Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

120M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 199

851K 30K 31.6K
By eatmore2behappy

A/N: NO EDIT! Sorry for the wrong spelling and grammar.

LIKE OUR OFFICIAL FB PAGE!!!!
Ang Mutya ng Section E fb Page!

Game of Pain

Jay-jay's POV

"Lapit na!" Sigaw ko.

Tignan ko ngayon tapang nyo!

Bwisit tong mga lalaki na to! Umaga'ng-umaga gagalitin ako. Basta-basta nalang nila kong hinarang habang naglalakad papunta sa Mini Mart.

Kasalanan to ni Percy! Kung dun nalang nya ko sinundo sa harap ng bahay, hindi sana ganito. Hindi ko sana masasalubong tong mga panget na to.

Kakairita yung mga pagmumuka!

"Tang'na! Walang nagsabi na marunong lumaban ang babae na to!" Sabi nung isa.

"Malay ko ba!"

"Panu na yan? Panu natin sya makukuha?"

Makukuha?! Na naman?!

"Anung makukuha?!" Iritable kong tanung.

Napatingin ako sa binti ko ng may maramdaman akong kamay na humawak. Isa dun sa mga lalaking napabagsak ko kanina. Agad ko syang sinipa sa muka para bumitaw.

Knock out!

"Kukuhanin nyo ko?! Bakit?! Para magamit kay Keifer?!" Inis na tanung ko.

Walang sumagot. Nagtinginan lang sila na para bang naghihintay kung sinong magsasalita.

"Ano?! Walang magsasalita sa inyo?!" Galit na tanung ko at tinapakan yung muka ng isa sa kasama nila.

Muka kasi syang basahan!

"Oo na! Gagamitin ka nga namin para makaganti kay Keifer! Ikaw ang girlfriend----." Agad kong pinutol ang sasabihin nya.

"Hindi ako! Hindi nga naging kami eh!"

Taka nila kong tinignan. Alam ko namang hindi sila naniniwala dahil mga bugok sila. Lahat naman yata ng naabutan ng tsismis na yon hindi maniniwala sakin.

Bwisit kasi! Eto na naman kami...

Bakit ba kasi ako ang binabalikan ng mga kaaway nya? La Punyeta! Malakas ang kutob kong hindi ito ang huling kaaway nya na gagamitin ako. Malamang nga pati yung mga naka-motor dati kaaway din nya.

Bwisit ka talang Hari ng mga dimunyung Ulupong! Isinusumpa kita! Magsasara butas ng pwet mo!

Ako si Barakuda! Hhhaaaaahhhh!!

"Hoy! Miss! Hindi kami tanga!" Sigaw ng isa sa kanila. "...Hindi mo kami maloloko!"

"Hoy! Mister! Tanga ka!" Pang-gagaya ko sa sinasabi nya. "...at hindi ko kayo niloloko!"

Kita ko ang pagpipigil ng galit ng ilan sa kanila. Hindi lang sila maka-sugod dahil alam naman nila ang kahihinatnan nila. Apat na sa mga kasama nila ang napabagsak ko.

Masakit na ang kamao ko at nanginginig na ang kamay ko pero pilit kong tinatago yon sa mga hudlong na to. Apat nalang silang natitira pero hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

Kailangang kayanin!

Bigla nalang sumugod ang isa sa kanila. Nabigla ako kaya hindi agad ako naka-porma pero naiwasan ko sya. Isang malakas na suntok sa sikmura ang ginanti ko sa kanya.

Napaluhod sya sa sakit kasabay ng pag-ubo na para bang lalabas na ang bituka nya. Tatlo nalang sila at pakiramdam ko naman makakayanan ko pa sila.

Asan ba kasi si Percy?!

Hindi man lang ata nag-aalala ang luko dahil wala pa rin ako sa meeting place namin. Samantalang nung kahapon hinanap nya ko. Nagpunta pa syang school.

Tinignan ko ng masama ang mga hudlong. Ganu na ba ko katagal na hindi nakikipag-away?! Para bang pagod na pagod na ko kahit pa-isa-isa lang naman ang sugod.

Bwisit! Nasanay kasi ako ng pinag-tatanggol nila ko. Nasanay ako na kapag may nanakit sakin, sila ang gaganti. Ngayon tuloy ako yung nahihirapan.

Dapat sanayin ko na yung sarili ko na ako nalang ulit. Parang sa dati kong school na ako lang yung lumalaban. Dahil hindi na sila darating. Hindi na ko hihingi ng tulong sa kanila.

