Okay ba yung cover? =w= pinagpawisan ko yan xDD sa Picsart ko pinagtsagaan haha.
Enjoyy♪
*********★*****★*****★**********
Chapter 4: Let the Party begin
Joel
5:45 AM
*Riiiiiiiiiiiiiing*
//Yawn// Ang bilis namang mag-umaga..Inaantok pa ko..
"RIGHT!! Today is the first day of classes!!" Yes! Ang saya ko!! Excited na akong makipag daldalan sa mga bago kong tropa!! at syempre mag-aral din...
Tumayo na ko kaagad at naghubad.
Maliligo nalang muna ako tapos mag-aalmusal na...
10 Minutes Later.
Haaaa~ Ang Fresh talaga ng Feeling pag bagog Ligo! Parang gusto kong Sumayaw~
Hmm.. 5:57 AM palang. Di ba ako masyadong napaaga? Nasanay kasi akong gumigising ng maaga kasi medyo malayo yung Previous na School ko.
Bahala na, gisingin ko nalang yung mga iba para may kasama ako.
Pagbukas ko ng pinto, dederetso na sana ako sa kwarto ng mga Lalaki ng may naririnig akong nagdadabog sa Janitor's Room malapit sa kwarto ko..
*THUD* *THUD* *THUD*
"H-huh??"
Kinakabahan ako... Bakit ganito ang nararamdaman ko?
*THUD*
Kalma ka lang Joel... Baka daga lang yan... pero imposible. Kahit limang daga, di kayang magdabog ng ganyan... diba?
*thud*
Humina na yung pagdabog niya sa pinto...
"Baka nga daga lang yun."
"T-tul...ongg..."
"??!!" May tao sa Loob?! tsaka.. pambabae yung boses... di kaya--
"S-sino ka?!"
"K..riz...a....lyn...."
"K...K-KRIZALYN??!" Binuksan ko kaagad yung pinto...
"H-HAH--????!!!!" Napaupo ako sa sahig at--
*BLLURRGGHHH*
Di ko mapigilang masuka nang makita ko ang katawan ni Krizalyn na puno ng hiwa sa katawan..
wala na rin ang mga kuko nito sa mga daliri niya... Puno ng dugo ang sahig at tuloy-tuloy parin ang pag daloy ng mga dugo niya galing sa mga sugat niya.
"T-t-tulong... an.. m-mo..o.."
"K-k-krizalyn!!! W-wag kang gagalaw!! tatawag ako ng tulong sa iba!!"
Tumakbo ako sa may pinakamalapit na kwarto ng boys... Si Edward. Kumatok ako ng napakalakas dahilan neto para masira ang lock ng pinto niya.
"EDWARD EDWARD!!!! TULONG!!! SI KRIZALYN PUNO NG SUGAT ANG KATAWAN!!!! TUMAWAG KA NG TULONGG!!!"
Binuksan naman niya ang pinto at nakapajama pa ito.. halatang kakagising lang.
"Wag ka ngang maingay!!! Iniistorbo mo ako!!! Nakita mong tulog pa ak--"
"MAMAYA KA NANG DUMALDAL!!! SI KRIZALYN KAYLANGAN NIYA NG TULONG!!!"
"ABA!!! TINATAASAN MO BA ANG BOSES MO SAK--"
"KYYYAAAAAAAA!!!!!"
ALISSANDRA??!!
Tumakbo ako kaagad at napansin kong sumunod na rin saakin si Edward.
NAKO!!! SANDRA SANA OKAY KA LANG... GOD PLEASE!!
"SANDRA!!!"
"J-j..Joel..?"
"Sandra!!! Okay ka lang ba?! Walang nangyari sayo?!"
Niyakap ko kaagad si Alissandra. Salamat at walang nangyaring masama sakanya! Di ko alam ang gagawin ko kapag pati siya nawala sa tabi ko...
"JOEL!!! S-si...SI KRIZALYN!!"
Nakita niya si Krizalyn?!
"Wag kang mag-alala Sandra, tatawag tayo ng Ambulansya okay? Tumigil ka ng umiyak... magiging okay lang ang lahat."
"Uuu...*sniff* Jooeell.... uuhh"
"OH MY GOOD!!! KYAAAA!! Kadiri!! Ang baho ng dugo niya!!"
"...."
Di ko napansin na dumating na rin pala sina Dominic at JM.
"Dominic!! Tawagin mo na yung iba para mal--"
"Your not the boss of me!!!"
"Dominic, PWEDE BA?!! HINDI ITO ANG ORAS PARA MAGING MAARTE!!!"
