The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 29: Her other side

2.3M 57.2K 20.4K
By blue_maiden

KIM

Nakita ko siyang nakatayo sa tabing dagat. Ito lang naman 'yong lugar na palagi niyang pinupuntahan dito maliban sa bahay nila.

Naglakad ako papalapit sa kanya.

"Shawn, pwede ba tayong mag-usap?" Nilingon niya agad ako.

"Anong kailangan mo, Kim?" Ibang-iba na siya tumingin ngayon. Nakakapanibago na parang wala na akong halaga sa kanya.

"May gusto akong sabihin sa 'yo."

Alam kong magagalit sa 'kin si Jeydon sa gagawin ko pero hindi ko na talaga kaya. Ang sakit makita na nagdudusa at nasasaktan siya ngayon. Wala akong magawa sa sitwasyon niya kaya baka kapag sinabi ko 'to kay Shawn, may magawa siya.

"Tungkol 'to kay Jeydon." Pagkasabi ko no'n, bigla siyang tumalikod sa 'kin.

"Wala na akong pakialam sa kanya." Bigla akong nakaramdam ng galit. Gano'n na lang 'yon? Wala na siyang pakialam sa taong minsan niyang naging matalik na kaibigan? "Umalis ka na, Kim." Pakiramdam ko, maiiyak ako sa galit.

Dahil lang sa Candice na 'yon, kinalimutan na niya 'yong pagkakaibigan nila ni Jeydon?

"Sige, aalis na ko." Walang kwenta pala 'yong naisip ko na lumapit sa kanya. Wala siyang kwenta. "Wala ka naman sigurong pakialam kahit na sabihin kong may taning na 'yong buhay ng dati mong matalik na kaibigan."

Naglakad agad ako palayo sa kanya.

"Kim!" Tumakbo siya papalapit sa 'kin pagkatapos ay pinigilan niya ako. "May taning na 'yong buhay ni Jeydon?!" Inalis ko 'yong kamay niya sa braso ko.

"Oo, meron pero ano pa bang pakialam mo?" Natigilan siya bigla na para bang may malalim siyang iniisip.

"Gaano na katagal 'yong taning niya? At anong sakit niya?"

"Meron siyang brain cancer at isang taon, isang taon na lang 'yong binigay sa kanya ng doktor." Nanlaki 'yong mata ni Shawn, parang hindi pa siya makapaniwala.

"Kaya ba niya iniwan si Candice?" Hinawakan niya 'yong magkabilang balikat ko. "Sabihin mo, lahat ba ng 'to, ginawa ni Jeydon dahil sa sakit niya?" Tumango ako pagkatapos ay bigla siyang napaupo.

"Gago ka talaga, Jeydon. Isa kang malaking gago." Kita ko 'yong pagkainis niya.

"Mahal na mahal pa rin niya si Candice. Kahit kailan, hindi nagbago 'yon. Kahit kailan, hindi nawala 'yong pagmamahal niya kay Candice." Hindi ko napigilan na maiyak. "Hindi totoo lahat ng ginawa namin. Hindi totoo na nagkabalikan kami, na iniwan niya si Candice para sa 'kin, na mahal niya ko."

"Ang daming 'bakit' na tumatakbo sa isip ko. Bakit kailangan niyang gawin 'yon? Bakit hindi niya sinabi kay Candice na may taning na 'yong buhay niya? Bakit hindi niya sinabi sa 'min?"

"Hindi mo ba naiintindihan kung bakit, Shawn?" Napatingin siya sa mata ko.

"Natatakot ba siya na iwan siya ni Candice kapag nalaman niya na may taning 'yong buhay niya? Kalokohan 'yon!" Hindi ko napigilan 'yong sarili ko na sagutin siya.

"Natatakot siyang iwanan si Candice na mag-isa! Ayaw niyang nasasaktan at umiiyak si Candice dahil sa kanya!" Sa pagkainis ko, nasigawan ko na siya.

"Sa ginawa niyo, hindi niyo ba nasaktan si Candice?"

"Makakalimutan din niya si Jeydon at mawawala rin kung ano man 'yong sakit na nararamdaman niya ngayon! Isa pa, nasaktan man siya, naging mas matatag naman siya, 'di ba? Hindi mo masisisi si Jeydon sa naging desisyon niya." Tumayo siya pagkatapos ay nilapitan niya ako.

