Hold Me More (More Trilogy #2)

By FGirlWriter

3.2M 117K 22.9K

More Trilogy Book 2: Hold Me More (2017) Mga taon ang lumipas at kahit siya ang nang-iwan, hindi alam ni Czar... More

Content Warning and Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Two

108K 3.7K 721
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-TWO

IT WAS in the middle of the year 2010 when Czarina realized that she wanted Bari back in her life.

            "Wala ka niyon sa bahay niyo. May business trip ka daw sabi ni Mama Bella." Pinaglalaruan ni Czarina ang mga daliri niya habang nagkukuwento kay Bari. "Sabi ko sa kanya, gusto ko sanang makipag-usap sa'yo. She guessed right away that I... I want you back. Pero pinigilan niya muna ako. Sabi niya sa'kin, pag-isipan kong mabuti kung iyon ba talaga ang gusto ko o nadadala lang ako sa emosyon ko. Iyon din ang oras na sinabi sa'kin ni Mama Bella na magpatingin daw ako sa psychologist or psychiatrist. Dahil baka may mali sa'kin..."

            "Nagpatingin ka ba kaagad?" he asked softly.

            Umiling siya. "Nagalit ako kay Mama Bella kasi parang hindi ko matanggap na pinapalabas niyang may problema ako sa utak. Which is true pala. But I denied it for years. Nalaman ko lang rin ng March or April this year, Bari." Napalunok siya. "Ngayon ko lang tinanggap. At gusto kong gumaling. I've been under therapy since then."

            "And how were you doing?"

            "Sabi ni Dra. Alicante, may improvement daw ako. I need to continue doing this for a year or two. Depende sa kung paano ako makiki-cooperate." Unti-unti siyang nag-angat ng tingin dito. "Noong nagalit ako noon kay Mama Bella, sinabi niya rin sa'kin na hindi niya 'ko hahayaan na makipagbalikan sa'yo dahil b-baka masaktan na naman kita... S-She told me that... that..." Naiyak na naman siya. "You got your second heart attack w-when I left you."

            Napabuntong-hininga ito at napasandal sa upuan ng kotse.  "It was a mild attack," anito na tila hindi big deal iyon para dito.

            "I almost killed you!"

            "I don't die just like that," wika nito sa mahinahong tinig. "I was hurt too much, Maria Clara. I've been avoiding feeling too much. Dahil bawal sa'kin pero kapag ikaw, everything I feel is too much."

            Naiyak siyang lalo imbes na kiligin pa. "See? I'm right from the very start that I'm no good for you."

            "It's not because of you. I just let myself to be too emotional when it comes to you. I have a choice to always hold up my guard. But I chose not to. I've been very careful as I drink my maintenance." Niliko nito ang sasakyan at sa isang saglit ay nakapasok na sila sa loob ng village na tinitirhan niya. "I missed this place."

            "Huwag mong ibahin ang usapan." Now, she's grumpy. "May multivitamins ka pang nalalaman noon! Kung hindi ko lang ni-research na kapag heart-shaped medicines pala ay para sa mga may problema sa puso, hindi ko pa malalaman!" Sabay hampas niya sa braso nito. "Matagal ko nang gustong harapin ka tungkol sa sakit mo! Lalo na nang huminto ka na daw sa pag-inom ng gamot!"

            Huminto na ang Hummer sa mismong tapat ng bahay niya. "Can we not talk about that? I promised you that I'll take my medicines, again."

            Pinunasan niya na ang mga luha. "Okay..." Napasinghot siya." B-Bakit hindi mo sinasabi sa'kin ang tungkol sa sakit mo sa puso?"

            "When we got married, I was finding the right time. Ang plano ko ay kapag umabot na tayo na kalahating taon na kasal at saka sasabihin sa'yo iyon."

            Ngunit hindi sila umabot ng kalahating taon. "B-Bakit hindi sa umpisa pa lang?"

            Nagkibit-balikat ito. "We were in the hype of happiness. I can't spoil that. Isa pa ay hindi naman malala ang sakit ko sa puso. I thought it was irrelevant at that moment."

