*CLICK*
"Hoy babae kanina ka pa selfie ng selfie diyan pakain ko sayo yang phone mo eh"
"Eh kasi naman eh 100+ na ang selfie ko pero ni isa don hindi pa den nilalike ni CRUSH sa facebook" sabi ko ng nakapout
"Girl, paano niya ilalike shunga ka ba? Ni hindi mo nga siya friend sa facebook"
"Malay mo don sa 1,000,000+ friends ko nandon siya.. Iba lang yung name niya :3"
Yes ang dami kong friends no? Mga tagahanga ko yan at ineexpect ko na sa mga friends ko na yan ay nabibilang diyan si Vince ang aking ultimate crush.. Tinry ko na kasing icheck yung name niya sa facebook pero waley siya don
"Ewan ko sayo Yanna sinasayang mo ang panahon mo sakanya.. Look Yanna maganda ka shunga lang.. Naghihintay ka don at nagpapakavain ka para sakanya"
"Look Chloe hindi ako nagpapakavain for him.. Alam ko kasi sa sarili ko na maganda ako at may karapatan akong mag selfie"
"Ang hangin nililipad ata ako?"
"Che tumigil ka nga...."
Inupload ko yung selfies ko sa fb.. And afte a few seconds may naglike na!
Ako na sikat haha joke :) humble po ako
Kasali kasi ako sa cheerleading kaya medyo sikat.. Tapos si Vince naman isa sa magaling na basketball player
Tinignan ko kung sino naglike pero hindi ko siya kilala kasi nakahidden identity siya eh... Tss wala akong pake hindi naman siya si Vince eh..Ang pangalan kasi nung naglike sa picture ko ay PEETA MELLARK..
After kong magselfie pumasok na ako sa next class ko
"Okay class may contest tayo, kung sino ang may pinakamagandang selfie ay makakadate ang kahit sino sa mga sikat na lalaki or babae dito sa school natin okay? Pipili kami ng isang babae at isang lalaki"
Shemay! Eto na yon! Sa ganda kong to wala ng kakabog pa! Shete eto na ang chance ko para maging close si Vince
-------------------------------
Eto na ang time ng pagpasa ng mga picture... Ang pinakamaganda kong picture syempre ang binigay ko
After maipost lahat ng picture sa may lobby tinignan ko isa-isa
Mga walang panama sakin haha ang yabang ko haha
Tinignan ko naman yung sa boys
Nagulat ako ng makita ko si Vince don.. Seriously? Nagseselfie siya? Turn off ba ako? No mas na turn on ako kasi ang gwapo niyaaaaa :)))
Pero hindi siya pwede manalo kasi baka iba yung piliin niya :( for sure naman na kaya siya sumali diyan ay may gusto siyang makadate.. At hindi ako nag-aassume na ako yon... Mahirap na :(
---------------------------------
Nagdaan ang isang linggo... At eto na ang time ng pagpili ng mananalo
Kinakabahan ako na naeexcite *O*
Nagbobotohan na ng mananalong best selfie
After 3 hours
Iaanounce na ang winners shete kinakabahan ako
"Okay sasabihin ko muna ang top 10"
Ay daming ekek :(
Sa top 10 kasama ako at si Vince
"Okay so top 5 naman"
Ay pabitin much? Kung ibitin kaya kita patiwarik? joke lang
Ang nag-aanounce ng winner ay yung ssg v.pres ako kasi yung pres. eh
Ang top 5 ay ako, si Marge, Celine, Mary at Sheryl
Sa lalaki naman ay si Vince, Drake, Blake, Sean at Miguel
Ang intense ng laban kasi pare parehas kaming may laban :)
"So the winners are Vince and"
Aw sayang naman :( Wala na akong pag-asa kahit ako pa yung AND na yan kasi baka iba din ang piliin niya
"Yanna!"
Malungkot ako kahit na ako nanalo... Anong sense ng pagpili ko sakanya kung iba pipiliin niya diba?
Ano ba yan :(
"Gooooo Yanna!"
"I love you Yanna!"
"Ganda mo Yanna"
"Gwapo mo Vince"
"Love you papa Vince"
"Ako nalang piliin mo Yanna"
"Ako Vince!!!"
Tss.. Siguro si Drake nalang yung bestfriend kong lalaki :(
"So Vince sino pipiliin mo?" Tanong ng host
Ayoko madinig :'(
"Si Aundrea"
Yeah his bestfriend :(
Okay lang ako :(
"Ikaw naman Yanna?"
"Si Drake"
Siguro si Aundrea ang gusto niya talaga :( Ang sakit
-----------------------------------
Pagkatapos ng contest na yon. Lalo pa kami naging close ni Drake...
At ganon din sila Aundrea at Vince
Kada maglulunch kami katapat namin ang table nila kaya dinig na dinig ko ang sweet convo nila ni Aundrea
Naglalakad ako papuntang classroom ngayon,, Mag-isa lang ako kasi mamaya pa sila Chloe eh
Habang naglalakad ako may nadinig akong nag-uusap.. Nagpatuloy lang ako pero ng marinig ko ang pangalan ni Vince napahinto ako
"Bro tulungan niyo naman ako kay Aundrea dali na"
"Bahala ka bro.. Ikaw na kasi ang dumiskarte"
"Eh ang hirap naman kasi eh..."
