My Horror Stories : One Shot...

By ShanaG

219K 2.3K 639

Ang sumusunod na kuwento ng kababalagahan ay hango sa tunay na pangyayari. Iniba ang pangalan at lugar ng pan... More

Paalala
Panaginip
Anino...
Bulong
Larawan
Third Eye
12-21-12 END OF THE WORLD?
Ingay
Notes ng pasasalamat :
Panaginip 2
Karinderya (Untold Stories) Part 1
Teacher's Comfort Room
Bata
Ilog
Karinderya: UNTOLD STORIES ( Part two)
Unwanted: Part Two (Last Part)

Unwanted: Part 1

5.3K 68 10
By ShanaG

"GAGA KA talaga! Dahil sa kalokohan mo ay ginabi na tayo." Nakatawang saad ni Joana sa kaibigang si Aree.

Pauwi na sila galing sa isang party kung saan imbitado sila. Di nila akalain na naroon sina Jessie at Janus. Ang kanilang mga crushes na nagkataon na magpinsan pala. Todo stalk ang ginawa nila. Ang dami nilang nakuhang stolen shots ng mga ito.

Fourth year highschool ang mga ito samantalang sila ay third year highschool naman.

"Don't tell me hindi ka nagenjoy sa ginawa natin?" tanong nito.

Kunwari ay nagisip siya. "Hmmm...nagenjoy!" malakas na sambit niya at nagtawanan sila.

Malapit na silang lumiko sa may kanto ng makasalubong silang tatlong lalaki. Nang matapat sila dito ay sumipol ang mga ito.

"Bastos!" bulong niya.

"Yuck!" di mapigilang bulalas ng kaibigan niya.

Huminto ang tatlong lalaki. Nakatingin sa kanila.

"Yuck pala, ha!" sabi ng isang lalaki at sinunggaban sa braso si Aree.

"Ano ba! Let go of me!" sigaw ni Aree. Natulos siya sa kinatatayuan niya. Pinagmamasdan ang pagpiglas ng kaibigan.

"Joana, tulungan mo ako!" tila naman natauhan siya sa paghingi ng saklolo ng kaibigan. Pinaghahampas niya ng clutch bag ang lalaking may hawak dito.

"Bitiwan mo siya!" aniya. Panay pa rin ang pagpalo niya sa lalaki ngunit wala naman epekto sa lalaki ang kanyang ginagawa. Amoy alak at 'damo' ito. Malakas siyang itinulak ng lalaki dahilan para mapasadsad siya sa sementadong daan.

"Aray..." mahinang daing niya. Nagasgas ang siko niya dahil mahapdi iyon.

"Joana!" sigaw ng kaibigan niya pagkakita sa nangyari sa kanya. Nagpumilit itong makapumiglas at nang makawala ay tumakbo ito sa kanya subalit bago ito makalapit sa kanya ay nahablot ng lalaki ang buhok nito. Sinuntok sa sikmura dahilan para manghina ito.

Gimbal siya sa nasaksihan.

"Mga gago! Tulungan ninyo ako! Kayo bahala diyan sa isa, akin itong si tisay." nakakalokong ngumiti pa ang lalaking nanuntok.

"Akala namin sosolohin mo na ang dalawang iyan, e." sabi ng isang lalaki at naglabas ng balisong. Naglabas din ng balisong ang lalaking may hawak kay Aree. Ang isang lalaki naman ay naglabas ng panyo. Nanlaki ang mga mata niya. Gustuhin man niyang humingi ng tulong ay hindi niya magawa dahil may kalayuan ang mga bahay doon. Malapit pa iyon sa mga pilapil. Umaandar din ang sakit niyang hika.

Pinilit niyang tumayo kahit nanginginig ang tuhod niya. Lumingon siya sa likod. Nakita niyang dinadala sa tagong pilapil ang kaibigan. Mangiyak ngiyak na siya dahil gustuhin man niyang puntahan ito ay hindi niya magawa dahil hinahabol na siya ng dalawang lalaking pawang may hawak na ng balisong. Naulinigan pa niya ang paghingi ng tulong ng kaibigan.

"Bestfriend...tulungan mo ako..."

