gun Magic
[24] Battle of the two Queens
[25] Gaia
[26] Your End!
[27]Rebuild
[28] Celebration/Demise/Wedding : 1
[29] Celebration/Demise/Wedding : 2
[30] Epilogue
Altar of Balance Arc
[31] Azura
[32] Deep Blue
Announcement/News chorva
[33] Geas Agua
[34] Roaming Geas Agua (Part 1)
OH. MY. GOSH.
[36] Sails to Zecora
[37] Ryanne Talfwood
[38] Iantal's Library
[39] Who are you?
[40] Sun and Moon
[41] Backstories
[42] Ultima's
[43] 'Im Back'
[44] Geas Terra
FB Group
Facebook Group
New Book Cover!
[45] Divide and Conquer (Part 1)
Update
[46] Divide and Conquer (Part 2)
Valhal Aeryos!

[35] Roaming Geas Agua ( Part 2 )

463 36 0
由 CelestiaChan

Icicle's POV

"Welcome sa Geas Agua!"

"Valhall los ligrante! ( Maligayang pagdating, mga tagapagligtas! )"

Yan ang bungad sa amin ng mga aeryan ng Geas Agua, may pa ulan sila ng mga sea flowers. Naloka ako jusko, first time na may nagpaganito samin eh.

"Shems, para akong celebrity today. - hair flip -" Ani ni Azura, naglalakad siya na parang isang super model. Mukha nga lang siyang sabog na super model.

"Azura tigilan mo yan, mukha kang katawa-tawa." Ani ni Klaria, napansin ko namang nagpipigil ng tawa ang iba. Maski ako gusto ko matawa sa itsura ni Azura, high na high siya today eh.

Naglalakad kami papunta sa sinasabi ni Coralline na pinakamatandang aeryan ng Geas Agua, baka sakaling matulungan niya daw kami tungkol sa paghahanap namin sa Altar of Balance.

"Oh my gosh, PAGKAEEEEN!"

Guess what kung sino yung sumigaw? Si Stella, isa rin tong babaeng to. High rin siya today, gawa siguro ng kagutuman haha.

"What?! Gutom na gutom na ako eh!!" Sigaw ni Stella, nagtatalo ata sila ni ateng nagbabantay sa tindahan ng mga prutas.

"Eh kasi maam may bayad nga po! 4 na dovar ang isang starmangga." Sabi ni ate.

"4 DOVARS?!! Okay diet ako today." Sabi ni Stella, paano ba naman. Alaws pera eh, ilang araw ba naman kaming lumilipad na walang pera lol.

"Taglakad na gutom, iyak Stella iyak." Wala sa sarili na sabi niya, may hinithit tong mga to for sure. "Hindi ganto buhay namin sa langit." Dagdag niya.

EH?!

Napatingin kaming lahat sa kanya, nanlaki naman ang mga mata niya. Bigla siyang binatukan ni Zach.

"What was that for?!" Iritang sabi ni Stella, tinitigan niya lang si Zach ng masama. Okayyy... anong meron people?

"Tch." Ani ni Zach, ano talagang meron omg.

Kinalabit ko si Melody sa likod, katabi niya si Ice na katabi ko rin. "Anong meron Mel?" Pagtatanong ko sa kanya, nagkibit-balikat nalang siya.

Ang weird today, lol.

Patuloy parin kaming naglalakad, paano ba naman kasi. Ang Geas Agua ay bundok, pababa. Nasa tuktok ang mismong palasyo at ang pupuntahan pa namin ay sa pinakaibabang parte ng siyudad na to, kung saan napakaraming tao.

- L i g h t  B u l b ! -

Tumigil ako saglit habang patuloy silang naglalakad, dinaanan nga lang nila ako eh. Di manlang ako tinanong kung bakit ako tumigil.

Na-miss ko nang gamitin ang spell na to, last time ko ata itong ginamit ay sa Chapter one ng story na ito eh. Haha "Winter Sign!" lumabas ang magic circle kong kulay sky blue sa sahig na aking tinatapakan. "Avalanche!" Lumabas mula sa magic circle ang rumaragasang snow, sinakyan ko naman ito. Mistulang parang nags-snow ski ako sa avalanche.

Nang madaanan ko sila, kinawayan ko lang sang lahat. Bahala sila sa buhay nila basta ako magsi-ski ako pababa haha!

- s w o o o o s h -

Bumagsak ako at napaupo sa snow. Paano ba naman eh may gumitgit sa akin, tinignan ko kung sino ang hinayupak na iyon. Ang magaling kong kakambal, si Ice. Nakigaya rin ang loko, halatang inggitero tong isang to eh
-_-

"Sorry Ate!" Sigaw niya na nage-echo sa mga kabahayan dito, pinagtitinginan ako ng mga tao nakakahiya. Tumayo ako at tinignan kung asan na siya. Ang loko nasa kadulu-duluhan na ng village.

