Wave's Short Stories

By wilzara

113 2 0

Wattpad writing contests entries I've written from 2014 up to the present time... More

AUTHOR'S GREETING!
WWBY Round 2 Entry 2014
WWBY Audition Entry 2015
Catharsis III Audition Round Entry 2016
Catharsis III Round 1 Entry 2016
Catharsis III Round 2/.5 Entry 2016
Royal Rumble Final Season Audition Entry 2016-17
WWBY Audition Entry 2017
WWBY Round 1 Entry 2017
RR Final Season Round 1 Entry 2016-17
RR Final Season Round Entry 1 2016-17
RR Final Season Round 2 2016-17
RR Final Season Round 3 2016-17
RR4 Round 4

WWBY Audition/1st Round Entry 2014

18 0 0
By wilzara

Missing You



It's been how many years since you left, but why do I feel like it was just yesterday? And everyday's a yesterday.... I pulled a string to help myself when I am falling. I cured myself when a poison entered my system. You see, I'm trying to go on with my life without you. But why do you always hunt me? I don't even know what's real and what a dream is. Do you even have a plan to return and accept my love again? Or you've finally moved on and totally forget about me?



Hindi alintana ni Claire ang malakas na tunog ng alarm clock niya nang umagang iyon, kung kaya binato ito sa kanyang ng kanyang kaibigan.

"Aray!" mahinahong sabi nito ng matamaan ng alarm clock sa paa.

"Maka-aray ka naman dyan. Kanina pa kasi tumutunog 'yang alaga mo, 'di mo man lang patayin. Wala pa naman akong pasok ngayon at gusto ko matulog," reklamo ni Charmaine. Kinuha ni Claire ang orasan at nagmadaling tumayo para tumakbo sa banyo. "As usual, late ka na naman," natatawang sabi ni Charmaine na ipinikit na ang mga mata.

Halos madulas na si Claire sa loob ng banyo at maglaglagan ang mga shampoo at sabon na nakapatong sa lalagyan nila. Ilang minuto lang ay natapos din siya maligo at mabilis na lumabas ng condominium upang sumakay ng taxi papunta sa kompanyang pinagtatrabahuan niya.

Tatlong taon na si Claire Del Villa sa isang advertising agency bilang isang Creative Director. Hawak niya ang oras niya dahil karamihan sa ginagawa niya ay ang pumirma at mag-approve ng mga proposal advertisement para sa produkto nila. Pero gusto niyang lagi siyang may ginagawa upang kalimutan ang lalaking maaring hindi na bumalik sa kanya kahit kailan.

Tatlong taon na ang nakakaraan nang umalis ang lalaking dapat ay papakasalan niya, pero mahal pa rin niya ito at kahit paano ay umaasa siyang babalik si Adrian.

Pagpasok pa lang ni Claire sa opisina niya ay bumungad sa kanyang ang isang pulang rosas sa ibabaw ng mesa niya. Napabuntong-hininga siya at itinago iyon dahil alam niyang hindi ito galing kay Adrian.

"Goodmorning. Okay ka lang ba? Namumutla ka ah," bati ng sekretarya niya.

"Bad night," maikli niyang sagot.

"Or wild night?" pilyang tugon naman nito at ngumiti lang si Claire.

"Maiba tayo Rhia, hindi pa rin ba alam ni Manong Guard kung sino ang nagpapadala ng mga rosas sa'kin?"

Saglit na nag-isip si Rhia pero umiling lang din ito sa huli. "Hindi eh. Pagdating ko nandyan na 'yan. Malay ko pero baka kasabwat si Manong Guard. Alam mo naman 'yon bigyan mo lang ng pagkain magiging alipin mo na. Tingnan mo 'yong tiyan niya daig pa si Mrs. Mendoza sa sobrang laki."

Nagpigil ng tawa si Claire. "Tumigil ka nga dyan, mamaya marinig tayo ni Mrs. Mendoza. Do I have any appointments today?"

"Yes. It's with Mr. Feral. Supposedly, Henry should be meeting this person, but since Henry can't be so charming with male population, Mrs. Mendoza asked me to inform you about this."

"Alright. When and where?"

"10am. Starbucks."