Patawarin mo ako, Aree. Bulong niya habang patuloy sa pagtakbo. Kailangan ko lang makahingi ng tulong. Aniya sa isip. Hinihingal na siya at unti-unti na niyang nararamdaman ang pagkaubos ng hangin sa kanyang baga. Lumingon siya sa likod. Wala na ang lalaki at ang bestfriend niya pero patuloy sa paghabol ang dalawang lalaki at malapit na ang mga ito sa kanya.

Hindi na niya kaya. Nagsisimula na siyang ihitin ng ubo. Isa.. dalawa.. tatlong hakbang at tuluyan ng bumigay ang kanyang mga tuhod. Nalugmok siya sa daan. May naulinigan siyang mga nagaawitan sa di kalayuan. Isang beerhouse yata iyon. Gumapang siya papunta sa kinaroroonan ng mga nagkakasiyahan. Wala na siyang pakialam kung maabutan siya ng mga humahabol. Ang nasa isip niya ay makahingi ng tulong.

"T-tulong... " usal niya at tuluyan ng nagdilim ang kanyang panangin. Hanggang dito na lamang ba ang buhay niya? Hindi pa siya nakaka-graduate ng highschool. Madami pa siyang hindi nagagawa sa buhay niya. Hindi pa niya naipagtatapat kay Janus na gusto niya ang binata. At ang bestfriend niya. Nangako silang walang iwanan pero iniwan niya ito. Anong klase siyang kaibigan? Wala siyang kwentang tao. Sana mabigyan pa siya ng isang pagkakataon. Sana...

NAPA-UBO si Joana. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Madilim pa rin ang paligid pero hula niya ay ilang oras na ang nagdaan. Pinilit niyang bumangon. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. Luminga linga pa siya para tignan kung mayroon pang humahabol sa kanya. Wala na ang mga lalaki ngunit hindi siya dapat maging kampante. Lakad takbo ang kanyang ginawa at ilang sandali pa ay nasa tapat na siya ng kanilang bahay. Dali-dali siyang pumasok at dumiretso sa kanyang kuwarto. Pumunta siya sa banyo at nag-lock doon. Tumapat siya sa lababo at dumuwal. Sa pamamagitan no'n ay inilabas niya ang pinagsama-samang takot at pagod. Sumandal siya sa pader at humagulgol ng iyak.

Ang daming katanungan sa kanyang isip at mababaliw siya kung iisipin o hahanapan niya ng kasagutan ang mga iyon. Mabilis siyang naligo. Ibinalot niya sa isang plastik ang pinaghubaran. Susunugin niya ito mamaya. Matapos siyang makaligo ay tinignan niya ang oras. Ala-singko na ng umaga. Hula niya ay kung makakatulog pa siya. Humiga siya sa kanyang kama at nagtalukbong. Hindi niya alam kung ilang sandali siyang nasa ganoong ayos. Tulala. Parang hindi totoo ang nangyari kanina. Pipilitin niyang matulog baka sakaling panaginip lang ang lahat.

Dala marahil ng pagod ay nakatulog siya. Ilang sandali lang ay mahimbing na ang tulog niya. Nagising lamang siya ng maramdaman niyang may humihila sa kumot niya. Itinaas niya  uli ang kumot at babalik sana uli sa pagtulog nang makaramdam siya ng malamig na bagay sa kanyang tainga. It's something na hindi niya kayang balewalain.

"Husshhh..."

Napadilat siya. Isang impit na iyak ang nagpabalikwas ng bangon sa kanya. Luminga linga siya ngunit walang tao sa kuwarto niya kundi siya lamang. Umihip ang malamig na hangin. Nakabukas ang bintana pero natatandaan niyang isinara niya ito bago humiga kanina. Tinignan niya ang orasan, ala-singko y medya pa lang. Tumayo siya at tinungo ang bintana pero bago niya ito maisara ay may naaninag siyang nakatayo sa may puno sa ibaba. Tao! Inaninag niyang mabuti.

Si Aree! Buhay ito at nakaligtas! Ganon na lamang ang kasiyahan niya. Dali-dali siyang lumabas upang puntahan nito. Nakita niyang nakayukyok ito.

