Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Seven
ShamEul- Eight
ShamEul- Nine
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]

Epilogue

6.1K 144 44
By krizemman


  Authors Note:

Napublished na ito under Rising Star Enterprise. Kaya kailangan ko ng magbura ng ilang chapter. Sana suportahan niyo din ang book ng Magkabilang Mundo. Salamat.

Available at 7-eleven, Pandayan, National Bookstores, Expressions & in all leading book stores and newsstands nationwide. P149.00

****

EPILOGUE

EUL CYRUS POV

Ilang linggo na ang nakalipas ng mangyari ang mga bagay na nagpabago ng buhay ko pati na rin ng mga pinsan ko.

Mga nangyari na hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan. Hindi pa din mawala sa isip at nararamdaman ko.

"Eul, gising ka na ba?" Dinig kong tawag ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.

Wala silang alam ni Daddy tungkol sa nangyari sa amin sa lumang bahay. Dahil hindi na din namin ito binanggit pa sa kanila.

"Opo mommy. Palabas na din ako."

"Ganun ba, sige bilisan mo lang dyan naghihinatay na mga pinsan mo sa baba, sabay sabay daw ata kayong papasok." Mommy.

Narinig ko na din bumaba siya ng hagdan.

Ngayon na lang ulit kami magkikita ng mga pinsan ko, mula ng umuwi kami galing sa Cavite. Dahil kahit anong punta at aya nila sa 'kin, hindi ako nalabas ng kwarto ko para harapin sila. Kahit mag pumilit sila.

Alam kong nag alala sila sakin ng mga panahon na yun. Pero mas ginusto kong mag isa at magpahinga.

"Mabuti naman, lumabas kana ng lungga mo pinsan. Akala namin hindi mo pa din kami babain." Arail. Bakas sa tono  nya na nagtatampo siya.

Ngumiti naman ako sa kanya. Wala akong ganang makipag asaran. Marahil nga malaki na talaga pinagbago ko mula ng dumatimg kami. Naging tahimik at laging nagkukulong lang ako sa kwarto.

Hindi din ako nasama sa mga lakad nila.

"Eul 'wag ka ng magdala ng sasakyan sumabay ka na sa'min. Namiss ka na kasi namin ang tagal mong hindi nagparamdam." Aira.

Tumango naman ako bilang pag sang ayon. Nagpaalam lang kami kanila Mommy at Daddy na aalis na.

"Bro, kamusta naman ang pag kukulong mo ng ilang linggo?" Tanong ni Nico habang nag mamaneho.

"Ganun pa din." Blangkong emosyong sagot ko sa kanya.

Kumpleto kaming anim ngayon dito sa sasakyan. Si Nikki at Arail nag uusap tungkol sa gagawin nila agad pagdating sa unibersidad.

"Nikki samahan mo ako sa department nila Andree, may papakilala daw kasi siyang gwapo." Kilig na kwento ni Arail.

"Baka meron naman kapatid o pinsan yung papakilala niya sa'yo. Ireto nyo sa 'kin. Para naman mag double date tayo pag nagkataon." Nikki.

Dinig kong pag uusap nila, dahil katabi ko silang dalawa dito sa likod ng sasakyan.

Si Aira, Mylene at Nico naman ang nag uusap tungkol sa babaeng nag ngangalang Shishai, marahil siya ang apo ni Tatay Jess.

"Eul bakit hindi mo kaa ligawan si Shishai." Usan ni Mylene, habang  nakatingin kay Nico na halatang inaasar niya.

"Hoy Bro 'wag kang magkakamaling ligawan si Shishai, ako nauna dun." Biglang sigaw niya. "Ikaw nga Mylene 'wag mong binubugaw ang babaeng mahal ko kung kani-kanino. Lalo dyan kay Eul." Asar na baling niya naman kay Mylene.

Biglang natawanan yung dalawang babae, dahil sa reaksyon ni Nico na ani mo parang isang bata. Habang ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanila.

Makalipas ang kalahating oras, nakarating na kami sa unibersidad.

