ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 19: CHASING MEMORIES

513 35 17
By angelodc035

Biglang nilukuban ng nakakasilaw na liwanag si Odessa hanggang sa puro liwanag na lamang ang kanyang nakikita. Sinalubong siya ng malakas na hangin na tila inililipad siya nito at hindi na makontrol ang katawan niya para pigilan ang nangyayari sa kanya.

Nakarinig siya ng mga papalakas na boses. Iba't-ibang boses ng mga taong maaaring may kaugnayan sa kanyang buhay. Hanggang isang mukha ng napakagandang babae ang bumungad sa kanya. Isang babae na nakasuot ng puti at mahabang damit na inililipad ng may kalakasang hangin. May mga luha sa mga mata nito at may sinasabi ang babae sa kanya na hindi niya maintindihan. Hawak ng babae ang iilang hibla ng kanyang alaala na inilalagay nito sa noo ng sanggol. Pagkalagay ng mga alaala ay doon niya naintindihan na ang babaeng iyon ay ang kanyang tunay na ina...

...si Reyna Baguinua.

Inilagay ni Reyna Baguinua ang iilan sa kanyang mga alaala sa kapapanganak pa lang na sanggol na babae na si Odessa para hindi niya ito makalimutan ang ina, lalo na ang napakagandang mukhang iyon na kanyang namamasdan. Mukha ng isang inang kayang isakripisyo maging ang sariling buhay para sa anak. Mukha ng isang dakilang ina na punong-puno ng pag-ibig para sa pinakamamahal na anak.

Pagpasok ng mga hibla sa kanyang noo ay tila may nagbukas ng pinto sa kanyang harapan at doon ay ang kanyang alaala.

Biglang nakita ni Odessa sa kanyang sarili sa mga pangyayari mula sa alaala ng kanyang ina kung saan nagsimula ang lahat:

Halos kapapanganak lamang sa kanya ng mga oras na iyon at itinakas siya ng kanyang ina sa kanyang ama na si Haring Khalil, ang kauna-unahang mortal na naging hari sa kaharian ng Elitheria sa isla ng Murcia.

Nais siyang patayin ng sarili niyang ama nang malamang ang sarili niyang anak ang magpapabagsak sa kanyang kaharian at papatay sa kanya. Nababaliw na raw ang hari, yan ang balita sa kaharian kaya nais niyang ipapatay at ipakain sa Sigbin ang kanyang kakapanganak pa lang na panganay na hindi pa nabibigyan ng pangalan ng mga sandaling iyon.

Inutusan ni Haring Khalil ang kanyang tapat na kawal na nakawin ang sanggol na si Odessa sa kanyang inang reyna habang ito ay natutulog. Dadalhin nila ang sanggol sa kagubatan para patayin at ipakain ito sa mga naglipanang mga sigbin roon.

Mabilis namang tumalima ang kawal at tinungo kaagad kung saan naroroon ang sanggol. Sa kuwarto sa may ikalawang tore ng palasyo naroroon at nagpapahinga ang kakapanganak lang na si Reyna Baguinua. Sa kabilang bahagi ng tore ay naroroon sa kanyang kuna ang mahimbing rin na natutulog ang sanggol na si Odessa.

Hawak ang matalim na espada ay palihim na pumasok sa kuwarto ang kawal at kaagad na tinungo kung saan natutulog ang Reyna na si Baguinua.
Nanginginig ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa kanyang patalim ang kawal habang minamasdan ang kanyang Reyna na mahinang-mahina pa dahil sa panganganak. Alam niyang walang kalaban-laban ang Reyna sa kanyang gagawin dahil hindi pa nito kayang gumamit ng kapangyarihan.

Nanginginig na ipinatong ng kawal ang kanyang kamay sa balikat ng Reyna. Alam nito na labag sa kanilang batas na hawakan ang kahit na aling parte ng katawan ang kahit na alin man sa mga dugong maharlika sa kanilang kaharian lalo na ang kanilang reyna pero kailangan niyang gawin ito.

Tinakpan ng kawal ang bibig ng natutulog na reyna na naging dahilan para magising ito at mabigla sa ginagawa sa kanya ng kawal. Sisigaw sana ang mahina pang si Reyna Baguinua pero hindi na nito magagawa pa dahil sa pagtakip ng kawal sa kanyang bibig.

Manlalaban sana ang reyna ng inilagay ng kawal ang kanyang daliri sa harapan ng kanyang mga labi na tila nagsasabing huwag siyang sisigaw.