Hinawakan niya ito sa balikat. "Bestfriend!" Ganoon na lamang ang kanyang hilakbot ng humarap ito sa kanya. Duguan ito, laslas ang leeg at luhaan na nakatingin sa kanya.

"B-bakit mo ako iniwan!? Bakit?" luhaang sambit nito habang palapit sa kanya. Sa labis na sindak ay napaupo siya sa damuhan. Paatras siyang gumapang dahil palapit ng palapit ito sa kanya. Hindi siya makasigaw sa labis na takot. Isang dangkal na lang ang layo nito sa kanya. Pumikit siya. Naramdaman niya ang duguang kamay nito sa kanyang mukha.

"Huwag!" napabalikwas siya ng bangon. Hinihingal na luminga linga siya sa paligid. Naroon siya sa silid niya. Sarado ang bintana pero tumatagos ang liwanag doon. May araw na. Panaginip lang ang nangyari. Bumangon siya para magtungo sa banyo. Napansin niya na may putik ang kanyang mga kamay at short. Tumakbo siya sa banyo. Nakita niya ang nakasupot na damit. Kung ganoon ay patay na ang kaibigan niya. Nanlumo siya sa natuklasan. Hindi maari!

KINABUKASAN ay kinailangan niyang pumasok sa eskwela. Sa totoo lang ay ayaw niyang lumabas ng bahay. Hindi rin siya nanood ng telebisyon o nakinig sa radyo. Kahit diyaryo ay iniiwasan niyang buklatin dahil maaaring nasa pahayagan ang nangyari. Hindi rin siya nakikiknig ng ingay sa labas dahil nakasalpak sa magkabilang tainga niya ang earphone. Ngayon lamang siya ulit makikihalubilo sa tao. Hindi niya nadatnan ang mama niya paggising niya marahil ay maaga itong pumasok sa trabaho. Isa itong mananahi at kalimitan nang sa gabi ang uwi nito. Tulog na siya non.

Pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya habang naglalakad sa hallway ng Junior highschool. Binilisan niya ang paglalakad papunta sa classroom niya. Nang makarating doon ay agad siyang naupo sa kanyang upuan. Maingay ang mga kaklase niya. Kanya kanya ng pinagkakaabalahan. May nagbabatuhan, nagtatawanan at kung anu-ano pa. Pinagmasdan niya ang bakanteng upuan ng kaibigan.

"Bakit mo kasi ako iniwan!"

Napalingon siya sa nagsalita. Ang dalawang kaklase niyang babae iyon.

"Kung di mo ako iniwan baka..."

"Iniwan mo ako! Iniwan mo ako!"

Tinakpan niya ang magkabilang tainga. "Tama na!" pumikit siya. "Hindi kita iniwan! Bakit ayaw mong maniwala?!" mahinang bulong niya.

"Sinungaling! Humingi ako ng tulong sa'yo pero tumakbo ka pa rin!" tinignan niya ang dalawang kaklase. Tahimik na ang mga ito dahil abala sa sinusulat.

Yumuko siya habang nakatakip pa rin ang kamay niya sa magkabilang tainga. May nakita siyang umaagos na dugo sa paanan niya. Napatayo siya bigla at umatras subalit ang dugo ay patuloy na gumagapang sa direksiyon niya. Tumingin siya sa mga kaklase niya na tila walang pakialam sa pinagdadaanan niya. Hindi na niya kaya ang mga nararanasan kaya tumakbo siya palabas ng classroom. Tinungo niya ang c.r at nagkulong doon. Naghilamos siya upang kahit paano ay mahimasmasan siya.

Wala iyon. Guni-guni mo lang iyon. Pagpapaniwala pa niya sa kanyang sarili.

Nagpunas na siya ng mukha at huminga ng malalim. Kitang kita niya ang pagod sa repleksyon ng kanyang mukha sa salamin. Babalik na lamang siya sa kanyang classroom nang hindi niya mabuksan ang pinto. Bakit ayaw bumukas? Pinilit niyang buksan ito pero ayaw talaga. Humingi siya ng saklolo.