"Bakit mo sinasabi sa 'kin 'to?"

Tumalikod ako sa kanya pagkatapos ay nagsimula na naman akong umiyak.

"Ayaw naman talaga niyang saktan si Candice pero he doesn't have a choice! Saksi ako sa araw-araw na pag-iyak niya. Araw-araw siyang nasasaktan. Shawn, gumawa ka naman ng paraan. Hirap na hirap na akong makita siyang nagkakagano'n."

Pareho kaming natigilan.

"Kailangan ko siyang kausapin." Nagmamadali siyang umalis. Wala na akong nagawa kung hindi pagmasdan siya papalayo sa 'kin.

Pumunta ako sa kotse ko pagkatapos ay nag-drive ako papunta sa bahay ng mommy ko rito sa Korea.

Habang nandito ako, gusto ko siyang makita at makausap. Gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Umaasa ako na baka gumaan 'yong loob ko kapag nakausap ko siya.

Isang oras din bago ako makarating sa bahay niya, sa bahay nila ng bago niyang pamilya.

Gusto kong bumaba ng kotse ko pero nakita ko si Mom na kasama 'yong bago niyang asawa pati 'yong anak nilang mas bata sa 'kin nang tatlong taon. Ang saya-saya nila. Hindi ko napigilan na maiyak. Nasasaktan ako. Gustung-gusto ko siyang makasama katulad ng ginagawa nila ngayon ng bago niyang pamilya. Gusto kong mabuo ulit 'yong pamilya namin pero alam ko naman na hindi na 'yon pwedeng mangyari pa.

Huminga ako nang malalim pagkatapos ay lumabas ako ng kotse ko. Hindi ako naglakas-loob na lumapit sa kanila pero bigla niya akong nakita. Nagtama 'yong mga mata namin. Naglakad siya mag-isa papunta sa direksyon ko. Nakaramdam ako ng kaba.

"Kim?" Sa puntong 'yon, gusto ko siyang yakapin pero may pumipigil sa 'kin. "Anong ginagawa mo rito, anak?" Gusto ko ulit maiyak dahil sa loob ng matagal na panahon, narinig ko na naman na tinawag niya akong anak.

"Mom, I just want to talk to you."

"Tell me. What's wrong?" Nakakita ako ng pag-aalala sa mata niya. Kahit pala papaano, nag-aalala pa rin siya sa 'kin. "May nangyari ba?"

"Mom, kasi..."

"Mommy! Let's go!" tawag sa kanya no'ng isa niyang anak. "Come on!"

Tiningnan ko si Mom. Parang nahihirapan siya. Siguro nahihirapan siyang mamili sa 'min ng kapatid ko at ng bago niyang asawa. "It's okay, Mom. Go ahead."

"Are you sure?" Tumango ako pagkatapos ay niyakap ko siya.

Niyakap ko siya nang sobrang higpit. "I love you, Mom."

"I love you too, Kimberly." Tinulak ko na palayo si Mom sa 'kin. Ayokong dumating pa sa punto na umiyak ako sa harap niya.

Pumasok agad ako sa kotse ko tsaka ko hinayaan 'yong sarili ko na umiyak. Sobrang sakit 'yong nararamdaman ko ngayon. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung sino ba 'yong pipiliin niya kanina sa 'min pero hinayaan ko na lang puntahan niya 'yong bago niyang pamilya. Ginawa ko 'yon kasi natatakot ako. Natatakot ako na piliin niya 'yong bago niyang pamilya kaysa sa 'kin.

Alam ko naman na mahal niya ako pero alam ko rin na mas may lugar na 'yong bago niyang pamilya roon sa puso niya.

Kinalma ko muna 'yong sarili ko bago ako nagpasyang bumalik sa hotel.

Isang oras akong nag-drive pabalik.

Bago ako makapag-park, nakita ko agad si Shawn na paalis na ng hotel. Bigla akong kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan. Umakyat agad ako sa kwarto namin ni Jeydon.

