Second Chance Book 2: Our Des...

By MiarraMaeM

950K 14.9K 3.8K

(2nd book) Sabi nga sa kasabihan "We were born to be true not to be perfect" Lahat ng tao nagkakamali. Ang ta... More

Chapter 1: Ang pagbabalik
Chapter 2: Asar
Chapter 4: Argue
Chapter 5: Despedida
Chapter 6: Meet up
Chapter 7: Meeting
Chapter 8: LQ again
Chapter 9: Sakit sa ulo!
Chapter 10: Baboy.
Chapter 11: Next Level
Chapter 12: New home
Chapter 13: Together
Chapter 14: Night
Chapter 15: Malas!
Chapter 16: High-tempered
Chapter 17: Jealous
Chapter 18: Balik
Chapter 19: Sermon
Chapter 20: Welcome back!
Chapter 21: Bwiset >.<
Chapter 22: Time
Chapter 23: Special Day
Chapter 24: Lasing
Chapter 25: Bad day
Chapter 26: BV
Chapter 27: Pak dis layp.
Chapter 28: Bulag
Chapter 29: Unfortunate
Chapter 30: Alone
Chapter 31: Fake
Chapter 32: Mean.
Chapter 33: Karma
Chapter 34: Instant
Chapter 35: 1st day workout
Chapter 36: Truth
Chapter 37: Litrato
Chapter 38: Unexpected
Chapter 39: Batangas
Chapter 40: Buking
Chapter 41: OMG.
Chapter 42: Honest
Chapter 43: Over
Chapter 44: Official
Chapter 45: New
Chapter 46: Happy & Satisfied
Chapter 47: Gift
Chapter 48: Parking instructor
Chapter 49: Not again
Chapter 50: Sleep
Chapter 51: Instagram
Chapter 52: John's POV
Chapter 53: Resto
Chapter 54: Paul's POV
Chapter 55: 2 years after
Chapter 56: Unready
Chapter 57: A day to remember
Chapter 58: The Wedding Ceremony
Chapter 59: The Finale

Chapter 3: Formality

19.3K 353 47
By MiarraMaeM

Dun nga pala sa mga gusto magpa-dedicate.

Nalimutan ko na kung sino-sino kayo.

Mag-comment po kayo dito.

Sorry! HEHEHE :)

____________________

Andito ako ngayon sa office.

Syempre taga interview ako ngayon ng employees.

Ambilis, di ko akalain na magkaka-business kami agad-agad :>

Syempre inaalalayan pa ako ni John.

Pero ngayon hindi muna.

Andun sya sa may loob ng meeting room.

Sya lang mag-isa.

Kung ano-anong documents ang inaayos.

Habang ako busy dito.

Para daw masanay ako.

Mas kinakabahan pa nga ako kesa sa applicants.

Paano, di ko naman talaga alam kung paano ang sistemang ganito.

Nagyabang lang ako sa pagsabi kay John :P

Pero hindi!

Kaya ko to!

"Next please, Ms. Garduce"

Sinabi ko dun sa secretary ni John.

Pumasok siya na pormal ang suot.

At maganda sya.

Nagka-ngitian kaming dalawa.

Parang magaan ang loob ko dito ah :>

"Hi Miss Lolie Garduce. Please tell me about yourself"

Habang tinitingnan ko ang kanyang Bio data.

Parang kinakabahan pa nga sya eh.

Nginingitian ko naman sya.

Para mawala ang nerbyos nya.

Syempre naman di naman ako maldita para pagtarayan ang nag-aapply.

Miss G. "Hi Mam, my name is Lolie Garduce, from Alangilan,Batangas. 20 years old. Graduating student. Business course, major in Marketing."

"So Business pala ang course mo, how come na gusto mo maging member ng staff namin? Samantalang hindi naman ito related sa course mo?"

M: "Kasi po Mam, gusto ko po makatulong sa magulang ko. Na taga tinda lang po ng isda sa may palengke. At baon na sa utang dahil sa pang-kolehiyo ko."

"Eh paano mo natutustusan ang pangangailangan mo? Sa apat na taon mo na sa college ngayon?"

M: "Nakakuha naman po ako ng full scholarship, pero alam ko hindi naman po sapat yun para makatulong ako. Kaya nagsa-side line po ako sa may canteen namin sa school, o kaya naman po sa gabi, ako maglilinis ng mga room."

Naawa ako bigla sa kanya.

Parang gusto ko syang tulungan.

Tutal, magaan naman ang loob ko sa kanya.

Kitang kita sa mukha nya na gusto nya talagang makuha ang trabaho na ito.

Ngumiti ako sa kanya.

Tapos kinamayan sya.

Kahit meydo labag sa tinuro sakin ni John na sabihin kung tanggap agad.

Tsaka sa business hindi uso ang awa e.

Eh malay ko ga, maawain ako.