Bigla nalang pumorma yung isa. Akala ko susugod sya pero hindi pala. Hindi ako nakagalaw ng may braso pumalupot sa leeg ko. Mahigpit ang hawak nya at halos masakal ko.

"Hawak ko na! Hawak ko na!" Sigaw ng may hawak sakin.

Lalapit na sa akin yung iba. Masusukol ako at magagawa nila ang gusto nila kaya kailangan kong kumilos agad.

Kahit halos hindi na ko makahinga pinilit kong lumaban. Siniko ko ang tagiliran nya. Parang hindi sya naapektuhan nung una pero mas nilakasan ko pa ang paniniko. Sa huling pagsiko ko sa tagiliran nya, malakas na inda ang pinakawalan nya.

Lumuwag ang pagkakahawak nya kaya kinuha ko ang pagkakataon at kumawala. Sinundan ko din agad ng suntok sa muka nya kaya bumagsak sya.

Wala na kong sinayang na oras. Sobrang bilis ng pangyayari, para bang hindi ko na kontrol ang katawan ko. Sumugod ako sa mga natitirang nakatayo at maka-ilang ulit kaming nagpalitan ng suntok.

"Aagghhh!!" Sigaw ko kasabay ng huling suntok na binigay ko.

Bagsak na silang lahat. Habang nakatingin sa kanila, pakiramdam ko babagsak na rin ang katawan ko. Pagod na pagod ako at parang mauubusan ng hininga.

Napasandal ako sa pader para kumuha ng suporta.

"Nice..."

Nice mo muka mo!

Tinignan ko ng masama yung nagsalita na yon. Sino pa nga ba? Edi yung stepbrother kong pulpol.

"Bwisit ka! Kanina kapa dyan?!" Inis na sabi ko.

"Medyo, medyo." Sagot nya nilapitan ako.

"Muka mo medyo, medyo!"

"Medyo gwapo at medyo saksakan ng gwapo?" Tanong nya habang kuwaring namamangha.

Ay ang kapal!

"Medyo gago! At medyo tarantando!" Sigaw ko bago umalis sa harapan nya.

Pagtawa lang naman nya ang narinig kong naging sagot nya. Ang lakas ng tama nya sa utak. Malala na siguro ang pagiging baliw nya.

Mabagal ang pag-galaw ko dahil sa sakit ng katawan ko. Sa totoo lang parang hinahanap nga ng katawan ko ang ganito.

"Para kang hindi babae..." Sabi ni Percy na nasa bandang likuran ko. "...wagas makipag-away."

Napa-irap ako sa sinabi nya. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Kalalaki nyang tao hindi nya ko tulungan. Parang back up ko man lang incase na hindi ko na kayaning makipag-away.

Kaso nanood lang sya sa halip na tulungan ako.

"Ang bait mong stepbrother... Alam mo yun?" Sarkastik na sabi ko.

"Oo naman. Ako pa!" Pagyayabang nya.

Makasira talaga ng mood ang isang to. Ang sarap talaga nyang iuntog sa pader. Kapag kaya ginawa ko yon, mawawala ang pagiging baliw nya?

"Saan tayo nyan?" Tanung nya.

Huminto ako sa paglalakad at tinignan sya. Wala talaga akong alam na pupuntahan. Sa Mini Mart sana kayalang nakakahiya sa crew, baka isipin ginagawa naming tambayan yung lugar nila.

"Punta nalang tayo sa Kingsground." Aya ko.

Bigla nalang syang sumibangot. "Tumigil! Yan ka na naman..."

"Eh saan tayo pupunta?"

"Sa Amusement Park!" Buong galak nyang sagot.

"Muka kang Amusement Park!" Inis na sabi ko at nagpa-una ng maglakad.

Akala ko hihirit pa sya, kaya kahit na-uuna akong maglakad pinapaki-ramdaman ko pa rin sya. Nang mapansin kong parang wala na kong kasama, lumingon ako sa likod.

Nakahinto si Percy at nakatingin sa kabilang daan. Tinignan ko din yon at bumungad sakin ang hindi ko inaasahan. Si Freya na nakatingin din samin at si Ella.

Anung ginagawa nila dito?!

Handa na sana akong makipag-palitan ng masamang tingin sa kanila pero kusang umiwas si Freya at naglakad paalis.

"Freya!" Sigaw ni Percy at tumawid ng daan. "...Sandali!"

Wala akong nagawa kundi sundan sya. Naabutan nya si Freya pero halatang hindi to natutuwa na makita sya.

"Mag-usap muna tayo... Please." Paki-usap nya.

