Casa Inferno (The heart's hom...

By JFstories

6M 264K 178K

"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. High... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ALWAYS
Hello Again (Update 2.1)
Hello Again (Update 2.2.)
Hello Again (Update 2.3.)
Hello Again (Update 2.4.)
Hello Again (Last Wattpad Update)
The book

Chapter 7

180K 8.3K 4.8K
By JFstories

"PAPATAYIN KITA..."


Napausod ako nang makita ang paghihiwalay ng laway niya sa kanyang nagbibitak-bitak na bunganga.


Pero higit akong nabigla dahil sa sinabi niya. Nagluha ang aking mga mata at nanginig ang aking mga tuhod sa takot at kaba.


Seryoso ba siya?


Papatayin niya talaga ako?


Pero bakit? Anong kasalanan ko sa kanya?!


Mayamaya pa'y bigla siyang humalakhak. Halakhak na para bang nababaliw siya sa ligaya. Nakakakilabot ang pagtawa niya.


Kitang-kita ko ang pagkabanat ng kulubot niyang mukha. Maging paglitaw ng litid sa payat niyang leeg. Maging ang pagtalsik ng malapot niyang laway sa hangin ay hindi nakaligtas sa aking paningin.


Napatanga ako sa kanya. "B-bakit po kayo tumatawa, Lolo?"


Halos kapusin na siya ng hininga sa kakatawa. Ako ang nahihirapan sa pag-ubo at paghalakhak niya. "Binibiro lang kita." Malagom ang boses na aniya.


Napakurap ako habang nakatitig sa kanya. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. "N-nagbibiro lang po kayo?"


"Kamutin mo ang likod ko," utos niya. Seryoso na naman ang kanyang mukha. Maging ang gatla sa kanyang noo ay bumalik sa pagkakakunot nito.


Hindi ako agad nakakilos. Hindi kasi ako makapaniwala na nagbibiro lang talaga siya. Para kasing totoo iyong sinabi niya. Ang weird niya. Ang weird-weird niya at ng buong kabahayang ito.


Parang totoo na gusto niya akong patayin. Kahit pa hindi ko alam kung paano niya iyon gagawin.


"Hija, kamutin mo ang likod ko," ulit niya. Paos na ang kanyang boses.


"O-opo." Nanakbo ako patungo sa likuran niya. Kinamot ko iyon.


"Natakot ba kita?" mahinang tanong niya. Parang kinakaladkad ang boses niya.


Hindi ako umimik. Nahihiya ako dahil effective ang pagbibiro niya. Kamuntik na akong mapatakbo dahil sa takot.


"Sino ka nga ba ulit, hija?"


"P-po?" Kandautal ako. Ngayon ko lang nakausap nang ganito si Lolo Saul, at aaminin ko, hindi ako mapalagay.


Para kasing kakaiba siya. Parang may something sa kanya na nakakailang talaga.


Tumikhim muna ako para payapain ang loob ko. Sinagot ko ang kanyang katanungan. "Ay, ako po si Ember. Girlfriend po ako ng apo nyo..."


Napatingla siya sa kisame. "Apo?"


"Opo. Si Green po."


Napahimas siya sa nagbabakbak niyang baba. "Nasaan siya ngayon?"


"Nasa Manila po. Pero plano niya rin po umuwi dito."


Hindi siya kumibo. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.


Iniba ko ang usapan. "P-palabiro po pala kayo. Honestly speaking, natakot po talaga ako..." Pilit kong pinapagaan ang usapan.


Humalakhak siya nang mahina. "Palabiro ako..."


Mabait naman pala si Lolo Saul. Akala ko kasi talaga ay weird siya. Nagbago ang tingin ko sa kanya kahit paano.


"Hija, makati kasi talaga ang likod. Pwede mo bang ililis pataas ang damit ko at saka kamutin ang balat ko?"


"Sige po." Inililis ko pataas ang shirt niya. Namilog ang mga mata ko sa aking nakita.


Agad din akong napaatras dahil sa kakaibang amoy na nakakasulasok.


Oh, God. Bakit puro kalmot ang likod niya? At may mga malalaking sugat siya na nagnanana at tila–


nabubulok na!


...


"MAGANDANG araw po." Ngumiti ako sa babaeng nadatnan ko sa storage room sa basement. Inutusan kasi ako ni Lola Soler na salubungin siya.


"Magandang araw." Bati ng ginang matapos magpunas ng pawis. "Bago ka dito?"


"Bakasyonista po." Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang bitbitin ang mga karne. Inilagay namin iyon sa freezer.


"Ako si Belen," pakilala niya. "Ako ang tagadala ng stocks dito nila Don Saul."


"Tuwing kailan po kayo nagdedeliver ng stocks?"


"Every week. Kaya lang mabilis maubos ang karne nila nitong mga nakaraan na buwan. Kaya tuwing ikatlong araw ay nagdedeliver na ako." Napatingin siya sa isang basket ng mga prutas. "Nabubulok na ang mga prutas nila."


"Hindi po yata sila mahilig sa prutas."


Napapailing siya. "Iyon nga ang nakakapagtaka. Pitong taon na akong nagdedeliver sa kanila pero ngayon lang nangyari ito."


"Ano pong ibig nyong sabihin?"


"Mahilig si Don Saul sa mga prutas. Mas marami nga ang delivery ko dati ng mga prutas kaysa sa karne noon."


