The Empire Series 5: Vanna Le...

By jazlykdat

6.5M 200K 25.8K

Vanna Lei is shrewd and strong. Nobody can tear her down. Not even love? ***** Vanna Lei is one of the best a... More

The Empire Series 5: Vanna Lei
Prologue
Chapter 1: Vanna Lei and Star in One
Chapter 2: Brown Eyes
Chapter 3: Between Them
Chapter 4: Her Disguise
Chapter 5: Vanna's Investigation
Chapter 6: Date
Chapter 7: Stubborn Vanna
Chapter 8: Abide
Chapter 9: Sneaky Moves
Chapter 10: Flowers
Chapter 11: Who's on the Rescue?
Chapter 12: Suspicion
Chapter 13: Star
Chapter 15: Vanna's Nightmare
Chapter 16: Asymptote
Chapter 17: Pagtataka
Chapter 18: Dual Motives
Chapter 19: Questions
Chapter 20: More Questions
Chapter 21: Vanna Lei Filan
Chapter 22: End of Mission?
Chapter 23: Clouded
Chapter 24: More Clouded
Chapter 25: Coward
Chapter 26: Savior
Chapter 27: Upside Down
Chapter 28: Last Time
Chapter 29: It's TIME...
Chapter 30: AT RISK
Chapter 31: Callous
Chapter 32: Dismissed
Chapter 33: The Boss
Chapter 34: Her Boss
Chapter 35: Save Me
Chapter 36: Tayo
Chapter 37: Home
Chapter 38: Lucky
Chapter 39: Jump
Chapter 40: Questions
Chapter 41: Clenched
Chapter 42: Caught
CHAPTER 43.1: NO
Chapter 43.2: Oh Yes!
Chapter 44: Missed
Chapter 45: Klein Rich
Chapter 46: Intentions
Chapter 47: Probe
Chapter 48: Empathy
Chapter 49: Confusion
Chapter 50: Jeopardy
Chapter 51A: Risk
Chapter 51B: RISK
Chapter 52: Blank
Chapter 53: RESCUE
Chapter 54: Reconcile
The Last Chapter
Epilogue: The Final Blast
Book Version

Chapter 14: Start of War?

92.5K 3.1K 614
By jazlykdat

Umusog si Vanna pero sa halip na palayo ay mas lumapit pa siya kay Clyde. She smirked as she put her phone inside her bag. Walang lalaki ang puwedeng magdikta sa kanya kung ano ang nararapat niyang gawin. Magalit na ito kung magalit pero gagawin niya ang mga bagay na naaayon sa kagustuhan niya.

Ano nga ba ang kagustuhan niya?

She shrugged the thought off and looked at Clyde instead.

The man smiled at what she did. Tikom ang bibig nito pero nanunudyo ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Bakit bawal bang lumapit sa 'yo?" Pinagtaasan niya ito ng kilay na ikinatawa nito ng mahina. His chuckle warmed her heart. Napansin na lamang niya ang sarili na nakikitawa ng mahina.

Napatikhim siya nang ma-realize kung ano ang ginagawa niya.

The kids stared at them with a puzzled look. Nagkatinginan pa sila na ni Clyde. The latter winked at her. She averted her gaze when she felt the familiar racing of her heartbeats. Tumingin siya sa direksyong tinungo kanina ni Cloud, wala na ito roon.

Her heart leaped when Clyde's hand clasped her waist and pulled her closer. Natuliro siya at hindi agad naka-react.

Naturally, she would've reacted violently no matter how delicate the situation is but to her surprise, her cheeks felt hot, and when the kids looked at them and squealed "yieeehhh," her lips curved involuntarily into a smile.

She had never felt her heart fluttered this way before and she just knew SHE IS DOOMED. Totally.




She kept telling herself, it couldn't be happening. She can't be falling that fast. Not to a stranger like Clyde.

Pero sa tuwing susulyap siya sa binatang nagmamaneho ng sasakyan, mas lalo niyang nararamdaman ang eksaheradong pagtibok ng puso niya.

She inhaled deeply to stabilize her heart but it keeps beating fast. She felt uneasy. Kailangan na yata niyang tumigil sa pag-inom ng kape.

Naiuwi na nila ang mga bata at patungo na sila sa apartment niya. Pakiramdam niya ang tagal nilang makarating. Sinasadya yata nitong bagalan ang pagpapatakbo.

Napatingin siya rito nang itigil nito ang sasakyan sa isang hindi mataong parke.

"Let's take a walk?" anyaya nito sa kanya. Hindi siya dapat pumayag pero parte ng utak niya ang sumang-ayon kaya't tumango na lamang siya. Magkasabay silang lumabas ng sasakyan nito.

Clyde's hand were on his pockets as they walk towards a nearby bench.

Pareho silang tumigil sa tapat ng bench nang walang salita. She waited for him to speak but he remained silent. She could only hear his heavy breathing.

