Zombinoy Book 1

By Pelikomiks

2.3K 100 17

Isang zombie virus ang lumaganap sa kalakhang Metro Manila, at nanganganib na kumalat sa buong Pilipinas. Sa... More

Introduction
Chapter 1: Si Paulo at Clara
Chapter 3: Nasan na'ng mga tao?
Chapter 4: Isang Mahalagang Pagpupulong
Chapter 5: Zombie Dito, Zombie Doon
Chapter 6: Isang Virus
Chapter 7: You're So Fucking Dead
Afterword

Chapter 2: Ang Presidente

265 7 0
By Pelikomiks

Maulap na kalangitan sa may Visayas Region. Isang eroplano ang lumilipad sa ere.

Nakadungaw sa bintana ang lalaking nakasalamin. Nasa kanyang late 40s, maayos ang hitsura, siryoso ang karakter. Malalim ang iniisip at malayo ang tanaw, kung kaya't hindi niya gaanong naririnig ang paguusap ng mga kasamahan.

"Inevacuate na naming lahat ng foreign dignitaries at nationals. May mga arrangements na para sa iba pa."

"Na-mobilized na din ang Armed Forces at na-activate ang reserves."

"Panalangin natin na kayang kontrolin ng pulisya ang sitwasyon sa pansamantala."

"En-route ngayon si Major General Mon Marzan papuntang Ground Zero para magtake-charge sa evacuation."

"May special instructions ka ba para kay General Marzan?"

Ang tanong ay naka-direkta sa lalaking nakasalamin, nguni't tila hindi niya ito narinig.

"Dok?"

Tinatawag siya ng katabi.

"Dok?"

Hindi pa rin siya natitinag.

"Mr. President!"

Matatauhan ang lalaking nakasalamin at lilingon sa katabi.

"Gil..."

Antonio Menandro ang pangalan ng lalaking nakasalamin. "Dok" sa malalapit niyang mga kaibigan, at "Mr. President" sa nakararaming mamamayan ng Pilipinas.

"Dok, Okay ka lang?"

"O-oo," sagot ng Presidente.

Nakaugalian ng President ang magsuot ng checkered polo na may dark blue na jacket sa ibabaw, dito siya kumportable. Bago maging president ay licensed doktor siya ng kanyang lalawigan, mild-mannered at down to earth—mga katangian kung kaya siya nahalal.

Katabi niya si Gil Gomez, ang Secretary of National Defense. Sa kanyang late 50s, matagal nang nagseserbisyo si Gil sa pamahalaan. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ng Presidente, kung kaya't silang magkatabi ngayon.

"May instructions ka ba para sa NCR Command Chief?" pag-ulit ni Gil.

"Y-yes," sagot ng Presidente. "Sabihin mo kay Mon to get hold of Lt. Allan Corpuz. He's the one he needs to be looking for his daughter."

Bigla, mula sa overhead speakers, maririnig ang boses ng piloto.

"Good afternoon. This is your Captain speaking. In a little while we will be landing on Cebu International Airport. We thank you for choosing Sunny Air as your airline of choice. We hope you enjoyed your flight and hope to see you again in one of your future destinations."

Walang bahid ng panic ang boses ng piloto.

"Like everything's normal," muni ng Presidente.

Mula sa harapang upuan ay lilingunin sila ng matandang Amerikano.

"Gentlemen, in a major crisis, it is better to keep the appearance of normalcy to keep our heads in place, that way, we can say that all decisions made came from a sound mind and not under duress," ang sabi ng kano, "or else, as we Americans would say, we'd go bonkers."

"Johnny, that is good advice," balik ni Gil.

"Why, thank you, Mr. Defense Secretary."

Johnny "J.J" Jones ang pangalan ng Amerikano. Nasa kanyang 60s, siya ang Chief Advisor ng Presidente. Nationalized Filipino si Johnny at nagsilbi na rin sa ibang gabinete sa sari-saring posisyon. Malakas ang hatak niya sa U.S. kung kaya't lagi siyang naa-appoint. Bukod don, kahawig niya si Peter Cushing.

