Zombinoy Book 1

By Pelikomiks

2.3K 100 17

Isang zombie virus ang lumaganap sa kalakhang Metro Manila, at nanganganib na kumalat sa buong Pilipinas. Sa... More

Introduction
Chapter 1: Si Paulo at Clara
Chapter 2: Ang Presidente
Chapter 3: Nasan na'ng mga tao?
Chapter 4: Isang Mahalagang Pagpupulong
Chapter 6: Isang Virus
Chapter 7: You're So Fucking Dead
Afterword

Chapter 5: Zombie Dito, Zombie Doon

200 6 9
By Pelikomiks

Meanwhile sa Pampanga, patuloy ang paglalakbay nila Paulo at Clara sakay sa Toyota Fortuner pauwi ng Manila. Tila pansamantala nilang nakalimutan ang mga nagdaang pangyayari—ang mountain resort, ang nakasalubong na convoy, dahil ang topic of conversation nila'y walang kinalaman sa mga ito.

"Pwede bang 'wag na natin pag-usapan 'yan?" daing ni Paulo.

"'Wag pag-usapan? But, we have to do something about it," sambit ni Clara. "At least try harder. Magso-soften up din siya sa 'yo."

"Si General? Ano 'yan, joke?"

Matagal nang nag-give up si Paulo na makakasundo pa niya ang daddy ni Clara. May insidente noon na may binitawang masasakit na pananalita ang General tungkol sa pagkatao ni Paulo, na sobrang ikinasama ng loob niya. Simula noon ay hindi na siya nagpakita sa General, maging sa asawa nitong si Linda, maliban sa mga kapatid ni Clara na sina Carlo at Cindy na botong-boto sa kanya. Madalas niyang kumustahin ang mga ito sa Facebook. Sinabi na lang nila na nag-break up sila. One year na ang lumipas, secretly na lang silang nagkikita.

"'Di ako gusto ng daddy mo, okay? Ang gusto n'ya 'yung tinyente! Pareho silang military e," patuloy ni Paulo.

"Well, because Allan seems to have a plan."

"At ako? Wala? Kung nakapagsundalo lang sana ako, baka best friends na kami ngayon ng daddy mo. Kaso, hindi—e 'di ko nga natapos ang ROTC e! Kaya sorry na lang ako!"

Malakas ang boses ni Paulo. Bihirang tumaas ang boses niya sa harap ni Clara. Maging siya'y nagtataka sa inasal. Tahimik na lamang siyang magmamaneho.

Maya-maya'y maririnig ang mga singhot ni Clara. Sniff. Sniff. At sniff pa.

"Shet," buntong-hininga ni Paulo. "Clara naman. Sorry na. Sorry na, okay?"

Hawak ni Clara ang tissue, pinupunasan ang sipon.

"We've been going out for like (sniff) 5 years and 4 months and (sniff) 6 days. Gusto ka naman (sniff) ni Mommy. Lalo na ng mga kapatid ko," hikbi ni Clara. "I mean, ang (sniff) tagal na ng relationship natin, pero (sniff) bakit parang walang pinupuntahan? Do you (sniff) even have plans for us?"

Kukunot noo ni Paulo. This time, dahil tinatamaan siya ng guilt.

"Sabi mo naghihintay ka lang ng tamang pagkakataon," patuloy ni Clara. "What the fuck are you waiting for? A message from God? The end of the world? This relationship Paulo, it's running on empty."

"Kelangan nating magpa-gas," sagot ni Paulo.

"That's what I'm saying..."

"I mean, empty na 'yung gauge e."

Nakatingin si Paulo sa fuel gauge ng sasakyan. Nagbi-blink na ang red warning sign. Sisilipin ito ni Clara at tatango.

"Ah, okay, sige."

***

Mags-swerve ang Toyota Fortuner papasok ng gas station. Nakailaw pa ang right signal nito. Malayo pa lang ay feel na nila na walang tao sa paligid. Wala ni isang gas attendant. Walang ibang customer. May isang sasakyang nakaparada, pero, mukhang sinadyang iwan ito, malamang at hindi umaandar, patunay ang nakataas na hood.

Nagkalat ang basura sa mga nakataob na thrash bins. Mga papel na hinahangin, empty plastic tubes ng langis, timba, squeegee. May isang gas pump na naiwan sa sahig.

"Mukhang walang tao," pansin ni Paulo.

"What? Baka may strike..."

"O me laban si Pacquaio."

Paparada sila sa tapat ng isang gas pump.

"Look! Bukas naman ang mga pumps."

Tama si Clara, may ilaw ang mga gas pumps.

"Yes, makakalibre ng gas," ngiti ni Paulo.

