ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 18: QUEBALUAN TREE

522 37 8
By angelodc035

Lumalamig na ang paligid dahil malapit na ang paglubog ng araw sa mga kabundukan ng Antilon sa isla ng Dalangan. Bakas sa mukha ni Odessa ang pagkasabik ang sinasabing puno ng Quebaluan. May halong kaba at takot ang nararamdaman niya lalo na't wala siyang kaalam-alam sa lugar na pinupuntahan.

Kasama niya ang diwatang si Sakaya sa pagpunta niya sa puno ng Quebaluan habang ang diyos na si Danum ay nagpaiwan muna sa bahay ni Sakaya para makapagpahinga.

Malamig na hangin ang sumalubong sa kanila ng marating ang gilid ng bangin sa tuktok ng pinakamataas na kabundukan ng Antilon. Halos malaglag ang panga ni Odessa ng bumungad sa kanyang harapan ang isang napakayabong at napakalaking puno na nakalutang na may halos isang daang metro mula sa bangin. Animo'y nakatanim mismo ang puno sa himpapawid kaya't kahit ang pinakamaliit na ugat nito ay kitang-kita ni Odessa.

Napapalibutan ang nakalutang na puno ng may labindalawang mga talon na lalong nagbigay ng nakakamanghang kagandahan sa lugar. Namumukod tangi ang kagandahan ng puno ng Quebaluan dahil sa laki ng katawan nito at ang mga nagsibaluktukang mga sanga nito tanda ng sobrang katandaan.

May narinig na kakaibang tunog si Odessa na nanggagaling sa puno tuwing nilalaro ng hangin ang mga dahon nito. Mga tunog na tila isang kakaibang musika sa kaniyang pandinig na sumasabay sa mga pagbagsak ng tubig ng mga nakapalibot na talon.

Hindi maipaliwanag ni Odessa ang kanyang nararamdaman ng mha sandaling iyon. Tila walang hanggang kasiyahan na nagmumula sa kanyang puso na ayaw na niyang matapos pa.

"Yan ang mahiwagang puno ng Quebaluan Odessa. Dito sa lugar na ito ay walang silbi ang kapangyarihan ng kahit na sino mang may taglay nito. Ito ang pinakapuso ng ikatlong mundo dahil dito nagsimula ang lahat Odessa. Higit ang tanda nito sa mundong nalalaman ng lahat." Ang wika ni Sakaya kay Odessa habang papalapit ito sa pinakagilid ng bangin.

Huminga ng malalim si Odessa at sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kakaibang katahimikan at kapayapaan. Hindi niya inakala na sa buong buhay niya ay makakatagpo siya ng ganitong klase ng lugar na magiging panatag siya at walang inaalalang panganib.

Pinagmasdang mabuti ni Odessa ang kabuuan ng lugar at ang mahiwagang puno. Napansin niya na walang puwedeng daanan para makarating siya mismo sa paanan ng puno. Paano siya makakapunta sa puno kung hindi niya magagamit ang kapangyarihan niya?

"Hindi lahat ng nilalang nakakapunta sa paanan ng puno Odessa. Ngayon natin malalaman kung ikaw nga ang babae sa propesiya. Kusa kang tatanggapin ng puno at siya mismo ang magdadala sa'yo sa kanya. Tanging mga nilalang na may malinis na puso ang tinatanggap niya. Kung ikaw ang sinasabi ng propesiya Odessa, walang dahilan para matakot. Magtiwala ka lang sa kanya at siya na ang bahala sa'yo." Ang muling paliwanag ni Sakaya kay Odessa na seryoso ang tingin sa kanya.

Sa tinurang iyon ni Sakaya ay tila napaisip si Odessa. Paano kung hindi pala siya ang tinutukoy sa propesiya? Tatanggapin ba siya ng puno ng Quebaluan. Paano rin kung hindi rin malinis ang kanyang puso?

