Way Back Into Love (GirlxGirl...

By FrivolousWriter

656K 18.5K 1.8K

[GirlxGirl] Live, Love, Life Series | COMPLETE College professor si Ariella sa Colegio de San Luis. Kilala si... More

Way Back Into Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 20

17.8K 508 16
By FrivolousWriter

Alexandra's POV:

"A-aray! Mommy! Sandali!"

"T-teka, mommy! Easy lang kay ate!"

"Hon, let Alex go. Let our daughter explain first."

Napapangiwi na lang ako habang hila-hila ako ni mommy sa tenga pagkatapos nila kaming maabutan ni Ariella na walang ibang takip sa katawan kundi ang makapal na kumot. Hinintay na nga niyang makapagbihis ako bago niya ako kinaladkad palabas ng cottage. Lagot ako neto.

"Now, explain," sabi ni mommy nang makalayo na kami sa cottage habang masama ang pagkakatingin sa akin. Nahilot ko naman ang tenga ko. Ang sakit.

Bumuntong-hininga naman ako. "Alam kong nangako ako sa inyo. Na liligawan ko muna siya bago kami dumating sa ganyang stage. But I can't help it. She's so damn irresistible kaya hindi na ako nakapagpigil—Aw! Mom!" Nakakarami na itong nanay ko. Sapakin ba naman ako?

"Kahit na! Dapat nagpigil ka! You've just graduated, for Pete's sake! Paano na lang kung iba ang nakapasok sa cottage niyo? You even left the door unlocked!"

I groaned in frustration. Iyon pala ang dahilan kung bakit nabuksan nila ang pinto ng cottage namin at basta na lang silang nakapasok. Bakit ba nakalimutan ko ang bagay na iyon?

"Masyado kasing excited. Ayan tuloy," pang-aasar naman sa akin ni Alexis.

Tinignan ko naman siya ng masama. Nagtago naman siya sa likod ni daddy. I sigh in defeat. "I'm sorry. I should've known better," nakatungong sabi ko.

May ilang minuto yata na tahimik lang kami. Dumadami na ang mga taong naglalakad sa dalampasigan at naglulunoy sa dagat. Medyo mainit na rin ang sikat ng araw. Pero sa huli si mommy din ang bumasag ng katahimikang iyon.

"Hon, Alexis, can both of you leave us alone for a moment?"

"Sure," si daddy saka hinila si Alexis na walang balak na lubayan kami. Nang mawala na sila sa paningin namin ay binalingan naman ako ni mommy.

"Come," seryosong sabi niya saka nagpatiuna na sa paglalakad.

Napabuntong-hininga na lang ako saka sumunod sa kanya. Tumigil kami sa isang parte ng buhanginan kung saan may nakatayong malaking payong na nagsisilbing lilim. Umupo kami sa ilalim niyon. Wala nang pakialam kung madumihan man ang mga damit namin dahil sa buhangin. Tahimik lang kami at walang ibang ingay kundi ang mga hampas ng alon sa dagat at ang mga batang naglalaro. Pero sa huli ako na rin ang bumasag niyon.

"I'm sorry, Mom."

Alam kong big deal sa kanya ang tungkol sa mga ganito. Lalo na't nangako ako sa kanya noon. I feel guilty for breaking my promise to her. Sabihin nang mababaw ang nanay ko pero alam kong para sa akin din naman ang pag-aalala niya. Para sa amin ni Ariella. Hindi naman kasi biro ang ganitong klaseng relasyon. Lalo na kung dati kong guro ang nobya ko ngayon.

"I'm expecting so much from you, Alex." Bumaling siya sa akin, her eyes expressionless. "I know you've been waiting for this for two years. You waited for her for two years. Pero hindi naman ibig sabihin na naka-graduate ka na ay aabot na kayo sa kama." Bumuntong-hininga ito. "Hindi dapat ganoon. I know you didn't forced her to do it. Pero iba pa rin kapag dinahan-dahan niyo pa rin ang proseso ng relasyon niyo. Hindi naman maiiwasan na magkaroon kayo ng intimate moments, pero dapat nasa lugar. Get me?"

Tumango naman ako. "I get it, Mom. I'm sorry."

"Huwag niyong madaliin ang relasyon niyo. There's still a lot of challenges on the way. You can go all happy-go-lucky today, but what about tomorrow? Mahaharap niyo pa rin ba ang kinabukasan kung mamadaliin niyo ito ngayon? Paano kung magkasawaan kayo? Lalo na ikaw at bata ka pa. I know Ariella si old and mature enough to handle this kind of things. Pero ikaw? Puwede pang magbago ang desisyon mo kahit pa na halos dalawang taon mo siyang hinintay."

Doon na ako sunud-sunod na napailing. "That won't happen, Mom. I love her too much," mabilis na sabi ko.

