Love Precaution

By MietteSolange

104K 1.6K 501

Sabay silang lumaki. Hindi sila close at lalong hindi sila magkasundo! Pinakasal ng mga lolo & parents nila... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Acknowledgement ♥

Chapter 24

1.7K 22 12
By MietteSolange

Author’s Note: Hi! :D Mabilis ba ang update ko? >3< Sabihin niyo lang, babagalan ko! LOL. xD O sige, Chapter 24 na tayooo! Yay! Oppa, dedicated sa’yo! Kamsahamnida! *bows* ^^ So, enjoy reading mga kapatid! ^_____________________^

P.S: E bakit hindi ko magawa yung ginagawa ni Patrick sa may kanan? >3< Kaya niyo ba yun mga kapatid? xD LOL

Chapter 24

                “Ha? Ano po ba ang ibig niyong sabihin daddy?” tanong ko sa kanya. Masyado pa kasing nagpapaliguy-ligoy at nagdradrama e. Haha!

                “What I mean hija is isasama kita pabalik ng France. Just one week, will that hurt you?” sabi ni daddy.

O_O

                “Sa France?!! De, ano naman gagawin ko dun? Maiinip lang po ako dun e…”

                Tss. Nadala na kong sumama sa mga country na napupuntahan ni daddy noh! One time nung nasa Greece, iwanan ba naman ako sa Parthenon?! TT__________TT Tapos, nung nasa Brazil, alis sila ng alis ni mommy, lagi akong naiiwan sa bahay! Halos mamatay ako sa inip! >3<

                “Kaya nga one week lang anak e, dapat nga one month! Tatay mo pa rin ako at namimiss kita. I-Ikaw lang ang anak ko. Tapos ang dalang ko pang mauwi ng Pilipinas. So please? Just one week, that’s quite enough hija…” sabi ni daddy at halatang nagpapa-awa sa akin! Hay nako! >3<

                Hayy… Namimiss ko rin naman si daddy e. Permanent na siya sa France, mga five years na rin siya doon. Mas marami kasi ang new investors ng company dun kaya nag-decide si Lolo Giovanni na doon na si daddy. Umuuwi lang siya kapag may okasyon! TT_________TT Nung graduation, engagement at wedding ko tapos nag-fly fly na.  Tapos eto nga, bumalik siya para sa burol ni Lolo.

                “I’ll think about it daddy” sagot ko sa kanya. Kasi naman e!!! >3<

                “Good. Sana pumayag ka, after ng libing ni Papa ang flight natin”

                “Sige po daddy” at tumayo na ko para lumabas ng chapel.

*ting… ting…*

From; patrick bwisiiit

                Kumain ka na.

                Ah, hindi na nga pala kami nakapag-breakfast nung pag-alis namin. TT__________TT Nagmamadali kasi yung yabang sungit na yun e! Ayaw mapagalitan ni Manager Ebs kaya maagang umalis. Waaaaah!!! Inaalala niya ko ah? >/////< *thump* *thump* *thump*

To; patrick bwisiiit

                opo, ikaw din kumain ka na. ingat ka yabang sungit ^^

                Pumasok na ko ulit sa loob at kumain kasabay nila Manang Rosario. Sasama kaya ako kay daddy sa France? O_O E b-bakit inaalala ko si Patrick? Ano kaya gagawin niya kapag hindi niya ko kasama? Hala!! >//////< E pakialam ko naman sa kanya noh! Bahala nga siya sa buhay niya! >3<

~

From; Pitchi Pagong

                opo, ikaw din kumain ka na. ingat ka yabang sungit ^^

                Ha! May concern din naman pala sa akin ‘tong panget na pagong na ‘to. Akala ko ako lang may concern sa kanya e.

                “Patrick! Magbihis ka na nga! Mag-start na filming! Ikaw na lang hindi naka-ayos diyan!” tae naman si Kara! TT_____TT Hindi na tuloy ako naka-reply sa asawa ko. Tsk. Matawagan na lang siya pagkatapos.

                Sumunod ako sa kanya at iniwan niya ko sa loob ng wardrobe para magbihis. Takte naman. Sigurado gagabihin na kami sa pag-film ng commercial na ‘to. Shit! Gusto ko ng pumunta sa tabi ng asawa ko!! TT_________TT Hoy! Hindi ako obsess, kung yan ang iniisip niyo! :p

                Paglabas ko ng wardrobe, tatawagan ko na sana si Pitchi pero…

                “Patrick! Pumarine ka na! Practisin niyo na ng HYPer-M yung gagawin niyo!” tawag ni Manager Ebs. Tsk. De sumunod na ako, baka pagalitan pa ko ng baklita na yun noh! :p

                So ang commercial na ‘to ay para sa isang Music Center? Ah… chicken naman pala gagawin ko e! Tutugtog lang ako ng bass guitar. Tutugtog lang kaming apat! Ha!