Napansin ni Sakaya ang mga pag-aalala sa mga mata ni Odessa. Hinawakan nito ang kanyang kamay at saka nagbigay ng matamis na ngiti sa kanya.

"Pawiin mo ang takot at pag-aalala sa'yong puso Odessa. Magtiwala ka sa kapangyarihan ng ng puno. Nandito ka na at hinihintay ka na niya. Pakinggan mo sa iyong puso ang kanyang tinig. Sundin mo siya at dadalhin ka niya sa paanan niya."

Tumango si Odessa kay Sakaya at saka ipinikit ang kanyang mga mata. Nakaramdam ng kapayapaan si Odessa sa kanyang kaisipan at marahang humakbang ng dalawa sa kanyang harapan. Nasa gilid na ng napakalalim na bangin ang kanyang mga paa at pilit na pinakawalan ang kanyang pangamba.

Magtiwala ka sa kanya Odessa...
Tila naririnig pa niya ang mga sinabi sa kanya ni Sakaya. Tama. Kailangan niyang magtiwala ni Odessa lalo nga kung siya ang sinasabi ng propesiya. Ngayon ay ibibigay niya ang buong tiwala niya sa puno kaya hindi na niya pinigilan ang kanyang sarili at tuluyan ng nahulog sa napakalalim na bangin.

Ramdam ni Odessa ang pagbagsak ng kanyang katawan sa bangin at nasisiguro niyang kamatayan ang naghihintay sa kanya pagtama niya sa mabatong lupa lalo na't walang bisa ang kapangyarihan niya. Gusto niyang buksan ang kanyang mga mata at matakot pero kailangan niyang magtiwala.

Nakaramdam naman ng pangamba si Sakaya sa tuluy-tuloy na pagbulusok ni Odessa sa bangin. Hindi ba siya tatanggapin ng mahiwagang puno? Sinubukang dumungaw ni Sakaya kung saan bumagsak si Odessa pero sa kapal ng ulap na bumabalot sa bangin ay hindi niya makita ang babaeng Sangre.

Inalis lahat ni Odessa ang mga alalaanin sa kanyang isipan at pinatili niyang blanko ang kanyang utak kahit alam niyang patuloy sa pagbulusok ang kanyang katawan sa matarik na bangin. Nakahanda siya sa lahat ng posibleng mangyayari kaya kusa na niyang tinanggap kung iyon na ang magiging katapusan niya. Pero, sa pagkakataong iyon ay tila bigla siyang tumigil sa pagkakahulog at parang nakalutang siya sa hangin. Biglang bumalot sa kanya ang kakaibang liwanag at init sa kanyang katawan. Biglang naramdaman ni Odessa ang kakaibang kasiyahan habang wala siyang kaalam-alam na lumulutang siya papunta sa napakalaking katawan ng puno ng Quebaluan.

Halos maiyak sa tuwa si Sakaya ng makitang nakalutang na sa hangin si Odessa at tila hinihigop siya ng mahiwagang puno. Ngayon ay sigurado na siya na si Odessa nga ang totoong tinutukoy sa propesiya.

Ilang saglit pa ay marahang ibinaba ng hangin sa naglalakihang mga ugat ng puno ng Quebaluan. Unti-unting binuksan ni Odessa ang kanyang mga mata ngunit mabilis din niyang ipinikit ang mga ito ng bumungad sa kanya ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa tila pintong bumukas sa katawan ng puno.

Odessa...

Isang napakalamig na boses ng lalaki ang narinig ni Odessa sa kanyang isip. Muli ay sinubukan niyang buksan ang kanyang mga mata pero sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nasilaw ng liwanag na nagmumula sa katawan ng puno.

Odessa...

Muli ay narinig niya ang pagtawag sa kanya ng boses. Alam niya na ang boses na iyon ay nagmumula sa puno ng Quebaluan. Tinatawag siya ng mahiwagang puno.