Bababa sila ng sasakyan, habang pinagmamasdan pa ang paligid. Hoping na biglang may susulpot na tao at makakahinga sila ng maluwag. Hindi na nila nagugustuhan ang mga nangyayaring magkakasunod na ka-weirduhan. Pero, wala talagang tao. Kaya't ang point of interest ni Clara ay ang convenience store ng gas station. Tingin niya, kung may tao man, malamang naroon sa loob, nagtatago or whatever.

"Tara, baka sa loob may tao," lalakad si Clara tungo ng convenience store. "Makabili na din ng mineral water. And maybe, some chips."

Pero, may ibang concern si Paulo. May kakaiba siyang nararamdaman...sa tiyan.

"Paulo, let's go!"

"Ah eh, sunod ako. Mag-CR lang ako."

Mai-spot-an niya ang CR na nasa may dulo ng gas station, katabi ng sirang air hose at gripo ng tubig. Magmamadali siyang tutungo doon. Lakad na pang-walkathon.

***

Madilim ang loob ng convenience store. Pumipitik-pitik ang pundidong fluorescent lights. Malaki din ang loob, may ilang aisles ng paninda at sa wall, ang freezer ng mga drinks. Expected na ni Clara na magulo sa loob. Nagkalat ang mga paninda sa sahig: mga bag ng chips, candy at chocolate wrappers at mga basag na bote.

"HELLOOOO!" sigaw ni Clara. Sa isip niya, "What a fuckin' mess! They should fire the people here."

Iiwasan niyang may maapakan na kalat at matalisod sa gugulong na de lata. May isang shelf na nakatumba na, na kanyang iikutan. Pagdating ni Clara sa mga freezer ay bukas ang mga pinto nito at halatang ni-ransack na. Nagtumbahan ang mga bote at cans sa loob. Ang iba'y nabuksan at tumulo ang liquid sa sahig. Kukuha ng bottled water si Clara.

"Great. Iniwan nilang bukas ang pinto. Hindi tuloy malamig itong water!" angal niya. "I should file a complaint and..."

Matitigilan siyang bigla. May naririnig siyang ingay...kaluskos...hindi siya sure. Parang sound na gawa ng pag-higop.

FHLUURRPP. SHLUURRPP.

"He-hello?" may nginig sa boses ni Clara.

Nanggagaling ang tunog mula sa likod ng pay counter.

FHLUURRPP. SHLUURRPP.

"Hello?"

Dahan-dahang lalapit si Clara sa counter. Nagkalat ang mga panindang sigarilyo, candy at condom doon. Nakabukas ang drawer ng cash register at baryang biente-singko lang ang natira. Kumikislap-kislap ang fluorescent lights sa banda doon.

FHLUURRPP. SHLUURRPP.

"Hello?"

Ilalapat nii Clara ang mga kamay sa counter para sumilip sa loob. Kumakalabog ang dibdib niya.

FHLUURRPP. SHLUURRPP.

Dudungaw siya over the counter at manlalaki ang mga mata sa makikita sa sahig.

Nakahandusay ang bangkay ng lalaki—isang mekaniko na naka-overalls. Nakatirik mga mata at nakaluwa ang mga bituka—na siyang kinakain ng isang babae—ang store clerk, kulubot ang mukha nito, naagnas ang balat na may mga nana, ang mata'y kinatarata—isa siyang zombie.

Dadakmain ng babaeng zombie ang lamang loob ng lalaki at ilalapit sa mukha na para bang naghihilamos. At kanyang isusubo ang mga bituka. Pagkatapos ay kukunin niya ang braso at kakagatin na parang bang kumakain ng chicken leg. Sisirit ang dugo.

FHLUURRPP.

Matutulala si Clara sa nasasaksihan.

***.

Samantala, sa cubicle ng Men's CR, tahimik na nagco-concentrate si Paulo sa pagjebs. May nakita siyang tabloid sa may tiles sa paanan ng toilet bowl na kanyang dinampot at binabasa sa kasalukuyan—ang kanyang horoscope.

"Sagittarius: isang mahalagang pagpapasya ukol sa iyong lovelife ang kailangan mong pagtuonan ng pansin. Bagama't may malaking hadlang, dapat mong sundin ang isinisigaw ng puso mo."

Hihinto siya sa pagbabasa para bigyang daan ang pagdudumi.

FHLUURRPP.

At magpapatuloy muli, "Ikaw lamang ang makakapagsabi kung ano ang tunay mong nararamdaman. Sa kahuli-hulihan nasasaiyo pa rin ang desisyon."

Mapapaisip si Paulo. Parang tumpak ang hula. Kukunin niya ang iPhone sa bulsa at ida-dial.

DIIIT. DIIIT. DIIIT.

