The Fords

By legitimagines

12.2K 357 58

Six to seven years from now, what do you think the 2017 Box Office King and Queen/ Youngest Box Office Love T... More

Prologue

I

7.6K 206 43
By legitimagines

Hindi ko pa man na mumulat ang mga mata ko, napangiti na ako dahil nagising akong may humahalik sa magsisiyam na buwan kong umbok sa tiyan. Thank you Lord! Thank you for allowing me to wake up everyday feeling the unconditional, genuine love from my husband. Habang nakapikit pa rin, inabot ko ang likod ng ulo ng asawa ko at sinuklay ang mga daliri ko sa buhok niya.

"Good morning pare. Malapit ka nang lumabas!" Mas lalo akong napangiti dahil sa tuwa ng boses ni DJ. Hinaplos niya ang tiyan ko at nagsimulang humuni ng kanta.

Araw nalang ang hinihintay namin para makita ang mini DJ namin. Unlike other couples, hindi problema sa amin ni DJ kung ano ang gender ng magiging unang anak namin. Gaya nga ng sabi ni DJ noong tinanong ko siya—kung anong gender ng anak ang gusto niya—noong nalaman niyang buntis ako, "Malusog. Kahit ano mahal basta healthy ang magiging anak natin."

Ilang araw na akong nakakaramdam ng sakit ng ulo. Tuwing sumasakit pa ang ulo ko, ayokong nakikita si DJ. Ewan ko pero inis na inis talaga ako sa kanya. Lagi rin akong nagc-crave ng puto na may cheese at red egg sa ibabaw. May mga times din na gusto ko ng lumpiang gulay na may sawsawang maasim na sukang may sibuyas at sili. Kahapon nga nakaubos ako ng lima. Nangangasim si DJ habang pinapanood ako kahapon at nagbiro siya. Birong gumising sa katawang lupa ko. Paano nga? Paano kung buntis na pala ako? Pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon kahapon nainis ako sa kanya at pinalabas ko siya ng kwarto namin dahil ayoko siyang makita. Mukha siyang mabaho eh. Ayoko 'yong amoy ng damit niya masyadong mabango. Mas gusto ko pang suka nalang ang iligo niya sa katawan niya.

Pero ayun nga, hindi ko naman maiisip na buntis talaga ako kung hindi nabanggit ni DJ 'yon. Lalo na ngayon, nararamdaman ko nanamang nasusuka ako.

Inalis ko 'yong mga paa at kamay ni DJ na nakabalot sa akin habang nakatalikod ako sa kanya. Nagmadali akong nagpunta sa washroom at sinara ang pinto tska ako humawak sa lababo at nagsimulang sumuka kaso—wala namang lumalabas. Gusto ko nang sundutin 'yong ngala-ngala ko para lang may mailabas ako pero wala talaga. Ibinaba ko 'yong lid ng toilet bowl tska ako umupo. Napahawak ako sa ulo ko, alam ko sa sarili kong buntis ako pero kailangan kong ma-confirm ang nararamdaman ko.

Umalis ako ng bahay at nagpaalam kay DJ na bibisitahin sila mama. Gusto niya akong ihatid dahil baka raw mahilo ako pero hindi ako pumayag dahil hindi naman talaga ako pupunta sa bahay—besides, kailangan niyang pumunta sa restaurant to check how's it going. Pagpasok ko sa clinic ng OB Gyne ko, hindi ako kinakabahan, more of excitement ang nararamdaman ko. Kung magiging malungkot man ako, 'yon ay dahil hindi pala totoo ang kutob ko.

Sinabi ko sa OB 'yong nararamdaman ko araw-araw Hindi ko na alam ang nangyari noong sinabi sa akin na I'm three weeks pregnant.

THREE. WEEKS. PREGNANT. I AM PREGNANT!

Gusto kong umuwi agad ng bahay at huwag nang patapusin ang sinasabi ni doc dahil hindi ko naman na siya naiintindihan. Gusto kong sabihin kay DJ ang good news! Sigurado akong magiging masaya siya! Gaya ng saya ko ngayon.