"I...I'll do it... "
"Alissandra? H-hindi okay lang-"
"I SAID I'LL DO IT!!!"
Sandra?... Tumayo ito kaagad, at pumunta sa mga kwarto ng iba.
"Tumawag ka ng Ambulance."
Nagulat ako ng biglang nagsalita si JM.
"AMBULANCE!! R-right..!!"
Tumakbo ako kaagad sa kwarto ko at kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko.
"SH*T!!! BAKIT WALANG SIGNAL??!! BWISET!!! "
Paglabas ko naman ng kwarto ko, nakita kong dumating na pala sila Arlene, Melanie, Kris, Paul, at si Angello... at nakikita kong Gulat na gulat din sila sa nakita nila.... Bakit wala pa si Akira at Haruka..?
"Krizalyn...! wag kang mamamatay.. krizalyn!"
NAKAKAINIS!! SINO BANG GUMAWA NITO KAY KRIZALYN??!! Kung malaman ko lang kung sinong responsable, PAPATAYIN KO SIYA!!! Alam kong di pa kami lubos na magkakilala ni Krizalyn... pero sa nakikita ko... Isa siyang mabait na kaibigan. Alam kong malulungkot si Alissandra at ang iba pa kapag nasa ganitong kalagayan siya.
"M...mel..ani..e..."
"H-HUH..??! K-Krizalyn!! Baki--"
"Attention H.W.A. Students. Magandang umaga sainyong lahat!" So Nakita niyo na ang katawan ni Krizalyn Eh~? Kukuku. Nandiri ba kayo? Nagulat? Natakot?! Natuwa??!! BWAHAHAHAHAHA!!!.."
"IKAW BA ANG GUMAWA NITO KAY KRIZALYN??!!! SUMAGOT KA!!!"-paul
" Pfft- HAHAHAHA! Pinapatawa mo talaga ako eh no? HAHAHAHA! Why would I kill my OWN Students? Yan ang napapala sa mga estudyanteng hindi sumusunod sa mga patakaran ng School. Kaya wag maging pasaway at sumunod nalang kayo, Okay? Nakahanda na ang inyong Almusal sa Dining Area. Oh! and by the way, papunta na ang ambulance para kunin si Ms. Ozokawa kaya no need to worry and have a Nice day at Hope and Wisdom Academy! "
Melanie
6:32 AM
Andito kami ngayon sa Dining Area. Ang tahimik. Sila Alissandra at Akira di pa rin tumitigil sa pag-iyak dahil sa nangyari kay Krizalyn... hindi lang dahil dun. Isipin lang namin na malapit na ang kamatayan namin sa loob ng Academy na ito... di na namin mapigilang magalit at umiyak pa.
Sinubukan na naming makalabas sa Main Door, pero gawa ito sa nakalock ito sa labas at ayaw masira. Kahit sa mga Bintana at iba pang mga butas na pwedeng ikalabas namin dito ay wala rin... gawa ito sa metal o di kaya ay naka-kadena.
"Nakakainis naman... Bakit ako pa?... Akala ko magiging masaya na ang buhay ko dahil sa School na ito pero..."
" Oonga.. Tsaka ano bang nangyari sa Principal natin? Parang kahapon lang ang formal niya satin tapos ngayon...parang serial killer na di mo maintindihan"
"Yung Principal ba talaga yun? Ang alam ko...John P. Merencillo III yung pangalan niya diba?"
"Pero bakit ganun?! Ang tindi naman nang parusa na ginawa niya kay Krizalyn!!"
"Hindi niyo ba napansin?"
"H-huh?.. Ano yun Arlene?"
"Bakit bawal bumisita ang mga Parents or Relatives?"
"Sabi kasi sa Terms and Agreements... Para makapag-seryoso sa pag-aaral."
"Bakit tayo lang mga tao dito? Kahit Janitor or Teachers wala? "-Joel
"Baka Absent lang... Right?"-melanie
" Wag nga kayo Tatanga-tanga! We're Trapped!! And as soon as we find our way out of here, WE'RE DEAD!!"
"DOMINIC STOP IT!!! Alam mo namang hindi makakatulong yang ginagawa mo diba?! Mas pinapalala mo pa yung Sitwasyon eh!!! "-joel
" Eh ano bang Pwedeng gawin natin diba??!! Our phones doesn't even work!! And all the doors are closed!!!"
Hindi na umimik yung iba at napahead-down nalang. Totoo naman diba? Ang creepy ng school na ito... magkamali ka lang ng kaonti ay may matinding punishment na ang nakaabang sa likod mo. Hindi ba't illegal ito?! Teka-!!
"TAMA!!!"
"H-huh? Ano yun Melanie?!"
