ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

De angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... Mai multe

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 17: STRIGOI

479 31 7
De angelodc035

Makulimlim pa rin ang dating silid ni Claudius sa loob ng mansion nito sa Bulacan kahit na tinanggal na ni Demetria ang makakapal na kurtinang tumatabing sa mga bintana. Doon ay nakatayo si Demetria sa harapan ng ipinintang larawan ng kanyang ama na wari'y hindi siya nagsasawang titigan ang magandang mukha ng kanyang ina na kalong-kalong siya nito noong sanggol pa siya.

Malalalim ang kanyang mga paghinga na tila nanghihinayang na hindi lamang niya nakilala ang tunay niyang ina na si Gertrudes. Marahil ay mahal na mahal sila ng kaniyang ama na si Claudius dahil ilang daan taon na rin ang nakalipas ay hindi pa rin sila nito kinalimutan at dito pa sa bahagi ng mansion nakasabit ang ipinintang larawan nilang mag-ina.

Sa tingin ni Demetria ay isa ng Sangre si Claudius ng naging asawa niya ang kanyang ina dahil bata pa lamang siya ay alam ni Demetria na kakaiba siya sa lahat ng bata sa kanilang lugar. Kakaiba na wala sa mga normal na bata sa kanilang lugar kaya madalas ay hindi siya pinapayagang lumabas sa kanilang bahay. Hindi naman itinago sa kanya ng kinikilala niyang ina na si Morgana na hindi siya tunay na anak nito dahil siya mismo ang nagsabi sa kanya na namatay na ang kanyang tunay na mga magulang. Bilang isang malapit na kaibigan ng kanyang mga magulang ay tungkulin niya na siya ay kanyang alagaan. Pero, walang binanggit si Morgana na si Claudius ang kanyang tunay na ama. Ngayon ay lubos na niyang naiintindihan kung bakit ginawa iyon ni Morgana.

Sa unang pagkakataon ay nilibot niya ang kabuuan ng opisina ng kanyang ama. Pingmasdan ang paligid nito at sinubukang kalkalin ang mga drawer at cabinet sa loob ng opisina. Hinila niya ang drawer sa mesang ginagamit ni Claudius. Mula roon ay kitang-kita niya ang mg nagkalat na papel na may mga guhit na mukha ng isang sanggol na pamilyar sa kanya.

Nanginginig na dinampot niya sa kanyang kamay ang isa sa mga iginuhit na larawan. Nakasulat sa pinakailalim na bahagi ng larawan ang pangalang Sarah at ang petsang July 17, 1827 kung kailan ito ginuhit ng kanyang ama.

Tumingin-tingin pa ng mga iilang larawang iginuhit ni Claudius na ilang daang taon na rin ang tanda ng mga ito. Walang ibang iginuguhit si Claudius kundi lamang silang dalawa ng kanyang ina. Marahil ay pilit na inaalala ni Claudius ang mukha nilang mag-ina niya para hindi kailan man makakalimutan ang kanilang mga mukha.

Damang-daman ni Demetria ang sobrang kalungkutan ng lugar na iyon. Damang-dama rin niya ang sobrang bigat sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar. Halos mga antigo ang mga kagamitan sa loob lalo na ang iba pang mga naipintang larawan na nakasabit sa pader ng opisina.

Isa sa mga ipinintang larawang nakasabit sa pader ang pumukaw sa kanyang atensiyon. Pamilyar ang mukhang iyon sa kanya, hindi siya puwedeng magkamali.

"Inang Morgana?" Ang halos pabulong na wika ni Demetria pagkakita sa portrait na nakasabit sa dingding ng opisina.

Napakaganda ng pagkakapinta sa larawan ng kinilala niyang ina. Tila buhay na buhay ito lalo na ang mga mata nito na parang nangungusap sa kanya.

Nilapitan ni Demetria ang painting ni Morgana at doon napansin niyang kakaiba ang pinturang ginamit sa pagpinta sa larawan. Kapansin-pansin na tila may kakaibang amoy sa ginamit na pintura sa painting at alam niya ang amoy na iyon.

