BOOK 5: The Him who loves Her...

By InThatCorner

42.4K 680 154

Kevin and Hani Romero had already proven their great love for each other. They've been fighting battles and w... More

The Him who loves Her...endlessly
P r o l o g u e
(1)
--
(2)
--
(3)
--
(4)
--
(5)
--
(6)
--
(7)
--
(8)
--
(9)
--
(10)
--
(11)
--
(12)
--
(13)
--
--
(14)
(15)
Author's Note
--
(16)
--
(17)
--
--
(18)
--
(19)
--
(20)
--
(21)
--
--
(22)
--
PSA
(23)
--
(24)
(Commercial)
--
--
(25)
--
--
(26)
--
(27)
Epilogue
Author's Note

--

504 9 3
By InThatCorner

Book 3: Chapter 14 part 2/2

Starstruck


(K E V I N)

Bago ako umuwi ng bahay ay siniguro ko muna na nakahanda na ang dinner kasama si Ethan Lin. Dinouble check ko ang mga preperations at nang masigurado ko na okay na ang lahat at nag-aayos na rin si Ethan ay saka pa lang ako umalis ng hotel para sunduin ang asawa ko.

   Pagdating ko ng bahay ay nakita ko'ng nakaupo si Hani sa sofa. Suot-suot na niya ang dilaw na laced dress na binili ko para sa kanya. Nakalugay lang din ang mahaba niya'ng buhok.

     “Tart, okay na ba 'yun'g ayos ko?” tanong niya. Parang nako-conscious ata siya.

     “Palagi naman.” sagot ko.

     “Sus. Nambola na naman” nakangiti niya'ng reaksyon.

   Ngumiti ako at nilapitan siya.

     “Shall we, Mrs. Romero?” sabay bukas ng palad ko.

   Tumango siya at humawak na sa'kin.

     “Let’s go.” sagot niya at lumabas na kami ng bahay na magkahugpong ang mga kamay. Napakaliit ng mga daliri niya, mainit-init din ang palad ng asawa ko. An enough warmth that I need.


Sa biyahe ay hindi napirmi si Hani, nagtanong na naman siya kung sa’n kami papunta.

     “Tart. Ano ba talaga'ng okasyon?”

     “Basta, malalaman mo rin.”

     “Hindi mo naman ako sasabihan na maghiwalay tayo diba?”

   Natawa ako sa sinabi niya. Kung ano-ano na naman kasi ang naglalaro sa utak nang maliit na babae'ng katabi ko.

     “Siraulo na siguro ako kapag ginawa ko 'yun.”

     “Kung ganun ba’t tayo magkakaroon ng special dinner? Na-promote ka ba?”

     “Hindi.”

     “Hindi? Eh ano nga'ng okasyon? Natanggal ka sa trabaho?”

     “Mas lalo'ng hindi.”

     “Eh ano nga? Hindi pa naman pasko, ta’s malayo-layo pa ang birthdays natin at nang mga bata.”

     “Tart, 'wag ka nalang mag-isip masyado. Basta kapag nalaman mo ang totoo, tiyak matutuwa ka.”

     “Ha?” pagtataka pa rin nya.

     “Ang kulit-kulit mo talaga. Mag-behave ka na nga lang diyan.” utos ko sa kanya na nagpa-snarl sa mga labi niya.

   Natahimik din naman siya.

   Dinala ko siya sa hotel namin at ganun nalang ang pagtataka nito habang naglalakad kami papunta sa isa'ng private function hall.

     “Tart, dito tayo magdi-dinner?”

     “Oo.”

     “Bakit dito?”

     “Kasi may isa'ng tao tayo'ng makakasama.”

     “Sino?”

     “Secret.”

   She hissed.

     “Ba’t secret pa?”

     “Para surprise.”

     “Ha?”

   Ngumiti lang ako at binuksan na ang pinto nang isa'ng function hall.

   May naka-set up na photo booth sa loob, sa malawak na lugar ay may isa'ng mesa sa gitna, may tatlo'ng bangko at tatlo'ng table setting ng mga plato.

     “Tart, ano'ng nangyayari?”

     “May ka-date ka.”

     “Ha? Ako? Sino?”

     “'Yun'g lalaki'ng pinapangarap mo.”

     “Ha? Si Ethan?”

   Napasimangot ako. Agad niya'ng nahulaan 'yun?

     "Si Ethan talaga?"

     "Eh maliban sa'yo, si Ethan lang naman 'yun'g pangarap ko'ng maka-date noh?"