Sinuguro kong maingat akong mag-drive pauwi ng bahay kahit ayaw nang apakan ng paa ko ang break ng sasakyan para makauwi agad ako. Pero nasa Manila ako at katumbas ng salitang Manila ay ang shining shimmering splendid na TRAFFIC.

Kaya tuwing hinihinto ko 'yong sasakyan dahil sa traffic, hinahawakan ko ang tiyan ko at kinakausap ang little Ford namin ni DJ. I love you so much anak. Nakaraos din ako at nakarating sa bahay ng safe. Dinatnan ko ang bahay na walang tao. Tinext naman ako ni DJ kanina na nasa restaurant siya pero uuwi rin daw agad kaya sabihin ko raw kung gusto ko ng puto at vegetable lumpia. Hindi ko siya ni-reply-an dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ma-spoil ko sa kanya ang surprise ko.

Nanonood kaming dalawa ng 50 First Dates. Kitang-kita ko sa itsura niyang naiinis na siya dahil siguro this week pang apat na beses na naming napanood 'to—btw Wednesday palang.

Nakapatong ang mga paa ko sa lap niya habang nakahiga ako sa couch. Minamasahe niya ang mga paa ko at nakikita kong naantok na siya. Visible ang boredom sa mukha niya.

"Love." Mabilis siyang tumingin sa akin noong tinawag ko siya.

"Yes?"

"Love I think I want vegetable lumpia."

"HA?!" Napaayos siya ng upo dahil sa sinabi ko. "Pero love sabi mo kanina sa akin ayaw mo ng vegetable lumpia o puto diba? Tinanong kita bago ako umuwi diba?"

Hindi ako nakapagsalita, lumabi nalang ako at umiwas ng tingin sa kanya. Naramdaman ko namang bumuntong hininga siya at malambing na hinaplos 'yong legs ko.

"Sorry love." Hindi ko alam kung paano pero nasa likod ko na siya ngayon at hindi na ako sa couch nakasandal. Niyakap niya ako ng mahigpit at nakaramdam ako ng kuryente noong hinawakan niya ang tiyan ko. Gusto kong sumigaw ng, "Bal, that's our baby!"

"Pupunta naman ako eh. Nagulat lang ako. Akala ko kasi ayaw mo. So, how many lumpias do you like to eat?" Kinilig ako sa lambing ng boses niya. Wait kinilig? Kailan ba ako hindi kinilig sa kanya?

Umikot ako ng higa para makaharap ko na siya. Binalot ko 'yong mga kamay ko sa leeg niya at lumabi. Nagulat siya noong nakita niyang naluluha ako. Kaya pinunasan niya 'yong mga mata ko gamit ang dalawang hinlalaki niya tska ako hinalikan ng mariin. Mabilis akong nagsalita noong naghiwalay ang mga mukha namin.

"Love I want 10." I saw it coming, lumaki ang mga mata niya.

"Kaya mong ubusin 'yon?" I nodded slowly while still frowning. "Smile ka muna." Ngumiti naman ako bago isiksik 'yong mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat niya. "Ayan bibili kita ng 15!" Natawa nalang ako sa hirit niya.

Nagpalit siya ng t-shirt at nagpaalam sa akin na aalis na babalik din siya agad. Lumuhod siya sa harapan ko para maging ka-level ang mukha ko then he kissed me swiftly before walking away from me.

Natawa ako kasi wala pang isang minuto galit na galit siyang pumasok sa bahay.

"WHAT THE?! LOVE NAKITA MO BA 'YON?!" Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo ng maayos sa couch.

"Huh?" Innocent. I like it.

"Putik! Bali may nakapasok ba sa bahay natin? Nasaan ba si manon—"

"What? What's happening ba love?"

"May nagsulat sa bagong bili nating sasakyan!" VIOLENT. I'M LOVING IT.

"Sulat? Anong sinulat?"

"Ewan ko! Basta may nakita akong Daddy! Teka tatawag ako ng pulis! Kailangang maimbestigahan to! Bakit ba naman kasi hindi 'yon ang ginamit ko kanina eh!"

Hindi ko na siya pinakinggan lumabas ako sa bahay at sinundan niya ako. Pagdating naming sa sasakyang mahal na mahal niya nagsimula siyang magalit.

