Prolouge:
Ideal Girl ng mga Boys:
*Matalino
*Mabait
*Maganda
*Maalalahanin
*Sexy (well based on my observation. xD)
Ideal Boy ng mga Girls:
*Pogi (sympre)
*Matalino
*Maunawain
*Faithful
*Loyal
*Mabait
*Hindi mayabang
But what if you met your ideal person pero hindi sya ang tinitibok ng puso mo? medyo magulo diba? Well basahin nyo nalang ang aking istorya na pinamagatang...
'' HOY MISS KANINA PA KITA TINATAWAG NI HINDI MO AKO PINAPANSIN! ANO BANG GUSTO MONG MANGYARE? GULO O AWAY? YOU DON'T KNOW ME SO YOU BETTER GET OUT OF MY WAY!''
O.O'' patay.
'' Sorry po. Sorry po.''
Nasobrahan ata ako pagkukwento sa inyo.
ayyy... Hindi yun yung title ah.. masyadong mahaba para sa Short Story ng buhay ko.
'' Sa susunod na makita ko yang pagmumukha mong paharang harang sa dinadaanan ko....''
lumapit sya sa tenga ko at bumulong..
''patay ka saken''
*wooooooshhh* (tunog ng hangin yan wlang aangal.XD)
kinilabutan ako sa sinabi nya.
Dumaan na sya sa kinatatayuan ko with matching bangga-bangga-shoulder effect,
And that's the start of my Story-________-''
Chapter 1:
*RRRRRRIIIIIIIINNNNNNNNGGGG*
Ang tunog na yan ang bumungad sa aking umaga.. Tsk. Tsk. Inaantok pa ako eh. -____-''
''oy Ran gumising ka na.''
'' Ma, give me 5 minutes.. 5 minutes pa Ma tapos gigising na ako.''
'' Ano kaya silbi ng alarm clock mo? Nag alarm clock ka pa...*dadadada*'
Tinakpan ko muna ang aking mga tenga. Dumadada este sumesermon nanaman sya eh. Sa totoo lang daig nya pa yung manok ng kapitbahay namin na walang ginawa kung di pumutak. -___-''
Haaaayyy.. Babangon na nga ako.
Pagkatapos kong maligo syempre nagpunas ng katawan alangan naman bihis agad basang basa pa. XD
'' Ma, papasok na po ako!''
''Oh sige anak. Ingat ka. Love you'' sabay halik sa noo ko.
Sweet nmn yan si mama eh. May pagka ano nga lang.. hmm.. mamaya ko na sasabihin. *^_^*
---Maria Asuncion Academy---
Iyan. yan ang aking pinapasukang school. Although mahirap lang kami, well hindi naman sobrang hirap na dadating sa point na kailangan namin manguha ng basura para lang mabuhay.. Yung tama lang. Nababayaran yung mga bills ng maayos yung ganun.
At ehem. May maipagmamayabang naman ako no. Matalino ako. (sabe ng nanay ko) Scholar ako at kung hindi dahil sa scholarship na iyon, hindi ako makakapasok dito.
'' Hey girl! Bago ka lang dito no? *^_^*?
''ahhh ehh oo. Bago lang ako dito. hehe .''
sino to? New friend ba? hahaha.. kakatuwa naman.
'' Oh. Let me introduce myself to you. I'm Yasmin Concepcion. 1st year din dito. At magkaklase tayo ^_^ and you're?''
Stalker ata to eh. Pano naman nya nasabi na magkaklase kami? Ano to? Gypsy? Manghuhula sa Quiapo?
''hmmm.. iniisip mo siguro kung pano ko nalaman na magkaklase tayo no?''
''Ah eh.. ehehe'' aba aba.. Tama ata hula ko.
'' because of your ID lace. ^_^ ''
Tinignan ko nang maigi yung ID lace ko.. at.. O.o
psh. bakit hindi ko napansin yun. Tanga ko. May nakalagay pala na Year at section sa ID lace. Tanga ko naman ohh..
'' hmm.. So may I know your name? ^_^''
'' Ah. Ako nga pala si...''
'' RAN!''
May tumawag sa akin.. anu bayan.
At nung makita ko kung sino ang tumatawa sa akin ..
O.O Oh my gaasshh O.O
''Dito ka rin pala nag-aaral?''
Yayyy.. Kapag sinuswerte ka nga naman ohh..
Wait. tinatanong nya ako. anu nga ulit tanong nya??
'' Miss? hello. Kausap po kita :)) ''
''Ayy sorry Yassi?''
''Yasmin. :)''
''Ayy sorry Yasmin.. Ako nga pala si Ran Rachel Suzuki. Ehehehe.''
''Aww.. Ang cute naman ng name mo. Parang sa Anime. ''
''uyy Ran sino yan?'' O.o
Huwag kang ganyan Gian.. Kinikilig ako. XD
'' ah eh. Si Yasmin nga pala.''