"Nag-usap na tayo, diba? Anu pa bang gusto mo?" Walang buhay na sagot ni Freya.

"Pina-alis mo ko nung nakaraan eh."

"Dahil wala ng dapat pag-usapan!"

"Freya..."

"Please... Percy. Tama na!"

"Sige na... Huli na to. Hindi na ko ulit lalapit sayo. Mag-usap lang tayo ng maayos." Paki-usap ni Percy at kita ko ang pamumuo ng luha nya.

Malalim ang naging paghinga ni Freya at napapailing pa.

"Huli na to. Wala ng kasunod pagkatapos nito." Inis na sabi nya.

Napatingin ako kay Ella ng mapansin kong nakatingin din sya sakin. Wala syang reaksyon. Para bang binabasa lang nya ang iniisip ko base sa galaw ko.

Kusa din naman syang umiwas at naglakad kasunod nila Freya at Percy. Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero sumunod na din ako.

Hindi ko alam na nag-uusap na pala ulit si Freya at Percy. Wala naman kasi syang binanggit sakin pero sa itsura nya ngayon mukang hindi naging maganda ang huling pag-uusap nila.

Malungkot ang mga mata ni Percy samantalang si Freya puno pa rin ng kamalditahan. Pakiramdam ko tuloy may feelings pa rin si Percy sa kanya samantalang si Freya, galit lang ang nararamdaman.

Kapareho siguro ng naramdaman ni Felix nung magkita sila.

Nakarating kami sa isang park. Naupo si Percy at Freya sa isang bench, samantalang kami ni Ella nakatayo sa hindi kalayuan. Hindi namin naririnig ang pinag-uusapan nila.

"Balita ko, hindi ka daw pumapasok." Sabi ni Ella dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Anu naman sayo?" Bored kong sagot.

Wala akong problema sa kanya. Sadyang lumalabas lang talaga ang kamalditahan ko ngayon. Lalu na kapag kaharap sya. Parang kelan lang nung sinabi nya yung totoo.

Nung sinabi nya na si Yuri talaga ang mahal nya!

Laking gulo ng nangyari na yun. Tapos nasalin sakin, umabot pa tuloy sa puntong ginamit ako para lang magantihan nung Hari. Galit na galit sya masyado kay Aries.

"I'm trying to be nice here." Mataray na sabi nya.

"Try harder." Sagot ko.

Inirapan nya ko sa sobrang inis. Halatang napipikon na sya. Hinihintay ko nalang na sugurin nya ko para sulit ang pang-iinis ko sa kanya.

Ella! Pikon! Pikon!

Binalik ko yung tingin kila Freya, nakatalikod sila samin. Napilitan akong maghanap ng bakanteng bench at maupo. Ang hindi ko lang maintindihan, ay ang pagsundo sakin ni Ella at pag-upo din sa tabi ko.

"Sino may sabi sayong tumabi ka sakin?" Iritable kong tanong.

"Wala... Bakit kailangan ba may magsabi pa?" Mataray nyang sagot.

Sasapakin ko na to!

"Wag ka nga dito! Ayaw kita katabi." Pagtataboy ko sa kanya.

"Mas ayaw kitang katabi. Ikaw ang umalis."

Anak ng tinapa! Gagalitin ako ng isang to. Gusto yatang masaktan ng di'oras.

"Nauna ako dito, kaya ikaw ang umalis!" Inis na sabi ko at bahagya syang tinulak.

"Ikaw ang umalis!" Sabi nya sabay tulak ng malakas.

Muntik pa kong masubsob sa lupa buti nalang at naka-tindig ako agad. Tinignan ko sya ng masama at sinabayan naman nya yun.

"Tang----!"

"Sige! Magmura ka!" Banta nya habang dinuduro ako.

"TANG inumin mo wag MILO!" Sagot ko at inikom agad ang bibig ko.

Hindi ako natatakot sa kanya! Nag-iingat lang! Baka kung anu gawin nya sakin. Bwisit kasi!

Inirapan nya ko at umayos ng upo. Naglabas sya ng libro at nagbasa. Mainam naman yan para wag na nya kong pansinin.

Bakit ba kasi andito tong impakta na to? Magkasama sila ni Freya at parehong naka-uniform. Hindi sila pumasok. Tsk! Napaka-bait na istudyante.

Parang ako lang!

Nakaka-inip talaga ang paghihintay. Napilitan akong kuhanin ang cellphone ko sa bag. 68 messages at 32 missed call ang bumungad sakin. Simula nung araw na nalaman ko ang totoo, ganito na lagi ang inbox at missed call ko. Minsan higit pa o kaya naman ay mas marami ang missed call kesa sa messages.