Tumayo na si Claire at naglakad papunta sa Starbucks na hindi kalayuan sa kompanya nila. Napadaan siya sa madalas nilang kainan ni Adrian at hindi mapigilang isipin na baka naroon ito at kumakain kasama ng bago nitong pamilya.

Napailing siya at sinampal ng marahan ang noo, "Kalimutan mo na siya."


+++++


Halos trenta y minutos na siyang naghihintay sa Starbucks pero wala pa rin Mr. Feral na dumadating. Tumayo siya at 'di sinasadyang nabunggo niya ang barista.

"Sorry, Ma'am. Sorry," mabilis na sabi ng barista habang natataranta kung ibaba ba ang hawak na tray o pupunasan ang natapong cold coffee.

Hindi na nakasagot si Claire dahil biglang dumating si Mr. Feral. "Excuse me, is everything alright?"

"Yes. Yes, Sir. I'm fine. Let's start now?"

Nginitian ni Claire ang barista bilang senyales na wala itong dapat ihingi ng tawad. Saka lamang pumasok sa isip ni Claire na kilala niya ang lalaking ito.

Napapayag agad ni Claire si Mr. Feral na maging sponsor sa bagong scent ng perfume na kanilang ilalabas para sa buwan ng Pebrero.

"I'm looking forward working with you."

"Me too, Sir. Thank you. Have a nice day," umalis na ang matanda. Dahilan para ibalik ni Claire ang pansin sa lalaki.

Hindi niya alam kung bakit kahit kilala ito ni Charmaine ay hindi man lang niya maalala ang pangalan nito. Walang kaibigan si Charmaine na hindi nito naikukwento maliban kung may naging nakaraan ito sa mga kaibigang lalaki.

Lumapit si Claire sa lalaki at ngumiti. "Hi. Ahm, ikaw 'yong kaibigan ni Charm, 'di ba? Nakita kita sa hospital, remember?"

Nag-alangan itong sumagot no'ng una pero inilahad nito ang kamay at napakilala. "Leigh Montero."

"Claire Del Villa. Ahm, sige uuna na ako. Nice seeing you here."

"Wait. Huwag mo na lang sabihin kay Charm na nagkita tayo dito, pwede?"

Tinitigan ni Claire si Leigh sa mata at doon niya napansing naiilang ito. Naisip niyang marahil ay may nakaraan nga ang dalawa at hindi lang ito sinabi ng kaibigan niya.

Tumango siya at bumalik na sa condominium nila ni Charmaine. Wala ro'n ang kaibigan nang dumating siya kaya nagpunta na lang siya sa lumang tree house nila ni Adrian kung saan idinidikit niya ro'n ang mga sulat niya para sa dating kasintahan.

"Hindi ako magaling sa mga ganitong letter, Adri. Bakit ba kasi ang drama ko. Pinahihirapan ko lang sarili ko. Alam ko namang 'di ka na babalik," mga katagang tanging nasabi ni Claire sa sarili.

Nabaling ang pansin nito sa kulay dilaw na memo pad kung saan nakasulat naman ang salitang 'you told me about the Pandora's box'. Napaiyak bigla si Claire dahil pinaalala nitong hindi siya dapat mawalan ng pag-asa.

Hindi ko na alam ang gagawin sa'yo. Ayoko nang maghintay pero sa tuwing susuko na ako bigla ka naman magpaparamdam. I missed you so much, Adri. I missed you to death.

Ilang araw na rin nagpapabalik-balik si Claire sa lumang tree house at umaasang makikita doon si Adrian o kahit makakuha ng isang sagot sa halos daan-daan niyang mga sulat na nakadikit sa paligid nito. Pero wala man lang nagagalaw sa mga sulat niya, kaya hindi nito maitago ang pagkadismaya at sakit na naidulot nito.

Naging madalas rin ang pagpunta niya sa Starbucks dahil malapit lang ito sa kompanya nila at doon rin ginaganap ang kanilang mga meeting. Sa tuwing naroon si Claire ay alam na ng mga barista kung anong flavor ang bibilhin nito at laging si Leigh ang nagdadala ng order niya sa mesa na may kasamang sulat sa tissue na "keep smiling" o di naman kaya ay "Goodmorning".

