Ang Boyfriend Kong Supernatur...

By ChinChinCruise

1.6M 49.6K 2.1K

[Published Under Precious Pages] Book 2 ng Ang Boyfriend Kong Mummy na, Vampire pa. Simula nang maglaho ang... More

AUTHOR'S NOTE
DEDICATION
Chapter 1 - Reichel
Chapter 2 - After Six Months
Chapter 3 - Timothy
Chapter 4 - Red Medallion
Chapter 5 - Sailor Moon
Chapter 6 - Original Guardians
Chapter 7 - Sorceress
Chapter 8 - Senior Manager
Chapter 9 - Rave
Chapter 10 - Kapre
Chapter 11 - Lunch
Chapter 12 - Blood of Lakan
Chapter 13 - Balbal
Chapter 14 - Aklan
Chapter 15 - Amalanhig
Chapter 16 - Ravioli
Chapter 17 - Super Boss
Chapter 18 - Surveillance
Chapter 19 - Little Lunch
Chapter 20 - Entrapment
Chapter 21 - Penthouse
Chapter 22 - The Assistants
Chapter 23 - Rusty
Chapter 24 - Security Camera
Chapter 25 - Father Carlos
Chapter 26 - Baphomet
Chapter 27 - The Mark
Chapter 28 - Unsophisticated Ha
Chapter 29 - White Roses
Chapter 30 - Shekinah
Chapter 31 - Sandbar
Chapter 32 - White Wedding
Chapter 33 - Death
Chapter 34 - Postpone
Chapter 35 - Again
Chapter 36 - Keys
Chapter 38 - Boss is Back
Chapter 39 - The Meeting
Chapter 40 - Raviael
Chapter 41 - The Generals
Chapter 42 - He's Mine
Chapter 43 - Catastrophe
Chapter 44 - Bruise
Chapter 45 - Direct Descendant
Chapter 46 - Toothless
Chapter 47 - Gerbera
Chapter 48 - Cthulhu
Chapter 49 - Shower
Chapter 50 - Bombardier
Chapter 51 - Insecure
Chapter 52 - Cairo
Chapter 53 - Alexandria
Chapter 54 - Alastair
Chapter 55 - The Pets
Chapter 56 - Gideon
Chapter 57 - White Desert
Chapter 58 - Abraxas
Chapter 59 - Astral
Chapter 60 - Caen
Chapter 61 - Demon King
Chapter 62 - The Taunt
Chapter 63 - Jail House
Chapter 64 - Day One
Chapter 65 - Chaos
Chapter 66 - Milk
Chapter 67 - Inhibitions
Chapter 68 - Body and Soul
Chapter 69 - Day Two
Chapter 70 - Pizza
Chapter 71 - Secondary Barrier
Chapter 72 - Day Three
Chapter 73 - Keeper Spell
Chapter 74 - Wedding
Chapter 75 - Landline
Chapter 76 - Demon Attack
Chapter 77 - The Compulsion
Chapter 78 - Castle
Chapter 79 - Dinner
Chapter 80 - Lilith's Death
Chapter 81 - Whisper
Chapter 82 - The Great Escape
Chapter 83 - Lighthouse
Epilogue
Eighteen Years Later
Ang Boyfriend Kong Demon King
Sage and Rei Story in the Afterlife
Other Stories by ChinChin Cruise

Chapter 37 - Bungisngis

19.5K 541 13
By ChinChinCruise

Days passed at naging masaya ako bilang asawa ni Sage. Pinagluluto ko na siya ng baon na lunch kasi possessive ako. Ayaw kong kainin niya yung luto ni Miss Cynthia.

Hindi pa din bumabalik si Rave Clifford sa office. Sage is trying to set an appointment pero he is on indefinite leave.

"Aalis ako bukas, gusto mo ba sumama?" tanong ni Sage habang nasa kusina ako at nagluluto ng dinner.