"Huwag kang magsalita ng tapos. Lalo na't nagsisimula pa lang kayo." Mataman niya akong tinignan. "Madami pa kayong pagdadaanan. Lalo na ang relasyong meron kayo. Alam naman natin na hindi pa masyadong open-minded ang mga tao pagdating sa same sex relationship. Marami pa rin ang nagsasabing makasalanan iyon sa harap ng Diyos. Maraming huhusga sa inyo. Maraming mamaliitin kayo. Alam kong kaya mong i-handle ang ganitong klaseng issue. Nakita ko ang lahat ng iyon nang mag-out ka noong high school ka habang nasa California tayo. And I know you're brave enough to face all of the judgements and criticism people might throw at you. Pero paano si Ariella? Both of us know she's new to this kind of relationship." Hinawakan niya ang kamay ko. Her eyes full of worry. "She can't handle this alone, Alex. She needs you more than anything. I know she's a smart, strong, and independent woman. But she still needs you. Hindi man niya sabihin, pero iyon ang nararamdaman niya. Woman like her can be vulnerable. Or worst if she can't handle the situation. Alam mo naman siguro iyon, di ba?"

Tumango naman ako. Matagal ko nang naoobserbahan iyon kay Ariella. Hindi lang mahahalata sa una because she always put a strong facade. Pero kung pakatititigan ng mabuti, doon lang makikita ang vulnerability niya. And she likes keeping things herself. No matter how hard the situation is. Nagiging visible lang naman ang pagiging mahina niya kapag patungkol na iyon sa mga malalapit sa buhay niya. Especially her friends.

"Heed my advice, anak. Nag-aalala lang ako para sa inyo. Pareho kayong mahalaga sa akin kaya ganito ako mag-alala. Kaya sana huwag kayong umabot sa punto na magkasakitan kayo hanggang sa pareho na kayong sumuko. There's no perfect relationship, I know. At least make it work. Hindi lang para sa inyo. Kundi para na rin sa mga taong nag-aalala sa inyo. Always remember that."

Muli, tumango ako saka yumakap sa braso niya. "I understand, Mom. I'll remember that," sagot ko habang nakatingin sa asul na dagat.

"You should. Subukan mo lang magloko, I'll literally disinherit you," sabi naman niya sa nagbabantang tinig.

Napatawa naman ako ng mahina. "I won't promise this time, Mom. I'll just do it." Katakot din kasing manakot itong nanay ko. Literal niyang ginagawa, eh.

"That's my girl," natutuwang sabi naman niya saka ginulo ang buhok ko. Maya-maya ay pinakatitigan niya ako. "You really changed a lot. Hindi na ikaw ang dating Alex na playgirl at ilang babae na ang pinaiyak."

Umirap naman ako. "I'm not a playgirl, Mom. Hindi ko intensyon na mahulog sila sa akin at hindi ko kasalanan kung hindi ko sila sinalo. And it's not my fault they misinterpreted my actions."

Kinurot naman niya ako sa ilong. "But it's really your fault because you didn't explained it to them in the first place. Iyan ang dahilan kung bakit nami-misinterpret ka ng mga babae. Palusot mo."

Napatawa na lang ako saka yumakap sa bewang niya. "Oo na. Kasalanan ko na," natatawang sagot ko. May punto naman kasi siya. Makikipag-argumento pa ba ako?

I'm really lucky to have a mother like this. Hindi naman kasi lahat ng ina open-minded pagdating sa mga ganitong usapin. So I guess some of the odds are in my favor.

"Bumalik na tayo doon. I know Ariella is really uncomfortable right now. She needs you."

Tumango naman ako kaya pareho na kaming tumayo at sabay na naglakad pabalik sa cottage na inookupa namin ni Ariella. Sa pinto pa lang ay rinig na namin ang mga tawanan mula sa loob. Napangiti ako pagpasok namin sa loob. Masaya kasing nakikipagtawanan ang girlfriend ko sa mga kaibigan ko.

Bigla akong kinilig sa naisip. Girlfriend ko. Damn! Ang sarap sa pakiramdam. Paano pa kaya kapag sinabi iyon ni Ariella?

"Oy, muntanga ka na diyan. Nandito lang si Ariella, oh."

Hindi ko pinansin ang pang-aasar na iyon ni Clover. Lumapit lang ako kay Ariella at niyakap siya mula sa likod.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin nang bahagya niya akong lingunin.

Tumango naman ako saka hinalikan siya sa pisngi. Parang tanga naman na tumili ang kapatid ko. "Alexis," banta ko sa kanya. Ang sakit kasi sa tenga ng tili niya.

"Kilig si ako, eh. Walang basagan ng trip, Ate," nakairap naman na sabi ni Alexis.

Napailing na lang ako saka ipinatong ang baba ko sa balikat ni Ariella. Mukhang matatagalan pa kami sa resort na ito. Nagbabalak kasing mag-barbecue sa labas mamayang gabi ang mga magulang ko. Nag-renta din kasi sila ng cottage dito. Iyong mas mahal lang kasi magkakasama sila sa iisang cottage kasama sina Crimson, Alice, at Clover. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. At least may private time kami ng girlfriend ko.

Nakakabakla nga ang kilig. But still, I'll welcome it with open arms.