"Hindi ko binili ang sasakyan na 'to para lang masulatan ha?! Hali nga kayong lahat dito!" Lumapit naman 'yong dalawang guards na kinuha namin dahil sa pagpilit ng parents namin.

Masayang kasama si DJ. Sabi nga nila masayang maging boss. Well yes? Yes kapag good mood siya but I bet you don't want to work for him kung galit siya. Kinakabahang lumapit 'yong dalawang guard at hinarap si DJ.

"Sinong g sa inyong dalawang na-trip-ang sulatan ang sasakyan ko?!"

"Boss hindi po ako. Nakabantay lang naman po ako sa gate buong araw." Napapunas pa siya ng pawis dahil sa galit ni DJ.

"Boss hindi rin po ako. Halos kakarating ko lang po." Napatingin ako sa watch ko, magshi-shift na pala sila.

"Umamin kayong dalawa!"

"Boss hindi po talaga. Wala sa aming dalawa. Hindi pa po kami lumalagpas ng gate, ngayon lang."

"Kung gusto niyo po tignan nalang natin ang cctv para maniwala ka—"

"Walang aamin?! Walang aamin sa inyo na nagsulat ng Hello Daddy?! At in-english niyo pa ha!"

Pinasok ko sa loob ng bibig ko ang mga labi at kinagat 'yon para mapigilan ang sarili kong matawa. Inutusan ko ang dalawang kinakabahang guards na bumalik na sa gate. Ayaw pa nila noong una pero in-assure ko silang ako na ang bahala kay DJ.

"HOY!" Halos mapatalon 'yong guards sa sigaw ni DJ. "Bumalik nga kayo dito!" Tumingin sa akin 'yong dalawa.

"No. Go na. Ako na ang bahala."

"Anong go na?! Bal nakita mo ba 'yong ginawa nila? Wala pang isang buwan 'to bal! Hindi papel'tong sasakyan para sulatan nila!"

"Calm down love. Calm down."

"Hindi! Hindi ko papalagpasin 'to! Hello Daddy?!"

"Hindi ka naman sure kung sila eh."

"So sino?! Sino ang magsusulat ng Hello Daddy?!" I started to bite the inside of my cheeks. Hay Daniel Ford! "Sino ang magsusulat ng Hello Daddy?! May anak na ba ako?! Wala naman akong anak na magtatawag sa akin ng daddy ah?!" Galit niyang sinuklay 'yong kamay niya sa buhok niya.

"Oo nga naman."

"Diba wala akong anak? Sana kung mer— Mahal seryoso 'to! Bakit ka tumawa?! Sana kung may baby ako! Meron ba? Wala! Kaya huwag nila akong utuhin!"

"Meron?"

"Ha?! Anong meron?"

"Meron."

"Ano ngang meron bal?! Na meron akong anak? Meron ba?!" Disappointed talaga siya sa nangyari so I decided na pumasok nalang ng bahay. I heard him read what I wrote again.

"Fk LOVE! LOVE! ANONG MERON?" Tumakbo siya palapit sa akin at hinarap ako sa kanya. Nanlaki 'yong mga mata niya at desperate siyang malaman kung ano bang nangyayari. "Ikaw? Ikaw ang nagsulat bal? Sabi mo meron. Meron? Meron na ba akong baby?"

Gusto ko sanang sabihing wala dahil naiinis ako sa bagal ng pag pick up niya pero his eyes were glistening with the thought that he's having a baby—I know that he's going to be the best dad ever. I placed my hands on his cheeks. I looked at him intently then I realized I was nodding slowly while tears were rolling down my cheeks.

"Sht!"

"Yes love. I'm three weeks pregnant."

As soon as sinabi kong buntis ako ng tatlong buwan, nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Aww my love. After our wedding day, ngayon ko lang ulit siya nakitang umiyak. Yes, another tears of joy!

Niyakap niya ang bewang ko at inikot ako. Binaba niya ako at hinalik-halikan ang mukha ko.

"Mahal magiging tatay na ako!"

"Hello Daddy?" Tumawa ako at muli niyang pinaulanan ng halik ang mukha ko.

Hawak ang kamay ko, nakita niyang nakatingin sa amin 'yong mga guard kaya tinaas niya 'yong kamay niya.

