Casa Inferno (The heart's hom...

By JFstories

6M 264K 178K

"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. High... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ALWAYS
Hello Again (Update 2.1)
Hello Again (Update 2.2.)
Hello Again (Update 2.3.)
Hello Again (Update 2.4.)
Hello Again (Last Wattpad Update)
The book

Chapter 6

174K 8.8K 6.2K
By JFstories


AKMA na akong tatakbo nang may humila sa paa ko! Malakas akong ibinaligtad at kiladkad ng kung sino!


Sinubukan kong kumawala pero nabigo ako. Masyado siyang mabilis kaya nadala niya ako sa isang kwarto. Agad niyang isinara ang pinto at ni-lock. Samantalang ako ay nagtititili pa rin at umiiyak.


Natahimik lang ako sa pagpupumiglas nang makita ko ang kanyang maamong mukha. "K-Klay?"


Binitawan niya ako at tinalikuran. Bumalik siya sa kama upang umupo. Pagkuwan ay bumaling siya sa kawalan at tumulala na naman.


Bumangon ako nang may pagtataka. 


Si Klay ang humila sa akin? Siya iyong kumaladkad sa akin?


Ano bang nangyayari sa bahay na ito? Ano bang meron sa kwartong iyon?


Galit akong tumayo at lumapit sa kanya. "A-anong nangyayari? Bakit mo ako hinila at kiladkad papunta dito sa kuwarto mo? Iniligtas mo ba ako? Inilayo mo ba ako sa kwartong iyon?!"


Hindi niya ako pinansin.


"Ano ang meron sa ika-anim na kwartong iyon? Bakit parang may kung anong nilalang ang gustong kumawala mula roon?!" Deserve kong malaman dahil kung sakali mang may panganib nga sa lugar na ito ay nasa panganib ang buhay ko. Kailangan kong malaman ang totoo para alam ko kung ano ang gagawin ko.


Hindi ako sinagot ni Klay. Ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa.


"Klay, ano ba?!" Kinwelyuhan ko siya. "Sumagot ka!"


Tinabig niya ang kamay ko. Tumayo siya at lumapit sa kanyang drawer. May kinuha siya doon na mga papel.


Ngayon ko lang siya nakitang nakatayo. Ngayon ko lang din napagtanto na mahahaba ang biyas niya. Mas matangkad pa siya kay Green. Siguro ay nasa 5'11 siya. Maganda ang kanyang katawan at kitang-kita iyon kahit simpleng T-shirt at denim jeans lang ang suot niya.


Napansin ko rin na medyo matambok ang pang-upo niya at flat na flat ang kanyang tila matigas na tiyan.


Humarap siya sa akin. Padabog niyang ibinato sa akin ang mga papel na iyon. Tumama pa nga ang isa sa mukha ko kaya napangiwi ako.


Ungentleman!


Kumalat ang ilang piraso ng papel sa lapag. Isa-isa ko iyong dinampot. Saka lang luminaw sa isip ko ang nakaguhit doon. Nanlaki ang aking mga mata sa mga drawings na naroon.


Naluluha akong tumingala sa kanya matapos tingnan ang papel. "I-ikaw ang gumawa nito?"


Tumango siya. Lumapit siya sa akin at kinuha aking palad. Gamit ang kanyang daliri ay nagsulat siya doon.


"E-S-C-A-P-E." Buka ng bibig ko.


Nagpatuloy siya matapos magtama ang aming mga mata.


"N-O-W."


...


"H-hello?" Sinagot ko ang tawag ni Green.


"Baby? What hapenned? Bakit nanginginig ang boses mo?"


Pinunasan ko ang aking mga luha. Nanginginig ako sa takot. "P-Pwede bang umuwi na ako?"


Narinig ko ang pagtagis ng kanyang mga ngipin. "See? That's what I told you. Sinabi ko na sa'yo na hindi ka makakatagal dyan, pero nagpumilit ka pa rin. Sana sinabi mo na sa akin in the first place para ako na lang ang–"


"I'm sorry."


Bumuga siya ng hangin. "Ano ba talagang nangyari?"


"N-natatakot na ako dito."


"Ano naman ang ikinatatakot mo riyan?"


"I-iyong ika-anim na kwarto niyo."


Napahalakhak siya. "Come on. It's just their pet."


Napakuyom ako ng kamao. "P-pero bakit–"


"You know what, just tell me kung hindi mo kayang alagaan ang Lolo ko. Hindi iyong nagdadahilan ka ng kung anu-ano." Tumaas ang kanyang boses.