   Nangiti ako.

     “Pero weh? Di nga? Si Ethan talaga?”

   Kumibit-balikat ako.

     “Eiii, sabihin mo na kung sino.” pagpupumilit niya.

     “Hi, Hani.” pagbati ni Ethan na nasa likod na ng asawa ko.

   Lumingon nga si Hani at nang makita niya ang idolo ay napaatras siya at muntik nang matumba buti nalang at naalalayan ko agad siya.

     “E…Eth .. Ethan? Ethan Lin?” tanong niya.

     “Yes, I'm Ethan.”

     “Oh..m..” nauutal niya'ng sabi tapos ay tumingin siya sa’kin, “Pahingi'ng tissue.” kaya ako natawa tapos ay tiningnan niya ulit si Ethan.

     “Hi.” mahina niya'ng pagbati sa ultimate crush niya.

   Ngumiti si Ethan at inabot ang kamay niya sa kamay ng asawa ko.

     “Hello."

   Natigilan si Hani.

   Maya-maya pa ay sinundot niya ang pisngi ni Ethan.

     “You’re not a robot?” tanong niya na nagpatawa kay Ethan. “Hala! Totoo ka nga!”

     “Excuse me?”

     “Ah. I mean. I am just happy. Hello, my name is Hani, your number 1 fan here in this place.”

     “As your husband stated.”

     “Hus..band?”

     “Yes.”

     “Oh.. my husband, yes. He is my husband. He’s handsome, right?”

   Napangiti ako lalo sa mga sinasabi ng asawa ko, halata'ng kinakabahan siya at nasta-starstruck pa rin sa kaharap niya'ng lalaki.

     “And you’re beautiful, too.”

     “Oh my God! Thank you, thank you! You’re so handsome, too, I love you so much!”

   Tumawa ulit si Ethan.

     “Excuse me, why don’t we take a seat now?” pagsabat ko sa kanila.

     “Oh yes, have a seat, Mr. Ethan Lin.” dagdag pa ni Hani at giniya ang idolo sa upuan.


Nakaupo na kami'ng tatlo at hindi pa rin mawala sa mukha ni Hani ang ngiti niya habang nakatingin kay Ethan.

     “Why?” tanong ni Ethan.

     “Nothing. I am just so honored, happy, great, blessed, overwhelmed, flattered, and everything…everything found in the dictionary which means happy. Thank you because you’re here with me. Like the two of us, sitting next to each other in one table. You know, me, you, us, I am just…oh my, I am so so happy.” nakangiti'ng sabi ng asawa ko at talaga'ng diretsong English 'yun.

   Napainom ako ng wine na nasa baso at hinayaan ko lang si Hani na kausapin si Ethan.

     “Why are you just staring at me?” tanong niya.

     “I enjoy listening to you.”

     “Ahh.” nakatango niya'ng reaksyon tapos ay napakamot siya nang ulo niya, “Can’t you speak Tagalog?” dugtong niya na mas nagpangiti sa’kin, siguro naubos na lahat ng English niya. Hindi ko pa naman siya napaalalahanan na magbaon nang marami'ng English words.

     “Unfortunately, I can’t. But I know a little like Kowmosta, Megandang eraw, and Mehel kita.”

     “Hala, ang cute. I mean that’s good. Very good.” nag-thumbs up pa siya.

     “Your husband told me that you’re one of my fans here. I would like to say thank you for appreciating my skills.”

     “Yes, yes, I really appreciate it. And you are so handsome in TV and in person too. By the way are you married?”

     “No, I’m not.”

     “Ahh, how about girlfriend?”

     “I don’t have any.”

     “Ah, because of work?”

     “K...inda.”

     “Well, that’s good too. Work first before girlfriend.”

   Natatawa na talaga ako sa kanya. Ang daldal niya kahit kumakain.

     “Yeah.”

     “But don’t worry, I’ll pray that you’ll find your lifetime partner.”

     “That's so sweet of you. Thank you.”

     “You’re welcome. Um, I will chew this first? Is it okay? I think I need to eat so that my brain will work again, my English is limited and now has  low battery and I need to recharge my braincells.”

     “Oh, it’s okay. My English weren’t good either.”

     “Oh no no no, your English is better than mine.”

   Ngumiti si Ethan.