"Brad! Magiging tatay na ako! Wooh!" Nagtinginan 'yong dalawang pinagalitan niya kanina at sabay na tumawa. Napahawak nalang ako sa noo ko, change of mood agad ah? Teka siya ba ang buntis?

Tumawa nalang ako noong paulit-ulit niyang sinigaw na tatay na siya. Tinawagan niya pa ang mga kaibigan niya at sinabing, "Pare tignan mo 'yong sasakyan ko ang ganda!"

Hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya which is pati naman sa akin hindi nagsi-sink in. Tuwang-tuwa siya until na-realize niya na hindi niya pa nakakausap ang anak niya. Lumuhod siya sa harap ko para makapantay ang tiyan kong hindi pa halatang may laman ang bahay bata. Hinalikan niya 'yon ng matagal at gaya lang kanina, nakaramdam ako ng kuryente sa paghalik niyang 'yon.

"Hi baby! Si daddy to. Grabe ka naman ginulat mo ako. Inutusan mo pa ang mommy mon a isulat ang Hello Daddy ha? Naku paglabas mo, mag-sorry ka sa mga kuya guard ha? Napagbintangan ko tuloy. Pero sa ngayon, hang in there baby. I love you!"

Siguro kung hindi ko pinilit na ipaayos ang pintura ng sasakyan niya, hindi niya gagawin dahil maganda naman daw 'yong pagkasulat. At tska para malaman daw ng lahat na magiging tatay na siya.

Gaya ni DJ, naging sobrang excited din ang families namin. Tuwang-tuwa sila pati sina mama kahit pang ilang apo naman na nila si baby Ford. Si mama Karla naman sa sobrang excited gusto nang bumili ng crib noong nalamang buntis ako. Tumatawa nalang ako kasi nadadala si DJ. Minsan sinasabi sa akin na dapat may feeding bottles na si baby Ford. Sa mga times na nasa isang mall kaming dalawa, lagi kaming napapadpad sa mga gamit ng baby. Excited din naman talaga ako kaya may listahan kami ni DJ ng mga dapat naming bilhin as soon as malaman naming ang gender ni baby Ford.

"Love dapat comfortable si baby sa crib ha? If ever hindi siya magiging comfortable kailangan natin bumili ng bago."

"Tska 'yong mga damit niya dapat may pang summer, tag-ulan o kaya kapag malamig."

"And bal the three of us should have same shoes!"

Halos buong pamilya namin gustong sumama noong araw na malalaman na naman ang gender ni baby. Pero hindi kami pumayag ni DJ kaya hindi sila sumama at nalaman nalang nila na baby boy ang little Ford noong gender reveal party.

"Mommy Kath, Daddy DJ." Tumawa muna si Robi bago ituloy ang sasabihin. "And to all the friends and relatives."

Nakatayo kami nina DJ, mama Min at mama Karla, papa Teddy at papa Rommel, kuya Kevin, ate Kaye, ate Tin, Magui, Lelay, JC at ate Roanna malapit sa taling kailangan nilang pagtulungang hilain para umangat ang malaking tarpaulin—na may nakasulat na "What will baby Ford be?"—na nakatakip sa isang poster kung saan mayroong edited pinaghalong mukha naming ni DJ na nakapatong sa mukha ng lalaking baby at may sulat na "Baby Boy Ford" sa taas na bahagi ng poster.

"Let's all cheer the family as they pull the rope in 3.. 2.. 1.. GO!"

Sabay sabay naming hinila ang tali, mahirap itong hilain pero dahil sa excitement ng lahat ay mabilis nilang naiangat ang nakatakip na tarpaulin. Kasabay ng pagbunyag ng gender ni baby ay ang pag-ulan ng asul na konfeti sa buong venue.

"Congratulations mommy Kath and daddy DJ! The little Ford is a baby boy!" Masiglang sabi ni Robi kasabay ng nakakabinging palakpakan na nagpapakita ng kagalakan ng mga taong malapit sa aming puso.