Inihakbang ni Odessa ang kanyang mga paa patungo sa tila pintuhan sa katawan ng puno. Hindi maipaliwanag ni Odessa ang kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon. Magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman na sa tingin niya ay tunay ngang napakahiwaga ng punong nasa kanyang harapan.

Tumigil muna siya sa harapan ng tila isang pintuan sa katawan ng napakatandang puno. Kitang-kita ni Odessa ang kung gaano ang mga pagbaluktot ng katawan ng puno dahil sa katandaan. Binalutan ng kakaibang kilabot ang buong katawan niya habang pinagmamasdan ng malapitan ang puno ng Quebaluan.

"...halika, pumasok ka..."

Muli ay inihakbang ni Odessa ang kanyang mga paa papasok sa pinaka pintuan ng puno. Kakaibang lamig ang sumalubong sa kanya na tila may mga gumagabay sa kanyang mga eapiritu. Pagkapasok sa loob ay namangha siya sa dami ng mga maliliit na lambanang nagpapailaw sa loob ng katawan ng puno. Sa tingin niya ay parang nakalutang siya sa kalawakan at kaya niyang abutin ang mga butuin.

Mula sa pinakaitaas na bahagi ng puno ay pumapatak ang tubig diretso sa isang maliit at napakalinaw na bukal na nilalanguyan ng kakaibang mga isda na noon pa lamang nakita ni Odessa sa buong buhay niya. Mula sa batis ay natigilan ang iilang mga hayop na umiinom dito at halos nakatingin sa kanya. May mga nakita ring mga ibong lumilipad si Odessa na iba't-iba ang mga kulay at laki. Punong-puno ng buhay ang puno, ang puno na nagsisilbing mundo para sa mga nilalang na naroroon.

"Maligayang pagdating Odessa! Ang babaeng nilukuban ng tadhana..." Ang pagbati sa kanya ng boses.

"Sino ka?!" Ang tanong ni Odessa na napalakas ang boses. Iginala niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng katawan ng puno para makita kung sino ang nagsasalita.

"Ako ang simula at katapusan...ang nakaraan at kasalukuyan. Ako rin ang bukas, ngayon at kahapon..." Ang tugon ng boses sa kanya.

"Hi...hindi kita maintindihan! Sino ka?!" Ang muling tanong ni Odessa.

"Ako ay ako...ang simula at wakas. Ako ang lahat at ang kaisa-isa. Ako na hinahangad ng lahat para makamit."

Nakakunot noong pilit na iniintindi ni Odessa ang mg sinasabi ng mahiwagang tinig na nagmumula sa puno. Hindi niya mahanap kung saan nanggagaling ang boses sa loob nito.

"Quebaluan?" Ang nabigkas ni Odessa.

"Ako ay ako magunaw man ang mundong ito ngunit ang taglay ko'y di maagaw nino man. Ako ang kabihasnang hindi magigiba ng kahit na sino." Ang matalinghagang tugon ng boses.

Napaisip si Odessa at pilit na inaalala ang mga salitang sinabi sa kanya ng puno. Ano nga ba ang taglay nino man na hindi maaagaw ng kahit na sino? Yan ang katanungang naglalaro sa isip ni Odessa.

"Lahat ay mawawari at matatalos, lahat ay parang binhing pilit na yumayabong. Ikinakalat sa lupaing dito ay ninanais."

"Quebaluan..." Ang bulong ni Odessa at tila may pumapasok ng kasagutan sa kanyang isipan.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Odessa ng naalala niya ang pinag-aralan niya ng nag-aaral pa siya at kasama niya si Calisha sa mundo ng mga tao. Si Calisha na kanyang matalik na kaibigan, namimiss na niya ang kanyang best friend na nagbuwis ng buhay mailigtas lamang sila kay Claudius at Impong Sendang. Nakaramdam ng lungkot at panghihinayang si Odessa ng maalala ang matalik na kaibigan, pero wala na ang pinakamamahal niyang kaibigan.