Simpleng mga parirala ngunit labis na nakapagpapagaan sa pakiramdam ni Claire. Ito ang dahilan kung bakit naging malapit ang dalawa sa isa't isa.

I met someone, Adri. He's cool and kinda cute. We enjoy each other's company. But at the end of the day, you'll always be on my mind and it'll turn me back to the reality that he's not and will never be you.

Dahil buo na ang tiwala ni Claire sa kaibigang na si Leigh, isinama niya ito sa tree house nila ni Adrian. Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Claire nang mapansin na wala pa rin nagbabago sa mga sulat na idinikita niya sa pader.

"Alam mo ba, anniversary na namin sa sunod na araw," basag ang boses nito at nagbabadyang tumulo ang luha.

"Close your eyes. Kunwari ako si Adrian. Tell me all the things you want to say. Hindi ako magsasalita hanggang matapos ka na."

"Anong kalokohan 'yan. Sira! Okay na sa'kin na nandito ka para damayan ako. No need to do such kind of things. Parang shunga lang."

Napatawa si Leigh sa ginamit na salita ni Claire. "Sa unang pagkakataon, napaka impormal ng ginamit mong salita. Congrats." Marahang sinuntok ito ni Claire sa balikat. "Just do it. Come on. Wala naman masama kung susubukan," pagpupulit pa nito kaya wala nagawa si Claire at sumunod sa kanya.

"Ito na. Game na ha," hindi sumagot si Leigh kaya nag-ipon na ng lakas ng loob si Claire para masabia ng lahat ng nais niyang sabihin kay Adrian. "Sa dami kong gustong sabihin, di ko alam ang uunahin pero Adri, babalikan mo pa ba ako? Dahil kung oo, nasaan ka na? Lagi lang naman akong bumabalik-balik ditto. Kailangan pa ba kitang ipahanap kay Conan para lang makasama ka ulit?"

"Ipahanap mo ako kay Professor X para mas madali," sabat naman ni Leigh.

"Nakakainis ka naman. Akala ko ba 'di ka sasagot?"

"Pasensya na nakakaiyak kasi 'yong huling linya mo kaya 'di ko napigilan sarili ko," natatawang tugon nito. "Tuloy mo na."

"Adri, kung sakaling dumating ka, pakiusap pakitapon ang lalaking ito sa labas. Sinisira niya ang moment ko."

"Ang sama mo naman sa'kin. Ikaw na nga itong tinutulungan," pagbibiro naman ni Leigh.

Ngumiti lang si Claire kahit nakapikit ito at itinuloy ang sinasabi. "Paano kaya kung katabi kita? Paano kaya kung naririnig mong sinasabi ko 'to? Siguradong pipisilin mo lang ang ilong ko. Adri, the moment you left, I have never loved someone like I loved you. I still love you and I will always love you. Please come back to me."

Isang nakabibinging katahimikan lang ang nanaig sa pagitan na hanggang sa pagmulat ni Claire ng mata nito ay kitang-kita niyang hinalikan ni Leigh ang ilong niya at tumitig sa mga mata niya. Nagulat siya sa nangyari at di agad nakasalita lalo na nang nilalapit nito ang mukha sa mukha niya. Hindi mapakali ang dalaga at dahil sa labis na kaba ay bigla itong sininok. Hindi tumigil ang pagsinok niya kaya tumawa ng napakalakas si Leigh dahilan para mamula siya ng sobra.


+++++


Simula ng pangyayaring iyon ay lalong umiwas si Claire dahil sa pakiramdam niya ay nagtataksil siya kay Adrian lalo na at umamin na si Leigh sa nararamdaman nito nang mapansing madalang na siya magpunta sa Starbucks. Hindi pa rin sigurado si Claire kung may nakaraan nga ang dalawa ngunit ayaw niyang isangalang-alang ang pagkakaibigan nila ni Charmaine dahil lang sa isang lalaki.

Araw ng anniversary nila ni Adrian, nagpunta si Claire sa tree house para mag-isang ipagdiwang ang mahalagang araw na iyon pero inabutan niya roon si Leigh na may idinidikit sa pader. Kunot-noo siyang lumapit rito at binasa ang nakasulat.