            "Irrelevant? Bagong kasal tayo noon! Mag-asawa tayo. Everything about us is relevant!"

            "Mag-asawa pa naman tayo ngayon. Kung hindi ka ba nagkamali sa pagpapadala ng email ay ipapaalam mo sa'king nagte-therapy ka?"

            Napakamot na lang sa pisngi si Czarina. Talo siya sa argumentong iyon.

            "You'll resume drinking your meds, okay?" aniya na lang bago bumaba ng sasakyan.

            "I will as long as you don't skip your therapies."

            "Perfect attendance kaya ako!"

            Umangat ang gilid ng labi nito. "Very well."

            "Sabihin mo sa'kin kapag nakabalik ka na sa doktor mo at nag-umpisa ka na ulit uminom ng gamot. I-send mo sa'kin ang oras ng pag-inom mo dapat. Tapos sa Facebook chat, magpapadala ka ng video na umiinom ka nga ng gamot."

            Bari bit his lip, avoiding his smile. "I have to do that?"

            "Aba siyempre! Para sigurado ako na ginagawa mo nga."

            "You don't trust me?"

            "Ha! Huwag mo 'kong papaandaran ng ganyan, Crisostomo Ibarra delos Santos!" Binuksan niya na ang pinto at bumaba. "Gagawin mo ang mga sinabi ko sa umpisa lang naman."

            "Paano naman ako makakasigurado na lagi kang nagte-therapy?"

            "Ask Dra. Alicante! Ninang mo siya, hindi ba? At kung gusto mo, magpapadala pa 'ko ng selfie lagi sa'yo kasama siya. Every session."

            "Sounds fine to me."

            "Good night, Bari."

            "Good night."

            Sinara niya na ang pinto at dumiretso sa gate. Agad siyang pinagbuksan ng security guard. Pagpasok niya ay umalis na rin ang Hummer. Nang gabing iyon, maayos na nakatulog si Czarina. Mas magaan ang pakiramdam niya.

            Kinabukasan, nagsulat lang si Czarina pagkagising niya at pagkatapos ay pinag-aralan ang profile ng mga bago nilang "target" ni Bari. Alas kuwatro na ng hapon nang makatanggap siya ng text message mula kay Bari.

            From: Bari

            I sent you something on Facebook.

            Binitawan niya ang binabasang profiles at agad na nagbukas ng browser sa laptop niya. She opened a chat from him on Facebook.

            Photos!

            May larawan ng ospital kung saan ito pumunta. Sumunod ay larawan ng opisina ng doctor nito. Ang pangatlo ay larawan na ng isang matandang doktor na lalaki.

            Czarina: Nandyan ka ngayon?

            Bari: Yes.

            Czarina: Weh? Paano kung pinakuha mo lang iyan kung kanino o nakuha mo lang sa internet?

            Bari sent a photo.

            Kinuhanan nito ang kamay kung saan nakasuot ang wedding ring nila habang inaabot ang reseta ng gamot ng doctor.

            Bari: Happy?

            Nagpadala siya nang tumatawang emoticon, nakangiting emoticon, at heart emoticon.

            Hindi na nag-reply si Bari kaya nag-log out na siya. Hindi naman niya akalain na agad itong magbabalik sa doktor nito pero mas maganda!

            Nakangiti si Czarina nang binalikan ang mga ginagawa. Nang sumunod na araw ay siya naman ang may therapy. Nag-selfie siya kasama ang psychiatrist niya at pinadala iyon kay Bari.

            "You look happy," ani Dra. Alicante.

            Napaangat siya ng tingin mula sa pagta-type sa cellphone. "Maganda lang po ang gising ko. Magsisimula na po ba tayo?"

            "Whenever you are ready."

            Tumango si Czarina at tinago na ang cellphone sa loob ng bag. Nagsimula na ang therapy. Nang gabing iyon ay muling nakatulog si Czarina nang mahimbing. Bukas na ang birthday ni Johann. Another surprise wedding!