Nang hindi niya ito mahintay na magsalita ay naupo na lamang siya sa bench. Clyde looked at her as if trying to figure out what to say.

Napalunok siya nang lumapit ito at naupo sa tabi niya. She didn't look at him. Pasimple siyang tumingin sa paligid. There are few people walking around but none of them looks suspicious.

Naiisip niya tuloy kung may banta ba talaga sa buhay nito. This is a good chance for enemies to kill him if ever. Well, not that good because she's still around.

She stared back at him. Her thoughts lingered to the unknown code in his guns and how it is connected to the tattoo of the men who attacked her.

"Have you read my letter?" he asked. Napatango siya. He said in his note that there were two reasons why he intivited her to gaze at the stars.

"So, what's the second reason?" she asked.

Clyde inhaled deeply. Mukha itong nag-isip ng malalim.

"The second reason is that I want you to see yourself," he stated. The direct statement made her static.

Pakiramdam niya ay pinanginigan siya. He's explicitly telling her that she's star. In her long years in the field, never had anyone found out that her codename is star.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong niya rito. Gusto niyang pumiksi nang abutin nito ang kamay niya pero huli na. She already felt his warm hand on hers. Napalunok siya nang hindi niya magawang bawiin ang kamay.

Clyde stared at her. His face is serious but there is gentleness in his stare.

"The first time I saw your brown eyes, I felt like my entire world lit up. Like the stars on a dark night," wika nito.

She averted her gaze as she gritted her teeth. She shook her head and tried to calm down.

"No metaphors, no similes and no jargons. Just tell me what you exactly want to say, Clyde," matapang niyang saad. Sinalubong niya ang mga titig nito.

Clyde stared at her for a moment before slowly releasing her hand. Her eyes settled on her palm. It felt empty.

Gusto niyang kastiguhin ang sarili sa mga nararamdamang wala sa lugar pero hindi niya magawa. There is something more that she needs to face.

"That night in the restaurant when you suddenly walked out, sinundan kita," saad nito.

Her heart raced some more at what he said. May parte ng utak niya ang umaasa na hindi ang binata ang tumulong sa kanya ng gabing iyon.

It must not be Clyde otherwise he's a clone version of Cloud especially in his skills in martial arts. Si Cloud lang ang kilala niyang ganoon kabilis kumilos sa laban. He was able to detonate the bomb that fast as he fights the men around. Only Cloud could do that, but then again, she doesn't know what Clyde is capable of doing.

Napalunok siya sa naisip. Tiningnan niya ito ng diretso.

"I followed you but I saw her," ngumiti ito ng mapait.

"Sino?" Kunot-noo niyang tanong. She thought he'd tell her about the fight scene that night but he's telling a different thing.

"Emma," he muttered.

"Sinong Emma?" mas lalong kumunot ang noo niya.

"Remember when I told you, you had the same eyes as my first love?" balik-tanong nito.

Ilang segundong nag-hang sa utak niya ang sinabi nito bago siya napatango.

"Akala ko nakikita ko lang siya sa 'yo. That's why I found you interesting," naiiling nitong saad. Bumilis ang tibok ng puso niya pero hindi dahil sa kaba kundi sa antisipasyon sa susunod nitong sasabihin.

Clyde stared at her and she has no other choice but to stare back. She could see honesty in his eyes.

"Noong nakita ko siya nang gabing iyon sa restaurant at nakausap, napatunayan ko na hindi pala dahil sa kanya kaya ako naging interesado sa 'yo," pahayag nito.

She inhaled deeply as she tried to digest what he said.

"I like you not because you had the same eyes as hers but because of who you are, Lacy," saad nito.

Clyde reached for her hand again. Her breathing hitched when he slowly lifted it. Hindi niya alam na mas nakakakaba pala ito kaysa sa una niyang naisip na sasabihin nito kanina.

He was about to kiss her hand when they heard some men running. May ilang kalalakihang naghabulan sa harapan nila. May narinig din silang babaeng sumigaw ng "Snatcher!"

Agad siyang napatayo. Muntik na niyang makalimutan na hindi pala siya puwedeng makihabol.

"T-tulungan natin 'yong babae," saad niya rito habang pinipigilan ang sariling humabol sa mga nagtakbuhang lalaki. Nakita niyang hindi pa nakakalayo ang mga lalaki.

Kunot-noong napatingin sa kanya ang binata pero agad ding tumango.

"Stay here. Babalik ako," saad nito bago mabilis na tinakbo ang direksyong pinuntahan ng mga lalaki. Lumapit siya sa babaeng umiiyak. May mga ilang tao na ring lumapit rito.

She was pacifying the woman when she saw the man from the restaurant walking away from the area. Napatingin siya sa babaeng umiiyak.

She gritted her teeth when she realized who it was behind the mask.

