In Another Lifetime

By jhaszel04

572 20 5

Claire is your typical college student, average in acads but she's a varsity in their swimming team which she... More

Intro
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2

Chapter 3

105 3 2
By jhaszel04

Pagkapasok ko sa bahay, tanging lamp shade na nasa sala ang nagsisilbing liwanag. Malamang ay tulog na si Mommy. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig at kumuha ng isang slice ng cake since wala naman na akong gana kumain ng kanin ngayon. Pagkatapos ay dinala ko yun sa kwarto ko.

Nilapag ko muna yung bag at plate sa study table ko bago ako lumabas ulit at nagtungo sa kwarto ni Mommy.

Nakatulog syang hawak yung isang black folder. Malamang ay tungkol yun sa trabaho nya. Kinuha ko yun at inilagay sa bed side table nya. Tinanggal ko rin yung salamin nya sa mata at inayos ang kumot nya. Naalimpungatan si Mommy sa kilos ko. Nagkusot sya ng mata.

"Claire?" Hinawakan nya yung kamay ko at umupo sya, "kakarating mo lang? Kumain ka na ba?"

Ngumiti ako, "Kakauwi ko lang, Ma. Tulog ka na ulit." Humikab sya.

"Osige. Yung ulam iinit mo na lang sa microwave ha? Matutulog na ako at maaga pa ako bukas. Ang daming darating na importanteng guests sa company." Kwento nya sabay buntong-hininga. Ngumiti ako.

"Sige po, Mommy. Goodnight." Hinalikan nya ako sa noo at humiga ulit. Tinulungan ko syang ayusin yung kumot nya pagkatapos ay sinarado ko yung balcony door at kurtina tsaka lumabas.

Pagkatapos kong kainin yung cake ay nagshower ako saglit at tsaka ginawa ang night routine ko, nagbihis ng pajamas. Lumabas ako ng banyo at nakita kong umilaw yung phone ko. Kinuha ko yun at nakita ko yung name ni Coach.

From: Coach Serra
Got home already?

Si Coach talaga.

To: Coach Serra
Yes, Coach. :)

Wala na akong natanggap na reply after. Nagpatuyo akong buhok tsaka nagpasyang magpahangin sa balcony ko. Tinanaw ko ang langit at buwan. Narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya pumasok ako at nakitang si Papa yung tumatawag.

"Pa."

(Claire, kamusta?)

Umupo ako sa kama, "Ayos naman po, Pa. Kakauwi ko lang halos. Kayo po?"

(Ayos naman ako dito. Ang Mommy mo?)

"Tulog na po." Narinig ko syang bumuntong-hininga, "Hindi ka pa rin po ba nya kinakausap?"

(Hindi pa. Pag tumatawag ako, minsan hindi nya sasagutin o kaya kung sagutin man nya, hindi naman sya kikibo pagkatapos ay bababaan ako.)

Napangiti ako at medyo natawa. Ilang buwan na syang di kinikibo ni Mommy dahil hindi natupad ni Papa yung pangako nyang uuwi sya. Presidente kasi ng isang kilalang company sa London si Papa kaya lagi syang busy at minsan na lang umuwi. Kaya siguro nagtatampo si Mommy kasi namimiss na nya si Papa.

"Kakausapin ko sya for you, Pa. Don't worry."

(Osige. Osiya. I have to go. May work pa akong tatapusin. Ingat kayo dyan.)

"Sige po. Love you, Dad."

(Love ko kayo. Bye.) and he hanged up.

Binalik ko sa pagkakacharge yung phone ko at lumabas ulit ng kwarto para hugasan yung pinagkanan ko.

Bumalik ako sa balkonahe at nagmuni muni ulit saglit. Siguro ay kailangan ko nang matulog. Pumasok na ko sa kwarto at nilock ang glass door at tinakpan iyon ng kurtina. Umiilaw nanaman yung phone ko.

Puro chat nila Lyla. Problema ng mga to?

Maria Lyla Travis: Hoy, babae! Ano to?

At may naka-attached na photo doon na naguusap kami ni Jaycee. What the hell?

Luna Claire Hernandez: Saan mo yan nakuha? Wtf, Ly?

Maria Lyla Travis: Hehe sinend ni Hebrew kanina. Ikaw ha!

Kirsten Salvez: Ayun oh! Humaharot! Kurot kita sa singit dyan! Hahahaha!

Luna Claire Hernandez: Sira ulo talaga yang si Hebrew! Wala yan, promise. Kwento ko tomorrow. Pupunta naman kayo dito diba?

Kirsten Salvez: Yes, mumsh.

Maria Lyla Travis: Papaalam ako kay boyfie hahahaha

Napailing na lang ako. Tinanggal ko na sa pagkakacharge dahil matutulog na ako pagkatapos ay humiga na.

Inalala ko lahat nang nangyari ngayong araw. Kikiligin na sana ako pero naalala ko na hindi na ako pwedeng kiligin kasi taken na sya. Hay.

Kinaumagahan ay nagising ako sa tawag ni Ly, sinabi nyang pinayagan sya ng jowa nyang pumunta dito. Pagkatapos namin mag-usap ay naligo na ako at naghanda sa pagdating nilang dalawa.

Wala akong pasok pati si Ly pero si Kirs meron pero mamaya pang gabi. Iisang subject lang kasi.

Magkakaiba kami ng course. Business Management ang akin, Fashion Designing kay Ly at MedTech naman kay Kirs.