"Tulong! Tulong! Buksan ninyo ang pinto! May tao po dito!" sigaw niya na sinabayan pa niya ng paghampas sa pinto ngunit naka-ilang tawag na siya ay wala pa rin sumasaklolo sa kanya.

Narinig niyang bumukas ang pinto ng isa sa mga cubicle. Napalingon siya doon. Hinintay niyang may lumabas ngunit wala naman. May narinig siyang nag-flush sa toilet. Lakas loob na nilapitan niya iyon ngunit wala naman tao. Baka sira lang ang toilet flush. Isinara na niya ang pinto ng cubicle at sumandal doon. Ilang segundo rin siya sa ganoong posisyon nang bigla na lang may kumalabog sa likod niya. Lumayo siya dito. Narinig niyang bumukas ang gripo.

Paanong nangyari iyon? Sigurado siya na walang tao dito. Kinakabahang pumunta siya ulit sa pinto. Sunud-sunod na pagsigaw at paghampas ang ginawa niya.

"Saklolo! Tulong!" naiiyak na siya sa takot. Ang tubig sa gripo ay umapaw na at naglawa na.

Diyos ko! sigaw ng isip niya. Muli niyang kinalampag ang pinto. Naramdaman niyang may pumihit sa seradura at bumukas iyon. Mabilis siyang lumabas sa c.r ngunit nabunggo siya sa isang bulto. Muntik na siyang bumuwal. Salamat na lamang at nahawakan siya ng nabangga niya.

"Joana?" napatingala siya dito. Gulat na ekspresyon ni Janus ang sumalubong sa kanya.

"Janus..." sambit niya bago siya nawalan ng malay.

"JOANA... JOANA" mahinang tapik sa pisngi niya ang nagpaggising sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon. Seyosong mukha ni Janus ang bumungad sa kanya.

"Nasaan tayo?" tanong niya.

"Nasa parke tayo. Hinimatay ka kanina."

Hinimatay? Pero bakit dito niya ako dinala? Di ba dapat sa clinic?

"Hindi kita maaaring dalhin doon." mukhang nabasa nito ang kanyang iniisip.

"Pero bakit?"

"Joana, alam ko ang nangyari sa inyo ni Aree."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Alam nito?

"Anong alam mo?"

" Joana, you have to accept things para--"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Wala akong ginawa. H-hindi ko...a-akalain ...na mangyayari iyon." napaiyak na siya.

"You don't understand. You--"

"Tama na! Hindi mo rin naiintind--" nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang nasa likuran ni Janus. Si Aree!

"No! Leave me alone!" sigaw niya.

"Joana, are you alright?" ani Janus. Tumingin siya dito sandali at ibinalik kay Aree ang tingin niya subalit wala na ito doon. Nagpalinga-linga siya bago tumayo at umalis sa lugar na iyon. Hinabol siya ni Janus.

"Joana, saan ka pupunta?" narinig niyang tanong nito. Nakatawid na siya sa kabilang kalsada nang marinig niya ang boses ni Aree.

"Huwag... Huwag..."

Nagtakip siya ng tainga. Napakislot siya ng may humawak sa balikat niya. Hinarap niya ito at itinulak ng ubod ng lakas. Huli na ng mapagtanto niyang si Janus ang naitulak niya.Nakita niya ang isang Pajero na humahagibis at tutumbukin ang binata. Napapikit na lamang siya. Pagdilat niya ay pinagkakaguluhan na ang binata. Duguan ito sanhi ng pagkakabangga.

"Hindi! Hindi!" sigaw niya. Nakita niya si Aree na nakatayo sa kabilang kalsada. Nakangiti ito.

Dahan-dahan siya umatras at umalis sa lugar na iyon. Bakit mo ito ginagawa Aree? Bakit? Pati ang mga mahal niya sa buhay ay napapahamak. Pagkarating sa bahay ay agad siyang nagkulong sa kuwarto niya. Napansin niya ang photo album nilang magkaibigan. Isa isa niyang binuklat iyon. Masaya ang bawat kuha doon. Magkaakbay, magkadkit ang mukha nilang magkaibigan, may mga solong kuha din sila. Pinagmasdan niya ang solong kuha ng kaibigan. Kuha iyon nong nagpunta silang Tagaytay. Nakangiti ito sa camera.

