"Welcome home, madam!"
"May nakahain na bang pagkain butler Shin?"
"Yes madam."
"Sige, magdagdag kayo ng isa pang plato. Kakain na kami."
"Yes madam."
"Si Kurt?"
"Nasa kwarto po niya, madam."
"Sige. Tawagin mo na at sabay-sabay kaming kakain ng dinner."
"Yes madam."
Dumeretso na sa dining table sila Sarah at pumunta na rin sa kwarto ni Kurt si butler Shin para tawagin siya.
"Ma!" Masayang tinatawag ni Kurt ang mama niya habang pababa siya ng hagdan.
"Kurt, nandito kami."
Kami? May bisita si mama? Sino kaya?
Pagka-punta ni Kurt sa harap ng lamesa. Nagka-titigan sila ng kasama ni Sarah.
"Anak, halika dito."
"Ma, sino siya?"
"Kaye, siya ang anak ko, si Kurt. Kurt, siya naman si Kaye."
"Hi Kaye."
"Hi."
"Kurt, sama ka muna sa akin, may sasabihin ako sa'yo. Kaye, dito ka muna ha."
"Sige po."
Pumunta sa living room ang mag-ina.
"Ma, ano po ba sasabihin niyo? Bakit kailangan dito mo pa po sabihin?"
"Ahmm. Kurt. Ano. Anak."
"Hmm?"
"Si Kaye. Kapatid mo na siya. Inampon ko siya."
"Ho?" Nagulat si Kurt.
"Galit ka ba anak?"
"Hindi ho. Masaya po ako. May kapatid na ako? Yehey!"
Tumalon sa tuwa si Kurt. Dahil sa hindi na pwede magka-anak sila Sarah kaya nag-iisang anak nila si Kurt.
"Okay lang sa'yo anak?"
"Opo, opo."
Tumakbo si Kurt papunta sa dining table.
"Kaye! Hi!"
"Hi." Niyakap niya si Kaye.
Ngumiti naman sa tuwa si Sarah.
Buti naman at tanggap niya si Kaye.
Flashback
"Sister Imelda!"
"Oh, ma'am Sarah. May nakalimutan po ba kayong ibigay?"
"Wala po sister. Pwede ko ho ba mahiram ang oras niyo? May gusto lang po ako itanong tungkol kay Kaye."
"Sige po. Doon tayo sa opisina mag-office."
"Ano po ba ang gusto niyong malaman tungkol kay Kaye?"
"Paano niyo po nakuha si Kaye? Ilang taon na po ba siyang nandito sa bahay ampunan si Kaye?
"1 taon pa lamang si Kaye ng iwan nang kanyang mga magulang siya. Apat na taon na ang nakalipas. Isang gabi noon, malakas ang ulan. May mag-asawang pumunta rito sa bahay ampunan. Iyak ng iyak ang ina, natatandaan ko pa noon, gusto muna nilang iwan ang bata dito sa bahay ampunan ng mga ilang buwan lamang at babalikan din siya. Pero apat na taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin sila bumabalik. Nalaman namin na may sakit si Kaye. Isa siyang special child. Siguro kaya siya iniwan ng kanyang mga magulang dahil ayaw nilang mag-alaga ng isang tulad niya. Alam kong masakit pero may mga ganito talagang magulang, marami na akong nakilalang ganito."
"Pwede ho bang ampunin ko siya?"
"Okay lang po ba sa inyo, kahit na ganyan siya?"
"Opo sister."
"Sige po. Ibibigay ko na lang po sa inyo yung kanyang mga certificates."
"Sige po."
End of Flashback
Kurt, sana mahalin mo ang iyong kapatid kahit na hindi mo siya tunay na kapatid ay sana ituring mo siyang isang tunay mong kapatid.
May luha na lang na tumulo sa mga mata ni Sarah.
"Ma! Tara kain na tayo!" Sabi ni Kurt.
"Sige, anak. Punta na ako dyan."
Masaya silang kumain ng pagkain.
Mga ilang minuto ang lumipas.
*horn* *busina ng kotse*
Dumating na si Ken galing sa kanyang trabaho.
"Welcome home sir!"
Sinalubong siya lahat ng workers sa bahay.
"Butler Shin, nasaan ang mag-ina ko?"
"Kumakain na po sila."
"Sige."
"Kakain na rin po ba kayo?"