"Dugo?..." Ang sabi ni Demetria sa sarili. Pero hindi niya namamalayan na lumuluha na rin pala siya ng dugo lalo na ng maalalang wala na ang kanyang inang Morgana.

Napuno ng kanyang pagtangis ang katahimikan ng lugar. Masakit para sa kanya na makitang pinapatay sa kanyang harapan ang kanyang pinakamamahal na ina at ang may gawa pa non ay ang kanya palang ama na si Claudius.

Paano niya mapapatawad ang taong makailang ulit na ginawan siya ng masama? Paano niya mapapatawad ang taong pumatay sa kanyang kinikilalang ina kahit pa ito ang kanyang tunay na ama?

Natigilan si Demetria ng biglang mapansin niyang gumalaw ang portrait painting ng kanyang Ina na si Morgana. Kusang gumagalaw ang larawan at kapansin-pansin ngayon ang mapupulang mga mata nito.

"I...inang Morgana?!" Ang sigaw ni Demetria na kinilabutan sa nangyayari.

Tila natunaw ang dugong ginamit na pintura sa mismong canvass ng painting at parang may-isip na gumapang ito sa pader papunta sa sahig.

Napaatras si Demetria ng makitang unti-unting nagkakaroon ng anyo ang pinturang dugo na umagos mula sa painting nu Morgana. At lalo siyang natakot ng magsunuran na rin ang halos lahat ng mga paintings na nakasabit sa dingding ng opisina.

"Hi...hindi maaari..." Ang pabulong na wika ni Demetria habang nababalutan ng takot ang kanyang mukha.

Mabilis na nagkakaroon ng anyo ang mga pinturang nanggaling sa mga paintings. Lalo na ang nagmula sa portrait ng kanyang inang si Morgana na ngayon ay nakatayo na ilang metro sa kanyang harapan at gayang-gaya ang hitsura ng kanyang ina. Pulang-pula ang mababagsik na mata nito at naglalaway sa nakikitang makakain sa kanyang harapan.

Alam ni Demetria kung anong nilalang ang nasa kanyang harapan. Pero hindi niya inaasahan na nakarating sila sa Pilipinas at ngayon pa lamang niya makakaharap ang mga Strigoi.

Batid ni Demetria na hindi niya kakayanin kahit isa man lang sa pinakamatandang uri ng bampira. Bawat isa sa kanila ay katumbas ng sampung malalakas na mandirigmang Sangre.

Ang mga Strigoi ang sinaunang mga bampira na nagmula sa bansang Transylvania. Doble ang bangis nila at higit na malalakas, mabibilis at matitibay ang katawan kung ikukumpara sa iba pang lahi ng mga bampira. Kaya nilang magpalit ng kahit na anong anyo na gugustuhin nila mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking hayop. Lubha silang mas mapanganib kaysa sa mga tulad nilang mga Sangre. Ang kanilang katawan ay binubuo ng libo-libong mga uod na uhaw na uhaw sa pagsipsip ng dugo sa kanilang mabibiktima.

Bago pa man mabuo ang anyo ng iba pang mga Strigoi ay sinubukan ng tumakbo papalabas ng opisina ni Demetria para alertuhin ang kanyang mga kasama na naghahanda na sana sa pag-alis nila sa Mansion. Pero mabilis siyang sinundan ng isa sa mga ito. Paglabas niya ng mansion ay naroroon na ang isa sa mga Strigoi na gumaya sa hitsura ng kanyang inang si Morgana.

Pilit na sinasalo ng maitim at mahabang dila ng Strigoi ang laway nito habang nakikita niya at naamoy si Demetria sa kanyang harapan. Nagngingitngit ito sa sobrang gutom na kanyang nararamdaman dahil matagal-tgal na rin silang hindi nakakalabas sa mga larawan na kung saan sila ibinilanggo ng mahika ng bruhang si Impong Sendang.

"Pagkatamis-tamis ng iyong dugo...bibigyan kita ng madalihang kamatayan...kaya kung ako sa'yo huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo...halika at maging hapunan ko!" Ang sabi nito kay Demetria.