———————————————

Ariella's POV:

"Beach volley tayo!"

Tinignan naman ni Alex ng masama ang kapatid. "Makapag-aya ito. Marunong ka ba?" sarcastic na tanong niya sa kapatid.

"Baket? Sinabi ko bang kasama ako? Ako ang referee oy," buska naman ni Alexis kay Alex bago bumaling sa akin. "Ate Ariella, oh. Inaaway ako," sumbong naman niya sa akin.

"Aba't—! Kailan pa kayo naging close, aber?" nakataas ang kilay na sabi naman ni Alex.

Tinapik ko naman siya sa braso. "Huwag mo na ngang patulan ang kapatid mo. Para kang bata," sabi ko sa kanya saka kinurot siya sa magkabilang pisngi. "Pati ba naman kapatid mo pinagseselosan mo."

Tinanggal naman niya ang kamay ko sa pisngi niya at hinalikan iyon. "Hindi ako nagseselos. Naiirita lang ako sa taba niya."

"Hey! For your information, baby fats ito! BABY FATS!" nakangusong sabi naman ni Alexis. "Sinasabi ko sa'yo. Pag pumayat at s-um-exy ako, hu u ka saken!"

"Whatever," nakairap naman na sabi ni Alex.

Napailing na lang ako. Ibang klase din magbangayan ang magkapatid na ito. Pati ang walang kamuwang-muwang na baby fats nadadamay.

"Tama na nga iyang walang kalatoy-latoy na pag-aaway niyo. Minsan na nga lang kayong magkita nag-aaway pa kayo," sabi naman ni Tita Alvira habang inilalapag niya sa hapag ang mga barbecue na niluto nila ni Tito Edgardo.

Nayakap ko ang sarili ko nang biglang humangin ng malakas. Malapit na rin kasing gumabi kaya medyo malamig na ang simoy ng hangin.

"Here."

Napalingon ako kay Alex nang isuot niya sa akin ang jacket niya. "Okay lang ako. Kaya ko naman ang lamig," sabi ko sa kanya.

Umiling naman siya. "Wear it. Besides, ayokong pinagtitinginan ka ng mga tao dito. Especially boys," labas sa ilong na sabi niya saka nilantakan ang isang stick ng barbecue.

Kunot ang noong napalinga naman ako sa paligid. Medyo madami nga ang mga tao dito sa mga mesa na puwedeng rentahan para pagkainan. Maggagabi na rin kasi kaya hindi nakataka-taka na maraming tao ngayon. Iyong iba sa buhanginan naupo habang pinagmamasdan ang kalmadong karagatan. At sa pag-obserba ko sa paligid, wala naman akong nakitang mga lalaking nakatingin sa akin.

"Pinaglololoko mo naman ako," sabi ko saka kumuha ng isang stick ng barbecue.

"Possessive lang iyang si Alex. Pero madalas praning," nakangising sabi naman ni Clover.

"Shut up," buska ni Alex saka tinignan ng masama si Clover.

Napatawa na lang ako saka umiling-iling.

"Kainan na. Alexis, tawagin mo na sina Crimson at Alice. Sabihin mo kakain na," utos ni Tita Alvira.

"Kay!" sabi naman ni Alexis sabay tayo para hanapin sina Alice at Crimson. Maya-maya pa ay magkakasunod silang dumating kaya kumpleto na kami sa harap ng hapag.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa pamilyang nasa harapan ko. Kahit minsan, hindi ko na-experience na kumain sa hapag-kainan na buo ang pamilya ko. I was always alone. Well, not when Lola Amelia came into the picture. Pero iba pa rin kapag iyong pamilya mismo ang kasalo mo. Now, I'm kind of jealous to see Alex's family. Buo sila at halatang strong ang bond nila. Unlike mine.

"Hey, what's with the long face? Hindi mo gusto ang pagkain?"

Kunot ang noong napakingon ako kay Alex. A worried expression is written all over her beautiful face.

Ngumiti naman ako saka sunud-sunod na umiling. "Hindi naman. May naalala lang ako," sagot ko.

"Whatever that is, hija, forget about it for the mean time. Remember, you're part of the family now. So just enjoy, okay?" sabi naman ni Tito Edgardo kaya napalingon ako sa kanya. I smiled when I saw that reassuring smile from him.

Tumango naman ako. "Okay po."

"Kain na," sabi naman ni Alex saka nilagyan ng pagkain ang plato ko. Nginitian ko naman siya saka nagpasalamat.

Ang saya lang. Ganito pala ang pakiramdam ng may buong pamilya. Somehow, the whole inside my heart is being filled. Not just by Alex, but also by her family. I smiled to myself when I realized something. I feel complete. Almost.

————————————————

Continue Reading

You'll Also Like

450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
139K 5.1K 33
Every one has something inside that they don't show. What you see is not everything. -Victoria Carson
145K 5.2K 43
Sage Reagan is a student at Xaxen University. A brat, naughty, and easygoing person. She loves to tease the terror Professor Avany Amara Martinez. W...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...