"Hindi, nakakain na ako sa opisina. Gusto ko ng magpahinga."
"Sleep well, sir."
"Ma, alam na po ba ni papa ang tungkol sa pag-ampon niyo kay Kaye?"
"Hindi pa Kurt. Sasabihin ko sa kanya mamaya."
"Sige po Ma. Saan po ba matutulog si Kaye?"
"Sa kanya yung bakanteng kwarto."
"Tutal ma, wala pa namang kama doon, pwede bang sa kwarto ko muna siya matulog?"
"Sige ba anak."
"Yehey! Punta na kami sa kwarto ko ma. Tapos na po kami kumain."
"Sige. Good night anak."
"Good night ma."
Nag-good night kisses na sila.
Pumunta na sa kwarto sina Kurt at Kaye.
Sarah, ngayon ka lang nagdesisyon mag-isa. Kailangan mapasang-ayon mo siya.
Pumunta na rin si Sarah sa kanilang kwarto ng kanyang asawa.
"Ken?"
"Sarah, nandito ako sa bathroom."
"Ken, kailangan natin mag-usap."
"Tungkol saan naman? Kay Kurt?"
"Hindi Ken."
"Tungkol saan?"
"Mamaya, tapusin mo muna yang half-bath mo."
"Sige."
"Kaye, dito ka matulog sa kama ko, dyan na ako sa may sofa. Inaantok ka na ba?"
"Hindi pa po." She nodded.
"Gusto mo laro muna tayo?"
"Opo." She nodded.
"Eto, may mga laruan ako dito. Pili ka na lang ng gusto mong laruin."
Tumingin-tingin si Kaye sa mga laruan at kumuha siya ng mga iba't ibang laruan.
Ang sarap pala magkaroon ng kapatid. Nagiging kaibigan mo rin sila. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi na ako nag-iisa. May kalaro na ako.
Unang beses makikita sa mukha ni Kurt na sobrang saya niya ng nagkaroon siya ng kapatid. Mag-isa lang kasi siya at wala makalaro sa bahay. Minsan lang kasi nasa bahay ang kanyang ina kaya hindi rin sila nagkakaroon ng oras sa isa't isa. Kung sa kanyang ama naman. Kailan ba nagkaroon ng oras siya sa kanyang anak? Lagi naman siyang wala sa bahay at puro business ang nasa isip niya. Si butler Shin, nakakalaro naman siya ni Kurt pero may mga ginagawa rin si butler Shin sa bahay kaya talagang si Kurt lang mag-isa ang naglalaro. Ngayon at nagkaroon siya ng kapatid ay mayroon na siyang kalaro at hindi siya iiwan.
Anuman ang mangyare, nandito ako sa tabi mo.
"Ano?!" Sigaw ni Ken.
"Para rin ito sa ikabubuti ni Kurt."
"Sarah, gamitin mo naman ang utak mo. Pwede naman tayong bumili ng maraming laruan dyan. Bakit nag-ampon ka pa? At isang autistic pa?"
"Ken, hindi laruan ang hanap ni Kurt. Kaibigan. Hindi laruan ang kaibigan. Naawa ako sa bata kaya ko siya inampon. Alam mo naman dibang gusto ko ng mga bata? Kung anuman siya. Mahal ko pa rin siya at tanggap ko siya."
"Sar-"
"Ken, ngayon lang ako nagdesisyon mag-isa. Pagbigyan mo naman ako. Makakatulong ito kay Kurt. Pinagbawalan mo na nga siya magkaroon ng kaibigan sa school ngayon pa ba? Isang kapatid, pagbabawalan mo rin? Wala na nga tayong oras sa kanya lagi siyang mag-isa. Alam kong marami siyang laruan pero iba pa rin ang may kasama at kalaro ka. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Kurt dahil ina niya ako. Ikaw ba, kailan ka ba naging ama sa kanya? Kaya please, please, gusto ko namang makita sa mukha ni Kurt ang masasayang ngiti. Alam mo ba yung pakiramdam nung nakita ko siya kanina ng malaman niyang may kapatid na siya? Ang saya."
Tumulo na lamang ang mga luha sa mga mata ni Sarah.
"Sorry, Sarah. Yes. Gusto ko rin naman maging masaya si Kurt. Kaya I accept, sorry."
Niyakap ni Ken si Sarah.