After the gender reveal, ang susunod na prinoblema naming ni DJ ay ang pangalan ng baby. Gaya ng pagbigay namin ng pangalan ni Snow, nag-away kami dahil magkaiba ang gusto naming dalawa. Pero hindi gaya ng pangalan ni Snow, hindi ito basta-basta lang. Dadalhin ng baby namin ang pangalan na 'yong hanggang sa tumada siya kaya dapat like our names, maganda ang pangalan ng lahat ng magiging anak namin.

Siyempre pinagdaanan din ni DJ 'yong inaaway ko siya dahil mabaho siya. Inaaway ko siya dahil pangit siya. Inaaway ko siya kasi ayoko na siyang maging asawa then after a minute umiiyak akong lumalapit sa kanya at magpapabuhat dahil inaaway niya ako.

"Love." Umiiyak akong lumapit sa kanya habang nanonood siya ng basketball. Nilahad naman niya 'yong kamay niya kaya niyakap ko siya at umupo sa kandungan niya—kahit na kanila lang ay pinagtabuhayan ko siya sa kwarto namin dahil ang pangit niya at ayaw ko na siyang maging asawa.

Wala siyang nagawa kanina kung hindi sundin ako. Lumabas siya ng kwarto at alam kong sa living room siya pupunta.

"Oh bakit ka nanaman umiiyak? Diba bawal ka umiyak? Masaya ka lang dapat para masaya si baby." Hinawakan niya 'yong umbok sa tiyan ko at hinalikan ako sa labi.

"Hindi mo na kasi ako mahal. Inaaway mo ako." Hikbi ko sa kanya.

Tumatawa naman siyang inayos ako sa ibabaw ng kandungan niya. Kinuha niya 'yong dalawang kamay ko at inikot ang mga 'yon sa leeg niya tska niya ako hinalik-halikan sa mukha.

"Sinong nagsabi sayong hindi kita mahal ha? Sabihin mo sa akin aawayin natin." Tinignan ko lang siya habang lumalabi. "Ilang taon na tayong magkasama love, at sa araw-araw na magkasama tayo, never kong naramdaman na hindi kita mahal." Mabilis na lumiwanag ang mukha ko.

"Talaga?"

"Oo naman. Mahal na mahal kita. Simula noong si Ella ka palang hanggang ngayong magiging mommy Kath ka na. Hindi ng mga aso pero ng baby nating dalawa." Hinawakan niya 'yong ulo ko at ibinaon 'yon sa dibdib niya. "Kaya huwag mong iniisip 'yan love. Mahal na mahal kita ha? Kayong dalawa ni baby." Tumango lang ako habang nagpupunas ng luha. "So ano nood tayo? Anong gusto mo?"

"50 First Dates." Nakita ko siyang ngumiti ng peke.

"Ah oo nga maganda 'yun!"

Natatawa nalang ako kapag naalala ko 'yong mga araw na 'yon dahil napilitan siyang gawin lahat ng gusto ko hindi dahil sa buntis ako pero dahil sa mahal niya ako at ang magiging anak namin. Isa sa mga pinaka gusto kong nangyari ay noong nag-photoshoot kami. Si kuya Mark Nicdao ang photographer namin at masaya ako dahil nakaalalay silang dalawa ni DJ kahit na namromroblema ako sa itsura ko noon.

"Love ayoko na. Huwag nalang tayong mag-photoshoot." Nagtatampong sabi ko bago ako nag-walkout sa washroom at dumiretsyo sa bed.

"Ha? Eh nasabi na natin kay kuya Mark 'yon. Naghahanda na sila ngayon."

"Basta ayoko na."

"Bakit naman love? Diba gusto mo 'to?" Binaba niya sa lababo ang shaver niya at pinuntahan ako.

"Ang taba taba ko na! Nakita mo? Hindi na ako maganda. Ang taba ng cheeks ko tapos 'yong ilong ko mukhang kamatis pa! Ayoko na. Sasabihin mo lang na mukha akong siopao!"

"Ha? Ako? Eh bal hindi naman. Ang ganda mo nga eh. Ikaw ang pinaka magandang buntis sa buong mundo."

"Hindi. Tignan mo ang pangit ko!"

"Hindi nga eh. At tska bal alam mo bang pupunta doon sina Kimi at Boop? Tapos si Justine at ate Den nandoon din mamaya. Sina JV oh." Hindi ako kumibo dahil noong narinig ko 'yong pangalan ng glam team ko nabuhayan ako ng loob.