                “Oh, ano gusto niyong tugtugin natin para sa commercial na ‘to?” tanong ni Yosef sa amin.

                “Dapat yung masayang tune!” sabi ni Mike.

                “Hm… Yung Love kaya?” sabi ni Harry.

                “Ah… Love, Love, Love clap clap clap!” kanta ni Mike.

                “Sige yan na lang! Lively!” sabi ko.

                “Game na, pwesto na mga bro!” sabi ni Yosef.

                At agad kaming pumwesto na apat with our instrument. Nag-rehearse muna kami bago i-film. Para wala raw sabit sabi ni Manager Ebs. Wala tayong magagawa, perfectionist ang Lola mo.

~

                Tss. Nakakainip naman… TT__________TT Wala na si Patrick ah? Dapat nandito na si Belle. Nasaan na kaya yung berat na yun. >3<

belle alarcon calling…

Belle: Hmm??

Pitchi: Hala! Kagigising mo lang? Past 1 na ng hapon ah?

Belle: Hindi friend… May lagnat ako…

Pitchi: Ay… Kaya pala wala ka pa dito e. Kanina pa kasi nakaalis si Patrick…

Belle: Oo nga friend e, nagtext nga kanina na puntahan na raw kita e may lagnat naman ako…

Pitchi: Sige friend, okay lang. Pahinga ka ng mabuti! Pagaling ka ha?

Belle: Sige friend, bye.

*click*

                Si Belle nilalagnat, wala man lang akong makakwentuhan . *forever alone* TT__________TT Huhuhu.

                “Pitchi hija…” paglingon ko si mommy pala.

                “Ma, kayo po pala” sabi ko at naupo si mommy sa tabi ko.

                Nagbuntong-hininga siya, “Pumayag ka bang sumama sa daddy mo sa France?”

                “Hm… Sabi ko po pag-iisipan ko”

                “Ah, o sige anak…” sabi ni mommy at hinimas ang ulo ko at parang may sadness sa mga mata niya. Bakit kaya?...

                “Ma, may nangyari po ba?”

                “W-Wala anak. Don’t mind me, stress lang ako dahil sa puyat” at ngumiti siya pero halatang pilit. “Sige, maiwan muna kita ha?” at lumakad na siya paloob.

                Hm… Nakapagtataka naman… TT_________TT Hay… pero, stress nga lang siguro si mother dear.

~

                Ang sabi ni Belle, maglibang daw ako. Okay! Madali lang yun noh! Nandito ako ngayon sa lugar kung saan nagtuturo ng archery. Ha! Excited na ko, magii-start na ang session ko.

*ring… ring… ring…*

pitch ^^ calling…

                Bakit ngayon pa siya tumawag? TT___________TT Shit. Sasagutin ko ba o ano?! Shit naman. *sigh*

Jordan: Oh, Pitch?

Pitchi: Jordan, nasaan ka?

Jordan: Ah, archery session ko.

Pitchi: Oh… Okay.

Jordan: Bakit ka napatawag? May problema ka ba?

Pitchi: Wala naman. Nandito ko sa chapel e, wala naman si Belle. May lagnat…

Jordan: Let me guess, wala kang makasama at makausap? Tama ba ko?

Pitchi: O-Oo e. Nakakainip. >3<

                Shit! TT________________TT Ano pupuntahan ko ba o hindi?! Shit talaga!

Jordan: O---

Pitchi: Sige Jordan, enjoy ka sa archery mo! Byiee!

*click*

                Jordan, huwag mo na siyang puntahan, okay? Maliwanag? Tama! Hindi ko na siya pupuntahan.

                “Jordan Lee?” tanong nung isang staff.

                “Yes, that’s me”

                “Sir, start na po ng session niyo. Follow me” sabi niya.

                “Ah, teka lang…” napatingin sa akin yung staff.

                “Something urgent happened. Pa-reschedule na lang ng session ko para bukas” sabi ko at tumango yung staff.

                “Sure, sir”

                Shit. Hindi ko talaga matiis si Pitchi!! TT__________TT Kahit anong gawin ko! Kahit ano pang isipin ko! Sa kanya pa rin bagsak ng utak ko! Shit!