"Mauna na ako, titingnan ko kung anong schedule ko." Paalam ko ng makarating na kami sa parking lot ng school.

"Hindi ka sasabay sa'ming maglakad?" Nico.

Umiling lang ako bilang sagot. Mas gusto ko pa din ngayon ang mag isa.

"Hindi pa din niya makalimutan si Shamy, dapat may makilala 'tong bagong babae. Pumayag kana kasi Nico na paligawan natin si Shishai kay Eul." Aira.

Narinig kong usal niya bago ako makalayo sa kanila. Pero agad tumutol naman si Nico. Halata naman malaki ang pag kagusto niya doon sa babae. Kahit sabihin naman nilang ligawan ko yun ay hindi ko gagawin. Isang babae lang ang kailangan ko, at siya lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko.

Naglakad na ako ng hindi ko mapansin na may makakasalubong ako. Dahil hawak ko ang cellpohone para sagutin ang text ni Nikki.

"Aray!" Sigaw na malakas ng isang babae. Hindi ko tiningnan kung natumba ba siya o ano man. Inuna kong pulutin ang cellphone kong nahulog sa banggaan namin yun.  "Hoy! Tulungan mo nga akong tumayo dito!"

Paglingon ko nakita kong napaupo pala yung babae sa semento ng magbanggaan kami. Habang nakatungo, pinapag pagan niya yung suot niya pantalon kahit wala naman itong dumi.

'Dapat bandang likuran niya siya nag papagpag.' Natatawang sa isip ko, dahil nga napaupo siya, kaya malamang yung bandang likuran ng pantalon niya ang madumi.

Inilahad ko naman ang kanang kamay ko para abutin at makatayo na siya.

Pero ng nag angat siya ng mukha. Halos manlaki na mga mata ko sa nakita ko. Ang babaeng matagal ko ng inaasam na makasama. Nandito ngayon sa harapan ko.

"Hoy! Ano ba hilahin mo ko patayo. Hindi yung nakatanga ka lang dyan!" Sigaw niyang muli.

Inilahad niya ang isang kamay niya para tulungan ko siyang tumayo. Halos nanginginig ang kamay ko ng iabot ito sa kanya.

Ang lakas ng tibok ng puso ng makitang magkahawak kamay na kami.

Hindi pa din ako makapaniwala na ang nasa harapan ko ngayon ay si Shamy. Sigurado akong siya ang babaeng mahal ko. Dahil ito ang sinasabi ng puso ko.

"Ano ba!?" Sigaw niyang muli. Pero bago pa man ko siya mahilang patayo, ay hinila nya ako para sana makatayo siya. Dahil hindi ako handa kaya pareho kaming natumba.

"Ang lampa mo naman mister. Ayan imbis na makatayo ako pareho pa tayong natumba," Usal niya, habang halata sa tono ng pananalita niya na naiinisa siya. "Umalis ka nga dyan," Tabig niya sakin. Kaya napaupo ako sa tabi niya. "Ako na lang tatayo mag isa baka pinag titinginan na tayo ng mga estudyante dito. Nakakahiya."

Kaya naman mabilis na siyang tumayo, ganun din ako.

Parang umurong ang dila ko. Hindi ko alam ang sasabihun sa kanya.

Nang makita ko na siyang palayo, ay mabilis ko siyang sinundan at niyakap ng mahigpit na mahigpit.

"A-ah t-teka lang," usal niya. Marahil ay nagulat siya. "Bitawan mo nga ako kung ayaw mong masapak kita!" 

Pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap ko. Kaya naman pinakawalan ko siya at tumingin sa kanyang magandang mukha.

Sa di kalayuan, sa kanyang likuran may nakita akong malaking puno na walang estudyanteng napunta. Kaya bago pa man siya magsalita ay hinawakan ko na isang kamay niya at hinila patakbo papunta sa punong iyon.

"Bitiwan mo nga ako! Bakit ka ba nanghihila na lang basta mister? Kanina niyakap mo ako, ngayon naman hinila mo ako papunta dito. Aba hindi ata maganda ang plano mo sakin. Kung ano man yang binabalak mo, 'wag mo ng ituloy. Dahil pulis ang Daddy ko." Banta niya sa'kin.