The number you're calling is unattended or out of coverage area. Please, try again later.

May konting kaba na hindi nakasagot ang tinawagan niya, at paghihinayangan na din na hindi niya nakausap. Pakiramdam niya'y ito lang ang pagkakataon niya at sumablay pa. Hindi siya mapakali. Mapapabuntong-hininga na lamang, "Shet," sabay:

FHLUURRPP.

Magro-rolyo siya ng tissue paper at magpupunas, tapos ay tatayo at magsasara ng zipper. Nakaraos na siya nguni't may malaking problema—hindi gumagana ang flush ng inidoro.

KLANG. KLANG. Walang laman ang water tank.

"Shet. Sira ang flush. Pano kaya ito?"

Biglang may malakas na bayo sa pintuan ng cubicle.

BLAG! BLAG!

"A...e...me tao," hudyat ni Paulo, making his presence known.

BLAAAGG!

"Anak ng...pare, 'di pa ko tapos!" galit na sabi ni Paulo. Pero, mas lalakas pa ang hampas sa pintuan.

"BLAAAGGG!"

"Tsong! May umeebak pa dito!" sigaw niya at sa inis ay bubuksan na lang ang pinto, "Bahala ka. 'Di ko ifu-flush 'yan."

'Pag pihit ni Paulo ng lock ay bubukas agad ito at dadambahin siya ng isang zombie na gas boy.

"RAARRSSHH!"

"GYAAAAHHHHH!!!" gulat na hiyaw ni Paulo.

Inaabot ng kagat ng zombie ang leeg ni Paulo. Buti na lang at naiharang niya ang kanyang kanang braso na tinutukod niya sa leeg ng zombie at ginagawang panangga sa naglalaway na mga ngipin nito. Nanlilisik ang mga mata ng zombie, nananagpang sa matinding gutom.

"RAARRSSHH!"

Tuloy pag hiyaw ni Paulo.

"AAAAAAAAAAAAHHHHHH!"

Kasabay ng extended niyang hiyaw, ay ang paggamit niya ng dalawang kaliwang daliri para tusukin ang mga mata ng zombie. SPLOKK! Mapapaatras ang nagulantang na zombie sa biglang kawalan ng paningin, sabay sisipain ni Paulo ito palabas ng cubicle.

"RAAAARRRRHHHH!"

Hindi alam ng zombie kung saan siya paparoon, dahil ang dalawang eyeballs niya ay nawawala.

"RRRHHH."

"Shet. Tsong, sorry, reflex lang. O-okay ka lang?" nagpapasensyang sabi ni Paulo sa zombie na hindi niya agad na natanto na hindi na pala normal na tao. Kanya pa itong lalapitan para tapikin para humingi ng pasensya. Pero, biglang may mararamdaman siyang hindi kanais-nais. May something sa kaliwang kamay niya. Itataas niya ito at mandidiri—ang dalawang eyeballs ng zombie ay nakatuhog na parang squid balls sa mga daliri niyang pinantusok sa mata ng zombie.

"YAAAAHHHHHHH!!!" gulat niyang sigaw.

***

Dahan-dahang aatras si Clara mula sa pay counter, nag-iingat na hindi makagawa ng kaluskos para ma-alarma ang babaeng zombie.

FHLUURRPP. SHLUURRPP.

"What...the...fuck?..." bulong ni Clara sa sarili, habang marahang suma-side step.

Nang biglang aangat ang ulo ng babaeng zombie mula sa counter at nanlilisik na nakatingin kay Clara na parang asong bubuwelo ng atake.

RRRHHH.

"FUUUCCCK!"

Biglang tatayo ang zombie at susugod kay Clara.

"RAAARRRHHH!"

Kakaripas ng takbo si Clara, pero matitisod siya sa isang mahabang bakal at matutumba sa sahig.

"Fuck!"

Masakit ang ankle ni Clara, hindi siya agad makatayo.

"Fuck!"

Paglingon niya'y nariyan na ang babaeng zombie na parang asong ulol.

"Fuck!"

At dadambahin siya nito.

"RAAARRRRRSSSSHHHH!"

Mapapasigaw si Clara, "AAAAAAAAAHHHHHHHH!"

Maaabot na siya nang biglang may pupukol sa ulo ng babaeng zombie at tatalsik ito palayo.

Makikita ni Clara na hawak ni Paulo ang porselanang takip ng water tank ng inidoro at nagka-crack ito dahil sa malakas na pagkakahampas sa babaeng zombie.

"Paulo!" nakahinga ng maluwag si Clara.

Nguni't sandali lang, pagka't tumatayo na muli ang babaeng zombie bagama't naka-twist ang ulo nito pakabila. Ang leeg ay pulupot at maririnig ang pag-crack ng mga buto nito habang gagapang papalapit sa kanila.