Binuksan ko ang inbox at message ni Ci-N ang una kong binasa.

From: Ci-N
Message: Nami-miss na kita... 😢😢 Nami-miss ko na yung Pakner ko!

From: Ci-N
Message: Inaawy nila ko... Wla akng tagpag-tanggol.

From: Ci-N
Message: Jay-jay! Psok kna! Jo-jowain dw ako ni Rakki kpg hnd ka pumsok! Hnd p ko ready... Virgin p ko!

From: Ci-N
Message: eEoWw ppFfoOowWwsss!

From: Ci-N
Message: My chocolate ako! Bbigyan kita kung ppsok kna.

From: Ci-N
Message: Si Percy nba ang bgo mong Mahal? Hnd na kami?

From: Ci-N
Message: Jay...

Napatigil ako sa pagbabasa ng mapansin kong may patak ng tubig sa screen ng cellphone ko. Dun ko lang napansin na galing pala sakin yun. Napaluha ako ng hindi ko namamalayan.

Eto na siguro yung isa sa kailangan kong isakripisyo. Para lang matapos na yung sakit na ginawa nila. Kailangan ko silang tiisin.

"Kung nahihirapan ka ng ganyan. Bakit hindi mo sila kausapin?" Sabi ni Ella habang nakatingin pa rin sa libro nya. "...Hindi yung iiyak ka dyan kapag nabasa mo text nila."

Napasibangot ako sa sinabi nya. Tsismosa tong lokaret na to. Panu naman nya nasabi na sila nga ang nagt-text sakin.

"Wag mo nga akong paki-alaman!" Inis na sabi ko at hinarap ulit ang cellphone ko.

Sa pagkakataon na to, message naman ni Yuri ang binuksan ko. Sya kasi ang may pinaka-maraming text sa kanilang lahat.

From: Yuri
Message: let's talk... Please.

From: Yuri
Message: Jay-jay... I need to talk to you.

From: Yuri
Message: I miss you.

From: Yuri
Message: Aishiteru

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa. Bigla nalang kasing sinara ni Ella ang libro nya ng padabog. Taka ko syang tinignan pero nakatingin lang sya sa kawalan.

"Sabihin mo..." Sabi nya ng hindi tumitingin sakin. "...May pag-asa ba si Yuri sayo?"

May pag-asa?

Tumingin ako sa ibang direksyon. Hindi na pumasok sa isip ko ang tanung na yan. Lalu nung inamin ko sa sarili ko na ang mahal ko talaga ay yung Hari ng mga Dimunyung Ulupong.

"H-hindi ko alam." Halos pabulong kong sabi.

"Alam ko yung nangyari... Nakarating sakin yung ginawa nila sayo."

Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Masyadong sariwa ang lahat para pag-usapan ngayon. Apektado pa rin ako kahit itanggi ko. Masakit pa rin sakin.

"...Hindi sa kinakampihan ko sila. Pero sana pakinggan mo din yung paliwanag nila. Lalu na si Yuri..." Parang nagmamaka-awa ang boses nya. "...Naniniwala akong hindi nya kayang gawin yun."

Gusto ko ding maniwala!

Gusto'ng-gusto ko pero pano? Pano kung napatunayan na nila sakin na kaya nga nyang gawin. Ayoko ng pag-usapan pa. Tumayo na ko para sana ayain na si Percy pero agad na humarang si Ella.

"Makinig ka muna." Mahinahon pero madiin nyang sabi.

"Bakit mo ba ginagawa to? Hindi naman tayo magkaibigan para maging concern ka sakin ng ganyan!"

"Hindi ako concern sayo. Concern ako sa kanila. Nakikita ko sila... They are not the same Section E that i knew." Sabi nya nagpatigil sakin. "...Althought nag-iba naman talaga sila buhat ng dumating ka."

"Anu bang gusto mong sabihin?" Mahinahon kong tanong.

"Aaminin ko sayo, naiinggit ako sayo. Maybe until now I still do..." Tumingin sya sandali kila Percy at muli akong hinarap. "...Totoong mga basagulero ang Section E na kilala ko. Kahit sila sa loob ng room nag-aaway-away. Pero nung dumating ka..." Yumuko sya. "...Without any hesitation, pinag-tanggol ka nila. Bagay na hindi nila ginawa sakin. Nagkasundo sila bigla at minsan nalang magsuntukan sa loob ng room."