"Cristina," bulong niya rito. The woman stopped crying and looked at her.

"Sorry," she mouthed.

Inis niyang pinaalis ang mga usisero't usisera bago muling humarap sa kaibigan.

"Utos ng boss," natatawa nitong sambit sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Sino 'yong mga tumakbo?" tanong niya rito. Nakaramdam talaga siya ng pagkainis sa ginawa ng mga ito.

"Wind and Sky," she chuckled softly.

Nailing na lang siya at huminga ng malalim bago tuluyang magalit sa ginawa ni Cloud.

"Baka mapagod si Prince Charming mo sa paghabol," tudyo ng kaibigan.

"Landi-landi mo kasi, bes," natatawa nitong dagdag. Agad itong lumayo nang ambahan niya ng suntok.

Pinandilatan na lamang niya ito. Baka kung bubunutin niya ang baril may makakita pa sa kaniya.

Pagsasabihan sana niya ito nang makita nilang pabalik na sa kinaroonan nila si Clyde. Nagkatinginan pa silang magkaibigan.

"Here's your bag," Clyde muttered. Habol nito ang paghinga habang iniaabot ang bag kay Cristina.

"Nahabol mo sila?" tanong ng kaibigan. She could sense Cristina's amazement. Pati siya ay nagtaka rin sa bilis nito. How could he possibly catch Wind and Sky? Those two run like the legendary Usain Bolt.

Huminga naman ng malalim ang binata. Tumango ito at kinalma ang sarili bago sumagot.

"Yes, natadyakan ko 'yong isa at nasuntok 'yong isa pero nakatakbo agad sila. Pinabayaan ko na lang noon nakuha ko itong bag," salaysay nito.

"Mag-ingat ka sa mga hindi mataong lugar, miss. Lalo na kung mag-isa ka lang," saad ni Clyde kay Cristina. Tumango naman ang isa bilang pag-sang ayon.

"Maraming salamat," sambit ng kaibigan. Kulang na lang ay sikuin siya nito.

Hindi siya nagsalita. She's thinking how he was able to catch Wind and Sky.

"Will you be okay? Gusto mo ihatid ka na namin sa bahay n'yo?" tanong ni Clyde kay Cristina matapos itong magpasalamat.

Gusto pa yata sana nitong umoo pero pinandilatan niya ito kaya tinanggihan nito ang alok ng binata.

Sinamahan na lamang nila ito hanggang sa makasakay sa taxi. It was Clyde who insisted.

Nakaramdam siya ng paghanga sa ipinakita nitong pagkamatulungin sa kapwa.

*****


"I let you do things on your own because I trust your abilities."

Nagulat pa siya nang makitang nakatayo si Cloud sa paanan ng kama niya pagpasok niya sa loob ng unit.

"I didn't expect you'd flirt around with that guy," dagdag nito. She could hear resentment in his voice.

Kinalma niya ang sarili dahil sa pagkastigo nito sa mga ginagawa niya.

"I wasn't flirting. It's part of my strategy," she said blandly. Ayaw niyang magkaroon ito ng kahit na anong hint na apektado siya sa presensya ni Clyde.

"Really?" Cloud smirked.

She drew a deep breath.

"Look, may nakita akong common denominator sa tattoo ng mga lalaking umatake sa atin sa restaurant at 'yong serial numbers ng mga baril." Lumapit siya rito at ipinakita ang screen cap ng tattoo at 'yong code na napansin niya sa mga baril ni Clyde.

Ilang segundo lang itong tiningnan ni Cloud bago ibinalik ang tingin sa kanya.

"Kailangan kong mapalapit sa kanya---"

"Para malaman kung may tattoo rin siya sa ari?" diretso nitong tanong. Pinamulahan pa siya. That was the exact thing on her mind.

"Forget about that, mag-focus kayo sa matanda. After that, your mission will end," he said with finality.

Huminga siya ng malalim.

"I'm warning you Vanna Lei. Huwag mo nang ituloy ang pinaplano mo."

There is something about the codes that she wants to dig in but she doesn't want to spite Cloud some more. Baka tuluyan na itong magalit.

"So, ikaw talaga 'yong tumulong sa akin sa parking ng restaurant?" tanong niya rito matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Why? May iba ka pa bang knight-in-shining-armour?" Nakangisi nitong tanong. She almost rolled her eyes.

"Yabang!" irap niya rito. Tumawa naman ito ng mahina. Just like that, the atmosphere became lighter.

"Let's sleep," he said as he laid down on his usual spot.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 46.6K 52
(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa n...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
165K 5.4K 22
"A moon is Earth's natural satellite, just like you for me; we are bound with each other by a gravitational pull. " Two best of friends, One crazy da...
161K 3.9K 26
WARNING: MATURED CONTENT. The story you are about to read contains disturbing content and may trigger an anxiety response, especially in those who ha...