Magaspang ang nakakatakot na boses ng Strigoi na nasa harapan niya. Wala silang sinasanto dahil kahit katulad nilang bampira ay hindi nila pinalalampas lalo na't kapag nakaramdam na sila ng gutom.

Inihanda ni Demetria ang kanyang sarili sa pag-atake ng Strigoi. Alam niya na ilang sandali pa ay sasamahan na siya ng iba pang mga Strigoi na kasalukuyang nagkakaroon na ng porma ang katawan.

Biglang umigpaw sa himpapawid ang babaeng Strigoi patungo kay Demetria habang nakalaylay ang naglalaway na dila nito. Nanggigigil ang Strigoi sa kagalakan dahil sa loob ng mahabang panahon ay nakawala sila sa pagkakakulong nila sa mga portrait paintings na ipininta ni Claudius bilang tagapagbantay sa mansion. Dahil sa pagkamatay ni Impong Sendang, wala ng mga orasyon o dasal na magpapanatili sa kanila bilang bilanggo sa loob ng kwadro ng mga paintings.

Hindi napansin ni Demetria na may mga bilanggong Strigoi sa opisina ng kanyang ama. Kaya ngayon ay nanganganib ang kanyang buhay dahil sa mababangis na bampirang itinuturing na mga halimaw sa kanilang mundo.

Nagsimulang nagsihabaan ang mga kuko ni Demetria at sinimulang gamitin ang elemento ng apoy. Nilaro-laro niya ang bola ng apoy sa kanyang kanang kamay habang hinihintay ang muling paglusob sa kanya ng Strigoi. Alam niyang apoy ang kahinaan ng mga ito at takot sila na madantian nito. Pero kailangan lamang na maging mabilis din ni Demetria para maihagis at mapatama niya ang bola ng apoy sa katawan ng Strigoi.

Muli ay umabante ang Strigoi kay Demetria. So sobrang bilis nito ay hindi man lang nakuhang maibato ni Demetria ang hawak na bola ng apoy si Demetria. Tumilapon siya ng ilang metro at nabitawan niya ang apoy mula sa kanyang kamay at gumulong sa makinis na sahig ng mansion.

Hindi pa man nakakabangon si Demetria ay mabilis na nakalapit sa kanya ang Strigoi at sinakal siya nito gamit lamang ang isa nitong kamay. Iniangat niya sa ere ang katawan ni Demetria na nagpupumiglas sa pagkakasakal ng Strigoi sa kanya.

Ramdam ni Demetria ang pagsisimula ng paninikip ng kanyang dibdib at paglugutok ng kanyang mga buto sa kanyang leeg.

"Ikaw ang aking hapunan na papawi sa aking gutom...ikaw na kakaiba ang amoy ng dugo..." Ang malakas na wika nito kay Demetria habang gumagapang ang mahaba at naglalaway na dila nito sa mukha ni Demetria.

Pakiramdam ni Demetria na marahil ito na ang magiging katapusan niya. Wala ang kanyang mga kaibigan marahil ay hindi nila alam ang nangyayari sa kanya. Nasaan nga ba sina Randy, Sagaway at Alimog? Kailangan niya ang kanilang tulong.

Nagsimula ng dumilim ang kanyang paningin. Nanghihina na siya at sasamantalahin iyon nh babaeng Strigoi para simulan na ang pagsipsip sa kanyang dugo. Mamamatay siya na hindi man lang malalaman ng kanyang mga kaibigan.

Isang malakas na hampas ng latigong metal na limikha ng malakas na boltahe ng kuryente ang tumama sa likuran ng Strigoi. Nabitawan nito ang pagkakasakal kay Demetria dahil sa labis na sakit na dinulot ng Eskrihala sa kanya. Tumilapon ang strigoi sa kanyang kinatatayuan at namilipit sa sakit ng nilikha ng Eskrihala sa kanyang likuran.

"Demetria!" Ang sigaw ni Randy sa kaibigan na may pag-aalala.

Mabilis na nakabangon ang Strigoi at lalo itong nagngingitngit sa galit pagkakita kay Randy at ang gamit nitong Eskrihala.

Mabilis na lumapit si Randy kay Demetria at ipinako nito ang kanyang paningin sa babaeng Strigoi na kaslukuyang inihahanda ang sarili para umatake. Tila hindi man lang ito natakot sa Eskrihalang hawak ni Randy.