"...kamahalan, patawarin po ninyo sa aking kapangahasang gawin ito sa inyo. Pero kailangan na po ninyo umalis kasama ang sanggol na Prinsesa. " ang pabulong na wika ng kawal. "...huwag po kayong sisigaw mahal na reyna at aalisin ko ang aking kamay sa pagkakatakip sa inyong bibig. Saka ko na po sa inyo ipapaliwanag pero wala na po tayong oras kailangan ko na po kayong itakas dito sa palasyo. "

Dahan-dahang inalis ng kawal ang kanyang kamay sa pagkakatakip sa bibig ng kanyang reyna. Pagkaalis ng kamay nito ay naitulak siya ng malakas ni Reyna Baguinua.

"Jaed?! " ang napalakas na sigaw ng reyna sa kawal.

Yumuko si Jaed at nagbigay pugay sa kanyang Reyna.

"Anong ibig sabihin nito Jaed?! " ang galit na tanong ni Reyna Baguinua sa kawal.

"Patawad po mahal na Reyna. Wala na pong oras para ipaliwanag pa po sa inyo. Kailangan na po nating umalis ngayon na dito sa palasyo, papatayin ang inyo pong anak na sanggol ng inyo pong asawa." ang paliwanag ni Jaed sa tila hindi naniniwalang si Reyna Baguinua sa kanya.

"Hindi totoo yan Jaed! Isang malaking kasinungalingan yan! Alam mo ba kung ano ang naghihintay na kasalanan sa ginawa mo?"

"Magtiwala po kayo sa akin mahal na Reyna. Ang hari po mismo ang nag-utos sa akin na nakawin ang sanggol para patayin at ipakain sa mga gumagalang mga sigbin sa gubat." Ang tugon ni Jaed.

Kinilabutan lalo si Reyna Baguinua sa kanyang narinig at hindi pa rin ito makapaniwala sa tinurang iyon ng kanilang kawal.

"Hi...hindi, hindi totoo yan! Mahal ng asawa ko ang anak namin..."

"Pero mahal na Reyna..."

"Kasinungalingan yan! Hindi magagawa ni Khalil ang sinasabi mo. Hindi!" Ang depensa ng hindi makapaniwalang si Reyna Baguinua.

Parehong natigilan ang dalawa nang marinig nila ang papalapit na mga yabag na nagmumula sa papalapit na iba pang mga kawal ng palasyo.

"Nariyan na po sila mahal na Reyna. Wala na pong oras..." Ang pakiusap ni Jaed sa kanyang Reyna.

"Anong wala ng oras, kawal?!" Ang halos dumadagundong na sigaw ni haring Khalil na nakatayo na sa may pintuan ng kuwarto.

Napatingin sina Jaed at Reyna Baguinua kay Haring Khalil. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Reyna Baguinua ng mga sandaling iyon pero kailangan niyang alamin ang totoo.

Humarap si Reyna Baguinua sa kanyang asawa.

"Jaed, kargahin mo ang anak ko!" Ang utos ni Reyna Baguinua sa kawal. Pilit na pinipigilan ni Reyna Baguinua ang sarili sa harap ng kanyang asawa para alamin ang katotohanan sa tinuran ng kanilang kawal. "Sabihin mo sa akin ang totoo asawa kong hari."

Halos manlaki ang mga mata ni Haring Khalil sa narinig. Idinako niya ang kanyang paningin kay Jaed na kanyang inutusan niya para kuhanin ang sanggol na si Odessa.

"A...anong ibig mong sabihin mahal kong Reyna?" Ang tanong nito sa asawa.

Huminga ng malalim si Reyna Baguinua at tila may nakabara sa kanyang lalamunan ng sinubukan niyang sagutin ang tanong ng asawa.

Pinagpapawisan naman ng malamig si Jaed habang karga-karga nito ang sanggol. Alam niya sa isang kumpas lang ng hari ay buhay niya ang kapalit kaya marahan ay ikinubli niya ang kanyang sarili sa mga kurtina sa kuwarto ni Reyna Baguinua.

"Totoo ba na gusto mong patayin ang ating anak?" Ang tanong ni Reyna Baguinua sa asawa na pinipigilan ang maiyak.

Nagpakita ng pagkabigla ang hari sa tanong ng kanyang asawa. Ibinuka nito ang kanyang bibig para magsalita pero muli niya iyon itinikom at saka inilagay ang kanyang kanang kamay sa kanyang noo. Umiling-iling ito at pilit ang ngiting humarap sa asawa.

"Bakit ko naman gagawin iyan sa ating anak, mahal kong Reyna? Anak ko yan, dugo at laman. Mahal ko ang anak natin." Ang tugon ni Haring Khalil sa asawa. "...teka, bakit mo ako pinagbibintangan ng ganyan mahal ko?"

"Wa...wala, wala. Hayaan mo na lang yun, pa...pasensya na mahal kong hari." Ang wika ni Reyna Baguinua. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at tuluyang dumaloy ang sariwang luha mula rito. Huminga siya ng malalim at muling tinitigan ang asawa na ngayon ay nakangiti sa kanya.

