No Ordinary Playboy (PUBLISHE...

By nooneseemstoknow

283K 5.4K 362

PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS The Wattys 2018 Winner - The Revisionist NO Series #1 (COMPLETED) He's no ordinary... More

Getting to Know the Playboy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Author's Note
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Dedication :-D
Chapter 19
Chapter 20
Notice
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter โ™กโ™กโ™ก
Another Special Chapter!
NOP's Old Book Cover
note
A Very Special Chapter

Chapter 3

17.4K 348 9
By nooneseemstoknow

"What's the meaning of this!"

Halos pasigaw kong tanong nang makapasok sa bahay.

"Isa lang ibig sabihin nito Mr. Guevarra. That I'm your girlfriend."

Nanlaki pa lalo ang mata ko. Bakit andito siya sa bahay ko? Walang ibang may alam kung saan ako nakatira maliban sa tatlong pinsan ko. Sila lang tumatambay dito.

At ilang beses ko na ring narinig sa babaeng 'to ang mga katagang 'I'm your girlfriend. Ganito na ba siya ka-obsess sakin?

"Sorry but you need to know this. I already have a girlfriend. Hindi pa namin nilantad sa public but sooner it will be announce."

Umupo ako sa harapan ng sofa na kanyang inuupuan. And I cleared it all.

"I know," she calmly said.

"What are you saying? Then are you willing to be my other girl?"

I started to sit beside her. Sisiguruhin kong pagsisisihan niya ang sinabi niya.

"It isn't new at all. Kilala ang isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra na playboy."

She faced me with a seducing smile.

"I'm a playboy. But I'm no ordinary playboy. I don't act being seduced. For no one can seduce Isaac Dryle Alfonzo Guevarra."

"Then lets proved it." Umurong siya palapit sakin.

What the hell is she doing? How can a girl be this fearless? At halos magkadikit na ang mukha namin sa sobrang lapit.

And I just realized something. May kung anong familiar sa kanya. Di ko lang matanto kung ano.

"Time's up!" bigla niyang sabi saka bumalik sa pagkakaupo na malayo sakin.

At biglang may nagbukas ng pinto.

"Uy, Dryle musta? Is everything okay?" bungad na sabi ni Tristan na may malaking ngisi sa pagmumukha habang nasa likod naman nya si Zooey na nakatingin pa sa cellphone niya.

Aba kasabwat ata nila 'tong may pagkabaliw na babae rito. Nasobrahan na ata sa pagkabaliw sa akin.

"Sino nagpapasok sa kanya rito?"

"Kala namin mas matalino ka sa amin. Ba't ang slow mo?"

Napaupo naman sa harapan namin si Zooey. Ano nga ba connect nilang tatlo?

"Take away everything. And let's start!" senyas niya sa dalawa.

Teka ano gagawin nila rito sa bahay?

"Ano gagawin niyo?"

Napatayo ako sa kinauupuan ko habang kitang kita ko sa mga mukha ng dalawang gago na pinipigilan ang pagtawa.

"Ano sa tingin mo?" She said while crossing her legs.

"Mr. Guevarra you can leave us. Since the only thing you need to do is to be my boyfriend. That's all," dagdag pa nya habang inaabot yung libro sa gilid.

Ngayon ko lang napansin 'tong mga librong nakapatong. Libro at boyfriend? Ito na ba sinasabi ni Mike? Ba't di ko agad naalala yun?

"Ngayon alam ko na. Ba't di niyo agad sinabi sakin? Saka ba't dito pa sa bahay ko?" Umupo ako pabalik sa upuan nang nakalma ko na ang sarili.

"Kala namin makukuha agad ng isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra," sabi naman ni Tristan.

Mga ungas alam kong gusto niyo lang may pagtawanan.

"At ang bahay mo lang walang istorbo. Walang ibang tao. Perfect place para mag-aral," sabat naman ni Zooey.

Aba palusot mo lang kaya 'yan.

"Ewan ko sa inyo. Bahala na kayo riyan. Matutulog na ako," sabi ko sa kanila sabay alis sa kinauupuan.

"Teka dalhan mo naman kami ng makakain. Ang hirap kaya mag-aral," saad ni Tristan.

"O nga. Nakakaubos din ng energy ang mag-aral. Pwede samahan mo naman ng drinks," dagdag naman ni Zooey.

Aba namumuro na talaga ang mga unggoy na'to. Nakikigamit na nga ng bahay, gagawin pa akong katulong.

"Kumuha kayo sa ref. Di naman nakakalumpo ang mag-aral."

Iniwan ko na sila sa sala at nagtungo sa kwarto.