Pumikit si Odessa para ilaan ang kanyang isip para sa mahiwagang tinig na nagmumula sa loob ng puno.

"Ikaw si Quebaluan...ang puno ng kaalaman." Ang malakas na wika ni Odessa.

Biglang nagkaroon ng pagyanig sa loob ng puno. Ilang saglit lang ay mga paglagutok sa gilid nito at unti-unting lumilitaw anh mukha ng isang matandang lalake mula rito. Nakatingin ito kay Odessa na seryoso ang kahoy na mukha. May tila maliit na kulay pulang ilaw ang mga mata nito na nakapako ang tingin sa kanya.

"Ako si Quebaluan, ang pinagmulan ng lahat ng diyos sa sanlibutan. Ako ang lumikha kay Labuad, Bathala at Danum. Ang pinagmulan ng simula at ng wakas." Ang may kailalimang boses ni Quebaluan.

Nagbigay pugay si Odessa kay Quebaluan.

"Isang karangalan ang makaharap ka ng personal Quebalwan."

Ngumiti si Quebaluan kay Odessa bilang pagtanggap sa kanya. "Isang karangalan din ang makaharap ang babae sa propesiya. Nangyari na nga na araw na hinihintay ko ang makaharap kita para alamin ang paggawa at pagtunton sa mga Pilunlualan. Pero ang iyong pagsadya rito ay matagal ng naitakda ng iyong tadhana Odessa. Mahigit libong taon kitang hinintay para makadaupang-palad dahil hindi lang sa Pilunlualan ang sa iyo'y naghihintay ng kasagutan."

"Paano mo nalamang tungkol sa Pilunlualan ang aking sadya sa iyo? At anong kasagutan ang naghihintay sa akin dito?" Ang naguguluhang tanong ni Odessa.

"Odessa, Odessa. Ang kasagutan sa Pilanlualan ay matagal ng nasa iyo at hindi na kailangan pa ang isang tulad ko Odessa. Ngunit dahil itinulak ka ng iyong tadhana kaya kinailangan mo dito ako'y sadyain."

"Nasa akin? Paano?"

"Ang kasagutan ay matagal ng nasa'yo Odessa. Nasa maliit na bote sa bulsa ng iyong pang-ilalim na kasuotan. Ang iyong nakaraan at alaala." Ang tugon ni Quebaluan sa kanya.

Kinapa ni Odessa ang maliit na bote na naglalaman sa mga hibla ng kanyang alaala na ibinigay sa kanya ni Demetria. Oo kilala siyang matapang pero pagdating sa kanyang alaala ay tila naduduwag siya. Pero ngayon kung iyon ang magiging susi para matuto siyang gumawa ng Pilunlualan at makabalik sa mga kaibigan niya lalo na kay Randy ay gagamitin na niya ito. Alam niyang masyado na silang nag-aalala sa kanya dahil na rin sa tagal na niyang hindi nakakabalik sa kanila.

"Kailangan mong harapin ang iyong mga alaala Odessa para makumpleto ang iyong pagkatao. May bahid ng masamang dugo ang dumadaloy sa iyong mga ugat Odessa. Masamang dugo na puwedeng hindi ka magtatagumpay sa sinasabi ng propesiya o magbigay ng dahilan para lukubin ka ng tuluyan ng kadiliman. Ngayon ay kasalukuyan mong nadidiskubre ang iyong kapangyarihan pero unti-unti mo ring madidiskubre kung paano ka hihilayin ng kasamaan."

"Hindi! Hinding-hindi mangyayaring aanib ako sa dilim. Hindi ako kailan man magiging masama dahil kailan man ay hindi ako naging alagad ng dilim." Ang napalakas na tugon ni Odessa kay Quebaluan.