"Kawal, dalhin mo sa akin ang aking anak. Nasasabik na akong kargahin ang aking prinsesa." Ang masayang wika ni Haring Khalil ng makitang karga ni Jaed ang kanyang anak. Iminuestra niya ang dalawang kamay nito na akmang kakargahin ang anak. Natigilan si Jaed at nagdadalawang isip na ibigay ang sanggol sa kanyang ama. Nananatili namang nakamasid si Reyna Baguinua sa kanyang asawa. Hindi nagsasabi ng totoo ang kanyang asawa. Kakaiba ang pintig ng puso nito. Alam niya ang bawat tibok ng puso ni Haring Khalil dahil matagal na rin niya itong kakilala.

May napansin si Reyna Baguinua sa suot na singsing ng asawa. Kumislap iyon pagtama sa liwanag na nagmumula sa nakabukas na bintana. May matulis na bagay sa singsing ng asawa na tulad ng karayom at siguradong may mabagsik na lason iyon.

Akmang iaabot na ni Jaed ang sanggol sa kanyang ama ng ikinumpas ni Reyna Baguinua ang kanyang kamay dahilan para tumilapon ang kanyang asawa at tumama sa pader ng kuwarto.

"Jaed! Itakas mo ang prinsesa dali!" Ang sigaw ng Reyna sa kanyang kawal.

Mabilis na sinunod ni Jaed ang utos ng kanyang Reyna para itakas ang sanggol na prinsesa. Pero nakita niya ang nanghihinang si Reyna Baguinua. Kailangan niya itong tulungan para itakas ang pinagsisilbihang reyna.

"Tumakbo ka na, kailangan mong iligtas ang anak ko. Kaya ko ang sarili ko!" Ang utos ni Reyna Baguinua kay Jaed. Nakatingin ang Reyna sa kanyang anak na sanggol. "Ingatan mo siya..."

"Hindi, mahal na Reyna. Aalis lang kami rito ng kasama ka."

"Pero..."

Hindi na nakuha pang ituloy ng Reyna Baguinua ang kanyang tugon nang itinayo siya ni Jaed at inalalayan sa pagtakas ang reyna.

Narinig nila ang pag-ungol ng Haring si Khalil mula sa pagkatama niya sa dingding ng kuwarto. Kasalukuyan na itong tumatayo at nakakabawi sa paggamit ni Reyna Baguinua ng kapangyarihan sa kanya.

Mabilis na inilalayang papalabas ng kuwarto ni Jaed ang Reyna. Paglabas nila ay naroroon ang ibang kawal ng hari kaya marahan nilang ikinukubli ang kanilang sarili sa mga poste ng palasyo.

Gagamitan sana ng kapangyarihan ni Reyna Baguinua ang pagtakas nila nang pinigilan siya ni Jaed. Batid ng kawal na wala pang sapat na lakas ang Reyna para gamiting muli ang kapangyarihan nito. Puwedeng ikamatay ni Reyna Baguinua ang paggamit nito sa kanyang kasalukuyang kondisyon.

Sa likuran ng napakalaking poste ng palasyo ay minabuti munang kunin ng Reyna ang kanyang anak na sanggol na mahimbing sa pagtulog. Pumunit naman ng ilang bahagi ng kurtina si Jaed para gamiting paglagyan ng sanggol sa dibdib ng Reyna.

Sa loob ng kuwarto ay mahilo-hilong tumayo ang Haring si Khalil at hindi ito makakita. Ginamitan siya ng kanyang asawa ng mahikang pansamantalang pagkabulag.
Kailangan niyang isagawa ang pagpatay sa kanyang anak kapalit man ang buhay ng kanyang Reyna sa pagprotekta dito.

Kahit hirap sa paglalakad si Haring Khalil ay nangangapa itong lumabas sa kuwarto ng Reyna para makarating sa bulwagan ng palasyo. Kailangan niyang mapigilan ang pagtakas ng kanyang mag-ina at ang kawal na si Jaed.

Pagdating niya sa hagdanang papunta sa bulwagan ay kailangan niyang utusan na ang kanyang mga kawal para hanapin ang kanyang mag-ina at patayin ang kawal na si Jaed.

"Mga kawal!" Ang sigaw ng hari mula sa hagdanan ng palasyo. Lahat ng mga kawal na nagbabantay sa loob ng bulwagan ay ibinaling ang atensiyon sa Hari. Patakbo namang umalalay ang punong kawal kay Haring Khalil. "Hanapin ninyo ang inyong Reyna at ang prinsesa dalhin sila sa akin ngayon din! Patayin ang taksil na si Jaed! Bilisan ninyo bago pa sila makatakas!" Ang dagdag pa ng hari.