"M-mga Pulis!!! Mga Pulis!!! Isasalba nila tayo dito!! Tama!!! Magtataka mga magulang natin bakit hindi nila tayo macontact!! Tapos... Tapos...--"
*Diiinngg Dooonnggg*
"Attention H.W.A. Students! Your classes will begin at exactly 7:30 AM. For the remaning time, study about our lesson; "The Person who made her Suffer, will suffer more." Hulaan niyo nalang yang Riddle na yan and Good Luck!! Ang magkamali ng sagot mamaya ay may SURPRISE Punishment. "
"CLASSES??!! G*GO KA BA??!! SA TINGIN MO SA SITWASYONG ITO KAYA PA NAMING MAG-ARAL??!!"
"Kalma ka lang Edward... Hahanap tayo ng paraan para makalabas." -haruka
Tinignan ko si Kris.. nakaka-curious kasi yung mga reaskyon niya sa mga sitwasyong tulad nito. Di ko masyadog makita mukha niya kasi nakatingin siya sa baba.. at nanginginig sa takot. Kahit pala mga taong katulad niya may kinakatakutan din.
"Arlene! San kapupunta?"-Alissandra
Di ko napansin na naglalakad pala si Arlene palayo...
" Ano pa ba sa tingin mo? I'm going to survive this."
"H-huh?"
"T-teka! wag ka ngang masyadong selfish! Sabihin mo muna saamin yang plano mo!!... para di ka namin pagdudahan." -joel.
*Sigh*
"....Fine."
Hinampas ni Paul ang lamesa at Tumayo ito kaagad. Nagulat naman kami agad at napatingin sakanya.
"Okay guys!!! Napag desisyunan ko na... na every 6:00 AM ng umaga ay magheheld tayo ng meeting dito sa Dining Area."
"Hah??! Para san naman yan? Ang aga-aga naman!! Pano na ang Beauty Sleep ko?!"-Dominic
Di na ito pinansin ni Paul at nag-explain na ulit.
"Makakatulong din ito sa paglabas natin dito. Paonti onti tayong mag-iipon ng information at magpa-plano ng gagawin natin para makalabas."
"....that's...."-Arlene
"Okay. So Arlene, sabihin mo na yang plano mo."
"//cough//...Actually it's not really a Plan."
"Edi ano?"
Umayos ito ng upo at naging seryoso na ang mukha niya. Ano kayang balak niyang gawin?
"Kung gusto niyong makalabas ng buhay sa school na ito... Simple lang, kailangan niyong sundin ang mga rules at hintayin ang Graduation Day."
"ANO??!!"
Sabay-sabay kaming napasigaw ng marinig namin ang sinabi ni Arlene. Sundin ang Rules?! Hintayin ang Graduation Day??! Niloloko ba niya kami??!!
"NABAGOK MO BA YANG ULO MO??!! NASISIRAAN KA NA BA??!! Sa tingin mo mabubuhay tayo sa loob ng Impyerno na toh??! EH YUNG MISMONG PRINCIPALNATIN NABABALIW NA!!! anog gusto mong sabihin?? ang maging sunod-sunuran nalang tayo nang Freak na yon??!!"-edward
" Wala akong oras para makipag-sigawan sainyo."
Nagsimula ng maglakad si Arlene papalayo samin.
"Teka!! Bumalik ka nga dito!!!"-edward
Biglang tumayo si Kris. Teka, bakit parang nagiba yung mukha niya... nakakatakot. Halatang galit na galit siya.
"Sasama ako sayo."
"Hm... Sure. Just try not to be a bother."
"Whatever. Gusto ko lang namang makaalis dito kasi ang ingay-ingay."
"T-teka! Ako rin!"-Alissandra
"S-Sandra?.... Ako rin! Sama niyoko jan"-joel
"Tsk. Fine..... "
Tumingin ito samin at ngumiti ito... yung ngiting nakakakilabot.
"So? Sasama ba kayo o hindi?"
"//cough// Class Meeting Dismissed!" Naglakad na rin si Paul sa direksyon ni Arlene at sumabay narin kami nila Haruka, Edward, Angello, Akira, at si JM.
Naglakad na kami ngayon sa Hallway. Nasa harap namin si Arlene.
San kaya niya kami dadalhin? Matanong nga..
"Umm.. Arlene....?!"
Arlene...? Ikaw ba talaga yan? Bakit ganyan itsura mo. Nakakatakot... bakas talaga sa mukha niya na seryosong seryoso siya sa mga oras na to.
"Heh... You think you can beat me? I don't think so..."
"Arlene...?"
"Let the party begin."
[End of Chapter 4]