Natuwa ako sa reaksyon niya, ibang iba ang Shamy na nasa harapan ko ngayon. Hindi siya yung mahinhin, pero kahit ano man siya ngayon, importante siya ang mahal ko.

"Teka nga, ikaw ba nag sasalita o hindi, baka isa kang pipi, dapat ba akong gumamit ng sign language?" Mataray niyang tanong sa'kin.

Ngumiti ako bilang sagot sa tanong niya.

"Shamy," Tawag ko sa kanya. Tulad ng reaksyon ko kanina. Nakita ko din na nagulat siya. "Ikaw 'yan, hindi ba?" Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi maluha.

"P-pa'no mo nalaman pangalan ko?" Takang tanong niya.

"Hindi nga ako nagkamali, ikaw nga 'yan Shamy." Masayang usal ko. Sabay niyakap ulit siya ng mahigpit.

"T-teka lang mister, bitiwan mo muna ako, kanina ka pa yakap ng yakap at isa pa hindi nga kita kilala. At pa'no mo nalaman ang pangalan ko? Sino ka ba? Stalker ba talaga kita?" Tanong niya ng makaalis siya sa pagkakayakap ko sa kanya. "Hindi ko matandaan na nagkakilala tayo, para malaman mo ang pangalan ko."

'Nakalimutan niya na ako.' Masakit sakin na kalimutan ako ng babaeng pinakamamahal ko.

"Hindi man ako matandaan ng isip mo ngayon, hayaan mong puso mo ang kusang matandaan ako." Malambing kong usal sa kanya.

"Naku mister hindi kita maintindihan, kung ano yang sinasabi mo," Bigla siyang lumayo sa'kin. "Hindi kaya baliw ka?"

Hindi ko napigilan ang sarili kong matuwa sa reaksyon niya.

"Baliw nga ako siguro ako, kasi ito naiiyak na natutuwa dahil nakita na kitang muli." Natatawang usal ko sa kanya.

"Naku mister maiwan na kita dyan." Ani biya sabay naglakad palayo.

Hinayaan ko na siyang umalis, ngayon nakita ko na siya hindi ko na ako muling papayag na magkahiwalay kami, marahil nakalimutan nya ako ngayon.

'Ayos lang makalimutan mo lahat ng alaala nating dalawa, dahil gagawa ako ng bago at masaya nating mga alaala aking mahal.' Ani ko sa sarili ko, naglakad  na ako para puntahan ang mga pinsan ko,

Para akong baliw, kanina lang ang tamlay ko, at walang ganang pumasok. Pero heto ako ngayon masaya at nakangiti ng naglalakad.

Sa di kalayuan, nakita ko na silang nag kekwentuhan kaya masaya na akong lumapit sa kanila.

"Bro, may nangyari ba?" Bungad na tanong ni Nico. "May nakilala kang babae no? Kaya ka ganyan maka ngiti na lang? Pakilala mo naman sa 'min."

"Hindi pwede ngayon, sa susunod na lang, kaya diyan na kayo pupuntahan ko muna siya." Masayang paalam ko ulit. Hindi ko muna sinabi sa kanila na nagkita na kami ni Shamy. Siguradong hindi din sila maniniwala.

Una kong pinuntahan ang bullitin board, para tingnan kung ano ang shedule ko.

Nang makuha ko na, agad na akong nagpunta ng klase. 'Mamaya kita hahanapin aking mahal. Salamat at binalik ka Niya sa'kin.'

Pero sa hindi ko inaasahan, pagkapasok ko ng silid, siya agad ang una kong nakita na nakaupo. Pero hindi niya ako napansin dahil nakatungo siya habang may isinusulat. Dahan dahan akong lumapit sa kanya para silipin kong anong ginagawa niya.

'Magaling pala siyang gumuhit.' Sa isip ko, nakita ko kasing hindi siya nag susulat kundi naguhit lang siya.