Mabilis na tumugon ang mga kawal at nagkaroon ng tensyon sa loob ng palasyo para hanapin sina Reyna Baguinua at ang anak na sanggol nito.

Dumaan sina Reyna Baguinua at Jaed sa pinaka basement ng palasyo kasama ang natutulog pa na sanggol.
Madilim at hindi kagandahan ang kulob na amoy sa basement papunta sa isang lihim na pintuan papalabas sa ilog ng Eudhoria. Doon ay naghihintay ang tatlo pang kawal na naatasang tumulong sa kanila.

"Awen?!" Ang wika ni Jaed.

Nagbigay pugay sina Awen at ang dalawa pa nitong kasama na sina Yuri at Tatum.

"Mahal na Reyna. Salamat kay Bathala at ligtas po kayong nakarating dito. Ako po si Awen. Siya po si Yuri at siya naman po si Tatum. Mga kawal po kami sa loob ng palasyo." Ang pagpapakilala ni Awen sa Reyna.

"Alam din ninyo na gustong patayin ng asawa kong hari ang aming sanggol na anak?" Ang tanong ni Reyna Baguinua sa kanila.

Tumango lamang si Awen bilang tugon sa tanong ni Reyna.

"Isang propesiya ang binanggit ng manggagaway ng hari na ang anak na panganay po ng hari ang magpapabagsak at papatay sa kanya. Simula noon ay tila nagbago na ang hari at madalas wala sa kanyang sarili." Ang sabi ni Yuri sa kanilang Reyna.

"Hindi, hindi to maaaring mangyari. Kailan pa nagkaroon ng manggagaway ang aking asawa? Hindi kailan man sumasangguni ang mga Eudhorian sa mga kasabwat ng dilim tulad ng mga manggagaway." Ang halos hindi makapaniwalang si Reyna Baguinua.

"Kailangan na po nating umalis mahal na Reyna. Malapit na tayong matutunton ng mga kawal ng hari. Sa gilid ng ilog ay may naghihintay po sa ating lantsa at dadaanan natin ang mga kabundukang sakop ng Alaya at Adlaun bago po tayo makakarating sa kabundukang sakop ng Kaharian ng Elitheria." Ang sabi naman ni Tatum na siya ang naatasang magdadala sa kanila kay Mariang Makiling na kasalukuyang nasa kabundukan ng Elitheria.

"Mukhang matagal niyo ng alam ang planong pagpatay ng asawa ko sa aming anak?" Ang malungkot na tanong ni Reyna Baguinua sa kanyang mga kawal habang nagsimula na sila tunguhin ang lantsa sa pampang ng ilog.

"Mahal na Reyna, hindi ko po sinasadyang marinig ang usapan ni Haring Khalil sa kanyang manggagaway sa salamin tungkol sa propesiya. Hindi iyon matanggap ng hari lalo na't hindi kayang bitawan ng hari ang kapangyarihan sa pamumuno sa ating kaharian. Kaya kaagad ay nagplano kami ni Jaed na iligtas po namin kayo at ang prinsesa. Nang sabihan po ako ng inyo pong asawang hari na kunin na ang sanggol na prinsesa ay kaagad na sinabihan ko si Awen para isakatuparan na ang planong pagliligtas po sa inyo, kamahalan." Ang tugon ni Jaed kay Reyna Baguinua.

Halos maiyak si Reyna Baguinua sa kanyang narinig kay Jaed.

"Salamat, salamat sa inyo sa pagliligtas niyo sa amin ng aking anak." Ang buong pusong pasasalamat ni Reyna Baguinua sa apat na kawal.

"Hayun sila! Hulihin sila dali!!!" Ang malakas na sigaw ng punong kawal habang nakadungaw ito mula sa pader ng palasyo.

Dinig na dinig nina Jaed at Reyna Baguinua ang mga yabag ng mga metal na sapatos ng mga sundalo ng kaharian kaya nagsimula na silang takbuhin ang pampang ng ilog papunta sa naghihintay na lantsa.

Mabils na pumwesto ang mga mamamana at sabay-sabay nilang pinakawalan ang mga matutulis na mga palaso sa himpapawid.

Habang papasakay na sa lantsa sina Reyna Baguinua ay napatingin sa himpapawid si Jaed at halos mapasigaw siya sa kanyang nakita. Daan-daang mga palaso ang mabilis na bumabagsak sa kanilang kinaroroonan.

Continue Reading

You'll Also Like

243K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
249K 5.9K 69
(COMPLETED) Isang binibini na ang nais lamang ay mamuhay ng mapayapa ngunit ng inilipat siya ng kanyang mga magulang sa isang paaralan doon na nagsim...
405K 11K 66
In a world full of Aimas and Thas, Karis thought she's a simple girl. With no family and no memory of her childhood, she works as a maid for a rich f...
726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...