Imperfectly Perfect Summer

By rosabellamarie

8.5K 1.1K 1K

Nang matapos si Eleanor sa Highschool at nakatangap siya ng isang balita mula sa kaniyang lola na bago niya m... More

Prologue ✔
Chapter 2:They are so Over Protective ✔
Chapter 3: New Place New Pace ✔
Chapter 4: Pagkain Nila ✔
Chapter 5: Unggoy na nag sasalita ✔
Chapter 6: ABS- SENSE ✔
Chapter 7: You is enough to be my wonder wall✔
Chapter 8: Palayan ✔
Chapter 9: 13th ✔
Chapter 10: False alarm ba? ✔
Chapter 11: Laban ng puso ✔
Chapter 12: Bahala na ✔
Chapter 13: That was... ✔
Chapter 14: Responsibilidad ✔
Chapter 15: They are who? ✔
Chapter 16: Ache ✔
Chapter 17: Faith ✔
Chapter 18: Aroma ✔
Chapter 19: Battle of Beauties ✔
Chapter 20: She's here ✔
Chapter 21: My room ✔
Chapter 22: Prince and Princess ✔
Chapter 23: The Prince ✔
Chapter 24: Laban ✔
EPILOGUE ✔

Chapter 1: The so called challenge ✔

777 85 144
By rosabellamarie

BEFORE YOU READ:

Okay, I just wanted to let you know that this story was written in 2014. It's still a bit messy but bearable naman and you can actually notice my young writer self eh cringe.

I hope you'll like it.

-----------------------

CHAPTER 1: The So Called Challenge

(ELEANOR'S POV)

Do you know what high school means? 

For me, it is the middle part of life and I am on the edge of that middle part. Nakakalito ba ako? I'm at the edge kasi graduate na ako. Pero isang bagay lang naman talaga ang hinihintay ko at iyon ay ang pagsapit ng SUMMER. 

Kayo rin naman diba?

Nakatitig lang ako sa MacBook na regalo sakin ni Daddy- the latest Macbook to be exact. I was browsing the internet for some amazing summer getaway.

I flicked my fingers to get the attention of my bestfriend, Cassandra. "Local or international?" tanong ko sa kanya na kanina pa nakatitig sa bagong gupit niyang buhok.

"I think it's best kung local muna," sabi niya, still combing her newly cut hair.

"Subic or Boracay?" tanong ko na naman without averting my eyes from the monitor.

Naramdaman kong bigla siyang napatingin sakin at nagtaka ako. Tinignan ko lang din siya pabalik. "What?" I asked her.

"So your into beach?" tanong niya saka ibinagsak ang sarili sa kama.

"Nah. I'll just ask my dad. You're not helping naman," I said turning my chair to face the MacBook's monitor again.

I am in the middle of my search on Bohol when suddenly, somebody knocked at my door. It made me and Cassy startled.

"Ill get it," tumayo na agad ako at binuksan ang pinto. Nagulat ako nang makita si Lola.

"Oh grandma?" sabi ko in between of shock. Well, this is unusual.

"Pwede ba kitang makausap saglit?" she asked me in a tense voice. Oh dear, am I in trouble?

Nilingon ko muna si Cassie who took over my MacBook, perhaps to write. Writer kasi siya. Tumingin siya sa akin at nag smile.

"Cassie, maya na ah? Balik din ako agad."

"No problem bes," sagot niya na hindi manlang ako tinitingnan.

Sinara ko na ang pinto at sumama kay Lola papunta sa dating kwarto ni Lolo. This room never fails to send me chills down on my spine. My Lolo died here.

I sat on the sofa chair saka tumingin kay Lola.

She sat on the bed and I noticed the brown enveloped she was clasping. I wonder what that was.

Tumingin siya sakin "Diba sabi namin sayo dati na bago mo makuha ang mamanahin mo any meron munang isang kondisyon?" Malumanay na pagpapaalala sakin ni Lola. I could see her eyes full of worries. Kinabahan ako tuloy.

"Yes?" sagot ko nang medyo maalala yung sinabi niya. "At ano po yun?" Kinakabahan na talaga ako.

Huminga muna siya ng malalim at tumingin muli sakin. "Gusto ng lolo Berto mo na doon ka mag summer ngayong taon sa probinsya ng Sta. Monica"

It was as if a shock wave ran unexpectedly in me. It made me stood abruptly. "WHAT? Sta. Monica?! Are you serious?! I don't want to do that, Lola. That's just so stupid!" Hindi ko ugaling mag-taas ng boses sa Lola ko pero talagang nabigla lang ako. Pati si Lola nagulat sa naging reaksyon ko. "I'm Sorry po."

Umupo siya at inihilamos ang mga kamay sa mukha. "Wala na akong magagawa apo, yan ang sinabi ng mga lawyer at nakasulat ito sa will and testament ng Lolo Berto mo. Ewan ko ba kung ano naisip nun. Pasensya na apo," saad ni lola na medyo nalungkot.

"Bakit niya po ginagawa to sakin 'La? Pwede naman pong iba nalang ang ipagawa niya sakin,. Ayoko pong malayo sa inyo," sabi ko habang nakatitig lang sa kanya.