   Hinayaan ko lang sila'ng mag-usap dalawa habang kumakain. Parang chaperon lang ako ng asawa ko sa date niya kasama ang ultimate celebrity crush niya. Hindi rin naman pala maarte'ng tao si Ethan at wala pala ako sa lugar para mainis at magselos sa kanya, 'di kagaya nang ginawa ko nun na inis na inis talaga ako kapag nakikita ko ang mga chinito'ng mga mata niya.

   Matapos namin'g kumain ay pumunta sila sa photo booth at kumuha ng pictures na sila'ng dalawa lang. Matapos ma-print ng mga pictures ay pinirmahan ni Ethan ang mga 'yun at sobra'ng laki naman nang ngiti ng asawa ko.

   Sa pagtatapos ng date nila'ng dalawa ay binigay ni Ethan ang isa sa mga T-shirts niya at sunglasses ta’s humalik pa sa pisngi ng asawa ko. Oo, nakita ko 'yun mismo sa dalawa'ng mga mata ko pero wala rin naman'g malisya ang paghalik na ‘yun. Isa'ng halik lang 'yun sa isa'ng fan galing sa idol nito.

     “It was nice meeting you, Mr. and Mrs. Romero.” huli'ng sabi ni Ethan bago maghiwalay ang mga landas namin'g tatlo.

   Kilig na kilig pa rin si Hani sa huli'ng pagkakataon. Kumaway siya sa naglalakad palayo na lalaki. Napangiti nalang ako.

   At nang kami'ng dalawa nalang ang naiwan ay kinurot niya ang tagiliran ko.

     "Sana pala nakapag-red lipstick ako. Sana sinabi mo na si Ethan ang ka-date ko." pagdada niya.

   Hindi ako sumagot.

   Nangisi na si Hani at wala'ng preno sa paghampas nang braso ko dahil sa kilig.

     “Pero, Tart, naka-date ko si Ethan Lin!” pagtitili niya sa loob ng function hall.

     “Oo, alam ko.”

     “Tart, pinapunta mo ba siya rito sa Pinas para lang sa date namin? Hala, nagbayad ka ng talent fee? Siguro ang laki-laki nang nagastos mo. Love na love mo talaga ako noh? Kainis ka ha?!” sabay kurot pa sa braso ko.

     “Kapal mo, nagbakasyon lang si Ethan dito, swerte naman na rito siya sa hotel natin nag-check in. Hindi rin siya nagpabayad ng talent fee, pero hiniling niya na 'wag mo'ng epo-post ang mga pictures niya sa social networking sites.”

     “Ha? Bakit naman?”

     “Baka kasi magka-skandalo pa at madamay ang pangalan mo. Hindi rin alam ng mga fans ni Ethan na nandito siya sa bansa natin. Kaya para hindi masira ang tahimik na bakasyon ng idol mo, 'wag ka nalang maging makulit. Sundin mo 'yun'g sinabi ko.”

   Tumango-tango siya.

     “'Wag ka'ng mag-alala, Tart, hindi ko ipagkakalat na naka-date ko si Ethan. Promise.”

     “Aasahan ko 'yan.”

   Tumango-tango ulit siya habang nakangisi. Napangiti rin ako at sinunod ang ekspresyon niya nang pagtango.

     “Ay, iihi muna pala ako. Nagkagulo 'yun'g kidneys ko nang makita ko si Ethan, kanina pa ko naiihi pero nagpipigil lang ako.”

   Ngumiti ako.

     “O sige, hihintayin kita rito.”

     “Sige, Tart.”




( H A N I )

Ramdam na ramdam ko pa rin ang kilig at saya habang umiihi ako sa loob nang isa'ng cubicle ng ladies room. Grabe talaga ang na-experience ko, isa'ng Asian heartthrob ang mismo'ng naka-date ko! Sa tanan'g buhay ko, tatlo'ng lalaki pa lang ang naka-date ko, una si Stan pero highschool pa ako nun, ta’s si Kevin at ngayon dumagdag pa si Ethan! Grabe talaga as in grabe! Dati hanggang standee ko lang nakakausap at nayayakap si Ethan ta’s ngayon nakasama ko pa siya'ng kumain!

   Achievement unlock! Parang nasa tuktok na ako ng fangirl food chain.

   Nangiti ako at pinagpapadyak ang mga paa ko habang umiihi. Kilig na kilig ako, parang bulate na inasinan.


Paglabas ko ng cubicle ay naghugas muna ako ng kamay. Nang may lumabas na isa'ng babae sa isa pa'ng cubicle ay napatingin ako sa salamin at 'yun ay 'yun'g babae'ng may nunal sa banda'ng tenga.