            Bago siya tuluyang makatulog ay nag-check muna siya ng message sa Facebook. Napangiti siya nang malaki dahil nagpadala si Bari nang video! Umiinom na ulit ng gamot.

            Czarina: Very goooooood! :D Who captured the vid?

            Bari: Mama did.

            Czarina: I so love Mama Bella! Supportive! See you tomorrow!

            Bari: See you, dear. Good night.

            Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ni Czarina hanggang sa makatulog siya. Para siyang kinikilig? Totoo ba? Ah, basta. She felt like the sixteen-year old Czarina, again. It was the time that everything's good between her and Bari.

            Masaya lang. Kahit naghihintayan pa sila bago siya makapagtapos ng college. At ngayon ay ginagawa nilang ulit na dalawa iyon.

            Ang maghintay sa isa't isa. Maybe, they can do this like before.

♥ ♥ ♥

            Pagkarating ni Czarina kinabukasan sa kung saan ikakasal ulit si Sapphire at Johann ay marami nang tao doon. Nag-uumpisa na rin ang kasal. Ibig sabihin tapos na ang sorpresa.

            She saw Bari with his cousins. Lumingon si Gideon at nakita siya. Siniko nito si Bari. Maya-maya ay ito na ang nakalingon sa kanya.

            Nag-thumbs up siya. Ibig sabihin ay na-execute nito nang mabuti ang sorpresa kasama ang mga pinsan nitong lalaki.

            Pagkarating sa reception ay tuloy-tuloy ang kasiyahan ng mga tao. Agad na napansin ni Czarina sina Gideon at Haley na pasimpleng naghawakan ng kamay at tumungo sa buffet table. Luminga-linga pa ang babae para masiguradong walang nakakita sa ginawa ng mga ito.

            Tumalikod si Czarina at lihim na natawa. Akala ba ng mga ito na matatago nito iyon kay Bari? Si Bari pa ba?

            Siya naman ang sumimple at lumapit dito. He was drinking wine alone.

            "Nakita mo sina Haley at Gideon kanina?" bulong niya rito.

            "I did. I'll talk to Haley later."

            "Ready your face, Ibarra. I have a strong feeling you'll get slapped, again."

            Ngumisi lang ito. "Sumenyas ka sa akin kapag napansin mong pupunta ng comfort room si Haley. Basta malayo kay Gideon."

            "Opo, mahal na hari."

            Naglakad si Bari papunta sa mga pinsan nito. Siya naman ay sinubukang lumapit kanina Johann at Sapphire na nagsi-sweet dance sa gitna ng dance floor.

            "Johann... Kuya Johann?" tawag pansin niya rito.

            Agad naman itong napalingon. "Uy! Ikaw pala!"

            Ang huling pagkikita pa nila ay iyong hinalikan niya ito at sobrang nagalit ito sa ginawa niya. Pero ngayon ay mukhang wala na iyon dito.

            Nginitian niya ito. "Peace na tayo, ah? Iyong kiss, acting lang iyon," pag-amin niya rito. "Pati lahat ng sinabi ko, scripted."

            "Aha! Kaya naman pala!" bulalas nito. "Sige na, kalimutan na natin iyon. Kasabwat ka pala nila sa pagpapasaya sa'kin ngayon kaya okay na. Absuwelto ka na. Basta huwag mo nang uulitin iyon."

            Agad siyang tumango. Wala naman talaga kasi siyang planong manghalik pa ng ibang lalaki maliban kay Bari. Talagang ginawa niya lang iyon para mahinging kapalit kay Bari ang muling pagpapagamot nito ng sakit sa puso. Which she successfully did. Kaya maayos na rin.

            Pagkatapos niyang batiin ng "happy birthday" ito ay nilayuan niya na rin ang dalawa dahil halata masyadong gustong makapagsolo ng mga ito.

            Sapphire mouthed "thanks" to her before she left. Tinanguan niya lang ang babae. Seeing Johann and Sapphire together, she can now see what Bari saw before. Bagay na bagay nga ang dalawa. Maybe because it's the way the couple looked at each other. Nag-uumapaw ang pagmamahal.