"Ayos ka lang bhe?" Tumakbo papunta sa akin si Klaria habang si Azura nakalevitate sa staff niya papunta sa akin.

"Ayos lang ako, sa snow naman ako bumagsak eh. Pag sa bato talaga, gugulpihin ko si Ice." Sabi ko at pinagpagan ang sarili ko, dinispell ko nalang ang mga snow na nasa paligid ko nung nag si-ski ako.

"Ambait mong ate, saya." Ani ni Azura, tinarayan ko nalang siya.

"Ayun na yung bahay!" Sigaw ni Coralline at tinuro ang isang malaking nipa hut. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nags-snow skiing parin si Ice.

Tumigil kami sa harap ng isang nipa hut, mataas ito at may hagdan paakyat sa pinto nito. Umakyat si Coralline at kumatok.

"Archmage Phril? Aaaarchmage Phril?" Patuloy parin sa pagkatok ng pinto si Coralline.

Bumukas ang pinto ng konti at may sumilip na lalaki na mukhang nasa 40+ ang edad, anak to siguro ni Archmage Fril? Phil? Phril!

"Altas Coralline?" Ani ng lalaki, binuksan niya ng malaki ang pinto. Mukha siyang nasa 40+ na tao.

"Coralline nalang po." ningitian ito ni Coralline.

"Anong meron at napadaan ka dito ,  at tila'y marami kang mga kasama. Mga kaibigan mo ba sila? Ngayon ko lang sila nakita." Pagtatanong ng lalaki kay Coralline, sumilip siya sa labas at tinignan kaming lahat.

"Hindi lang ho ako ang kaibigan nila, kaibigan sila ng buong Geas Agua." Ani ni Coralline, ningitian naman namin nung lalaki. Mapaghinala masyado eh.

"Halikayo at pumasok sa loob muna." Ani nung lalaki, isa-isa kaming umakyat sa hagdan at pumasok.

Malaki at malawak ang loob ng kubo nung Archmage, punong-puno ito ng mga decoration   sa pader. Tulad ng mga nakasabit na magical items, mga amulet, wand, magic stick, chakrams at necklace na may crystal.

"Umupo muna kayo." Ani nung lalaki, at pumunta siya sa... kusina? Umupo kami sa isang kulay aqua green na C-shaped na sofa.

"Andaming magical items nung Archmage, saan kaya siya nakakakuha ng mga item katulad ng amulet?" Pagtatanong ni Klaria at tinititigan niya ang bawat item na nakasabit.

"Sa mga naging mission niya dati, kapag hindi ginto ang ibinibigay sa kanya bilang reward, mga magical items." Sagot ni Coralline, napatango si Klaria.

Teka lang... Asan yung sinasabi ni Coralline na pinakamatandang aeryan dito sa Geas Agua?

"Coralline?" Kinalabit ko siya, napalingon siya sa akin at tila sinasabi ng mukha niya ay 'ano yon?' "Asan yung sinasabi mong pinakamatandang aeryan dito sa inyo?" Dagdag ko.

"HAHAHAHAHAHAHA!!" Tumawa siya ng malakas, napatingin sa kanya ang iba. Luh, tinawanan lang ako ng gaga. Gawin ko tong taong ice cube eh. 

"Bakit anong problema?" Tanong ko sa kanya, hinintay ko muna siya matapos sa kanyang laughing session.

"Yung lalaking nakausap ko, siya si Archmage Phril. Siya ang sinasabi kong pinakamatandang Aeryan dito sa Geas Agua."

EH?!

"I-ilang taon na siya?" Pagtatanong ni Ice, natawa na naman si Coralline. Seriously, parang nakahithit silang tatlo nila Stella at Azura today.






"Not so sure, around one hundred thirty to fourty five years old."






"WHAT?!" Sabay-sabay kaming lahat ng reaksyon.

"Totoo ang sinabi niya." Singit nung lalaking nakausap namin kanina, si Archmage
Phrill! May dala siyang isang tray na puno ng teacups, teakettle at... MGA SWEETS! OMG!

"How come sir? Sa itsura niyo pong yan. Hindi halatang nasa hundred plus na po kayo?" Pagtatanong ni Kris kay Archmage Phrill. Nilapag ni Archmage Phrill ang tray sa harap namin at binigyan kami ng isa-isa ng teacups.

'pinitik' niya ang mga daliri niya at kusang gumalaw ang teakettle, telekenesis i presume. Isa-isang nilagyan ng lumulutang na teakettle ang mga teacups na hawak namin ng Jade Tea.

"Valhall Nekdah ( Thank you! )" Sabay-sabay naming sabi, agad akong kumuha sa sweets at ganoon din si Stella. Gutom na gutom  talaga siya guys.