"Ele, sa tingin mo ba gusto ko rin to? Muntikan na akong himatayin nang masigawana ako ng daddy mo noong sabihin ko ang laman ng will and testament. Yung hindi mo nga pag-uwi kahit isang gabi lang eh nininerbyos na ako. Lalo naman dito sa mga secluded na lugar kagaya ng Sta Monica." sabi niya sakin nang puno ng pag-aalala.

Lolo ang Lola are my second parents. I don't have a Mommy and unfortunately I don't know where she is. Tinanong ko si Daddy at wala siyang ibang sinasabi sakin kundi hindi niya alam. 

Ang sakit sa pakiramdam nang wala kang ina. When I was younger, kids at school used to tease me every Mother's Day dahil ako lang ang walang nabibigyan ng gift.

Lumabas ako ng kwarto ni Lolo. Iniwan ko na muna si Lola, at bumalik sa sarili kong kwarto bitbit ang envelope na iyon.

This is just so depressing! Paano naman ang summer vacation ko?! The summer I was waiting for! The vacation I was yearning for! Pabagsak akong naupo muna sa gilid ng hagdan.

Oh great, just great! Sta. Monica?! That freakin place compared to Subic or Boracay? That secluded place na kahit kuryente o malinis na tubig at pugad ng mga daga at mga kainsektuhan at mga kauodan?! I don't even want to imagine! 

Nakapunta na ako dati sa Sta. Monica. Doon kasing probinsya nanggaling si Daddy. Pero guess what? Never akong bumaba ng sasakyan pagkadating doon dahil super baho!

Alam ni Lolo na ayaw ko doon, pero bakit niya gagawin to?, May nagawa ba akong hindi maganda? Aaah! This is just sooo stupid!

Padabog akong pumasok sa kwarto ko, malakas na isinara ko ang pinto.

"Augh!!!!" itinapon ko sa sahig ang sulat, tapos nahiga sa kama "Stupid!"

"Uy, ano yan?" sita naman sakin ni Cass sabay nguso sa itinapon ko sa sahig.

"Read it," utos ko na lang.

Her eyes scanned through those papers and she burst out laughing. This is irritating!

"Why are you laughing? There's nothing funny in there!" naiinis na saad ko kay Casie. 

"Sorry. I can't help it meron pa palang ganitong mga ka echosan ngayon. Grabe rin naman yang Lolo mo, bessie. Ito ba yung pobinsyang pinuntahan niyo dati? Yung mabaho?" saad niya sakin.

I rolled my eyes at her "Yeah it is. And nasabi ko na ba sayo na I can't even set my feet on the ground sa lugar na iyon because it is not made of cement," sabi ko, nakatitig lang ako sa kisame while remembering that moment.

Tumabi siya sa akin "Putik?"

"Oo putik like eww. Mud and some animal waste," I cringe at what I told her.

Isinara ni Cassandra ang sobre at tinapik tapik niya ito sa kanyang palad "Mukhang masaya dito ah?" Ano, sabi niya masaya? She must be crazy!

Umupo ako at tumingin sa kanya "You wanna go with me?"

Please say yes , please say yes

She put her thumb under her chin "Hmmm. Wala namang naka saad dito na pati bestfriend kasama?"

"Ahhhh, you are not helping me!!!" bumalik ako sa kama

Tumabi siya sa akin "Gawin mo kaya, sa tingin ko your Lolo has a plan kong bakit ka niya pinapapapunta doon"

Umupo ulit ako."You really think I can do that challenge?"

Tinapik niya balikat ko "I think alam ko na kung bakit ginawa to ng Lolo mo."

Naupo ako bigla at tumingin sa kanya ng seryoso "Ha? I didnt do anything naman ah?"

Tinusok niya ng kanyang hintuturo ang ulo ko, at tinulak ako sa kama "Para mabawasan yang ka artehan mo!"

Inalis ko kamay niya "Augh, i hate you," sabi ko

Inakbayan niya ako. "Oh oh I looove you, tooooo! That's why I'm encouraging you to do it. Ayaw mo nun? Mayaman ka na pagkatapos may pang out of the country na tayo bessie"

"What if di ko makaya? Eh di sayang lang yung effort ko tapos babalik din," nakahiga ulit ako sa kama at tumitig na naman sa kisame. Ewan ko ba kong bakit panay ang titig ko sa kisame hindi naman ako nito mabibigyan ng kasagutan.

"Ele we have to take risk. Wala namang mawawala sayo pag mag try ka," suhestiyon ni Cassandra.

Napatingin ako sa kanya, "Ok, I'm doing it but if I came home crying, it is going to be your fault; not mine!"

Napangiti lang si Cassandra sa akin, I do really love my best friend and I'm sure the hell I will miss her when I go to that stupid place, bearing in mind that I'm doing it just because of some stupid Lolo challenged. So old fashioned.

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 401 27
"Don't take life too seriously. You'll never get out of it alive... especially when you're murdered."
34.8K 692 29
Eretum Ayar Eban Largrande timon akiratum varan estum cabesa idena kurim gaser timon. Kateska oberaa kotum pilar et inuska. Timera Aveska..... Lumiwa...
2.2M 98.1K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
4.7M 37.6K 12
[Full version now on Dreame] Mamuhay man sa normal na mundo ng ilang taon, makasalamuha ang mga mortal na tila walang problema, hindi pa rin maitatan...