            She thought, ganoon din sila ni Bari nang bagong kasal noon. She missed the feeling of being young and so in love.

            Siguro ay matagal na oras pa ang nagdaan bago napansin ni Czarina na tumayo si Haley at pumunta sa direksyon ng banyo. Agad niyang hinanap si Bari upang senyasan ito. Pero hindi niya makita. Nasa labas daw nang tinanong niya si Agatha.

            Pagkalabas ni Czarina nang parking lot ay nakita niya itong kausap sina Johann. Mukhang aalis na agad ang kinasal. May dumating na limousine. May sinabi si Bari na hindi niya naintindihan. Sumakay na sina Sapphire at Johann sa mahabang sasakyan. Sinara ni Bari ang pinto at agad na umalis ang sasakyan. Nang masiguro niyang malayo na iyon ay saka siya lumapit sa lalaki.

            "Bari, si Haley, nakita ko nang pumunta sa comfort room. Bilisan mo bago siya makabalik ulit sa reception area."

            Namulsa ito at tumango. Ilang hakbang lang ay nasa loob na ulit ito ng reception. Sinundan niya ito hanggang sa may comfort room area. Nagtago si Czarina sa likod ng pader habang si Bari ay tumayo sa bungad ng pinto ng ladies' room.

            Hinanda na ni Czarina ang sarili. Lalabas na ulit si Papa Santi sa katauhan ni Bari. Alam niya na ang papatamaang issue ni Bari kay Haley.

            Her youth.

            "Young and in love. How foolish can one get?" narinig niyang pagsisimula ni Bari. Kung ganoon ay kaharap na nito si Haley.

            Naririnig niya ang pagtataray rito ni Haley.

            "Sa tingin mo, magtatagal kayo dahil lang sa pag-ibig?" Bari asked a little while.

            She chuckled. "What kind of question is that and what the hell are we talking about this?"

            "I can see it through you, Haley. You want to marry Gideon and be his wife. You were so inlove that marriage is the best option for you and Gideon to be together...forever, am I right?"

            "Hindi ba iyon naman ang naiisip ng lahat ng nagmamahal? Ang maikasal sa taong minamahal nila? What's wrong with that?"

            "Bata ka pa."

            "Excuse me, I'm already twenty-two!"

            Oh, girl. I was twenty when I got married, alright?

            "Still, like a flower, you're just starting to blossom in life. There's a lot of things out there, Haley, that you need to discover and learn more."

            Narinig ni Czarina ang pagsara ng pinto. Pumasok si Bari sa loob ng ladies' room! Agad siyang lumapit at nilapat ang tainga doon. Bari locked the door, too.

            "Mahal mo si Gideon at ang tanging nasa isip mo ngayon ay magpakasal sa kanya. Pero, paano nga kung makasal kayo ngayon then you begin to discover the fullest potential of your youth?" marahang sabi Bari. "Two to three years from now, magbabago at magbabago ang mga perception mo sa buhay at mag-iiba ang ikot ng mundo mo. Iyong mga pinaniniwalaan mong akala mong totoo, puwedeng mali pala. Iyong mga desisyon na gagawin mo ngayon puwedeng hindi na umakma sa mga desisyon na puwede mo pang gawin sa mga susunod na araw, linggo, buwan, at taon."

            "What are you trying to say?" Haley snapped.

            "Gideon will ask you to marry him sooner than later."

             "H-He will?"

"Huwag ka sanang pumayag."

            "W-What?!  Anong karapatan mong sabihin sa'kin iyan?"

            "Papayag kang magpakasal dahil mahal mo siya. Love. It makes the young girls swoon and be foolish. Padalos-dalos na mga desisyon ang nagagawa ng karamihan ng kabataan dahil sa pag-ibig."

Tahimik na napabuntong-hininga si Czarina. Iyon din ang pinanlaban sa kanya ni Papa Santi noon. He made her insecure about her youth. Siguro, doon naman humugot si Bari ngayon... sa experience nito sa kanya.