Napaiyak siya. "I'm sorry, bestfriend. Patawarin mo ako."

Nakaramdam siya ng panlalamig. May umihip na hangin gayong nakasara lahat ng bintana. Napatingin siya sa litrato ng maramdaman niyang basa ito. Nanlaki ang kanyang mga mata at nabitiwan ang litrato. Puno iyon ng dugo. Umatras siya hanggang madikit ang likod niya sa kama. Dali dali siyang nagtalukbong ng kumot at nag-usal ng panalangin. Ilang sandali pa ang pinalipas niya bago tinanggal ang kumot. Dahan dahan siyang sumilip sa kinalalagyan ng litrato. Wala iyon doon. Saan napunta iyon? Pagbaling niya sa kabilang side ay ganon na lamang ang panghihilakbot niya. Magkalapit ang mukha nila ng kaibigan, ilang dangkal lamang ang pagitan. Duguan ang mukha nito. May malaking pasa ito sa kaliwang pisngi. Hawak nito ang litrato at photo album nila.

"Ito ba ang hinahanap mo?" nakasingasing na tanong nito.

"A-ahhhh" ubod lakas na sigaw niya.

Tumakbo siya palabas ng bahay. Nang matiyak na wala ng humahabol sa kanya ay huminto siya at naupo sa bench na malapit.

Ano ba ang gagawin niya? Bakit kahit saan siya magpunta ay sinusundan siya ng kaibigan? Tanong niya sa kanyang sarili. 

Nagsimula na siyang maglakad. Walang partikular na patutunguhan. Hindi na niya kayang magisip dahil pagod na siya. Pagod na pagod na siya. Ilang oras din siyang naglalakad nang mapahinto siya. Tinitigan niya ang bahay sa harapan niya. Napakunot noo siya. Bakit dito siya dinala ng kanyang mga paa?

Bukas ang gate kaya naman pumasok siya. Bukas din ang pintuan kaya dire-diretso siya hanggang sa kuwarto ng kaibigan. Naroon siya sa bahay ng best friend niya.

Malamig na atmospera ang sumalubong sa kanya pagkapasok sa kuwarto ng kaibigan. Naupo siya sa dulo ng kama kaharap ang isang full length sized mirror. Marahil ay may gustong ipaalam ang kaibigan kaya siya napadpad doon. Pinagmasdan niya ang buong silid. It reminds her of their happy days together. Kahit saan siya lumingon ay naroon ang larawan nilang magkasama. She knows better. Ngayon lang niya narealize kahit kailan ay hindi siya sasaktan ng kaibigan.

Tinitigan niya ang salamin at unti-unti ay nakikita din niyang hindi siya nagiisa sa repleksyon sa salamin. Naroon si Aree--nakatayo. Hindi na siya natatakot dito dahil KAIBIGAN niya ito.

"Aree, I'm sorry. Sana mapatawad mo ako. At sana patahimikin mo na rin ako. Huwag mo na rin idamay ang mga tao sa paligid natin." sabi niya habang umiiyak.

Kitang kita niya ng yumuko ito at bumulong sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa ibinulong nito.

"No! Hindi totoo iyan!" sigaw niya. At ubod lakas niyang ibinato ang nahagip na flower vase sa salamin.

"Patay ka na! Patay ka na! Manahimik ka na!" sigaw pa niya habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang tainga. Napahagulgol siya.

Umiiyak na nilisan niya ang lugar na iyon. Pupuntahan niya ang lugar na iyon. Kung saan nangyari ang bangungot na iyon. Nang makarating siya doon ay agad siyang sumuot sa makakapal na pilapil. Hindi niya kabisado ang lugar pero ang mga paa niya ay siguradong sigurado ang patutunguhan. Nakita pa niya ang kulay dilaw na harang. Papunta na siya doon ng may maapakan siya. Kunot noo' dinampot niya iyon. Kumabog ng husto ang dibdib niya.

Paanong napunta ito dito? Nagtatakang tanong niya. Tumingin siya sa direksiyon ng pinangyarihan ng krimen. Isang alaala ang pilit nagsusumiksik sa isipan niya.