Sa kwarto..

"Hay, tapos na rin araw na'to. Kakapagod din mambola ng buong araw. Makahiga na nga."

Matapos kong mag-ayos ay humiga na ako sa kama.

Pero di pa nga ako nakakatulog ay ayun may kumatok ng pinto.

Aba nang-iistorbo pa sila. Alam ba nilang kelangan kong magpahinga. Naku naman uh. At kung makakatok parang walang bukas.

"Teka lang. Ba't ka ba nang-iistorbo?"

Ano ba kelangan neto? Ako pa minamadali.

"Dryle, tulong naman. Pwede bili mo naman kami ng kape sa labas. Wala ka na e. Pampatanggal lang ng antok." Lokong Tristan na'to 'yan lang talaga dahilan niya kaya ako binulabog.

"Di bumili kayo. Ba't ako pa?"

"Halos di na nga kami paalisin sa kinauupuan namin e. Bantay sarado kami. Mahirap na galitin ang dragon. Kaya sige na." Pagkukumbinsi sa akin ni Tristan.

"Dragon?"

"Alam mo kasi kilala ang babaeng iyon na halimaw sa Engineering. Wala siyang sinasanto kapag nagalit kaya tulungan mo naman kami."

Di ko alam na may kinatatakutan din pala 'tong dalawa. Di naman ganoon ka halimaw tingin ko sa kanya e. Maybe fierce but I think I like it.

"Ayaw ko."

Sinira ko na ang pinto at bumalik sa pagkakahiga. Bahala na kayo riyan.

Pero di parin siya tumigil sa pagkatok. Kaya tinakpan ko na lang ang tainga ko ng unan. Ngunit dahil sa sobrang lakas ng katok niya, di manlang ako makaidlip. Jusko, palayasin ko na lang kaya sila rito.

"Naku naman uh. Ba't ayaw mong tumigil?"

Nagtungo ako sa labas at pinuntahan siya.

"Sige na. Promise di na kita ulit iistorbuhin."

"Last na talaga 'to. Dahil kong hindi papalayasin ko na kayo."

Pumayag na ako.

"Dalawang kape. At ang isa dapat may halong choco. Yung di masyadong mapait."

At iyon nga bilin niya sakin. Nagtungo na ako agad para bumili para makatulog na rin.

Pagdating ko.

"Oh heto na! Kaya patulugin ninyo na ako."

Nilapag ko sa mesa ang binili.

"Yeheey! Ito sakin. Sayo naman Zooey and of course sayo Ms. Tutor." Si Tristan na ang namigay.

"No thanks," agad namang sagot niya.

"May peanuts din diyan," sabi ko naman.

Naupo muna ako sa tapat nila. Medyo marami na ngang napag-aralan ang dalawa. Ewan ko lang kung maalala pa nila lahat 'yan bukas.

"B-a't ang ang-hang ni-to?"

Nabubulol siya habang nagsasalita. Kita sa mukha niya ang pamumula dahil sa anghang ng peanuts.

"Spicy peanuts kasi iyan. Ito inumin mo. Malay ko bang may allergy ka sa spicy foods," sabi ko sabay abot ng inumin na binili ko.

Agad naman niyang nilagok.

"Te-ka...may kape 'to," Nanghihina niyang sabi.

Naku ano nangyari sa kanya? Agad ko namang sinandal siya sa upuan hanggang nakatulog siya.

"So totoo nga. Kape ang weakness ng dragon," ani ni Tristan sa amin.

"Okay lang ba siya? Baka anong mangyari sa kanya?" tanong ko kay Tristan.

"Sabi nila nakakatulog lang siya pag nakainom ng kape. At magigising..."

Natigil si Zooey nang hilahin siya ni Tristan.

"Uwi na kami. Sabihin mo na lang sa kanya na bukas na lang namin ituloy ang ibang topics. Hali kana Zooey."

Ayun nagsitayuan na ang dalawa. At agad na umalis. Iniwan nila ako rito.

Anong gagawin ko? Hihintayin ko siyang magising o hayaan na lang siyang matulog rito? Naku naman.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 1K 9
She's Tres the mysterious assassin of ร€n'clan, A great Assassin who always follow the command from highly ranked in their clan. She was a servant, w...
46.1K 677 48
Zaxisha Lurrhaine Amatong a. k. a. Kisha, the conyoest slash maldita slash egoistic school idol in town, her life was in perfect pride and solace but...
2.7M 63.7K 38
Namiss niyo ba sina Karissa at Marion ng CLASS 4-6? Ready na ba kayong makasama sila sa next level ng relationship nila? Hindi lang basta-basta re...