"Ang sa akin ay babala lamang Odessa sapagkat noon pa man ay naiguhit na ang iyong kapalaran. Ngayon ay nasa iyo kung paano mo mababago ito mababago para hindi ka mapasailalim ng itim na dugong nananalaytay sa'yo." Ang wika ni Quebaluan kay Odessa.

"Masisigurado ko na kailan man ay hindi ako hahalik sa kadiliman. Nasa panig ako ng kabutihan at mananatili dito hanggang sa aking huling hininga at ito ay sisiguraduhin ko sa'yo Quebaluan." Ang paniniguro ni Odessa sa engkantong puno.

"At nananalig ako sa'yo Odessa na kakayanin mo at hindi kailan man susuko sa mga haharaping pagsubok. Pero bago ko masasagot lahat ng gusto mong malaman ay kailangan mo munang magkaroon ng muling pagsulyap sa iyong nakaraan." Ang muling wika ni Quebaluan sa kanya.

Ngumiti si Odessa pero pilit ang mga ngiting iyon dahil alam niyang panahon na para ibalik na ang kanyang alaala.

Huminga ng malalim si Odessa at tumingin sa buhos ng mga tubig sa nakapalibot na mga talon sa paligid. Muli ay huminga siya ng malalim at kinuyom ang kanyang mga palad.

Bakit nga ba siya natatakot na maibalik ang kanyang mga alaala? Ano ba ang kinatatakutan niya? Marahil ay ang naghihintay na kasagutan kung sino ang kanyang mga magulang. Alam niya na galing sa isa sa mga magulang niya ang tinutukoy ni Quebaluan ang di-umanoy pagkakaroon niya ng itim na dugo. Pero wala na siyang magagawa dahil ito na ang tamang panahon para harapin na niya ang alaala ng kanyang nakaraan.

Ipinasok ni Odessa ang kamay niya sa bulsa ng kanyang pang-ibabang kasuotan at kinuha ang maliit na bote. Itinapat niya sa kanyang harapan at pinagmasdan ang bote sa kanyang palad. Sa loob nito ay kitang-kita niya ang iilang hibla na kulay ginto.

Tumingin si Odessa kay Quebaluan at tumango ito ng dalawang ulit saka binuksan ang takip ng bote. Pagkaalis sa takip ay may namuong mga usok na lumabas sa loob nito. Dahan-dahan ay lumabas mula sa bote ang apat na kulay gintong hibla ng kanyang alaala.

Kinuha ni Odessa ang apat na kulay gintong hibla sa kanyang kanang kamay at marahang binilog iyon sa kanyang hinlalaki at hintuturong daliri. Ng mabilog na ang mga hibla ay muling pinagmasdan iyon ni Odessa dahil hindi niya alam kung anong gagawin para ibalik ito sa kanyang alaala.

"Itapat sa iyong noo ang bola ng iyong alaala upang masilip ang iyong nakaraan. Hayaan mong ika'y ililipad nito at bumalik sa kung saan nagsimula ang lahat..." Ang sabi ni Quebaluan kay Odessa.

Pumikit si Odessa at dahan-dahang inilagay ang kanyang alaala sa noo. Randam niya ang pagtama ng tila mainit na bagay sa kanyang noo. Ilang saglit lang ay naramdaman niya ang tila malamig na yumakap sa kanyang katawan.

Biglang lumutang ang katawan ni Odessa kasabay ng paglabas kakaibang liwanag sa pumuti niyang mga mata.

"Maligayang pagbabalik sa alaala ng iyong nakaraan Odessa!" Ang malakas na sabi ni Quebaluan at saka ito ngumiti habang pinagmamasdan ang nakalutang na mandirigmang Sangre.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 71 53
Girlie Justine Samalca is a secret agent who disguised as an assistant detective. As a request from his twin brother, Ignacio Santiago, she enters th...
249K 6.8K 44
Sky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017
369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
16.2K 698 38
Highest rank: #997 IN FANFICTION _________________________________________ This story is pure taglish. _________________________________________ One...