"Let's get practical here, Haley. Kahit sabihin mong twenty-two ka na, bata pa rin iyon. Puwedeng pipiliin mo si Gideon ngayon pero paano kung dumating ang araw na mapagtanto mo na baka hindi naman pala talaga siya ang para sa'yo?"

            "That will never happen!"

            "How sure are you?"

            Hindi nakasagot si Haley.

            "Haley, marry Gideon when you're ready. I won't question your love for each other but I'm just concern of the decisions you will make. Ayokong umabot sa punto na kasal na kayo at saka mo napagtanto na hindi pala si Gideon ang lalaking gusto mo makasama habang buhay. Marry him when you're ready and still in love with him."

            "P-Paano mo naman nasabing h-hindi ako handa?"

            "Because you're Haley. Bata ka pa. Pabago-bago pa ng isip. Paiba-iba pa ng mga desisyon."

Napangiwi si Czarina. Sounds like her before, too.

"Katulad nang... gusto mong mag-aral sa isang art school pero ayaw mo na bigla dahil gusto mo magpakasal kay Gideon at maging asawa niya."

            "What the--? Paano mo nalaman iyan?" gulat na tanong ni Haley rito.

            Girl, that's Crisostomo Ibarra delos Santos. He's the next Google.

             "I have a way of knowing things, Haley. I have lots of ways. Now, kung nagagawa mong bastang talikuran ang isang rare opportunity na makakahasa sa talento mo para lang kay Gideon, what's the chance that you won't turn your back on him when the time comes you wanted to be free? Marriage, Haley, is spent for a whole lifetime. Kapag nagpakasal ka nang hindi pa handa, everything will be a mess."

            Napatango-tango na lang si Czarina. She can't agree more. Napagdaanan na nila ni Bari iyon.

            "Huwag kang magpapakasal kay Gideon hanggang sa hindi ka handa. Mas masasaktan mo lang siya. Kapag inalok ka niyang magpakasal, masakit kung tatanggihan mo siya. Ngunit mas ayos na iyon kaysa buong buhay mo, pagsisihan mo na maaga mong tinali ang sarili mo sa kasal. Dahil sa totoo lang, papayag kang magpakasal dahil ikasisiya mo iyon at hindi dahil sa ikasisiya 'niyo'. You'll have him all by yourself. Still selfish, aren't we, little playgirl?"

            "Damn you!"

            Biglang napatakbo si Czarina sa loob ng Men's room para magtago. Bigla kasing bumukas ang pinto at tila palabas si Haley! Napahawak siya sa dibdib nang mabilis siyang nakapagtago. That was close!

            Sumilip siya at nakitang hinila ito ni Bari pabalik sa loob. Then, he was slapped! So hard.

            Nanlaki ang mata ni Czarina dahil sobrang matunog ang sampal! Aba, aba! Kawawa naman ang Bari niya!

            Akmang sasampalin ulit nito si Bari nang mabilis iyong napigilan ng lalaki.

             "Oh, no. No more slapping, playgirl! Isang sampal sa isang babae lang!" bulalas ni Bari.

            Tama! Nakaka-tatlo na si Bari! Grabe naman 'tong mga babae ng pinsan nito. Kung alam lang ng mga ito ang tunay na intensyon ni Bari!

            After a while, nakapagpaliwanag na si Bari at napalinawan si Haley nang gusto nitong mangyari. Haley agreed to have a surprise wedding on Gideon's birthday which is two months away. Ayos na daw iyon para sa paghahanda ng kasal.

            Pumasok si Bari nang comfort room at napakunot-noo ito nang makita siya. "Why are you here?" takang-takang tanong nito.

            She chuckled. "Dito ako nagtago habang nasa kabila kayo ni Haley." Napatingin siya sa pulang marka sa pisngi nito. Napanguso siya. "Kawawa ka naman. Nasampal ka na naman. Ikaw naman kasi masyado mo silang sinasagad. Pangatlo mo na iyan. May apat ka pang pinsan na natitira!"