"RRRHHH..."

Tutulungan makatayo ni Paulo ang girlfriend.

"Kailangan na nating umalis..."

"I know," agree ni Clara.

Sabay silang lalabas ng convenience store at makikita na may ibang mga zombies na ang nagkalat sa labas.

"Fuck! Andami nila! Ano'ng gagawin natin?" ninenerbyos na tanong ni Clara.

Hahawakan ni Paulo sa kamay si Clara, at:

"Takbo! Bilis!"

Pipindutin ni Paulo ang button ng auto lock ng kotse para buksan ang pinto.

TWEET! TWEET!

Nguni't hindi nakatulong ito sa sitwasyon, dahil lalo lang napansin sila ng mga zombies at nagsisilapitan na. Pati na ang mga nasa malayo.

"Sakay dali!" sigaw ni Paulo.

Sasakay ang dalawa at i-lo-lock agad ang mga pinto. At the same time, mapapalibutan na ang Toyota Fortuner ng sangkaterbang zombies. Nanlilisik, naglalaway, nakakatakot ang mga hitsurang naagnas na balat, ninananang mga sugat at mga matang namumuti sa katarata. Dinadamba nila ang kotse, hinahampas ng kamay at ulo ang mga windshield, may sumasampa pa sa hood.

"They're all around us! Let's go!" sabi ng nagpa-panic na Clara.

I-start ni Paulo ang makina, pero bigla siyang matitigilan.

"What the fuck are you waiting for?," ang pagtataka ni Clara. "Run these fuckin' zombies to the ground!"

May litong-look si Paulo.

"Zombies?! Sinong may sabing zombies sila?," sabi niya. "Pano kung sabog lang sila? O high sa gasolina?"

"Serious ka ba?!" nakangangang tanong ni Clara.

Serious si Paulo. May pinanghuhugutan kasi siya. About 5 or 6 years ago, may nabangga kasi siyang lalaki habang pauwi siya ng gabi galing sa inuman. Sa isang madilim na highway, hindi niya nakita ang tumatawid na pulubi at nahagip niya ito. Hindi naman niya tinakasan, kundi'y huminto pa siya para tignan ang lagay ng lalaki. Nilapitan niya ang nakatumbang pulubi na akala niya'y patay na, pero bigla itong nagsisisigaw at nagmumura, at nagawa pang makatayo para dagdagan pa ang mura sa kanya, although paika-ika. Sa takot ni Paulo ay hinagisan na lang niya ng 1k ang lalaking pulubi para pampagamot.

Makaraan ang dalawang linggo at napadaan uli siya sa same highway at habang nakahinto sa stoplight ay laking gulat niya nang lumapit ang lalaking pulubi na nabangga niya at kumatok sa bintana niya para mamalimos. Kahit itago ni Paulo ang mukha niya'y hindi naman siya namumukaan. Inabutan niya ng barya at lumakad papalayo ang lalaki—na tila paika-ika. Nang silipin niya sa side mirror, nakita niya na putol ang isang paa nito at gumagamit ng saklay para maglakad.

Simula noon, hindi matanggal sa isipan niya kung siya ba ang may kasalanan sa pagkaputol ng paa ng pulubi. O sadya ba talagang putol na ito dati pa. Nagkaroon siya ng trauma na makabagga muli ng tao.

Pero, balik tayo sa hinaharap, dahil nag-aapoy na sa galit si Clara. At dumarami na ang nakapalibot na mga zombies.

"I swear, Paulo. If you don't drive this car now, I'll fuckin' burn all your comic books! Sell all your toys and throw away your basketball cards!" warning ni Clara.

Trauma o hindi, ibang usapan ito.

"Pero..." sabi ni Paulo.

"Run over these fuckin' zombies or I'll never have sex with you again!" sigaw ni Clara.

Yes, ibang usapan na ito.

Ikakambyo ni Paulo ang sasakyan at ihaharurot ito.

VROOOOOOMMMMM!!!!

Magtatalsikan ang mga zombies. Sigurado siyang may nagulungan pa siya, pagka't ramdam ni Paulo na parang napadaan siya sa humps. Mabilis na tatakbo paalis ang Toyota Fortuner mula sa gas station, papunta sa mahabang highway.

Sa horizon, palubog na ang araw.

Continue Reading

You'll Also Like

24 5 4
Renxia was betrayed by her friend, Verica. She didn't know that her boyfriend was cheating on her and was only using her because of her company. She...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48.1K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
57.8K 5.2K 65
Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristello na mukhang pera ang dormmate slash bes...
6.2M 269K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...