                Agad akong sumakay sa Lexus ko at nag-drive na papunta sa chapel kung saan naka-burol si Lolo Giovanni. Kung kailan naman buo na ang loob ko na kalimutan man kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya…Pero mukhang mahirap ang gusto kong gawin… Tadhana naman yata ang naglalapit pa sa akin sa kanya… Baka masuntok pa ko ng asawa niya kapag naabutan akong kasama si Pitchi! Tsk. Maaga na lang ako aalis.

~

                “Boys, last take na natin ‘to! So do well” sabi ni Direk.

                “Wow! Nako! Maaga tayong makakauwi nito!” sabi ni Mike.

                “Huwag munang umuwi, gimik muna tayo!” sabi naman ni Yosef.

                “May pupuntahan pa ako e, kayo na lang gumimik” sabi ni Harry at kanina pa siya naka-antabay sa phone niya ah? Hinihintay niya siguro text o kaya tawag ni Belle.

                Tumingin sa akin si Yosef at Mike.

                “Babalik ako agad ng chapel” sabi ko.

                “Aish! Kami na nga lang ni Mike!” sabi ni Yosef at inakbayan si Mike.

                “Mami-miss niyo ang kasiyahan namin, Patrick at Harry!” dagdag pa ni Mike.

                Nag-smirk lang kami ni Harry.

                Hayy…. Salamat at hindi kami aabutin ng 10 ng gabi! Yun kasi karaniwang uwi namin. Ngayon siguro 7 pa lang makakauwi na kami.

                Tsk. Panget na pagong talaga na yun, walang kusang mag-text sa akin! TT_________TT Kung hindi ko pa itext hindi ako itetext!

To; Pitchi Pagong

                Maaga ako uuwi.

~

                Nasa labas pa rin ako ng chapel at nakatalungko.

O_O

                Hala! E sasakyan yun ni Jordan ah? Kala ko ba may archery session siya? Bakit siya pumunta dito?!

                “Bakit gulat ka diyan?” tanong niya ng maupo siya sa tabi ko.

                “E akala ko ba may archery session ka?!”

                “Mero nga. Pero nagpa-reschedule ako bukas. Kailangan mo ng kausap e” at ngumiti sa akin si Jordan.

                “Tss. Ayos lang naman akong mag-isa noh! Naabala pa kita!” sabi ko sa kanya. Totoo naman e, lagi kong naaabala si Jordan kahit nung nasa university pa lang kami. >3< Lagi kaya ako sa kanya nagpapaturo ng computations sa vet med! Budang hirap! Pero chicken lang sa kanya! TT_______TT

                “Wala yun. Ikaw naman e, hindi naman kung sino sino lang diyan”

                “Nako naman, ang lakas ko naman sa’yo Jordz! Thank you!” at ngumiti ako sa kanya.

                Parang ewan naman ‘tong si Jordan! Namatanda ba siya ‘te? O_O Nakatulala?!

                “Huy! Jordan Lee!” sabi ko at winawave yung kamay ko sa harap niya.

                “A-Ah, B-Bakit?” nagulat pa! Haha!

                “Natulala ka kasi e! Akala ko namatanda ka na! HAHA!”

                Nag-smile lang siya at tumingin sa ibang direksyon, “Balita?”

                Tumingin ako sa langit, madilim na at marami-rami ang stars, “Sinasama ako ni daddy pabalik ng France…”

                “Ha?! Bakit?” nanlaki mata niya.

                “E miss na raw niya ako e, tsaka one week lang naman”

                Nakita kong mukhang na-relieve yung expression ni Jordan, “Ah… Akala ko doon ka na for good e”

                “Toyo! Hindi noh! Ayoko dun! I love Philippines noh!”

                At tumawa lang si Jordan, “De sasama ka sa daddy mo?”

                “Hindi ko pa alam e. Pinag-iisipan ko pa…”

                “Sumama ka na, one week lang naman e. And I know how much you miss your daddy”

                Nag-smile ako sa sinabi niya.

~

                Nag-drive na ko pabalik ng chapel. Tsk. Kitamo ‘tong panget na pagong na ‘to! Hindi man lang talaga ako nireplyan ah?! TT________T

                Lexus ni Jordan yun ah? Anong ginagawa ng hipong na-tipus na yun dito?! Nag-park na ako ng sasakyan at bumaba na.