            Nagkibit-balikat lang ito. "Wait for me outside, will you?"

            Tumango naman siya at agad na lumabas ng Men's comfort room. Pagkalabas ni Bari ay inalok siya nitong ihatid pauwi.

            Tumango naman siya. Pagkarating nila sa parking lot ay gustong-gusto niyang abutin ito at haplusin ang nasampal na pisngi nito. But the rules still apply.

            "Ahm... can I touch you?" lakas-loob niya nang tanong nang mas papalapit na sila sa Hummer nito.

            Napalingon ito sa kanya. "Come, again?"

            "Puwede ba kitang hawakan? Like... caress your swollen face?" Hindi pa man ito sumasagot ay hinaplos na niya ang pisngi nitong halos magmarka ang kamay ni Haley. That brat.

            "I'm alright," anito at iniwas ang mukha sa kanyang kamay. "Let's go."

            Napabuga siya ng hangin. "Next time, huwag mo naman saluhin ang sampal. Umiwas ka rin."

            Pinagbuksan siya nito ng pinto ng Hummer at pagkatapos ay umikot ito mula sa driver's seat. "I think I deserve this. I said the meanest things a guy should not tell a lady."

            See that? He's a true-blue gentleman! "Sa susunod mag-iisip tayo ng bagong tactic. Pero alam mo, na-review ko na ang profile ni Crsytal Jane. Baka hindi ka niya masasampal dahil sobrang bait niya. Kahit sa picture na binigay mo, ang bait niya tignan."

            Nagkibit-balikat lang ito at nagsimula na silang umandar.

            "Ininom mo na ang gamot mo?" tanong niya nang wala siyang maisip na pag-usapan nila.

            "I did."

            "Don't skip, okay?"

            "I won't."

            Tumango lang siya. There was dead-air. Wala na silang mapag-usapan pa. At dahil hindi naman malayo ang village nila kung saan ginanap ang kasal ay agad siyang naihatid ni Bari. Paghinto ng Hummer sa tapat ng gate ay hindi gustong gumalaw ni Czarina.

            She wanted to stay longer with Bari.

            "Call me if you have planned everything out for Ramses and Crystal Jane. Mas maingat sila kaysa kanina Gideon at Haley. But I'll deal with them after Gideon."

            Tumango siya. "Update mo na lang rin ako sa magiging plano ni Haley para makagawa na rin ako ng script for the expected scenario bago i-surprise si Gideon."

            "I will. Have a good night, Czarina."

            "Okay."

            Pero hindi pa rin siya bumababa ng sasakyan. Bari must have felt it her reluctance. Sumandal ito sa kinauupuan at pinadaan ang daliri sa baba. "Anything else?" he asked her.

            Napalabi siya at bumaling dito. "I want to kiss you."

            Pumungay ang mga mata nito at nag-iwas ng tingin. "We can't. We have a deal, right? If we do that, ano pang saysay ng desisyon nating hindi muna magkabalikan ngayon?"

            "Kaya nga sabi ko, gusto ko lang, eh. Kung hindi ka papayag, wala naman akong magagawa." Binuksan niya na ang pintuan. Gusto niyang tumakbo paakyat sa kuwarto niya at magtago sa ilalim ng kumot.

            "Mag-iingat ka sa pagmamaneho," aniya bago isara ang pinto. "Good night, Bari."

            Tumango ito. "Good night, Czarina."

            Sinara niya na ang pinto at dumiretso na sa gate kung saan agad siyang pinagbuksan. Pagdating niya sa kuwarto ay napabuntong-hininga na lang siya.

            Tumingin siya sa kalendaryo. It's just August 2014 and they have a long way to go. Kaya naman niyang maghintay katulad noong sixteen pa siya. Mabilis lang ang mga araw. She focused on school, then. Ngayon ay magpo-focus siya sa pagpapagaling para hindi siya mainip.

            At hanggang sa alam niyang naggagamot na ulit si Bari ay panatag siyang magiging mas maayos ang kalagayan ng kalusugan nito.