Bahala na kay John.

Wala na rin magagawa yun. tsaka papalusutan ko na lang :D

"Ms. Garduce, balik ka after 2 months."

M.: "Po?"

Bumulong ako sa kanya.

"Wag mo na lang tong sasabihin sa iba, Medyo labag sa policies pero tanggap ka na, wag kang mag-alala" sabay wink :>

Nakita ko sa mukha nya yung bakas ng kasiyahan.

Nang biglang may tumulong luha sa mata nya.

Na-touch naman ako kaya lumapit ako at niyakap sya.

"Okay lang yan. I just wanted to help you."

M: "Salamat po Mam, grabe, hindi po dapat talaga ako mag-aapply dito, kasi nga sa pagkakaalam ko hindi ako qualified, iba po kayo. Sobrang bait nyo."

"Ayos lang yun. Pero wag ka muna maingay sa iba. Tayong dalawa ang may usapan. Kaya wag kang mag-alala. Makakatulong naman siguro yung sweldo mo samin and by the way you can be my friend too, kahit wala sa work."

M: "Maraming salamat po talaga"

"Oh sya, sige na. Ayos lang yun. Eh san ka pa ga pupunta pagkatapos dine?"

M: "Ahmmm. Uuwi na po sana.."

"Nakakain ka na?"

Di sya nagsalita.

Parang nahihiya.

Ngumiti ako tapos kinuha yung wallet ko.

Dumukot ako ng 1k.

"Oh eto, para sayo, pamasahe mo, tapos ibili mo na rin ng pagkain nyo."

M: "Nako, hindi ko po ito matatanggap sobra sobra na po ito."

Nang may bigla kaming narinig.

Si John pala.

J: "Tanggapin mo na yan Miss Garduce. Tsaka eto pa."

Inabot nya ang 1k pa.

Yung itsura ni Miss. Garduce parang di makapaniwala.

M: "Nako, wag na po talaga. Sobra sobrang tulong na po ito Sir. Tama na po yung trabaho sakin."

Lumapit sakin si John at umakbay.

J: "Kapag di mo tinanggap yan, babawiin ni Jam ang sinabi nya.."

Ngumiti ako kay John.

"Oo nga sige ka."

Wala syang nagawa kung hindi kunin ang pera.

Nagpunas sya ng luha at ngumiti samin.

M: "Di ko po akalain na ganyan kayo kabait. Wag po kayong mag-alala. Hindi ko po kayo bibiguin."

"Wala yun, ano ka ba. Quiet ka na lang."

M: "Salamat po talaga"

"Wala yun. See you Miss Garduce"

J: "Apple, please tell the applicants na we'll be back by 1pm"

A: "Yes sir!"

Pagkalabas ni Apple ay niyakap ko si John.

"So you heard everything?"

J: "Oo, eh nagutom ako kaya lumabas ako, sakto namang may kausap ka, kaya pinakinggan ko na muna."

"Di ka ga nagagalit sa ginawa kong yun?"

J: "Hindi naman. Bakit naman? Tsaka rules are just rules, tayo naman ang gumawa nun eh. Tsaka wala naman tayong inaapakang tao."

"Why sooooo attractive Mr. John? :">"

J: "Talaga?"

"Bilis mo naman maniwala."

J: "You're really annoying! Pero kilala kita, totoo yang sinasabi mo."

Daretsong kanta.

TRUE by Ryan Cabrera

Pero chorus lang :>

I've waited all my life

To cross this line

To the only thing that's true

So I will not hide

It's time to try

Anything to be with you

All my life I've waited

This is TRUE :)

 

 

"Ikaw na ang singer!"

J: "Ayaw mo?"

"May sinabi ba ako? Ano kain na tayo?"

J: "Sige, nag-text ata sa phone mo si Len. Sasabay satin mag-break."

"Talaga?"

J: "Oo, nireplayan ko na, sabi ko magkita-kita na lang tayo sa may resto nila Paul."

"Oh sige."

Nag-out muna kami.

Syempre sya yung nag-drive papunta sa Resto nila Paul.

I hope andun sila.

Aalis na nga pala sila sa Sunday.

Ilang days na lang :(

Pagka-dating namin dun.

Nagtataka ako at pinaupo ako sa maraming table.

Kaya nagka-clue na ako.

"Mr. John. Anong plano natin jan ha?"

Nang biglang naglapitan na silang lahat :>

Yeah, si Len at Sam, Anne at Nicko, Shiela at Justin.

Trish at Chris. Syempre buong pamilya ko.

At huli ding umupo sina Kaye at Paul.

"A-anong meron?"

J: "Manood ka na lang."

Namatay bigla ang mga ilaw.

At may screen na lumabas sa may bandang pader.

At nagulat na lang ako.

Yun yung mag memories namin ni John.

Na kinunan namin.

Simula nung naging kami.