O_O

                Shit. At kailangan tawa pa ng tawa silang dalawa?! TT________TT Shit! Nakakabadtrip ‘tong panget na pagong na ‘to! Kaya pala hindi ako nireplyan e! Nakikipag…. Urghhhhh!!! Shit! Shit! Shit! Nakakaasar!!

                Lumapit ako sa kanilang dalawa at natigilan sila.

                “Patrick, maaga uwi mo ah?” sabi ni Pitchi ng nakangiti. Tumayo siya at lumapit sa akin. Tumayo rin yung hipong na-tipus.

                Hindi ko sinasagot si Pitchi at nakatingin lang ako kay Jordan. Sana makuha niya ang ibig sabihin ng tingin ko! Ha!

                “Uy… Patrick?” sabi ni Pitchi at nagbabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Jordan.

                “Ah, sige. Alis na ko Pitchi” sa wakas! Nakuha rin ng hipong na-tipus na yun ang ibig kong sabihin. Ha! “Sige, Patrick. Una na ko” sabi niya at tumango ako sa kanya.

                “Ingat Jordz!” sigaw ni Pitchi at nag-wave naman ng nakatilod yung hipong na-tipus.

~

                Pagbalik ng tingin ko kay Patrick…

O_O

                H-Hala at bakit ang sama ng tingin niya sa akin?! TT__________TT Ano naman nagawa ko ha?! >3<

                “Bakit hindi mo ko nireplyan?!” tanong niya at galit ang tono ng boses niya.

                “Nag-text ka pala… E, kanina pa naka-charge yung phone ko sa loob. Hindi ko nabasa, sorry…” sagot ko sa kanya.

                “Kunin mo na yung phone mo. Umuwi na tayo” malamig na sabi ni Patrick.

                Pumasok ako sa loob at kinuha yung mga gamit ko at agad na ring lumabas baka lalo pang mag-alburoto sa galit si yabang sungit kapag nagtagal pa ko. TT________TT Bakit ba siya galit!? Ano na naman ba kasi nagawa ko sa kanya?!! >3<

                Paglabas ko, agad siyang naglakad papunta sa Mercedes Benz niya at naka-sunod lang ako sa kanya. Tss. Nung mga nakaraaang araw may paholding-holding hands pa siya e noh?!! >3< Hu! Pakialam ko naman dun?!! Bahala nga siya!! Tsss.

                Nakarating kami ng bahay ng walang imikan sa loob ng sasakyan niya. Ha! Bahala siya sa buhay niya! Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ah?! TT___________TT

                “Oh, ang aga niyo namang nakauwi na dalawa?” bungad sa amin ni Manang Ikang.

                “Opo. Maaga po natapos si Patrick sa trabaho niya e” ako na sumagot kasi yung yabang sungit dire-diretso sa loob ng bahay! TT_______TT

                Natingin si Manang Ikang sa kanya, “Ano problema ng asawa mo hija?”

                “Hindi ko po alam sa kanya. Sige po Manang, pasok na po ako” at sinundan ko si Patrick sa kwarto namin.

                Pagdating ko ng kwarto namin, nasa banyo na si Patrick nagsha-shower. TT_________TT Binaba ko muna sa kama yung mga dala kong gamit.

                Ilang sandali pa lumabas na siya sa banyo at nakapantulog na. Hala! At iniiwasan niya talaga ako ng tinigin ah?! TT________TT Feeling ko tuloy invisible ako sa kanya!!! Aish!!!

                Ako naman ang pumasok ng banyo at nag-shower. Hintayin mo lang ako yabang sungit ka! Magtutuos tayo! Nagagalit ka sa akin ng hindi ko alam kung bakit ah?! Para akong tanga!! Aish!!!

                Paglabas ko ng banyo, nakapatay na lahat ng ilaw namin sa kwarto at yung night light na lang ang natira. Ha! Tutulugan talaga niya ko ng hindi inaayos kung ano man ang problema niya?! Ha! Nako! Hindi pwede yun! Kailangan nating magtuos ikaw na yabang sungit ka ng maayos natin kung ano man yun! Aish! TT_____________TT

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
6.2K 407 17
Date Published: 3/20/2020 Ended: 3/23/2020 [Completed] Kung naiwan ka na, para sayo 'to. Makakarelate ka.
50.7K 918 25
[ COMPLETED] Napaka-swerte ko daw dahil sa dinami dami ng gustong maging Mrs. Oh Sehun ay ako pa ang naka-jackpot pero nagkakamali silang lahat. Napa...
81.8K 1.8K 27
We’ve been divorce for almost 1 year no connections after that but..… One phone call changes the present One accident reconcile the both of us And c...