            Iyon ang huling pagkikita nila ni Bari makalipas ang isang buwan. Hindi pa ito tumatawag at wala pa siyang naiisip na ideya sa pinsan nitong si Ramses kaya naman nahihiya rin siyang tumawag. Ngunit ayos na rin siguro dahil hindi siya distracted sa mga therapies niya.

            "Czarina, your last book was a surprise hit! Puwede bang mag-booksigning ka ngayong taon, please?" pangungulit ni Kyle sa kanya. "At pumunta ka dito sa opisina dahil may gusto akong sabihin sa inyo ni Khalil."

            Kumagat siya ng toasted bread. "Sabi ko sa'yo, busy ako ngayong taon, hindi ba? Next year, pangako ko. Makapaghihintay naman ang readers ko."

            "Pumayag ka na! Sa booksigning mo rin ay ilo-launch natin ang huli mong nobela sa taong ito. Maganda iyon sabi ng mga editors."

            Napabuntong-hininga siya sa kakulitan nito. "Pag-iisipan ko, sige."

            "Okay. I'll see you here. Bukas."

            "Okay," pagpayag niya dahil wala naman siyang gagawin. Pagkababa niya ng phone ay tinawag niya ang Yaya niya. "Yaya! Ang sarap nitong toasted bread. Gawa niyo ba?"

            "Hindi. Bigay iyan nang kapitbahay natin dahil lumipat na sila sa ibang village kahapon lang."

            "Oh." That explains the moving trucks yesterday. Umalis na pala ang kabitbahay nila. "Bakante na ulit ang kabila, Yaya?"

            Pinagsalin siya nito ng orange juice. "Oo. Bakit?"

            Umiling siya at ngumiti. Ang sarap tawagan ni Bari ngayon at sabihin lumipat na lang ulit ito sa kabilang bahay.  Pero para ano namang rason? Mas maayos si Bari sa mansyon kasama si Mama Bella.

            Pagkatapos niyang kumain ay umakyat na siya sa kuwarto at nag-umpisang pag-aralan ulit ang character profile nina Ramses at Crystal Jane. Nang magtanghalian ay lumabas si Czarina para bumili ng paborito niyang yoghurt drink sa labas pa ng village nila. Inaya niya si Eugene na himalang walang trabaho at nakapirmi lang sa bahay nito.

            "Kumusta na si Heart?"

            "She's doing fine with her mom."

            "Kailan sila aalis ng bansa?"

            "Inaayos pa namin," anito. "Saan ba tayo pupunta?" nakakunot noong tanong nito dahil basta niya lang itong hinila palabas ng bahay nito.

            "Bili tayong drinks sa labas. Alam mo 'yung Snow Panda sa labas ng village? Masarap ang yoghurt drink nila doon!"

            Tumango lang si Eugene at sumunod sa kanya. Habang naglalakad sila palabas ng village ay may nakasalubong silang mga moving trucks.

            "Ay, lilipatan na pala ulit 'yung bahay sa tabi namin," aniya nang makitang papunta ang truck sa direksyon ng street nila.

            "I've heard." Tumingin sa kanya si Eugene. "Kumusta na ang pagpapagamot mo?"

            "Maayos naman. May improvements sabi ni doktora."

            "That's good." Hinawakan ni Eugene ang kamay niya nang hinila siya nito sa tabi. Muntik na siyang mahagip ng tricycle sa daan! "Puwede bang ipagamot mo na rin ang katangahan mo?"

            "Harsh mo naman, bes." Hinampas niya ito sa balikat. "Ikaw talaga, Eugene, kahit kailan ka—ay!"

            May dumaang kotse na hindi niya na naman napansin. Hinigpitan na ni Eugene ang hawak sa kamay niya at nilipat sa kabilang tabi nito. "Kung hindi mo 'ko kasama ngayon ay ilang beses ka nang nasagasaan."         