"Ang torpe mo pre"
"Ok bukas isusurprise ko na siya.. Bukas na ako aamin... Di ko na hihingin ang tulong niyo inaasar lang ninyo ako eh"
Ang sakit lang madinig yon kaya tumakbo ako palayo habang umiiyak
Pumunta ako sa cr at naghilamos... Inayos ko ang sarili ko at lumabas na
Pagpasok ko sa room nandoon na sila Chloe
I know na nahahalata na nila ako pero sabi ko mamaya ko nalang ikukwento
--------------------------------
Siguro naman wala na akong mailuluha mamaya sa confession ni Vince
Sana tapos na kagabi
Naglalakad na ako papasok nakita ko na nagkukumpulan ang mga estudyante sa gate
"Bessie tara sama ka sakin"
"Ha bakit?"
Di na niya ako sinagot, tinakpan na niya ang mata ko
"Hoy Chloe pag ako nadapa lagot ka sakin"
Hindi pa den siya sumagot
"Seryoso ako..."
Pero wala pa den
"Saan ba kasi tayo pupunta"
Wala pa den
After non di na ako nagsalita hanggang huminto kami
Pero nagtaka ako parang wala na si Chloe sa tabi ko
Unti unti kong tinanggal ang piring sa mata ko at naluha nalang ako sa nakita ko
May malaking screen sa harap at pinapakita ang mga SELFIE ko
Sinasabayan iyon ng kanta
Para saan to? Anong kalokohan nanaman tong ginawa ni bessie
Pero hindi kaya si hindi si Aundrea ang gusto niya
Baka si bessie nga ang nagpasimuno nito
Pero ang ipinagtataka ko lang eh yung kanta
Playing: The only exception
Ang sweet talaga ni bessie dahil siguro BH ako
Pero mali ako hindi si bessie yon
Si Vince?
Alam niyo kung paano ko nalaman?
Eto may nakasulat na ganito dun sa slideshow
"I LOVE YOU Allana Guevarra... Matagal na kitang gusto Yanna torpe lang talaga ako pasensya na pero kahit ano ang sagot mo dito sa tanong ko tatangapin ko... Yanna will you be my girlfriend?"
LOVE VINCE
After nung slideshow lumabas si Vince kumakanta at may flowers
Naiiyak ako :'(
Lumapit siya sa pwesto ko at lumuhod
Naghiyawan ang mga students sa paligid
Pagkatapos ng kanta ay nagsalita na siya
"Allana will you be my girl?"
Ngiting tanong niya
Tapos may binuksan siyang box na may silver na singsing
Doon ako lalo naiyak
Totoo ba to?
"No,,, Tumayo ka"
Mukhang nagulat siya pero tumayo naman siya
Pagkatapos non hinampas ko siya habang umiiyak
"Nakakainis ka! Akala ko si Aundrea ang gusto mo! Narinig ko usapan niyo eh! Tapos siya pa pinili mo nung sa contest! Di mo ba alam na matagal na kitang mahal? Ikaw kasi eh! Pinaiyak mo pa ako kagabi! Ayan tuloy ang pangit ko ngayon!"
Natawa naman siya ng onti
Baliw ba siya? Umiiyak na ako tumatawa pa siya!
"Allana" sabi niya at pinigilan ako sa kakahampas ko
"Magpatulong sana ako kay Aundrea magconfess kaya siya ang pinili ko kasi bestfriend ko siya... At yung pinag-uusapan naman namin kahapon ayaw kasi akong tulungan ni Aundrea kasi ako na daw dapat ang dumiskarte sayo"
>///<
Eh?? Maling akala nanaman ako
"At Yanna hindi ka pangit... At never kang magiging pangit... Dahil para saakin ikaw lang ang nag-iisang maganda sa mundong ito.. Ikaw ang pinakamaganda"
Shete kinikilig ako
"Yanna.. Totoo yung sinasabi ni bespren tsaka ano ka ba may boyfriend ako si Troy" Aundrea
Ay? weh?
"Sorry Aundrea"
"No need sige na sagutin mo na ang tanong ni Vince"
"Take 2: Allana will you be my girl?"
"Yes"
After non sinuot niya sakin ang singsing
"Hindi mo to pwedeng tanggalin kasi once na tinanggal mo to isa lang ang ibig sabihin non.. Break na tayo"
Nag nod lang ako at ngumiti
"One more thing.. Ako si Peeta Mellark"
What!?! O_O
"Ha!" Napasigaw ako non.. Sorry naman po
"Yes ako yon... Nag disguise lang eh kasi torpe eh pasensya naman"
"Okay lang" nginitian ko siya
"At dahil ako si Peeta ikaw ang Katniss ko"
Kinilig naman daw ako don
"Ay isa pa pala... Bawal ka na magselfie"
"What?!"
Literally lumaki ang mata ko
"Oo.. Kasi sa bawat picture mo ngayon ako na ang kasama mo"
Napangiti ako sa sinabi niya
Nagnod ako at pagkatapos binuhat niya ako at inikot ikot.....