     “Hi.” pagbati niya sabay tabi sa’kin at naghugas din ng kamay.

     “Hi, rin.” sagot ko.

     “Ikaw 'yun'g asawa ni Kevin diba?”

     “Ako nga.”

   Ngumiti siya.

     “I bet you already knew me. Right?”

   Taray. English speaking na naman 'yun'g karibal ko.

     “Ah. Ikaw si Ms. Quijano diba?”

     “Ako nga, Dianne Quijano.”

     “Nakwento ka nga sa’kin ng asawa ko.”

     “Mrs. Romero, sorry talaga. Hindi ko sinasadya'ng saktan ka. Sorry kung nakita mo kami nang asawa mo sa mall, pero 'wag ka'ng mag-alala, hindi ako other woman ng asawa mo.”

     “Naiintindihan ko. Pinaliwanag na sa’kin ni Kevin ang tungkol diyan.”

   Ngumiti siya.

     “But to be honest with you, I like your husband.”

   Like? As in gusto niya ang a-sa-wa ko?!

     “Crush ko siya. I mean, gwapo siya tsaka responsable at medyo suplado. Na-a-attract talaga ako sa ganung lalaki. Kaya nga nangungulit ako para mapansin niya 'ko at ngumiti naman siya sa’kin. Palagi kasi siya'ng nakasimangot at napaka-cold nang pakikitungo sa’kin.”

   Ano ba naman 'to'ng babae'ng ‘to, sabitan ko kaya siya ng ribbon na may nakalagay na most honest? Ba’t parang ang honest-honest naman niya sa nararamdaman niya? Imposible talaga na kabit siya ng asawa ko. Sa pagkakaalam ko, magaling magsinungaling at magtago ang mga kabit, maliban nalang kung iba na ang strategies nang mga bago'ng sibol na kabit ngayon.

     “Ganun talaga si Kevin, hindi siya palabati sa mga tao sa paligid niya. Suplado talaga siya mula pa nung makilala ko siya.”

   Ngumiti siya.

     “I see. Akala ko sa’kin lang siya ganun."

   Aba grabe.

     "But anyways, gusto ko'ng sabihin sa’yo na wala'ng namamagitan sa’min ng asawa mo. He really loves you. Hindi man siya nagkukuwento sa’kin tungkol sa relasyon niyo, pero napapansin ko talaga na mahal na mahal ka niya. Kahit na crush ko siya, alam ko naman na wala ako'ng mapapala sa kanya. Sorry kung nakalimutan ko na may asawa na pala si Mr. Director. Ayoko rin'g sirain ang pamilya'ng meron kayo. At higit sa lahat, hindi naman niya ako kaya'ng mahalin kung saka-sakali. You own your husband, at ikaw lang ang pwede'ng magmay-ari sa kanya.”

   Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Dianne. Buti at hindi siya kasing tabil ng dila ni Monique nun, dahil talaga'ng hindi ko naman siya uurungan. Kaso hindi ganun si Dianne, mukha'ng crush lang talaga ang nararamdaman niya para sa asawa ko, kasi kung talaga'ng mahal niya si Kevin, ipaglalaban niya ang nararamdaman niya. Ang dami kaya'ng baliw sa pag-ibig, diba?

   Ngumiti ako kay Dianne at pagkatapos nun ay nauna na’ko'ng lumabas ng ladies room.

   Habang naglalakad na’ko pabalik sa lugar kung sa’n ako hinihintay ni Kevin ay napapangiti pa rin ako. Hanggang sa makita ko na siya, mas lalo ako'ng ngumiti at tumakbo para yakapin siya.

     “O.” gulat na nasabi niya nang yakapin ko siya.

     “Salamat.”

     “Ha?”

   Tiningnan ko siya sa mga mata.

     “Maraming salamat, Tart.”

     “Bakit?”

     “Kasi ako 'yun'g minahal mo.”

   Ngumiti rin siya at niyakap ulit ako.

      “Ako nga ang dapat magpasalamat sa’yo, kasi ako 'yun'g pinili mo'ng mahalin.” sagot niya sa’kin kaya mas lalo ako'ng ngumisi na labas pa ang ngipin at niyakap pa siya nang mas mahigpit.


(K E V I N)

Ngumiti ulit ako at pinikit ang mga mata, mas niyakap ko pa nang mahigpit ang asawa ko.

   Ang akin'g si Hani.

——

Continue Reading

You'll Also Like

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
963K 33.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
289K 15.6K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.