"Have you talked to Linda?" tanong ng Presidente kay J.J.

"Right now, the First Lady is giving her a better pep talk than I could possibly. I do wish they find the girl sooner, because gentlemen, "soon" may not be enough."

Magkakatinginan ang tatlo. May kaba sa mga dibdib na kanilang isinasarili. Napilitan silang lumikas ng Malacanang dahil sa banta ng krisis, at ilipat ang seat of government sa Cebu. Pansamantala lamang kung papalarin, habang hinahanapan nila ng agaran at epektibong solusyon ang problemang hinaharap.

Sakay din sa eroplano ang ibang miyembro ng gabinete at iba pang mga government officials. Lulan din ang asawa ng Presidente na si Diana, the First Lady, na katabi't kausap si Linda Marzan na asawa ni General Marzan—parents ni Clara. Naroon din ang dalawang batang kapatid ni Clara na sina Carlo, 12 years old at Cindy, 10.

***

Kakalanding lang ng eroplano sa Cebu International Airport at nagbababaan na ang mga sakay nito. Magkakasamang naglalakad sa Arrival Terminal sina President Menandro, Diana, Linda, at iba pa. Sa magkabilang bahagi nila'y mga naka-barong na PSG men, complete with ear pieces, dark shades at matatapang na pagmumukha.

"Ano bang sabi sa iyo?" tanong ni Diana kay Linda.

"Sabi niya maga-out-of-town with friends. Pero, wala ni isang friend niya ang may alam kung nasaan siya. At hindi niya sinasagot ang phone," ang alalang sabi ni Linda, "Hindi namin siya ma-contact. I don't know, baka low-batt or something. Or baka...baka me nangyari na sa kanya!"

Halos maiyak na si Linda.

"I'm sure Clara's okay," sabi ni Diana. Butihing maybahay ang First Lady, may comfort sa kanyang boses. May hitsura siya, mahaba ang buhok at may postura. Bagama't wala silang anak ng Presidente, alam niya ang dinarama ni Linda bilang ina.

"Sana nga, Diana."

"By now, alam na niya ang nangyayari sa bansa and have steered clear of danger," sabi ni Diana, "Look, kung somewhere in the province siya and she's out of the city, that only means ligtas siya."

"Kung mako-kontak lang sana natin siya."

"Baka naman...," panimula ni Diana, "Have you tried calling Paulo?"

"Paulo? One year na silang nag-break. And besides, hindi ko alam ang number ni Paulo," daing ni Linda. Maamo ang mukha ni Mrs. Marzan, katangian ng mapag-arugang ina. Kaya ganon na lang pag-aalala niya kay Clara.

Magkakatinginan ang dalawang batang si Carlo at Cindy nang madinig ang tungkol sa break-up. Para bang may alam sila na lingid sa kanilang ina.

"Don't worry, Linda. Pinatawag na ni Tonio si Allan. It won't be long, mahahanap nila si Clara."

Lilingon sa kanila ang Presidente na nauuna sa kanilang naglalakad.

"We'll use all resources para mahanap siya. I assure you, we'll find Clara."

"Salamat, Mr. President."

Sa dulo ng terminal ay may naghihintay na babae sa kanila, na may escort na dalawang PSG. Sasalubungin sila nito at babatiin.

"Welcome, Mr. President."

Magkakamay sila.

"Madam Vice-President," ang balik ng Presidente.

Helen Jocson ang pangalan ng babae. Nasa kanyang late 40s at siyang Vice President-elect ng bansa. May dating ang bise, maganda't maputi, haircut ala-Hillary Clinton, may air of sophistication at higit sa lahat, intilehente.

"You may want to kick off the jet lag before we proceed," suggest ni Helen.

"Lets start the meeting now, Helen. Wala na tayong oras," ang mariing sabi ng Presidente.

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 608K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
475K 30K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
55.7K 7.3K 73
Once upon a time, the story never started... Red Ridinghood was expecting death. But it looks like fate gave her something worse than that---being dr...