"Saan ka na naman pupunta? Date uli with some supernatural creatures?"

"Sa Isabela, I am going to hunt some Cyclops," sabi ni Sage sabay yakap mula sa likod ko at halik sa leeg ko.

"Dun ka, pawis ako. Teka, Cyclops? Di ba sa X-Men yun?"

"May Cyclops Pinoy version din. One eyed giant called Bungisngis. Mostly sa bundok lang yan. Tahimik at di nagpapakita sa tao. Hindi sila kumakain at nagsisilbing mga guardians ng kalikasan. Pero meron recent sightings ng Bungisngis sa Isabela at madami na siya inaatake na farm animals. Madami na nawawalang mga carabao at cows. Kapag lumala ang blood thirst, pwedeng mga tao ang susunod nila na bibiktimahin," paliwanag ni Sage sabay kuha ng panyo niya at pinupunasan ang pawis ko sa noo.

"Wag kang ganyan, nagluluto ako."

"Ano na naman? Hindi ba pwedeng maging sweet ako sa misis ko?"

"Pwede naman pero baka masunog yung niluluto ko, di ako makapag concentrate. Teka, pwede ba ko sumama bukas?"

"Of course, kailangan kita sa tabi ko. Alis tayo maaga at medyo liblib pupuntahan natin. Unexplored na part ng Sierra Madre," sabi ni Sage sabay subo ng choco chip cookies sa bibig ko.

"Ano sasakyan natin?"

"Two days lang ang off natin kaya nagrequest si Rusty ng isang military helicopter. Kasama natin si Elisha at yung team niya."

"Speaking of Elisha, dumating nung isang araw yung mga daggers na pinagawa ni Sir Rusty sa Batangas. Nagcast na ako ng spell and I am sure magwowork yun against sa mga creatures of darkness."

"You are a fitting wife of a Lakan," sabi niya sabay halik na naman sa labi ko.

Maagap pa lang ay dumating na si Elisha sa bahay namin para sunduin kami ni Sage. Hindi yung private helicopter ang gamit namin kundi isang sturdy looking amphibious military helicopter.

Si Cole na isang teenager ang mismong operator ng helicopter. Kung paano siya nagkaroon ng license para mag operate ng ganung klaseng helicopter, di ko din alam. Within an hour, narating namin ang Sierra Madre mountains at hindi ko ineexpect na makakatulog ako sa byahe.

"Sage, napaka laki nitong kagubatan na ito. Saan natin mahahanap ang cyclops na sinasabi mo?" tanong ko habang inaayos ang backpack ko.

"Kailangan natin maglakad on foot for about an hour. May malaking hidden cave kung saan pinaniniwalaan na nagtatago ang Bungisngis. May isang mangangahoy ang nag attempt na sundan ang Bungisngis at dun sa cave siya pumasok."

Naiwan si Cole at si Amos sa helicopter. Samantalang kasama ko si Sage, Elisha at Francesca na naglalakad papunta sa cave. Mahigit isang oras na tahimik kami na naghihike hanggang isang malaking cave ang tumambad sa amin.

"You have to wear these charcoal activated filter mask," sabi ni Elisha sabay bigay sa amin ng mask.

"Para saan to Elisha?" naguguluhan kong tanong.

"Just for precautionary measure."

"Babe, this is In case we encounter several rotting animal bodies. Cyclops are fond of snatching farm animals at sa cave nila kinakain ito," paliwanag ni Sage sabay lagay sa akin ng mask.

Hindi masyadong mapapansin ang cave dahil natatakpan ng matataas ng tree canopies. Dahan dahan kami pumasok sa cave, pero habang nasa kalagitnaan na kami, biglang sumenyas ng stop si Elisha.

Hindi ko na napigilan na takpan ang bibig ko nang makita ko ang ilang skeletons na may natitira pang dugo at laman. Parang mga skeleton ng cows or pigs based sa size.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at salamat sa mask ni Elisha dahil hindi namin naamoy ang loob ng kweba. Nang marating namin ang malawak na chamber ng cave, andoon ang tatlong cyclops na natutulog. And we are already late as we have seen several fresh human skeletons.