Bakas sa mukha ni Randy ang pagtataka dahil hindi niya alam kung anong klaseng nilalang ang nasa harapan niya. Napansin niya na halos walang nilikhang pinsala ang Eskrihala sa nilalang.

"Strigoi, isang strigoi ang nilalang na yan... Kailangan na nating lumayo Randy..." Ang pilit na paliwanag ni Demetria kahit na hirap pa rin ito sa kanyang paghinga.

"Stri..."

"Strigoi, ang pinakamatandang lahi ng mga bampira. Mga makapangyarihan uri ng...bampira...kailangan, kailangan na nating tumakas paparating na ang mga kasama niya." Ang tugon ni Demetria.

"Hindi, wala silang panama sa kapangyarihan ko at ng Eskrihala. Hindi tayo tatakas. Lilipulin natin sila!" Ang matigas na tugon ni Randy kay Demetria.

"Hindi mo naiintindihan Randy. Kung sino man ang mas nakakakilala sa kanila ay ako yun. Dahil isa akong Sangre, isa ring tulad nila." Ang sabi ni Demetria na unti-unti ng bumabalik ang kanyang lakas.

"Wala silang panama sa lakas na mayroon tayo Demetria kahit pa sila ang pinakamakapangyarihang bampira sa buong mundo hinding-hindi natin sila uurungan."

Inihampas ni Randy ang Eskrihalang nasa anyong latigo sa makinis na sahig ng mansion at nagsimulang gumapang ang mga boltahe ng kuryente sa katawan nito. Inihanda naman ni Demetria ang mga bolang apoy sa kanyang mga palad at inihanda rin nito ang kanyang pakikipaglaban.

Tila nakaramdam ng panganib ang Strigoi sa dalawang mandirigma sa kanyang harapan kaya gumawa ito ng kakaibang ingay habang itinatango-tango ang ulo nito. Sa isang iglap, pinalibutan na sila ng labing-tatlong naglalakihang mga Strigoi.

Napalunok si Randy sa kanyang mga nakitang Strigoi. Naglalakihan ang mga kalamnan ng mga ito sa kanilang dibdib at braso. Naghahabaan at matutulis ang mga ngipin sa kanilang mga bibig at walang umpay ang pagtulo ng kanilang malalagkit na laway sa kanilang bibig.

"Apoy ang kahinaan nila Randy..." Ang pabulong na wika ni Demetria sa kaibigan.

"Tamang-tama, ang elementong nakokontrol mo ay apoy." Ang tugon ni Randy. "...ang mga boltahe rin ng kidlat ay lumilikha rin ng apoy. Kaya suwerte pa rin tayo."

Ayaw mang magpahalata ni Randy ay nagsisimula ng mangatog ang kanyang mga tuhod dahil na rin sa takot. Naisip niya na kung kasama sana nila si Odessa ay hindi niya mararamdaman ang takot. Kapag kasama niya si Odessa ay tila magkarugtong ang kanilang buhay. Hindi siya nakakaramdam ng kahinaan at takot kahit na sa makapangyarihang nilalang na tulad ng Minokawa.

Isang paghuni ang ginawa ng babaeng Strigoi sa kanyang mga kasama, hudyat na ng kanilang sabay-sabay na paglusob at pag-atake sa dalawa.

Pinagpawisan ng malamig si Randy ng makitang sing bilis ng kidlat ang bawat pagkilos ng mga Strigoi. Kaagad ay binalutan niya ang kanyang katawan ng bola ng kuryente bilang proteksiyon sa kanya. Samantalang si Demetria ay halinhinang ibinato ang mga bola ng apoy sa mga bampirang Strigoi bago siya nagpalit ng anyo bilang isang puting kuwago.

"Randy! Dali kailangan na nating lumayo rito!" Ang sigaw ni Demetria kay Randy na nababalutan na ng bola ng kuryente ang buong katawan. Inihahampas niya ang kalahating bahagi ng Eskrihala sa mga Strigoi na pansamantala lamang nasasaktan sa kapangyarihan nito pero mabilis na nakakabangon sa sakit na dinulot ng Eskrihala.