Kaya pala minsan nabanggit nila na hindi ganun ang ginawa nila nung nasa kanila pa si Ella. May kung anung kumiliti sa puso ko pero agad ding nawala yun ng maalala ko na.... Bahagi lang ng pag-papanggap nila yun.

"They even smile while walking home at parang normal na magbabarkada na hindi ko pa nakikita sa kanila dati." Nagpilit sya ng ngiti. "...Ang laki ng inggit ko sayo. Nasa akin ang atensyon nila dati pero hindi ko nagawa sa kanila yun tapos ikaw, sa sandaling panahon----ang laki ng epekto mo sa kanila."

Now i understand her. Kaya pala ganun ang ginawa nya kay Ci-N. Kaya gumawa sya ng paraan para sya ang mapag-bintangan dahil alam nyang apektado ako at maaring gumawa ng paraan.

Ibang klase! Ang talino nya!

"Pero ngayon... Hindi na sila ganun." Nagtama ang tingin namin sa isa't-isa. "...Nawalan na naman sila ng buhay. Laging nag-aaway at nagtatalo sa loob ng classroom. Tatlong teacher na ang tumanggi na turuan sila dahil nag-aaway-away sila habang nagka-klase."

"A-at anung gusto mong gawin ko?" May halong inis sa boses ko. "...Pumasok ako at ipakitang okay na ang lahat? Gusto mong patawarin ko sila, ganun ba?"

"Pumasok ka at pakinggan mo ang paliwanag nila." Huminga sya ng malalim. "...Bigyan mo din ng pagkakataon si Yuri."

Napasinghap ako ng di'oras. Bakit ba matay nyang ipagpilitan si Yuri? Inutusan ba sya ng red haired nerd na yun para sabihin lahat ng to?

"Akala ko ba mahal mo pa rin si Yuri? Bakit mo sya pinag-pipilitan sakin?"

"Mali ako." Mabilis nyang sagot na bahagyang nagpa-taka sakin. "...Akala ko din sya pa talaga pero..." Bigla nalang may pumatak ng luha sa isang mata nya. "...Nung nawala sakin si Aries dun ko na na-realize ang lahat."

W-wala na sila ni Aries?

Pero wala naman syang binabanggit kila Tita Gema. Hindi ko rin naman sila nakikita kaya wala akong balita sa kanila. Pero ang alam ko nung nasa ospital si Aries andun din si Ella. Kelan kaya sila naghiwalay?

"Huli na para sakin at kay Aries. Masakit pero ganun talaga..." Pinunasan nya ang pisngi. "...wag ka sanang magaya sakin. Kinailangan pa nya kong iwan para ma-reliaze na mahal ko talaga sya." Ngumiti sya sakin na walang halong ka-plastikan. "...Deserve din ni Yuri na maging masaya pagkatapos ng lahat ng pinag-daanan namin."

Unti-unti syang tumalikod sakin at naglakad paalis. Naiwan akong naka-tanga habang nakatingin sa kanya. Umurong ang dila at tapang ko ng ganun-ganun lang.

Sa kabila ng pagka-inis ko, naaawa pa rin ako sa kanya. Akala ko kasi talaga nung una si Yuri pa rin ang mahal nya dahil sa ginawa nyang pag-amin. Tapos ang ending Aries the horoscope na pala ang laman ng puso nya.

Yan kasi! Midnight convo pa kayo ah! Hah!hah!

Tinignan ko ulit si Ella at nakita kong kasama na nya si Freya. Ibig sabihin tapos na sila mag-usap. Agad kong hinanap yung Stepbrother kong baliw. Hindi naman ako nabigo dahil naka-yuko syang naglalakad palapit sakin.

Parang binagsakan ng langit at inginudngod sa lupa ang itsura nya. Bagsak ang mga balikat at kulang nalang umiyak sya ng malakas sa harap ko.

"G-gusto mong magpunta sa Kingsground diba?" Tanung nya ng hindi tumitingin sakin.

Oo sana, pero parang mas kailangan mo yun!

"O-oo." Alanganin kong sagot.

"Sige. Tara." Walang buhay nyang sabi.

Pakiramdam ko, kakailanganin ko ulit yung alak na ininom ko dati. Pero hindi para sakin, mukang para dito sa kasama ko.




++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 189K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
118K 7.4K 58
RHIANNON ENGRES X MAGINOO WARNING: THIS IS A TRANSGENDER X STRAIGHT MAN STORY. MINORS AND HOMOPHOBICS ARE NOT ADVISED TO READ THIS STORY. READ AT YO...
7.7M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...