Pagbukas ko ng pinto, patay 'yong mga ilaw at tanging ilaw lang sa lampshades 'yong bukas. Napatingin agad ako sa sahig tapos parang huminto 'yong mundo ko.

"Jeydon!" Tumakbo ako papalapit sa kanya. "Jeydon, anong nangyari?" Nakabulagta siya sa sahig at walang malay. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. "Jeydon, gumising ka!"

Inalog ko siya pero kahit anong gawin ko, hindi ko siya magising. Inalis ko 'yong pagkataranta ko pagkatapos ay tinawag ko 'yong staff ng hotel para tulungan ako na dalhin si Jeydon sa kotse ko.Pagkalagay namin sa kanya sa kotse ko, nagmadali agad ako na dalhin siya sa ospital. Nanginginig 'yong buong katawan ko habang papunta kami sa ospital. Hindi ko na rin napigilan na umiyak.

"Jeydon, alam kong hindi mo pa kami iiwan. Jeydon, please, 'wag muna ha." Parang dinudurog 'yong puso ko.

Twenty minutes lang at nakadating na agad kami sa ospital. Dinala agad si Jeydon sa emergency room. Naghintay lang ako sa labas. Tinawagan ko sina Tito Dave pati si Marky para ipaalam sa kanila 'yong nangyari. Mag-iisang oras na rin akong naghihintay sa labas. Kada minuto na tumatakbo, mas lalo akong kinakabahan.

Hindi mawawala si Jeydon. Hindi pa siya mamamatay. Alam ko na paglabas ng doktor, sasabihin niya na okay na si Jeydon. Mahilig siya sa pusa at ang sabi nila, siyam ang buhay ng mga pusa kaya alam kong mabubuhay pa siya.

"Kim, si Jeydon?" Lumapit sa 'kin si Marky. "Kumusta siya?" Bakas din sa kanya 'yong matinding pag-aalala.

"Nasa emergency room siya." Hindi ko na naman napigilan 'yong emosyon ko. "Lumalaban siya, Marky. Lumalaban siya at alam ko na malalabanan niya 'yon." Bigla akong hinila ni Marky patayo pagkatapos ay niyakap niya ako. "Mabubuhay pa siya. Hindi siya pwedeng mamatay."

"Masamang damo siya kaya matagal pa siyang mawawala." Hindi ko alam pero mas lalo lang akong naiyak.

Sinubukan akong pakalmahin ni Marky habang naghihintay kaming dalawa sa labas. Sandaling tumigil 'yong pagtibok ng puso ko no'ng nakita kong lumabas ng kwarto 'yong doktor ni Jeydon.

"Family of the patient?" Tumayo agad kami ni Marky.

"I'm his girlfriend. Kumusta siya? Gising na ba siya? I know he's okay, buhay pa siya, kaya papasukin niyo na kami sa loob."

Tinitigan lang ako ng doctor. Hindi niya ako sinasagot na siyang nagpagalit sa 'kin. "Ano ba?! Pipi ka bang doktor ka? Bakit hindi ka sumagot ha?" Hinawakan ako ni Marky sa braso.

"Kim, calm down."

"Paano ha? E itong doktor na 'to, ayaw sabihin kung anong lagay ni Jeydon!"

"The patient is in a comatose state. He's brain dead. I'm sorry."

Tumigil bigla 'yong mundo ko.

Napaupo na lang ako habang sunud-sunod na tumutulo 'yong mga luha sa mata ko. Hindi ako makapaniwala at ayokong maniwala. Hindi pwedeng mangyari 'yon kay Jeydon. Hindi niya ako pwedeng iwan. Hindi ko kakayanin.

Tumayo ako pagkatapos ay tumakbo ako papunta sa kwarto kung nasa'n si Jeydon.

Pinagmasdan ko siya. Kahit na madaming nakakabit sa kanya, para lang siyang mahimbing na natutulog.

"Jeydon! You stupid! Wake up!" Lumapit ako sa kanya pero hindi ko siya magawang hawakan. "May siyam na buhay 'yong mga pusa kaya hindi ka pa mamamatay! Hindi ka pa pwedeng mamatay!" Tinakpan ko ng dalawa kong kamay 'yong mukha ko pagkatapos ay tsaka ako umiyak nang umiyak. "Mahal na mahal kita, Jeydon, kaya please lang, 'wag ka munang mawawala kasi hindi ko kakayanin."