May mga Strigoi na pilit na hinahawakan ang katawan ni Randy pero hindi nila nakakayanan ang sakit ng pagkakakuryente. Pero, hindi iyon sapat para mapatay sila ng kanyang kapangyarihan.

Sinimulan na ng dalawa ang kanilang pagtakas sa mga bampirang Strigoi. Pero hindi magiging madali sa kanila ang pagtakas dahil sa desidido silang patayin para kainin ng mga gutom na gutom na anak ng buwan.

--------------------------------
"Hindi ko na matiis ang gutom, kailangan ko na ng makakain dahil nawawala na sa katinuan ang pag-iisip ko Cyrus." Ang halos pabulong na wika ni Donie sa kanyang kasamang naglalakad sa kalsada ng Malolos sa Bulacan.

"Konting tiis na lang kaibigan at mamayang hatinggabi ay siguradong gigising na ang ating bagong Alpha. Sigurado ay hindi na niya maaalala ang kanyang mga kasama. Kaya makakakain na rin tayo mamaya." Ang tugon ni Cyrus habang tila takam na takam na siyang matikman ang pinakabata sa mga batang kasama nila na si Jhayvee.

"Hindi na yata ako makapaghintay hanggang mamaya! Basta kapag nawala sa paningin ng mga kasama niya ang isa sa mga taong kasama ng bagong Alpha natin didiskartehin ko na siya kaagad." Ang takam na takam na tugon niya sa kasama. Napansin niya na nakatingin sa kanila si Ceazar kaya minabuti muna nilang tumahimik lalo ng nilapitan sila ng lalake.

"Magsitigil kayo mga ungas! Baka nakalimutan ninyo na kahit walang malay ang bagong Alpha ay hindi niya nababasa o naririnig ang mga sinasabi at iniisip ninyo? Kaya humanda kayo paggising niya." Ang babala ni Ceazar sa dalawang kasama.

Ngumiti lamang si Donie kay Ceazar bilang tugon nito sa kanya saka sila nagkatinginan ni Cyrus.

"Kung ano man ang binabalak ninyo huwag na ninyong ituloy...baka pagsisihan ninyo bandang huli." Ang muling paalala ni Ceazar sa dalawa.

Nagpatuloy sa paglalakad ang mga taong-lobo habang sinusundan ang puting SUV na kung saan nakasakay ang natutulog pa ring si Caren. Kasama niya sa loob ang magkakapatid na sina Adrian, Margaux at Jhayvee na nakakalong kay Isabela na asawa ng nagmamanehong si Alex.

Halos magdadalawang araw na rin silang naglalakbay at naghahanap ng lugar na pansamantala nilang pagkukublihan para kay Caren.

Isang napakalaking sugal para kina Alex at ng mga bata ang pagsama nila sa mga taong-lobo. Ano mang oras ay puwede silang atakihin ng mga ito ng walang kalaban-laban. Gusto nilang samahan ang babaeng pulis para masigurong hindi siya gagawan ng masama ng ilang mga taong-lobo na nangangarap na agawin sa kanya ang pagiging Alpha.

Maya-maya ay laking pagtataka ni Alex ng biglang pinatigil ni Ceazar ang pagmamaneho sa SUV. Si Ceazar ang pansamantalang lider ng lupon habang hindi pa gumigising ang kanilang bagong Alpha.

"Bakit tayo tumigil?" Ang nagtatakang tanong ni Alex kay Ceazar habang nakahawak ang dalawang kamay sa manibela ng sasakyan.

Suminghot-singhot si Ceazar sa paligid na tila may naaamoy.

"Bampira, may mga bampira sa paligid." Ang bababahalang tugon ni Ceazar kay Alex.

Nagsimulang binalot ng takot ang katawan ni Alex pagkarinig nito sa mga sinabi ni Ceazar.

Continuă lectura

O să-ți placă și

115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...
249K 6.8K 44
Sky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017
16.2K 698 38
Highest rank: #997 IN FANFICTION _________________________________________ This story is pure taglish. _________________________________________ One...
9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...