"Kaya hindi nagbabago ang itsura ko ay dahil dito." Ani ni Archmage Phrill, may nilabas siya na isang kwintas at may pendant ito na hugis hourglass. "Ito ang Altezza stone ni Chronix, ang God of Time." Dagdag niya.

"Isa pang Altezza Stone? Nakow, lagot ho kayo niyan once na malaman ni Klarina ang tungkol diyan." Ani ni Melody, tumango naman kaming lahat.

"Speaking of Klarina, hinahanap po namin ang portal papuntang Altar of Balance." Singit ko, napatingin naman siya sakin. "Ang sabi po kasi samin ni Coralline, alam niyo po daw eh." Dagdag ko, sana hindi nagkamali si Coralline sa pagpili ng aeryan.

Nagisip ng matagal si Archmage Phrill tila na parang may inaalala siya.

"Ah..yes! The Altar of Balance." Sabi niya, tumungo siya sa isang cabinet na punong-puno ng mga libro. May kinuha siyang kulay silver na libro na may rune sa cover nito.

Binuklat niya ang libro at finlip lang lahat ng page sa libro at sinara niya ito. Ibinigay niya ito kay Azura. Tinignan naman siya ni Azura na para bang nagtataka.

"Isa kang Elemental Witch hindi ba?" Tanong ni Archmage Phrill kay Azura.

"Opo? Paano niyo po nalaman?" Ani ni Azura, kinuha niya ang libro at binuklat ito.

"Ang staff na nakasabit sa likod mo, may mga nakaukit na elemental runes. Nahalata ko na isa ka ngang Elementalist." Ani ni Archmage Phrill, nakitingin akonsa libro na hawak ni Azura. Mmga drawing ito at yung mga letters, parang hindi sila aeryan language, dahil nakakabasa ako ng aeryan pero iba ang ginamit na linguahe sa libro.

"Bat ganon? Hindi ko mabasa yung mga nakasulat sa Libro?" Ani ni Klaria, tamo maski siya na pinakamatalino saming lahat hindi rin mabasa.

"Elementia Language?" Ani ni Azura, may sarili nga palang linguahe ang mga elementalist, mapa mage, knight, sorceress, witch, priest. "Teka wait, bakit niyo po sakin binigay ang libro na to?" Dagdag ni Azura.

"Ikaw ang Elementalist ng grupo niyo at ikaw lang ang nakakaintindi sa Elementia." Sabi ni Archmage Phrill. "Ang libro na yan ay ang Elemental's Journal, nakasulat lahat ng bagay tungkol sa Altar of Balance. Including the gateway, the keys, the passage, the trials, the altar, and the Elemental Crown." Dagdag ni Archmage Phrill.

"Buti kay Archmage Phrill tayo nagpunta." Ani ni Coralline, tumawa naman kaming lahat. Indeed, hindi nga nagkamali si Coralline sa aeryan na nilapitan namin.

"So ano na? We should start our journey as soon as possible! TARA NA SA AIRSHIP!" Sigaw ni Stella tatayo dapat siya pero hinila ni Coralline ang kamay niya.

"Better not sail in the air, remember. May apat na tribo ang Zecora at baka maulit na naman ang nangyari sa inyo, 'first impression'" Ani ni Coralline.

"Tama si Coralline, last time. Pinaulanan tayo ng sandamakmak na water spells, ayoko ng maulit yon." Singit ni Irelia, napatango naman kaming lahat.

"Bago niyo puntahan ang portal papunta sa Altar of Balance, kelangan ay makuha niyo ang tiwala ng ibang tribo. Dahil ka-kailanganin niyo silang lahat." Ani ni Archmage Phrill, kanina pa ako lamon ng lamon ng mga sweets dito. Kanina pa ako tinatawanan ni Ice, mukha daw akong patay gutom tsk.

"Eh?! Bakit naman po?" Pareklamong tanong ni Melody kay Archmage Phrill.

"Oops, no spoilers. Hahaha!" Tumawa ng malakas si Archmage Phrill, another mystery to be solved by our group.

"So... ano na? Lets go na? Since okay na tayo?" Ani ni Coralline, nagthumbs up naman kami sa kanya. Nagsipagtayuan kamibat kinamayan si Archmage Phrill.

"Thank you for letting us in here Sir." Ani ni Kris.

"We really appreciate it, and also thanks for the most valuable information." Singit ni Zach at kinamayan ang Archmage.

Lumapit kami ni Ice sa Archmage at nakipagshake hands.

"Thank you po." Ani ni Ice.

"Thank you, in behalf of our Kingdom. Regalia Frost." Singit ko. Ang mukha niyng masaya napalitan ng pagtataka.

"Mga Regalian kayo?" Tanong niy, tumango kami ni Ice.