Hanggang sa mga tampuhan.

Sa tawanan.

At sa iyakan.

Mayroon pa dung scene kung paano kami nagkabati.

Yung kulitan namin.

Natawa ako nung pinakita yung kwintas ni Paul.

Tanda nyo pa yun?

Yung kwintas na binigay sakin ni Paul.

Na sobrang importante sa pamilya nila?

Natatandaan nyo na hindi ko binalik kay Paul yun?

Yun ay dahil nalimutan ko na rin HAHAHA

Di ko alam na hindi ko ito naisama sa mga itinago kong memories namin.

Pero PAST IS PAST.

Natawa lang ako..

At yun kung ano ano pa ang lumabas sa slide.

Andami pala naming videos :)

Habang naka-focus dun.

Bigla na lang nawala ang video.

And then start nang pag-strum ng guitar :>

It's TRUE BY RYAN CABRERA ulit.

By this time buo na yung kanta :>

 (Look at the video on the right side :)

Ano nga kasi ang pakulong to.

Habang sa kanya lang nakatutok ang ilaw.

Bigla na lang syang naglakad at kumanta sa harapan ko.

Nag-iritan silang lahat. 

At sumigaw ng "KISSSSSS!"

Ngumiti at nagkibit-balikat si John.

Hinalikan nya ako sa pisngi ko.

Nagpalakpakan sila.

At nung matapos na ang kanta.

May sinabi sya.

J: "Jam, ang sadista kong childhood friend, girlfriend and most of the time... enemy.. Dahil nasabi mo dati na gusto mo na ang proposal sayo ay kita ng mga taong malalapit sayo. At kung natatandaan mo ang proposal ko, tayo lang dalawa nun. Naisip ko na bigyan ka ng pormal na proposal."

Lumuhod sya sa harapan ko.

J: "Inuulit ko Jam. Will you be mine forever? again?"

Napatawa silang lahat.

Sasagot na sana ako nung sumabat si Justin, Chris at Paul.

"PWEDE KA PANG UMURONG JAM!!!"

Nagtawanan kaming lahat.

At si John eh binato lang sila ng tissue na malapit samin.

J: "Wag mong pakinggan mga yun Jam. Ano sagot mo Jam?"

P: "Pick-UP LINE MUNA DAW KASI!!!"

C: "Oo nga!"

Ngumiti si John sakin.

J: "May baon ako."

Nag-ehem muna sya.

Tapos habang nakatingin sakin ang nagnining-ning nyang mata.

Medyo nata-touch na ako sa ginagawa nya.

J: "Sana mahilig ka sa SISIG."

"Bakit?"

J: "Kasi ipag-SISIG-awan ko sa buong mundo na MAHAL KITA! "

Napangiti ako. Kahit waley! HAHAHA.

Pinagbabato naman sya ng mga barkada nya.

SILA: "BADUY MO UY!!"

J: "May isa pa ako"

"Kahit kelan ang dami mong baon!"

J: "Alam mo Para kang SCREW"

"Bakit naman?"

J: "Kasi the more na umiikot ka sa isip ko, the more na bumabaon ka sa puso ko. :">"

Sabay kindat sakin.

Nagtawanan silang lahat.

Tawanan sa kilig.

Pero ang mga lalaki, nakornihan daw! HAHAHA.

Corny naman talaga, lumang luma na ang pick up lines.

Pero kapag galing sa taong mahal mo, kung baga sa gitara, nasa tono :D

Niyakap ko sya.

"Oh sya tama na! Tama na! Korni mo na eh. Oo na sabi :>"

J: "Yun lang? effort ko na lang maghanap ng pick up lines."

"Pinaghirapan mo pa yun? Eh ang luma nga e. Kahit sino makarinig, siguro mauumay sayo."

J: "Okay. Pero isa lang ang masasabi ko, akin ka na!"

"Matagal na naman!"

Lola: "Oh sya tama na! At korni nyo na mga apo"

Hayayayayaaaaa!

Di ko inexpect na may pa-formal proposal pa pala.

Ang daming alam nitong si John.

Nakakaloka!

________________

-FAN, VOTE & COMMENT :>

Will be updating if magkaroon ng 20 votes and at least 10-15 comments.

Thank you! :> <3

-Miarra.

Continue Reading

You'll Also Like

69.7K 1.6K 51
We know what is LOVE, because that is the reason why live in this world. Love? Yan ang nararamdaman ni Ada para kay Xian simula nung grade 8 sila. Ad...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
232K 4.7K 54
Vance Xavier Austin- Mayaman, gwapo, matangkad, tinitiliian ng lahat, playboy, kaso mayabang nuknukan ng yabang Faye amethis Ferrer- Man hater, Mayam...
106K 731 5
A story about a girl who will do everything just to bring back the man she loves most to his usual self, but also the man she changed and hurt a lot...