May dalawang kamay na humawak sa mga braso ko. "Kim, tahan na."

Pinunasan ko 'yong mga luha ko. "Marky, hindi ko pa kaya e. Kahit na sinabi na ng doktor na may isang taon na lang siya, hindi ko pa rin kayang ihanda 'yong sarili ko na mawawala siya sa 'kin."

Kahit gustong tumigil ng mga mata ko sa pag-iyak, hindi ko magawa.

"Kakausapin ko lang 'yong doktor." Lumabas siya ng kwarto habang ako, hinawakan ko 'yong kamay ni Jeydon.

Pinagmasdan ko ulit siya. Napakaamo ng mukha niya.

"Jeydon... oppa... yah... please don't leave me yet." Kinuha ko 'yong kamay niya pagkatapos ay hinalikan ko 'yon. "Gagawin ko ang lahat 'wag ka lang mawala. Kahit na palayain kita at ibigay kay Candice, gagawin ko. Just please wake up."

Pinatong ko 'yong ulo ko sa kama niya habang hawak-hawak ko pa rin 'yong kamay niya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, gusto ko na lang pumikit at matulog.

Mag-iisang oras na no'ng bumalik si Marky sa loob. Tiningnan ko agad siya at mukhang walang pinagbago 'yong expression ng mukha niya.

"Sabi ng doktor, pwede pang mabuhay si Jeydon pero pwede rin na habang buhay na siyang comatose." Halatang nagpipigil siya ng luha. "Sabi nila, it's up to him kung gusto pa niyang bumangon o hindi. Let's just pray for him."

Hindi na ako nagsalita. Imbes ay hinayaan ko na lang 'yong sarili ko na umiyak ulit. Sa sitwasyon na meron ako, pag-iyak na lang 'yong nakakapapagaan ng loob ko.

"Papunta na sina Tito Dave rito. Baka bukas sila ng umaga makarating. Magpahinga ka na. Ako na muna magbabantay kay Jeydon."

"Hindi. Hindi ko iiwan si Jeydon." Mas lalo kong hinigpitan 'yong pagkakahawak ko sa kamay ni Jeydon.

"Kim, kailangan mo ring magpahinga."

"Hindi ako makakapagpahinga kung alam kong ganito 'yong lagay ni Jeydon. Sige na, Marky, ako nang bahala kay Jeydon. Ikaw na 'yong magpahinga." Napabuntong-hininga na lang siya. Lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay hinawakan niya 'yong balikat ko na para bang sinasabi niya na magiging maayos din ang lahat.

Umalis din siya at ako ang naiwan kasama ni Jeydon.

Tiningnan ko 'yong krus na nasa pader. Naisip ko si Lord. Alam ko, siya at siya lang ang makakapagpagaling kay Jeydon.

"Lord, alam naman nating dalawa na hindi ako nagdadasal. Oo, alam ko na masama ako at oo, alam ko na wala akong karapatan na humingi ng pabor sa inyo," pumikit ako habang umiiyak. "Kaso Lord, please naman o. 'Wag mo munang kuhanin si Jeydon. Kung kukunin mo siya, 'wag muna ngayon o. Hindi ko pa talaga kaya e." Nilapag ko 'yong ulo sa kama habang nakatingin ako kay Jeydon. "Marami pa siyang pangarap e. Marami pa siyang gustong gawin kaya 'wag muna o, please?"

Hinawakan ko 'yong mukha ni Jeydon. Para akong sinasaksak tuwing naiisip kong comatose siya. Ang sakit isipin na posibleng hindi na siya magising pa.

Kailangan na siguro niyang malaman ang lahat.

Ikaw na lang 'yong huling pag-asa na meron si Jeydon ngayon. Candice, naniniwala ako na ikaw 'yong milagro ni Jeydon kaya kahit masakit, ipapaubaya ko muna siya sa 'yo.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
97.7M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
3.5K 870 62
Broken-hearted? Bitter? Realist? Whatever you may call yourself who doesn't believe in happy endings, this compilation is for you.
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...