Lumabas ako ng kwarto at napalingon sa pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Mommy.

"Yes, Cassandra. I'll be there in 30 mins. When will the clients arrive?" Si mommy habang nasa pagitan ng balikat at tenga ang phone nya. Inaayos nya yung relo nya habang ang ibang maid e nagmamadaling dalhin yung suitcase at dalawang maleta ni Mommy.

Business trip maybe?

"Mom." Napatingin sya sa akin.

"Alright, Cass. See you. Bye." Binaba nya yung tawag at nilapitan ako

"Where's your business trip?" I asked.

"In Korea. Some of my clients weren't able to catch a flight here. Too hectic yung schedule nila kaya ako na lang ang pupunta," tumango ako, "you'll be fine naman dito diba?"

"Of course, Ma." Hinalikan nya ako sa pisngi.

"Okay. I'll go ahead. Baks malate ako. You take care okay? Babalik ako after 2 weeks."

"Ingat, Ma." Nagsimula na syang maglakad nung may naalala ako, "ay, Ma wait." Lumingon sya.

"While you're outside the country, catch a flight to London na din and talk to Dad." Umismid si mommy, tumawa ako, "dali na kasi, Ma. Para ng bata si Papa na nagwawhine sakin sa di mo pagkibo sa kanya." Doon na sya natawa.

"Okay okay. Geez. Para talagang bata yang tatay mo nako." Umiiling na natatawa syang umalis.

Parehas lang sila e.

"So, ano ba talagang nangyari kagabi ha?" Pag-uusisa ni Ly. Halos mabuga ko yung tubig na iniinom ko sa tanong nya.

Nakaupo kami ngayon sa sala at nanonood ng movie pero di talaga kami nakatuon dun kasi nagkukwentuhan kami.

"Wala. Ginabi kasi ako sa pagpractice kagabi. Naabutan ako ni Coach Serra sa pool tapos nung pauwi na, nakasabay namin yung varsity ng basketball. Di nga dapat ako sa kanya sasabay kaso sya lang yung pwede kasi out of the way na yung iba kaya sa kanya nakiusap si Coach." Pagkatapos kong mag-explain sa kanila ay bumuntong-hininga ako.

"Alam ni Coach na gusto mo si Jaycee diba?" Tanong ni Kirs. Tumango ako.

"Eh bakit di ka nagtaxi or Uber or Grab?" Tanong naman ni Ly habang inaabot yung tsitsirya na nasa harap namin.

"Ayaw nga ako payagan ni Coach, di daw safe kaya wala akong nagawa."

"Asus. Walang nagawa ka dyan. Ang sabihin mo, maharot ka talaga at ginusto mong sumabay kay Jaycee!" Humagalpak naman sila ng tawa.

"Eh kung sabunutan kita dyan?" Lalo lang nya akong tinawanan.

"Oh bakit? Hindi ba totoo? Pwede ka namang magpahatid kay Hebrew! Hindi ka naman tatanggihan nun."

"Gaga ka e nagsabi sya na out of the way din sya."

"Out of the way my ass. Ang sabihin mo gumawa lang din talaga si Hebrew ng paraan para sa kanya ka makasabay. Dyan kaya sya sa kanila ngayon nag-uuwian kasi inaayos yung condo nya sa BGC." Natatawang sambit ni Ly.

What the hell? Loko yun ah. Magkasubdivision kasi sila ni Jaycee.

"Ay ewan. Basta yun na yung nangyari. Wala ng iba." Sabi ko at sinimulan ng kainin yung ice cream.

Gabi na nung sinundo sila ng mga jowa nila. Umuwi si Ly, samantalang pumasok naman si Kirs. Nasa kwarto ako at tinatawagan si Hebrew ngayon.

(Hello, Luna?) garagal pa yung boses sya. Tulog siguro to.

"Nagising ba kita?"

(Oo. Istorbo ka e no?)

Tumawa ako.

"Dapat lang yan sayo no! Sinungaling ka. Sa Frogossa ka naman pala nag-uuwian ngayon e!" Frogossa is yung name nung subdivision nila.

I heard him move. Siguro ay umupo sya sa higaan nya. He chuckled.

(Si Lyla nagsabi sayo no?) umirap ako.

"Duh!"

(Aba ayaw mo ba? Nagkaron ka ng chance makasama si Jace.) tumawa ulit sya.

"Ayoko no! Hiyang hiya kaya ako sa kanya." I almost whispered the last sentence.

(Sira. Magpasalamat ka na lang sakin kaysa magreklamo ka dyan.)

Hay. Pano ko magpapasalamat e dahil sa ginawa nya mas lalo lang akong nasasaktan ngayon?

Pero syempre di ko pwedeng sabihin sa kanya yun.

"Fine. Thanks, Brew."

(Yun! You're welcome.) natatawang napailing na lang ako.

Pagkatapos namin mag-kamustahan ay hinayaan ko na syang magpahinga.

Humiga ako at nag-isip isip nung biglang tumunog ang phone ko sa isang notification. Pinindot ko yung button para mabuhay yung screen at bigla akong napaupo sa nabasa.

Jace Montenegro sent you a friend request.
Confirm     Delete

Continue Reading

You'll Also Like

132K 3.6K 63
"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love m...
134K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
49.1K 2.2K 32
Book 2 Ito ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, a...
449K 9.1K 37
Hes a gangster. Pero paano kung may isang taong dadating para baguhin siya. Magbabago kaya siya o mananatili siyang Gangster? Rated Spg. Slight lang...