"H-hindi sa ganoon. Natatakot lang talaga ako sa mga nangyayari dito sa bahay niyo."


"Please, baby." Lumambing ulit siya. "Could you do this for me, please?"


"P-pero..."


"You should stay there, okay? My grandparents need you. Please, baby. For just a couple of weeks, please? Do me this favor."


Pinigil ko ang aking pag-iyak. "O-okay..."


"Okay?"


"Okay."


"Good girl. I love you."


Pinatay ko na ang linya. Kunwari na lang ay nawalan na naman ng signal. Pero ang totoo ay masama na ang aking loob.


Para saan pa kung magpapaalam ako sa kanya? Balewala rin naman dahil hindi naman siya papayag. Lalo na't ako lang talaga ang inaasahan niya sa ngayon. Wala naman siyang ibang mauutusan na hahalili sa pag-aalaga ng grandparents niya.


Hindi na ako nakipagtalo. I know him. Kapag sinabi niya, hindi na mababago. Kapag sumulong ako ay bawal na akong umatras. Siya ang masusunod dahil siya ang nagdedesisyon.


Saka anong karapatan kung humindi sa kanya? Hindi ko lang siya basta BF, siya rin ang nagsusustento sa pag-aaral ko. Kung hindi sahil sa kanya, baka maski upa sa boarding house na tinutuluyan ko ay hindi ako makabayad ng renta.


Marami na akong utang na loob sa kanya... kahit mag-trabaho ako ng higit sa bente-kuwatro oras ay hindi pa rin ako makakabayad sa kanya.


Nagsisisi na tuloy ako at kinakausap ko pa ang Klay na iyon. Dahil tuloy sa kanya at sa ipinakita niya sa aking drawing niya ay natatakot na ako.


Bumuga ako ng hangin at pilit pinatapang ang aking sarili. 


...


HINDI ako natulog ng isang gabi. Hinintay kong magliwanag ang paligid. Mayamaya lang ay kumakatok na si Lola Soler sa aking pintuan. Agad ko siyang pinagbuksan. 


"G-good morning po, 'La..."


"Pakainin mo na ang asawa ako." May dala siyang tray.


"O-opo."


Tinalikuran na niya ako at dumeretso siya sa kwarto ni Klay.


Bumaba na ako at tinungo ang kitchen. Naghanda ako ng pagkain upang dalhin kay Lolo Saul. Bitbit ang tray ay kumatok ako sa kwarto ng matandang lalaki. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang nanalalaki niyang mga mata.


Napalunok ako.


Nakatitig lang siya sa akin tulad noong una. Ang ilalim ng kanyang mga mata ay kulubot at namumula.


"L-Lolo, kain na po..." Inilapag ko sa harapan niya ang tray.


Kinuha niya ang gatas na tinimpla ko at isinalin sa isang baso. Ang tinapay na pinalamanan ko ay inilipat niya sa ibang pinggan. Pagkatapos ay inulit niya ang kanyang ginawa. Paulit-ulit niya itong ginawa habang nakatitig sa akin.


Hindi ko alam kung kakatagpuin ko pa ang mga mata niya. May ginagawa siya subalit nakatitig sa akin ang malilikot niyang mga mata.


"Lolo, a-ano pong problema?" nauutal kong tanong.


Saka lang siya huminto sa paulit-ulit niyang ginagawa.


"A-ano po bang nangyayari? B-bakit po kayo nakatitig sa'kin?" Naglakas loob akong nagtanong.


Ilang sandali pa'y dahan-dahan siyang ngumiti. Ang kanyang mga mata ay namimilog habang nakabaling sa akin.


Napaatras ako. Unti-unti ay nakikita ko ang nabubulok niyang mga ngipin. Marahang naghihiwalay ang malapot niyang mga laway sa loob ng kanyang bibig. Panandalian pa'y lumawak pa ang kanyang pagngiti. Sandali pa'y nabanat ang nagbibitak-bitak niyang mga labi.


Saka ko nakita na hindi lang basta nabubulok ang kanyang mga ngipin, bagkus ay nangingitim!


"Ember..." bulong niya sa boses na tila napakalalim.


"P-po?" Napaatras pa ko. "B-bakit po?"


Nanlisik ang kanyang mga mata. "Papatayin kita..."  

JF

Continue Reading

You'll Also Like

263 27 7
A group of friends had the objective of visiting the source of the mysterious light in what seemed to be a town near the peak of Mt. Hilongon--- a to...
35.7K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
219K 8.7K 37
Demons are literally powerful than humans and they are merely 10x stronger than a dozen of humans. They are also immortals, I mean how can you kill...