"Oh sige. Kailangan ko ng make-up." Masungit kong sabi.

"Make-up? Naku hindi nga love. Ganda ganda mo na magpapa-make up ka nanaman."

"Eh love mukha na akong lalaki oh." Sumimangot ako sa kanya.

"Oh sige sige. Kung 'yan ang gusto mo. Pero tandaan mo na kahit wala kang make-up maganda ka ha? Magandang maganda."

Kung hindi ako na-convince sa sinasabi ni DJ sa akin noong mga panahon na nababaliw ako, siguro may problema na talaga sa akin. Pero dahil siniguro niyang nararamdaman kong mahal niya ako at kahit anong mangyari sa akin physically, maganda pa rin ako at hindi niya ako ipagpapalit.

Sa ngayon, hinihintay nalang naming ang due date ni baby. Sinuguro ni DJ na handa lahat para kung ready na si baby na dumagdag sa magandang lahi, itatakbo nalang niya ako. Nagrereklamo na nga ang dalawang mama namin dahil gabi-gabi raw tumatawag si DJ sa kanila at tinatanong kung ano pa ang kailangan. Sorry nalang sa kanila first time parents kami kaya kailangan talaga naming ang alalay nila hahaha. Kidding aside, hindi naman sila nagkulang ng alalay. From proper feeding—na dapat breastfeeding muna at kung kayang hanggang 2 years old, ganun pa rin para maging healthy si baby—to best diaper na dapat gamitin para iwas rashes nasabi nila sa amin. 'Yon nga lang nakukulitan na sila sa asawa ko dahil sobrang excited siya at ayaw niyang hindi ma-handle ng maayos ang pag-anak ko.

Wala na talaga akong mahihingi pa. Meron na akong supportive parents, siblings, relatives, friends and the best husband ever, okay na ako. Thankful nalang ako sa kanilang lahat dahil hindi sila nawawala sa tabi ko.

I raised my hands and tried to stretch kahit hindi ko naman na masyadong kaya. Napatingin agad sa akin si DJ.

"Lalabas na?" Seryoso niyang tanong sa akin. Hinampas ko siya ng mahina bago ako tumawa.

"Not yet. Eat muna raw kami ni baby sabi niya sa akin." Ngumiti lang si DJ at tinitigan ako bago siya lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi.

"Good morning love."

"Hmm. Morning love." Sagot ko sa kanya bago muling nag-stretch masakit na sa likod si baby eh.

"Saan mo gustong kumain? Breakfast in bed or dinning table?" Tanong niya habang inaayos ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

"How 'bout breakfast in lanai?" Binigyan ko siya ng isang malaking ngiti.

"Great!" Sabay kaming tumawa sa sagot niya. "Oh sige na bangon na mommy para kapag naayos ko na ang breakfast sa lanai handa ka na rin."

"Okay po." Hinalikan niya ulit ako sa noo at si baby bago siya lumabas ng kwarto.

"Love call me kapag bababa ka na ha?" Ayan nanaman siya. Ayaw niya kasi akong bumababa ng hagdan mag-isa baka raw madulas ako pero okay lang naman sa akin na tulungan niya ako. I love it.

"Yes love."

Nag-pray muna kami ni baby bago ako mabilis na nag-wash up at lumabas ng kwarto.

"Love?" Tawag ko kay DJ noong nasa taas ng hagdan na ako.

"Yes love?" Narinig ko 'yong patakbong yapak niya palapit sa staircase naming. "Lalabas na?" Natawa nanaman ako sa tanong.

"Hindi pa nga! Hungry lang." Tumatawa siyang umakyat at sinalubong ako.

We shared another breakfast together. One of the many meals we will have together for the next days of our lives together.

Anak, kung sabi ni daddy noon, "Hang in there baby" ngayon, we are very excited to see you. Come on baby, the world is ready for you. I love you.

A/N: I did not proofread.

Ayos lang po ba? Hahaha!

Suggestions, clarifications and violent reactions are accepted. Thanks for reading! 

Continue Reading

You'll Also Like

94.3K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
5.4K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
24.4K 1.6K 33
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
8K 259 16
AshMatt fanfic