Mukhang malakas ang pang-amoy ng mga Bungisngis dahil nagising sila nang maramdaman ang presence naming apat. The cyclops tried to attack us, pero dahil malaki sila, mabagal sila kumilos at mabilis kami nakakailag.

Dumadagundong ang buong cave sa bawak yapak ng mga Bungisngis. Sinubukan ni Elisha at Francesca na gamitin ang dagger, pero masyadong makapal ang balat ng cyclops para bumaon ito.

"Try to distract them. Evade, but don't attack them," utos ni Sage sa kanila.

"Babe, can you shoot them in the eye using your elementals?" tanong ni Sage.

"I can't, masyado ko malayo at gumagalaw sila."

"Not a problem," nakangiting sabi ni Sage at nagulat na lang ako nang bigla niya ako binuhat.

Using his speed, nakalapit kami ng mabilis sa mga cyclops. Sage is jumping from one rock to another. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumalon sa ulo ng cyclops. With only one hand, I hurled lightning balls directly sa mga mata nila at mabilis itong nubuwal.

"France, do it now," utos ni Sage.

France shot an arrow with fire sa mata ng mga Bungisngis at mabilis na nilamon ng apoy ang tatlong cyclops. Si Elisha naman ay sinilaban ang ilang remains ng mga taong naging biktima ng Bungisngis.

"Ok ka lang ba Francesca?" tanong ko sa kanya nang mapansin ko na hindi maayos ang paglakakad niya.

"Wala po to, gasgas lang. Nahampas kasi ako ng cyclops kanina."

May ilang hiwa sa pants niya. May dugo na din binti niya at malamang tinamaan siya ng malakas ng cyclops. Kung di maaagapan, baka hindi na siya makalakad.

"I will just carry you. Hindi mo kayang bumaba sa bundok ng ganyang condition," sabi ni Elisha na wala din reaction ang mukha. Di ko alam kung concern siya kay Francesca or naiirita dahil nagkaroon ng injury ang kasama niya.

"Wait lang, try ko gamutin yung sugat mo sa binti," sabi ko kay Francesca.

Nilabas ko ang White Medallion at ginamit ko ang healing powers nito para pagalingin si Francesca. Within seconds, nawala ang wounds and probably pati ang fractures niya.

"Salamat po, Punong Babaylan," sabi niya sabay yakap sa akin. Di ko alam kung naiiyak siya sa tuwa.

"You are most welcome. Let's go. Ayoko mag overnight sa bundok na ito," nakangiti kong sagot sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

496K 35.1K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
9.4K 1.1K 63
โ˜•๏ธŽ| ๐’“๐’‚๐’๐’Œ๐’†๐’… 1หขแต— ๐’Š๐’ ๐’๐’–๐’‰๐’‚ โ€ข ๐’“๐’‚๐’๐’Œ๐’†๐’… 1หขแต— ๐’Š๐’ ๐’๐’–๐’๐’ˆ๐’Œ๐’๐’• โ€ข ๐’“๐’‚๐’๐’Œ๐’†๐’… 1หขแต— ๐’Š๐’ ๐’•๐’–๐’๐’‚ โ€ข ๐’“๐’‚๐’๐’Œ๐’†๐’… 2โฟแตˆ ๐’Š๐’ ๐’”๐’‚๐’˜๐’Š "Ito ay t...
7.6K 282 25
Prologue Bastard, Bitch, Idiot, Slut, Whore, Shit, Asshole. Name it. If I didn't know my name? I'm sure, even me I will think that it was all my name...
332K 10.5K 24
Hindi pa isinisilang si Anika ay ikinasal na siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita't nakikilala. Noong una, inisip niya na isa lamang iyong k...