"Liviro Ice von Frost."

"Linirea Icicle von Frost."

"Kayo ang anak nila Truth at Chrysalis?!" Ani niya na tila siya'y masaya.

"Haha, opo. Bakit po?" Ani ko.

"Kung ganon ikaw ang tagapagmana!" Nakatingin siya sakin ng diretcho, pumunta siya sa bookshelf niyanat tila may hinahanap siyang libro.

Lumipat siya sa isa pang bookshelf at mula sa pinakataas, may kinuha siyang maliit na libro. ang cover nito ay gawa sa crystal at may naka-engrave na Aeryan Letters sa harap niyo. And guess what, ano ang ibig sabihin non?


C h r y s a l i s

Lumapit sa akin si Archmage Phrill at kinuha niya ang kanang kamay konat ipinatong doon ang libro, nakitingin naman si Ice sa hawak kong libro.

"I was your mother's mentor many years ago. That time was on her high school hahaha." Sabi niya, owkey?... So ano to? Photoalbum?

"Its your mother's personal spellbook. Lahat ng mga spells diyan ay siya mismo ang gumawa, ang nanay mo ay hindi lang naging isang magaling na reyna kundi isang magaling na Archmage." Ani niya, woah Archmage?

"So hindi imposible na hindi mo mama-mana ang kapangyarihan, ganda, lakas at talino ng nanay niyo." Dagdag niya.

"As for your brother? Sorry wala kasi akong ibang artifact na galing Regalia Frost, maliban doon sa crystal necklace na di naman gumagana haha." So naging kilala niya rin ang mga parents namin noon, small world ba ang Aeryos? Haha.

"Magiging malakas ka rin tulad ng nanay niyo." Ani niya at tinapik ako sa balikat.

"She even has her Shanira Form today, but not the true Ultima one." Singit ni Ice, nanlaki naman ang mga mata ni Archmage Phrill na nagulat.

"Bakit po? Anong meron?" Tanong ko sa Archmage, kinabit ko ang libro sa isa sa mga chain ng belt ko. Wala kasi akong dalang bag ngayon.

"W-wala naman, basta advice lang. Huwag mo masyadong abusuhin ang Shanira, lalo na't hindi pa ito isang true Ultima." Ani niya, same advice na sinabi nung matanda na nakausap ni Ice dati sa Armenia.

"Noted po." sabi ko at ngumiti.

Nagpaalam na kami sa kanya at isa-isa kaming lumabas mula sa kubo. Nagsimula agad kaming maglakad papunta sa palasyo.

"Now we have some informations regarding our current mission. Lets sail as soon as possible." Ani ni Elfora, nag'salute' naman kami. Tinignan niya naman kami ng masama.

Napansin ko si Stella na nagwawave pababa, nang makita niya ako na nanunuod sa kanya ay tumigil siya sa ginagawa niya at ningitian ako.

Tinignan ko ang langit, bumababa na yung araw. Magagabi na, madami pa akong aayusin sa mga gamit ko, armor, damit, itong spellbook and others haha.

"Oh bilisan na natin sa paglalakad. Baka abutan pa tayo ng gabi. Sa palasyo na kayo magstay. Remember, may tatlong tribo pa kayong uutuin haha joke!" Ani ni Coralline at binilisan ang paglalakad.

"AYOS!" Sigaw ng boys, tuwang-tuwa na sa isang palasyo na naman sila matutulog lol.

_____________________________

Archmage Phrill's POV

Shanira form? At her young age? No...no...no..no!

Kinuha ko ang isa sa mga scroll na itinago ko sa sahig ng kubo ko. Ito ang scroll na nilalaman ang propesiya ng mga magliligtas sa mundo ng Aeryos mula kay Klarina.

Kabilang sa propesiya ang prinsesa ng Regalia Frost.

"Sut'am Linirea vel sut'am Quiñosa demo aakayi los zugi Quera vel pula vel niyebe vel durve chron. (Isang prinsesa ng isang kaharian ang bubuhay sa isang reyna ng itim na niyebe vel lumang panahon.)

Sana hindi totoo ang propesiya na ito.

Sana hindi na siya magbalik pa......

Ang ikalawang reyna ng Regalia Frost, ang pula na reyna.




























Glaciale von Frost....
_____________________________

Vote, Comment, and Share this story! 😘

Date Published: August 31, 2017 ✔️

繼續閱讀

You'll Also Like

2.4M 185K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
9.5K 429 34
Meet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous...
300K 12K 37
[COMPLETED] Namatay siya nang mahulog ang sasakyan na minamaneho sa taas ng skyway, however, she was resurrected inside a novel that she once read, b...
443K 17.8K 49
When she died by an embarrassing death, she got transported into her favorite novel series. Not as a lead, but a character that will soon die as the...