Pero nang mapagtanto ko kung ano ang nasa drawing niya agad ko itong kinuha. Kaya laking gulat niya niyang bigla itong nawala sa harapan niya.

"Ikaw na naman!" Sigaw na usal niya. "Ibalik mo nga yan sakin."

"Tama ako, hindi ako nakalimutan ng puso mo, dahil dito." Pinakita ko sa kanya yung iginuhit niyang larawan. Isang malaking puno, na may lalaki at babaeng magkayakap habang maliwanag ang buwan. Alam kong kaming dalawa ni shamy ang dalawang nilalang na 'yun.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ibalik mo na nga yan sa'kin!" Sigaw pa niyang utos.

"Ayoko, akin na lang 'to." Itinago ko na yung papel sa loob ng dala kong bag. Nakita ko naman sa reaksyon niya kung gaano siya nainis.

'Ganyan nga aking mahal, gagawa tayo ng mga masasayang alaala.'

Ilang araw ko siyang kinukulit at nilalambing. Sa mga araw na yun. Lagi ko siyang nakikitang naiinis at laging nakasimangot. Pero natutuwa ako sa ganung reaksyon niya, dahil ang cute niyang tingnan, parang bata na inaasar.

Pero isang araw nagulat ako ng makita ko siyang nakatayo sa ilalim ng puno kung saan ko siya dinala nang una kaming magkita.

'Ano naman kaya ginagawa niya doon?' Sa isip ko.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya. Balak ko siyang gulatin.

"Miss na kita mahal ko." Usal niya habang may umiiyak at may hawak na papel na may larawan ng isang lalaki.

Yung saya ko kanina ay biglang naglaho, ng marinig ko yung mga sinabi niyang iyon patungkol sa lalaking nasa larawan. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

'Ako pala magugulat sa'yo Shamy. May bago kana pa lang minamahal.'

Akmang lalakad na ako palayo sa kanya ng marinig ko ulit siyang nagsalita.

"Eul sabik na akong makasama kang muli. Patawarin mo ako kung nagpapanggap akong hindi kita matandaan."

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nang marinig ko mga sinabi niya.

'Ibig sabihin hindi niya talaga ako nakalimutan?'

"Eul!" Gulat niyang sigaw sakin ng makita niya ako paglingon niya. "Anong ginagawa mo dito? Siguro sinusundan mo na naman ako para asarin." Usal niya habang ang isang kamay niay ay nakatago sa likuran niya at ang isa naman ay pinupunasan ang mga mata niyang basa ng luha.

"Shamy naalala mo ako, hindi ba?" Seryosong tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya.

Tumango naman ito bilang tugon. Imbis na galit ang maramdaman ko dahil sa pagsisinungaling niya, Tanging kasiyahan ang nangibabaw sakin. Dahil hindi niya ako nakalimutan.

Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan sa kanyang mga labi.

Wala akong pakialam kung may ibang taong makakakita sa'min. Importante ngayon, bumalik na ang babaeng pinakakamamahal ko.

Ilang segundo kami sa ganung ayos.

"Aray!" Sigaw nya sabay layo sa 'kin ng ilang dangkal. "Bakit mo kinagat labi ko?" Inis na tanong niya. Pero agad din nawala ang pagkainis na 'yun ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya, na tila natatawa dahil sa reaksyon ng mukha niya.

"Nang gigil lang ako kaya hindi ko napigilan ang sarili kong hindi ka kagatin." Nakangiting usal ko sa kanya. "Parusa din yan ng pagsisinungaling mo. Bakit mo ba nagawa 'yun?" Tukoy ko sa pagsisinungaling niya na nahindi na ako naaalala.

Bigla naman siyang tumahimik at tumungo.

"Nagawa ko 'yun dahil gusto ko ng makalimutan ang mga pangit na nakaraan. Gusto kong bumuo ng bago at masayang alaala nating dalawa."

"Paano kang nabuhay ulit aking mahal?"