'' Oh hi there! ^_^''
'' Oh.. I'm Gian Constantino.'' at inabot ni Gian ang kanyang kamay para makipag shake hands kay Yasmin. Oh my Gosh.
At.. Nag shake hands na sila. ayy bakit ako walang ganun? TT.TT
''Oh I have to go guys.. My bestfriend is waiting for me. Seeyah! And Nice to meet you Ran and Gian! Gotta go. ''
Ang Cheerful naman nya.
''Sige sige bye yasmin! ^_^'' Palaam ko sa kanya.
And then.. biglang hinawakan ni Gian yung kamay ko na ikinagulat ko.. O.O
grabe na ituuuu.. >.<
'' oy Ran!''
aisshhhttt.. ayokong tinawag akong Ran eh. Mas gusto ko pa yung Rachel eh. pero ok lang. Sya naman ang tumawag eh.. yiee.. XD
''Oh bakit Gian?''
''Tara na sa classroom?''
'' Bakit magkaklase ba tayo?''
''Hindi ba halata sa ID lace?''
ayyy .. shete naman ohh.. nakalimutan ko nanaman.. -_-
''Ayy oo nga no. Hehe. Sabi ko nga eh. tara na.''
And the day goes on..
Chapter 2:
''Okay class your performance should be done tomorrow. Understood?'' sabi ng aming guro sa pamamahayag.
''Yes Ma'am''
''Okay Class dismissed''
Natapos din ang aming diskusyon ukol sa aming mga gagawing pagtatanghal para sa araw ng aming paaralan. At titigilan ko na ang pagsasalita ng purong tagalog. Dahil ang ilong ko'y dumurugo na.
Psh. anchuchu naman ohh.. bakit ba ako nagtatagalog ng ganun? tss..
''hey there Ran! *^_^^''
Si Yasmin pala.
''Hi Yasmin! Tawagin mo ko sa second name ko. Hindi ako sanay eh. ehehe'' Anu ba hindi pa tayo close para tawagin mo ko sa pers neym ko no. Mean ba? Well don't care.
''Ayy.. ahaha. sige sige. Rachel may itatanong lang ako.''
aba. ang seryoso nya ata.
''Ano yun?''
''Ano ipeperform mo bukas *^_^*''
ayy dyusme. Akala ko kung ano itatanong. -___-''
''Pag-iisipan ko pa eh.''
sa totoo lang naisip ko na kung ano yung ipeperform ko bukas. Ayoko lang may makaalam. Para Surprise di ba? xD
''Ay ganun. Ako meron na kong naisip *^_^*''
Hindi naman ata siya hyper ano?
''Pero kailangan ko ng kasama para maperform ko yun. Pwede ka ba? *^_^*''
''Bakit ano ba yung ipeperform mo?''
''Gusto ko sana gumawa ng banda. Gusto mo ba sumali? ^_^''
Hannuubbaayyaann. BANDA? tssss.. anung talent naman ang maiaambag ko dun?
''Ahh.. ehehehe.''
''Sige na! Sige na! Please Rachel?'' with matching puppy eyes pa.. Wushuu.. Di tatalab sa akin yan..
''Rachel! Please! Please!''
''Pagbigayan mo na Ran.''
at may biglang sumingit. Sabay akbay sakin. >.>
''Payagan mo na Ran. Marunong kang mag drums, guitar, piano/organ at kumanta di ba?'' sabay wink sakin.
Pisti ka Gian. Lagot ka sa akin. Kahit na crush kita.. naku lang.
''Wow! Rachel you can play it all? O.O''
''Ahh ehh.. hehe. Yes?''
''Well that's great! So sasali ka na?''
tumingin muna ako ng matalim kay Gian.
''Sige.''
''Yipeee! *^_^*'' Sabay yakap sakin. Habang si Gian nasa harap ko at pilit pinipigilang tumawa. Pisti ka. >.<
''So mamaya ang practice natin ah. Sa bahay namin. See you there''
''Ayy teka wait Yasmin hindi ko alam----''
''Don't worry, sabay tayo papunta sa bahay namin ;)''
''Okey.''
at pumunta na si Yasmin sa kanyang pupuntahan. Sa canteen ata. Lunch break na rin kasi eh.
*Pfffffft*
Habang ako ay may kasamang lalaking nagpipigil ng kanyang tawa.
>.> --Ako
siya -- ._.
''GIAN CONSTANTINO!!! MAMAYA KA SA AKIN!''
''Naku. Lagot ako. Nainis ko na ang Dragon!'' Sabay takbo palayo sa akin.
''ANNUUNNGG SSAAABBII MMOO!!!''
At ayun naghabulan lang naman kami ng naghabulan.
Nakakahiya. Baka mahuli pa kami ng mga teachers dito. Kaya tinigilan ko na siya. Mamaya lang talaga siya sa akin.
*After Class*