Umatras siya habang umiiling iling. Nasa isipan lang niya iyon. Imahinasyon lamang niya iyon. Isa itong malaking kalokohan. Nakakatawa.

Tumawa siya ng malakas. Wala siyang pakialam kung may makarinig sa kanya. Lumapit siya sa may harang. Unti-unti tumigil siya sa pagtawa habang pinagmamasdan ang lugar.

"Parang awa na ninyo. Pakawalan ninyo ako. Parang awa na ninyo."

Hindi! Hindi na niya itinuloy ang paglapit sa harang. Mabagal siyang lumakad palayo. Hanggang ang mabagal niyang paglakad ay bumilis. Hanggang sa namalayan na lamang niyang tumatakbo na siya. Hinihingal na huminto siya malapit sa kanilang bahay.

Nakita niyang lumabas ng bahay ang Mama niya. Saan ito pupunta? Wala ba itong pasok sa work? Hindi na siya nagisip at sinundan na lamang niya ito. Sa isang chapel ito pumasok. Maraming sasakyan ang nakaparada sa tapat niyon. Dahan dahan siyang lumapit doon. Nakita niya ang ilang kaklase nila ni Aree. May nakaburol doon.

Napasinghap siya ng bumungad ang di kalakihang larawan ng kaibigan. "Aree..." bulong niya. Dito pala ibinurol ang labi ng kaibigan.

Nakita niya ang Mama niya ngunit parang hindi siya napansin nito dahil nasa tabi ito ng mommy ni Aree na si Tita Celia. Kapwa umiiyak ang dalawa.

Siya man ay napaluha dahil nawalan siya ng kaibigan. Isang matalik na kaibigan. Marahan ang mga hakbang niya habang papunta kay Aree. At nang nasa harap na siya nito ay humagulgol siya ng iyak. Hindi siya makapagsalita. Lahat ng nararamdaman niya ay ibinuhos niya sa pagiyak. Bahagya na lang niyang naulinigan ang sinabi ng kaklase nilang malapit lang sa kinatatayuan niya.

"....sinapit nila. Pero hula ko sila ang dahilan ng pagkamatay ng mga gumahasa at pumatay sa kanila." napatingin siya sa nagsalita.

"S-ssshhh. Ano ka ba!" saway ng katabi nito. "May makarinig sa'yo. Tara na nga. Umuwi na tayo. Iba na pakiramdam ko dito. Parang may nakatingin sa atin." at nagmamadaling umalis na ang mga ito pagkatapos magpaalam sa magulang nila ni Aree.

"...gumahasa at pumatay sa kanila." sinong 'sa kanila'. Nagtatakang tanong niya. Nakita niyang tumayo ang Mama niya. Akala niya ay lalapit ito sa kanya ngunit nilagpasan lamang siya nito. Pumunta ito sa isa pang...kabaong? Hindi niya napansin ang isa pang kabaong na iyon kanina pagpasok niya. Nasa kabilang side ito ng chapel. Sino ang... bigla ang kabang naramdaman niya. Hindi totoo ang kutob niya. Nagkakandarapa siyang lumapit sa isa pang kabaong. Ganoon na lamang ang sindak niya nang malaman kung sino ang nakahimlay doon.

Hind ito totoo! Isa itong kasinungalingan. Lahat ay isang malaking kasinungalingan.

"...patay ka na." ang mga salitang iyan ang ibinulong ng kaibigan nang naroon siya sa kuwarto nito .

Kaya ba lagi siyang sinusundan ng kaibigan? Para ipabatid ito? Pero...pero paano iyon nangyari? Bakit hindi niya matandaan? Puro katanungan ang nasa isip niya. Napa-upo siya sa malamig na baldosa. Pilit niyang inalala ang gabing iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

224K 8.5K 33
#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a world where no one can see him. Wandering around to find answers, he meets...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
36.3K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
6K 396 43
Sa paglisan niya ay maraming nagbago. Sa paglisan niya ay maraming napagtanto. Isang makabagong yugto ang nagbukas. Laman ang modernong katauhan. Sa...