"Humingi ako ng kapatawaran sa Kanya. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa kong pagkakamali noon sa una kong buhay. Handa na din akong mapunta sa impyerno, dahil doon naman talaga ako nababagay. Pero sadyang mabait Siya at pinatawad ako. Binigyan Niya ako ng bagong buhay para maitama lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko. Pero hindi ko inaasahan na pati pala ikaw ay ibibigay Nyang muli sa'kin."

Ngayon naiintindihan ko, gusto niya din gumawa ng bago at masasayang mga alaala namin dalawa.

Hinila ko siya palapit sakin para dahilan ng pagkakayakap naming muli.

"Ngayon, nasa iisang mundo na tayo, hindi na ako papayag na may humadlang pa sa'ting dalawa. Sabay na tayong lalaban sa mga pagsubok na darating sa 'ting pagmamahalan." bulong ko sa kanya. " Mahal na mahal kita Aking Mahal."

"Mahal na mahal din kita Aking Mahal."

Pagkausal namin ng mga salitang 'yun. Agad naglapat ang aming mga labi, dinama ang bawat sandali na magkayakap at magkahalikan kami. Pinaparamdam ng bawat isa kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

**WAKAS**

*****

A/N:

NATAPOS KO DIN, SANA NAGUSTUHAN NYO ANG ENDING. 'YUNG DAPAT NA ONESHOT AY HUMABA NG GANITO. ISANG KATUWAAN NAKABUO NG ISANG ISTORYANG NAGUSTUHAN NGA KARAMIHAN. SA MGA NATAKOT AT KINILIG SALAMAT KASI NAIMAGINE NYO BAWAT EKSENA.

SALAMAT SA MGA NAG BASA AT SUMUPORTA SA "MAGKABILANG MUNDO". LALO NA SA MGA NAGING KAIBIGAN KO SA FACEBOOK NA NAKILALA KO SA "TAMBAYAN NG MGA ADIK SA WATTPAD" [https://www.facebook.com/groups/ImAWattpaders/] HANGGANG MAKABUO DIN KAMI NG GROUP.

ANG "SHATOL GROUP SA FACEBOOK" [https://www.facebook.com/groups/WattpadAdiksShatolpa/].

SALAMAT AT PINAGAMIT DIN NILA YUNG MGA PANGALAN NILA PARA SA ISTORYANG ITO. PUMAYAG DIN SILANG GAWIN SILANG LALAKI AT MATANDA. [PUMAYAG DAHIL NAPILITAN WHAHAHA]

**CHARACTERS**

-MULTONG MAGANDA-

SHAMIR "SHAMY" AKMAD - BUTI NA LANG PUMAYAG NA MAGING MULTO, OK LANG MAGANDANG MULTO NAMAN SIYA.

-MAGPIPINSAN-

VANDER EUL CYRUS - KASINTAHAN NI SHAMY

NIKKI RUDICO

MARA GAIL "ARAIL" MERCADO

NICOLE "NICO" ULPINDO

MYLENE CALMA

AIRA SAMBILE

----

GERALDINE "LOLO GERY" GEROLA

ROSALYN "LOLA ROSA" BOLINQUIT

JESSA MAE "TATAY JESS" ESTOMO - KATIWALA NG LUMANG BAHAY

KATHLEEN "ALING KATRING" CONSTANTINO - KASAMBAHAY SA LUMANG BAHAY

XIAS NYX

ANDREE NAPLAZA - ARAIL'S CLOSE FRIEND

SANDER "TIYO SANDY" BARRA - TITO NI JESS

JOHN ARTHUR LOTOC - MANG ARTURINO

_krizemman_

FACEBOOK: https://www.facebook.com/krizemman

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 435 37
"Isa lamang akong instrumento at ang Diyos ang dapat mong mas ibigin, higit pa kanino, higit pa sa akin."
17M 234K 103
I hope this book may help us to know more tips and secret facts here on earth. Lahat naman po tayo ay gustong mapadali ang mga gawain o di kaya ay gu...
2.5K 545 44
[COMPLETED] From 2019 to 1998. Siya si Ereneo Tesorio Laurente, isang Grade 10 student. After being rejected and left behind from his first ever onc...
27.6M 702K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...