Happy anniversary, my angel. I missed you too, but I can't go back now. I can see how happy you are with him. I'm glad that you found someone who will be there for you. I'm not him, but he will never be me who left you alone. Keep smiling, my angel. I love you.

"Seriously, Leigh? Are you that desperate to deceive me by this letter?" lumapit si Leigh at hinawakan ang kamay ni Claire pero kinabig niya lang ito at sinampal ito nang malakas. "I've trusted you! I even thought of loving you!"

"There's the word, Claire. Thought. You just thought about the idea of loving me, but you never did. And you'll never not unless you forget all about that guy!"

Isang sampal ulit ang tugon ni Claire.

"How dare you," mahina ngunit puno ng lason ang tono nito. Umalis si Claire at tumakbo palayo habang tumutulo ang mga luha.

My angel...

Bumagal ang pagtakbo niya nang maalala ang salitang iyon.

My angel...

Mabilis ang paglakad niya ngunit sigurado siyang narinig na niya ang pangalang iyon.

You will be always my angel, Claire Del Villa.

Natigilan siya sa paglakad ng mabilis at nilingon ang daang tinahak para lang makalayo sa tree house.

Adrian Leigh Montero...

Ngayon ay sigurado na si Claire kung saan niya narinig ang mga katagang iyon. Ito ang tawag sa kanya ng dating kasintahan. Gayunpaman ang pagkalito niya ay gusto niya itong mayakap. Ngayon lang niya naintindihan ang lahat. Bumalik ang ilang alaala na nawala sa kanya matapos ang car accident na sinangkutan niya na sanhi ng pagkakaroon niya ng amnesia.

Pagdating niya sa tree house ay wala na ro'n si Adrian. Bigla siyang nanlumo at napaupo sa sahig. Napansin nito ang isang papel sa sahig na may mga nakasulat na mga salita.

Alam mo ba kung gaano kasakit sa'kin ang iwan ka nang mga oras na alam kong pinagbubuntis mo ang anak natin? Alam mo ba kung bakit pinili ko munang lumayo para mapatunayan ko sa pamilya mong kaya kitang buhayin? Alam mo ba kung paano mamatayan ng pag-asa?

'Yan ang mga naramdaman ko nang malaman kong maaksidente ka at mahulog ang anak natin sa sinapupunan mo. 'Yan ang naramdaman ko nang malaman kong nagkaroon ka ng amnesia at hindi mo man lang ako nakilala nang magkita tayo sa hospital. Gusto kong lumapit pero pinigilan ako ni Charmaine. Gusto kong mahagkan ka man lang kahit sa huling pagkakataon pero wala na akong kayang patunayan sa mga magulang mo lalo na sa nagawa ko sa'yo. Tinanggap ko na lang ang katotohanang hindi talaga tayo para sa isa't isa.

I missed you so much, my angel. I never stop loving you. Kaya nang makita kita sa coffee shop, lalo lang itong umigting at nangulila sa'yo. Gustong-gusto kong sagutin ang bawat sulat na nilagay mo rito pero natatakot akong umasa ka na babalik ako. Natakot akong hindi mo ako maalala. Natakot akong hindi mo na ako mahal katulad ng pagmamahal mo noon.

I can't stop missing you...

"Claire. You came back..."

Napalingon si Claire sa pinaggalingan ng boses. Mabilis siyang tumayo at yumakap nang mahigpit kay Adrian.

"Hindi ko man maalala ang lahat. As long as I'm with you, I don't care what the world will say."

"I love you Claire. I love you, my angel."

"Please promised me that you'll never ever leave me again," mangiyak-ngiyak na sabi ni Claire.

"I won't. I promise."

"I love you Adrian Leigh Montero..."



+ The End +



=====

Requirements:

Now more than 2.5K words.

Any genre.

SCORE: 81.8

COMMENT/S:

I love this! <3 Medyo cliche ang concept pero nadala naman ng maayos na narration. Saktong sakto lang ang details para maramdaman ang emotions... Next time, mag-reread ka lang hehe :) Good luck! Keep writing... :)

Continue Reading

You'll Also Like

66.2K 3.3K 25
Porcia Era Hart x Chrisen
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
8.6M 319K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
82.8K 2.4K 62
This story was all about the obsession of Miss Amora Ellie Jimenez to the girl she have taken.