            Natawa siya rito. "Sungit mo talaga forever." Hinila niya ang kamay nito at parang bata na sabik siyang pumasok ng Snow Panda. Doon lang siya binitawan ni Eugene at um-order sila ng drinks. Eugene ordered hot tea. She ordered a blueberry yoghurt drink. They took out their drinks after paying.

            Kailangang umalis ni Eugene dahil sa biglang tumawag rito kaya naman mag-isa na lang siyang naglakad pabalik sa street nila. Nakabukas ang katabing bahay at nagpapasok ng mga bagong gamit doon.

            Lihim na napangiti si Czarina. It felt like déjà vu.

            "Clara!" tawag ng Yaya niya. "Handa na ang merienda mo. Kumain ka na."

            "Yes, Yaya!" Ngunit napahinto sa pagpasok si Czarina ng gate nang makita niya ang bagong lipat sa kabilang bahay.

            "Bari?!" bulalas niya at muntik nang mabitawan ang hawak. Napakurap siya nang ilang beses. "Bari?!" bulalas niya ulit. Anong—?

            Nilagay nito ang kamay sa bulsa ng maong na pantalon. Pawisan ang suot nitong gray shirt. Halatang tumulong sa paglilipat ng mga gamit.

            "Bari!"

            Lumapit ito sa kanya. Kalmado. "You said that three times already."

            "I-Ikaw ang bagong lipat?"

            Tumango ito.

            "B-Bakit?" Tago-tago ni Czarina ang mga ngiti.

            Nagkibit-balikat ito. "I bought back the property. And Mama's ready to move on from Papa. Gusto niya na nang bagong bahay."

            "Oh. So kasama mo si Mama Bella?"

            Tumango muli ito.

            "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na lilipat pala kayo dito?"

            Nang tumingin ito ng diretso sa mga mata niya ay kusang lumabas na ang mga ngiti niya at umangat ang gilid ng labi nito. "Surprise," Bari said.

            Nakagat niya ang ibabang labi. Masyadong nakikiliti ang puso niya!

            "Welcome to the neighborhood!" masaya niyang pagbati rito. Katulad nang unang beses na lumipat ito doon.

            "Thank you."

            Dumaan ang katahimikan sa kanila. Pinanood lang ni Czarina ang pagpasok ng mga gamit sa loob ng bahay nito. She don't know what to say.

            "I saw you and Eugene earlier."

            Napatingin siya rito. "Hmm?"

            "And holding hands."

            "W-Wala lang iyon..." This is just like before! And this is making her heart crazy! Natawa siya. "Wala lang iyon, siyempre. Katulad ng dati. We're still the best of friends."

            Hindi umimik si Bari.

            "Huwag ka na magselos."

            Hindi pa rin ito umimik.

            "Sige, balik na 'ko sa loob ng bahay. Huwag ka masyadong magpapapagod diyan." Tumalikod na siya ngunit tinawag siya nito.

            "Yes?" lingon niya rito.

            Hindi ito nakatingin sa kanya. Kunwari ay binabantayan nito ang paglilipat ng mga gamit nito. Hay nako, Ibarra!

            "Can you not hold hands with any other guy?" simpleng pakiusap nito.

            Dati noong bata siya ay tinatanong niya pa ang rason ngunit ngayon, "Of course. Hinila lang ako ni Eugene kanina dahil muntik na 'ko masagasaan."

            Tumango ito, kunwari hindi masyadong interesado sa sinabi niya.

            Napangiti si Czarina at sinipsip ang iniinom niyang drink. Napatingin sa kanya si Bari. "I'm not jealous."

            Pinigil niya ang matawa at dumiretso na siya pabalik ng bahay. Pag-akyat siya ng kuwarto ay agad niyang niyakap ang teddy bear niya.

            "Your Papa's too in love with me." Katulad ng dati ay maghihintay si Bari pero... sisiguraduhin nitong habang naghihintay ay malapit ito sa kanya.

            "And I'm so in love with him."

            She'll make sure that the wait will be worth around this time.

Continue Reading

You'll Also Like

49.6K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...
3.1M 73.5K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
4.9M 77K 28
With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa'...