Pilit akong ngumiti sa kanya. "Baka po nagbago na sila ng panlasa..."


"Baka nga. Mas hilig na nila ang karne ngayon." Nagsulat siya sa isang resibo.


Napatingin ako sa bota niya. "Ang ganda naman po ng bota nyo." Kulay puti iyon may may disenyo.


Napangisi siya. "Para kang si Donia Soler. Laging pinupuri ang bota ko." Inabot niya sa akin ang resibo.


Kinuha ko iyon.


"Pakibigay na lang ito kay Don Saul, ha?"


"Sige po."


Palabas na siya nang balikan niya ako. Lilinga-linga siya sa paligid. "Siya nga pala. Pwede mo bang itanong kay Don Saul kung bakit hindi na sila lumalabas ng mansyon?"


"Po?"


"Hindi ko na kasi sila nakikita. Dati kasi ay sinasalubong nila ako. At dat-rati'y palagi silang nakatambay sa labas ng bahay... nakakapanibago lang."


Tumango ako. "Sige po."


"Saka wala ba silang balak ipalinis ang lawn? Ang dumi na, e. Kahit itong bahay, ang dumi at luma na. Parang biglang pinaglumaan ng panahon."


"Hindi ko po alam, e..."


"Oh, siya. Aalis na ako. Sa Linggo na lang ulit, ha?" Inihatid ko siya sa labas.


Sakto namang paglabas namin ng gate ay natanaw ko si Lola Soler sa terasa. Malayo nga lang siya sa amin.


"Hayun po si Lola Soler, oh." Inginuso ko ang matanda.


Tinanaw iyon ni Aling Belen.


Nakatayo lang si Lola Soler sa terasa habang nakatingin sa amin. Nakaitim siyang dress na lampas hanggang paa ang laylayan. At ang buhok niya ay nakabuhaghag ngayon. Kung hindi ko siya kilala ay baka natakot ako sa itsura niya. Pero sanay na ako kaya okay na sakin na makita ko siya nang ganoon.


"Aling Belen?" tawag ko sa ginang. Paano'y tila napatigagal ito nang makita ang matanda. "Aling Belen, bakit po?"


"A-alis na ko, hija." Nagmamadali siyang maglakad.


Hinabol ko siya. "Aling Belen, hindi nyo po ba babatiin si Lola Soler?"


Nilingon niya lang ako habang namumutla siya. Hindi ko malaman sa kanyang mga mata kung titingin pa sa matanda. Bakas sa mukha niya ang labis na takot.


"A-Aling Belen?"


"A-aalis na ko!" Tinalikuran niya na ako. Halos patakbo siyang lumayo sa akin at kamuntik ng matalisod.


Anong nangyari? Akala ko ba ay gusto niyang makausap ang matatanda. Pero bakit nagbago ang hitsura niya nang makita si Lola Soler?


Nang lingunin ko muli sa terasa si Lola Soler ay wala na ito.


...


ANO KAYA IYON?


Bakit parang may naririnig akong tumatawa? May naririnig akong naguusap sa ibaba.


Maingat akong lumabas ng kwarto. Hapon na nang mga sandaling iyon at palubog pa lang ang araw.


Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Pinuntahan ko ang kusina dahil doon ko naririnig ang mga boses na tila nag-uusap.


Nang malapit na ako dito ay sumilip ako. Natanaw ko si Lola Soler na nagsasalita. Nakikita kong tumatango siya. Mayamaya ay iiling na parang may hindi nagustuhan.


Sino kaya ang kausap niya?


Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita kung sino ang kausap niya?


Nagulat ako nang bigla siyang nagdabog. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Galit na galit na siya sa kausap niya. Nanggagalaiti siya. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Parang ibang language.


Latin yata?


Ang bilis. Ang bilis niyang magsalita!


Basta parang may pinapagalitan siya.


Ilang sandali pa'y humalakhak na naman siya. Napapadyak siya habang tumatawa. Umuuga ang balikat niya.


Lumipat ako ng pwesto. Sinilip ko siya sa anggulong makikita ko ang kinakausap niya. Nangilabot lang ako nang makita ko siya nang derecho.


Diyos ko! Si Lola Soler lang ang nandito, walang ibang tao!


Wala siyang ibang kausap kundi ang sarili niyang anino sa dingding!


Mabilis akong napayuko nang lingunin niya ako.


Nakita niya kayo? Nahuli niya kaya na nakasilip ako?


Tagaktak ang pawis ko. Parang magigiba ang dibdib ko sa kaba dahil sa sobrang takot.


Anong gagawin ko? Paano kung puntahan niya ako dito sa aking pinagtataguan?


Humugot ako nang malalim na paghinga. Nawala nang bahagya ang kaba ko nang hindi ko na naririnig na nagsasalita siya. Marahan kong inangat muli ang aking ulo para silipin siya.


Dahan-dahan.


Dahan-dahan.


Shit! Nasaan na siya? Biglang siyang nawala?


May mainit na hiningang dumampi sa aking batok.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

566K 16.9K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
186K 5.5K 19
Huwag na 'wag kayong didikit sa kanya... Dahil baka bukas ay ikaw na ang susunod na igagarapon nya.. Handa na ba kayo sa susunod na makakalaban ni An...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 47.9K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
131K 9.9K 74
A Paranormal-Love Story *** Sa mundong lahat ay posible. Harapin ang takot. Tuklasin ang natatagong lihim. Sa mga katanungan na hahanapan ng kasag...